You are on page 1of 19

9

10

Filipino 10
Ikatlong Markahan – Modyul 8
KAISAHAN AT KAUGNAYAN NG MGA
TALATA GAMIT ANG MGA PANG-UGNAY
SA PANUNURING PAMPELIKULA
(Katangian ng Bansang Africa at Persia)

NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Kaisahan at Kaugnayan ng mga Talata Gamit ang mga
Pang-ugnay sa Panunuring Pampelikula
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Donna Mae B. Tinguban, Marivic F. Cartagena


Editor: Gelyn I. Inoy, Rico C. Tañesa
Tagasuri: Christopher D. Montecino, Dustin Kiith P. Jagunos, Corazon N. Ras,
Freddie E. Ebañez, Rico C. Tañesa, Gelyn I. Inoy
Tagalapat: Wendell Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
ALAMIN

Mahusay! Binabati kita dahil maayos mong napagtagumpayan ang


mga gawain sa naunang mga aralin! Halika at samahan mo akong
maglakbay sa bansang Africa at Persia.

Sa modyul na ito, matutukoy at makikilala mo ang iba’t ibang pang-


ugnay na ginamit sa isang bahagi ng dayalogo. Kasabay rin nito ang
pagkilala at pagpapahalaga sa magandang katangian ng bansang Africa at
Persia.

Ngayon, ano pa ang hinihintay mo? Simulan mo na!

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata


gamit ang mga pag-ugnay sa panunuring pampelikula.
(F10PS-IIIh-i-83)

2. Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa


magagandang katangian ng bansang Africa at/o Persia
(F10EP-IIf-32)

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakatutukoy sa mga pang-ugnay na ginamit sa isang dayalogo;


2. Nakagagawa ng isang pagsusuri sa isang buod ng akdang
isinapelikula ng (Dekada 70) gamit ang mga pang-ugnay; at
3. Napahahalagahan ang mga magagandang katangian ng bansang
Africa at Persia at ang gamit ng pang-ugnay sa pamamagitan ng
paggamit at pagsasabuhay nito sa pang-araw-araw na buhay.

1 NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
SUBUKIN

Panuto: Isulat ang pangatnig na bubuo sa pangungusap. Piliin lamang ang angkop
na pangatnig na nasa loob ng kahon upang mabuo ang pangungusap.

subalit kaya dahil bagaman habang kapag


para upang samantalang o at kasi kung
ngunit at nang kahit hanggang bago sapagkat

1. Sa panahon ng krisis, tumataas ang presyo ng mga bilihin _________ ang


bayad sa kuryente.

2. Hindi ako nakatulog kagabi _________ masyadong maingay ang aking


kapitbahay.

3. Magsasanay ako tuwing hapon _________ gumaling ako sa pagtugtog ng


piyano.

4. Mahimbing pa rin ang tulog ni Juan _________napakalakas ng tilaok ng mga


manok sa kanyang bakuran.

5. Pagod na si Carlo _________hindi siya makatulog.

6. Si Patrick ang titingin sa mapa _________ nagmamaneho si Gary.

7. Maaari tayong tumawid _________ berde na ang ilaw.

8. Alin dito ang dadalhin mo bukas, ang itim na pantalon _________ ang bagong
maong?

9. Lapis, pambura _________ pantasa lang ang kailangan kong dalhin sa


pagsusulit.

10. Magaling siya maglaro ng basketbol _________ mas’ gusto niya ang
paglalangoy.

11. Basa ang sahig ng pasilyo _________ nadulas ang bata.

12. Umiiyak ang bata_________tinutukso siya ng mga kalaro niya.

13. Naglaro kami ng basketbol sa labas _________ tinawag kami ni Tatay.

14. Nagising si Marco _________ tumilaok ang manok.

15. _________ natulog ang mga anak niya, nagbasa

2 NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
TUKLASIN

Panuto: Tukuyin at salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa isang


dayalogo na makikita sa ibaba.

1. Sa wakas nakamit din niya ang kanyang minimithing pangarap.


2. Dulot ng pandemiya, marami ng naghihirap sa ganitong pagkakataon.
3. Lahat ng tao ay natatakot na mahawaan ng COVID-19 bilang resulta ay
palaging sinusunod ang healthy protocols.
4. Una nating gawin ay palakasin ang ating kalusugan nang hindi agad mahawa
ng virus.
5. Sa panahon ngayon, tunay na mahirap kung wala kang trabaho.

