You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 1
SCHOOLS DIVISION OFFICE
Dagupan City
JUDGE JOSE DE VENECIA SR. TECHNICAL-VOCATIONAL SECONDARY SCHOOL

Mala-Masusing Banghay- Aralin sa Filipino 8


Disyembre 3, 2019 - 8:40-9:40 8 Narra
Ikatlong Markahan

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa


kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino

Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa


panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia /social media awareness
campaign)

I. Layunin
Pagkatapos ng 60-minutong talakayan, 100% ng mga mag-aaral ay inaasahang
maisasagawa ang mga sumusunod nang 80% antas ng tagumpay:

1. F8PT-IIIg-h-32 - Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa


mundo ng pelikula.

2. F8PD-IIIg-h-32 - Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang


isyung mahihinuha sa napanood na pelikula.

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Dokumentaryong Pampelikula
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma
C. Kagamitang Pampagtuturo: Laptop, Powerpoint and Video Presentation,
Speaker, Manila Paper, Kardbord, Yeso

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral
Paglalahad ng iba’t ibang antas ng wika at ng mga halimbawa nito.

B. Pagganyak

#HULAPELIKULA!

Magpapanuod ang guro ng mga sikat na linya ng pelikula at


huhulaan ng mga mag-aaral ang mga pamagat ng bawat video.

1. Pangganyak na tanong

Sa pamamagitan ng inyong mga napanuod ano ang inyong mga


hinuha o nabuong ideya?

Tungkol saan ang mga napanood ninyong video.

2. Paghawan ng Balakid

#FamilyFeud

Hahatiin ng guro ang klase sa limang pangkat at sasagutan ang


mga inihandang katanungan sa powerpoint upang mabigyang kahulugan
ang mga salitang ginagamit sa pelikula. Iikot ang kardbord sa bawat
miyembro upang ang lahat ay mabibigyan ng pagkakataong sumagot.

C. Pagtalakay sa paksa
Gamit ang powerpoint presentation ay ilalahad ng guro ang
Kasaysayan ng Dokumentaryong Pampelikula at ang mga elemento nito.
Pagkatapos, panunuorin ng mga mag-aaral ang trailer ng pelikulang
“Anak”.

Mga Gabay na tanong

1. Sino-sino ang mga tauhan sa pelikula?


2. Ano ang pinakatema ng inyong napanuod?
3. Bakit nagdamdam nang husto si Carla sa kanyang ina? Sa iyong
palagay, makatarungan ba ang kanyang ginawang pagrerebelde
laban sa kanyang ina?
4. Kung ikaw ang ina sa kuwento, ano kaya ang mararamdaman at
gagawin mo sa ipinakita ng iyong anak sa kabila ng iyong
pagsasakripisyo?
5. Bilang anak, masasabi mo bang may pagkukulang din sa iyo ang
iyong magulang? Kung mayroon man, paano mo ito
tinatanggap?

D. Paglalapat (Pangkatang Gawain)

PANGKAT 1: #IlarawangKupas
Guguhit ang mga mag-aaral ng dalawang bagay na sumisimbolo sa
ina at anak sa kuwento.

PANGKAT 2: #TawagNgEntablado
Pumili ng bahagi ng pelikula na inyong nagustuhan at isadula ito sa
klase.

PANGKAT 3: #IbuodMoBeshy!
Gamit ang graphic organizer gumawa ng buod ng kuwento.

Simula

Gitna

Wakas

Pamantayan:

1. Malinaw ang pagkakalahad ng presentasyon ng awtput sa 40%


klase
2. Akma ang nilalaman ng awtput sa ibinigay na gawain. 30%
3. Pagkakabuo ng awtput/ disenyo kalinawan at kalinisan 20%
4. Natapos sa itinakdang oras 10%
KABUUAN 100%
E. Paglalahat
Anong damdamin at aral ang inyong natutunan mula sa pelikula?

F. Pagtataya

Panuto: Isulat ang T kung ang isinasaad ng pahayag ay tama at M naman kung ito ay
mali.

_______1. Naging madali ang pagkuha sa loob ng mga anak simula ng umuwi ng
bansa ang ina.

_______2. Nauunawaan ni Carla ang ina at ang kanyang pagkakamali kaya’t humingi
siya ng tawad.

_______3. Hindi naging maayos ang relasyon