Tanong:
1. Ano ang napansin mo sa gawaing ginawa?
2. Sa iyong palagay, bakit kailangang gumamit ng mga pang-ugnay sa
pakikipagtalastasan o kayay sa mga akdang pampanitikan?
3. Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga pangungusap?

SURIIN

Angkop na Pang-Ugnay sa Pagpapaliwanag ng


Panunuring Pampelikula
Ang pelikula ay may mga elementong gaya ng sinematograpiya, banghay,
tauhan, at musical scoring. Gaya rin ng ibang akdang pampanitikan, maaari rin
nating suriin ang pelikula. Sa pagsusuri, kinakailangang nagagamit natin ang mga
angkop na pang-ugnay upang magkaroon ng kaisahan ang mga pagpapaliwanag
ukol sa sinusuring pelikula. Narito ang mga halimbawa ng pang-ugnay at ang
kanilang pagkakagamit sa pagsusuri ng pelikula:

1. "at, ulit, pagkatapos, bukod"


- ginagamit ang mga ito kung nais magdagdag ng ideya na maaaring hindi
direktang kaugnay ng naunang nilalamang pahayag ng pangungusap.

3 NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
Halimbawa:
Bukod sa mahusay na pagkakasulat ng pelikula, mahusay rin ang
pagganap ng mga artista.

Paliwanag:
Ginamit ang bukod sapagkat nagdagdag ng puna tungkol sa
pagganap ng artista, habang nabanggit naman na ang pagkakasulat
ng pelikula.

2. "pero, subalit, ngunit, bagaman, datapwat "


- ginagamit ang mga ito sa pagsalungat ng ideya.

Halimbawa:
Magaganda ang mga napiling lugar para sa pelikula, subalit higit
sanang napalutang ang emosyon ng ibang eksena kung pumili pa ng
ibang tagpuan ang direktor.

Paliwanag:
Ginamit ang subalit upang salungatin ang naunang ideya tungkol sa
pagpili ng direktor ng mga lugar na gaganapan ng mga eksena.

3. "kung saan, dahil sa, para sa, tunay na, sa katunayan"


- ginagamit ang mga ito upang patunayan ang ideyang inilalahad.

Halimbawa:
Hindi nagbago ang karakter ng tauhan sa palabas, bagaman
napakarami niyang kinaharap na problema nang dahil sa isang
aksidente.

Paliwanag:
Ginamit ang dahil sa upang patunayan ang pangyayaring maraming
nangyari sa tauhan ng palabas.

4. "kaagad, pagkatapos, sa lalong madaling panahon, sa wakas, noon"


- ginagamit ang mga ito sa paglalahad ng oras o panahon.

Halimbawa:
Pagkatapos ng pagkamatay ng ama ng bida sa palabas, umalis siya
kaagad sa kanilang baryo.

Paliwanag:
Ginamit ang pagkatapos upang mailahad ang panahon ng pangyayari
ng pagkamatay na siyang naghudyat sa pag-alis ng tauhan sa
kanilang baryo.

4 NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
5. "sa madaling salita, gaya ng sinabi ko, tandaan"
- ginagamit ang mga ito kung may nais ulitin o magbigay ng buod sa nasabi
nang punto.

Halimbawa:
Sa madaling salita, mahusay ang isang pelikula dahil ito ay
tumatalakay sa mga usaping kinakaharap ng mga mamamayan sa
isang lugar.

Paliwanag:
Sa pangungusap ay lantad na inulit na lamang ang inilahad nang
pahayag tungkol sa pagkakaroon ng pagtalakay sa usaping
kinakaharap ng mga mamanmayan, kung kaya't ginamit ang sa
madaling salita.

6. "tiyak, labis, talaga, sa katunayan"


- ginagamit ang mga ito kung may nais bigyang diin na punto.

Halimbawa:
Tiyak na magiging epektibo ang isang pelikula kung mahusay na
nagagamit ang mga sound effects.

Paliwanag:
Ginamit ang tiyak sapagkat binigyang diin ang ideya ng pagiging
magaling ng pelikula nang dahil sa mahusay na paggamit ng sound
effects nito.

7. "una, pangalawa, pangatlo, atbp."


- ginagamit ang mga ito sa pagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga puna,
konsepto, o maaari ring mga eksena.

Halimbawa:
May mga pangunahing punto na kailangang suriin sa pelikula, una,
ang tauhan, pangalawa ang tagpuan, at marami pang iba.

Paliwanag:
Ginamit ang mga pang-ugnay na una at pangalawa upang maglista
ng mga konseptong tinatalakay sa pagsusuri ng pelikula.

8. "halimbawa, sa ganitong klase, sa ganitong pagkakataon"


- ginagamit ang mga ito kung gustong magbigay ng halimbawang eksena sa
pelikula, o kaya'y katulad na konsepto sa nabanggit na.

5 NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
Halimbawa:
Sa ganitong pagkakataon, kailangang kilalanin nang husto ang
katangian ng karakter.

Paliwanag:
Lantad na may naunang nailahad at kinakailangang makapagbigay ng
halimbawa kung kaya't ginamit ang sa ganitong pagkakataon.

9. "sa madaling salita, bilang resulta, kaya naman, sa pagbubuod"


- ginagamit ang mga ito sa paglalahat.

Halimbawa:
Ito ang dahilan kaya naman, dinumog ng mga manonood ang
nasabing pelikula.

Paliwanag:
Ginamit ang kaya naman upang magbigay ng pangkabuuang kaisipan
ukol sa pelikula.

Mahahalagang Kaalaman

Sa pagsusuri kinakailangang nagagamit natin ang mga angkop na


pangugnay upang magkaroon ng kaisahan ang mga pagpapaliwanag ukol sa
sinusuring pelikula. Ang mga pang-ugnay ay mga katagang lagi nating ginagamit,
kahit pa nga sa mga pagsusuring gaya ng panunuring pampelikula. Ang mga
pang-ugnay na ito ay ginagamit natin sa:
• paghahambing
• pagdadagdag ng ideya
• salungatan ng ideya
• paglalahad ng panahon
• kung may nais ulitin
• kung may nais bigyang diin
• pagpapakita ng pagkakasunod-sunod
• paghahalimbawa
• paglalahat

Bilang karagdagang impormasyon, ang pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula


ay ang maingat na pagtitimbang at pagpapasya ng manunuri sa katangian ng isang
pelikula. Tinutukoy nito ang pagsusuri hindi lamang sa kahinaan at kakulangan nito
kundi gayundin sa mabubuting bagay na dapat isaalang-alang sa pagpapaganda ng
pelikula para sa pagmemerkado o pagmamarket at ginagamit ito upang makahikayat
o mahimok ang mga madla na manonood nito.

6 NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
Ang pagpapalalim sa kaalaman tungkol sa mga pang-ugnay sa
pagpapaliwanag sa panunuring pelikula ay katulad din sa isang paglalakbay at
pagkilala nang malapitan sa iba’t ibang lugar sa mundo gaya ng mga bansa ng Africa
at ng Persia.

Ang Africa ay pumapangalawa sa


pinakamalaking kontinente ng daigdig kasunod
ng Asya. Ito ay pinalibutan ng Karagatan ng
Atlantic sa kanluran, Dagat Mediterranean sa
hilaga, Red Sea at Karagatang Indian sa
silangan, sa timog ay Karagatang Atlantic at
Indian.

Matatagpuan sa Africa ang Nile River na pinakamahabang ilog sa mundo at


Lake Tanganyika na pinakamalawak na lawa sa mundo na may tubig-tabang at
pangatlo sa buong mundo sa pinakamalwak na lawa. Mayroon din itong mga
damuhan na tinatawag na Savannah na bumubuo ng 40% ng kalupaan ng Africa na
kung saan makikita ang iba’t ibang uri ng mga hayop na kalimitan ay nasa
pangangalaga ng mga national parks. Makikita rin ang kilalang Sahara Desert na
pinakamalawak na disyerto sa mundo at ang Equatorial rainforests o malawak na
kagubatan sa gitnang bahagi ng Africa.

Maliban sa wikang Europeo, tinatayang may 1250 hanggang 3000 na mga


wika at diyalekto mayroon ang buong kontinente. Kalimitan sa hilagang bahagi ng
Africa ay Arabic ang ginagamit na wika at ang mga pangunahing wika ng mga
katutubo ng mga taga-Africa ay ang Swahili, Hausa, Yoruba, Xhosa, at Amharic. Sa
pag-usbong ng kanilang ekonomiya, kabilang sa mga malalaking lungsod ang Cairo
ng Egypt, Khartoum ng Sudan, Accra ng Ghana, Johannesburg ng South Africa,
Casablanca ng Morocco, Lagos ng Nigeria, Nairobi ng Kenya, at Algiers ng Algeria.

Sa pangkalahatan, ang karamihan sa mga nakatira sa kontinente ay mga


African Muslims.

7 NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
Ang bansang Persia naman o Islamic
Republic of Iran ngayon ay matatagpuan sa
timog-kanlurang bahagi ng Asya. Tehrān ang
sentro o capital nito at Farsi (Persian) ang
pambansang wika nito. Ang pangunahing
relihiyon sa bansa ay Islam. Tinatayang
mayroong mahigit 82 milyon ang populasyon
dito sa taong 2019. May klima itong mainit na
tag-init at malamig na taglamig.

Ang Iran ay nakatuklas ng langis


pagkaraan ng taong 1900 na naging dahilan
upang mapabilang ito sa isa sa mga pangunahing nag-supply ng langis sa mundo.
Mayroon ring iba pang likas na yaman ang bansa gaya ng natural na gas, coal,
manganese, asin, at copper.

Kabilang sa kasaysayan ng bansa ang pagtayo ng Emperyong Persia noong


c. 550 B.C. ni Cyrus the Great na isa mga pangunahing sibilisasyon ng mundo. Sa
taong 331 B.C., nasakop ng mga Griyego ang emperyo sa pamumuno ni Alexander
the Great. Naibalik ng Persia ang kapangyariyan sa loob ng 400 taon sa pamumuno
ni Ardashir na siyang nagtayo ng Sassanid Dynasty. Ang relihiyong Islam ay
naipakilala sa panahon ng ikapitong siglo. Nasakop ang bansa ng mga Turks sa
ikasampung dantaon, ni Genghis Khan naman sa ika-13 siglo. Naibalik ang sariling
kapangyarihan sa panahon ng Safavid Dynasty (1501-1736).

PAGYAMANIN

Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag. Gumamit ng mga pang-ugnay at


salungguhitan ang mga ito.

1. Walang masama sa pagtanggap ng pagkakamali


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_______________________.

8 NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
2. Nagagawa ng taong manlinlang
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_______________________.

3. Ang taong mapagkumbaba ay


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_______________________.

ISAISIP

Mabisa ang pakikipagtalastasan kung lubos


itong nauunawan kaya napakahalaga ang
kawastuhan ng mga pahayag. Ang mga pang-
ugnay ay napakahalaga upang masigurong wasto
at angkop ang mga ginamit na pahayag

9 NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
ISAGAWA

Panuto: Basahin at gumawa ng pagsusuri gamit ang balangkas na makikita sa


ibaba hinggil sa isang buod ng akdang isinapelikulang “Dekada 70” sa aklat
na Panitikang Pandaigdig Filipino 10, Modyul para sa Mag-aaral, pahina
81-82. Sa gagawing pagsusuri, gumamit ng mga pang-ugnay sa pagbuo
ng mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel o kuwaderno ang iyong
sagot.

PAGSUSURI NG AKDANG PAMPANITIKAN

I. Panimula
Uri ng Panitikan:
Bansang Pinagmulan:
Pagkilala sa May-akda:
Layunin ng May-akda

II. Nakaimpluwensya ba ito sa Pananaw ng Ibang Tao o Bansa?


Tema/Paksa ng Akda:
Mga Tauhan ng Akda:
Tagpuan:
Balangkas ng mga Pangyayari:
Kulturang Masasalamin sa Akda:

III. Pagsusuring Pangkaisipan


Mga Kaisipang Taglay ng Akda:
Estilo ng Pagkasulat ng Akda:

IV. Mga Mensaheng Napulot mula sa Akda

10 NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
RUBRIK SA PAGSUSURING PAMPANITIKAN

Mamarkahan ang iyong pagsusuring pampanitikan batay sa rubrik na nasa


ibaba. Mainam ito para sa iyo bilang gabay sa pagmamarka ng iyong ginawang
pagsulat.

Napakahusay Mahusay Nangangailangan


Kategorya
pa ng Kasanayan Puntos
18-20 puntos 15-17 puntos 1-4 puntos
Kompleto ang Kulang ang Hindi nakitaan ng
Nilalaman mga mga mga
impormasyong impormasyong impormasyong
inilahad. inilahad. inilahad.
Napakahusay Mahusay Hindi malinaw ang
ng pagkakasunod- pagkakasunodsunod
pagkakasunod- sunod ng mga ng mga detalyeng
Organisasyon inilahad.
sunod ng mga detalyeng
detalyeng inilahad.
inilahad.
Walang mali sa May ilang mali Halos lahat ng salita
pagkagamit ng sa pagkagamit ay mali sa paggamit at
mga salita at ng mga salita pagbaybay. Hindi
sa pagbaybay at sa nakitaan ng
nito. Gumamit pagbaybay paggamit ng mga
Wastong ng mga nito. Hindi pang-ugnay sa
gamit ng mga pangugnay sa masyado pagbuo ng mga
salita at pagbuo ng gumamit ng pangungusap.
pagbaybay mga mga
pangungusap. pangugnay sa
pagbuo ng
mga
pangungusap.

Kabuuan

11 NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
TAYAHIN

Panuto: Piliin ang angkop na pangatnig na nasa loob ng panaklong na bubuo sa


pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno o sagutang papel

1. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw (ngunit, upang, dahil) maiwasan
masira ang mga ngipin.
2. (Dahil, Subalit, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para
maglaro ngayong umaga.
3. Inaantok ka pa (habang, bago, kasi) hatinggabi ka na natulog kagabi.
4. Kumakanta sila ng \Lupang Hinirang" (hanggang, habang, parang) itinataas
ang watawat ng Pilipinas.
5. Magdasal muna tayo (bago, kaya, at) tayo kumain ng hapunan.
6. Matutuloy ang camping natin (at, subalit, kung) hindi masama ang panahon
bukas.
7. Tumatahol ang mga aso (kapag, ngunit, hanggang) may taong kumakatok sa
pinto.
8. Ano ang kulay ng sasakyan ninyo, pula (at, o, pero) puti?
9. Mahilig siya magbasa ng aklat (at, upang, sapagkat) magsulat ng maiikling
kuwento.
10. (Subalit, Bagama't, Dahil) nais niyang mag-aral sa kolehiyo, naghanap siya
ng trabaho upang makatulong sa pamilya.
11. Naglalaro ang anak niya sa labas (pero, para, habang) may kinakausap siya
sa telepono.
12. Tumigil ang pag-iyak ng bata (nang, bagama't, subalit) bumalik ang kanyang
ina.
13. Tumawag ako sa bahay ni Tess (upang, ngunit, kapag) hindi pa raw siya
umuuwi galing eskuwelahan.
14. Tatawag muli si Alma (kasi, bago, para) makausap ka tungkol sa proyekto
ninyo.
15. Gusto pa rin nilang maglaro ng basketbol (dahil, kahit, para) gumagabi na.

12 NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Isulat ang mahahalagang kaisipan ukol sa pagpapahalaga ng mga


magagandang katangian ng bansang Africa at Persia.

13 NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

14 NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2
MGA SANGGUNIAN

Adriatico, Valerie May V, Inoy, Gelyn I., Selarta, Senen Joy T., David, Crispina P, Ege,
Yolanda A, Lumagas, Champberlyn F., Tañesa, Rico C., Ras, Corazon N.
Pinadaling Paraan sa Pagtuturo ng Filipino: Sanayang Aklat. Dumaguete City:
DepEd Negros Oriental Division. 2017.

Ambat, Vilma C., Barcelo, Ma. Teresa B., Cariño, Eric O., Dasig, Mary Jane R., Enrijo,
Willita A., Molina, Shiela C., Rivera, Julieta U., Salum, Rosalyn T., Sayson,
Joselyn C., Tabora, Mary Grace A., at Urgelles, Roderic P. Filipino 10 Modyul
para sa Mag-aaral. Vibal Group Inc. 2015

Angkop na Pang-Ugnay sa Pagpapaliwanag ng Panunuring Pampelikula (Accessed


August 10, 2020)
https://link.quipper.com/en/organizations/5468ba5a2294ee085c00014a/curric
ulum#curriculum
San Juan, David Michael M., Diwa at Panitikan 7. Diwa Learning Systems Inc. 2013

Africa (Accessed July 11, 2020), https://www.britannica.com/place/Africa

Covid Editoryal (Accessed August 13, 2020)


https://www.google.com.ph/search?q=covid%20editoryal&tbm=isch&tbs=rimg
%3ACRMq_1E4EbspxYUN78lHui69_1&prmd=isvn&hl=fil&sa=X&ved=0CBIQ
uIIBahcKEwiY1YyF5pfrAhUAAAAAHQAAAAAQSw&biw=360&bih=560#imgrc
=rAZ-Eoi-KnJx2M

Iran (Accessed July 11, 2020), https://www.britannica.com/place/Iran

Pangatnig Worksheets (Accessed August 11, 2020),


https://samutsamot.com/2013/03/07/pangatnig-worksheets-part-1/

15 NegOr_Q3_Filipino10_Module8_v2

You might also like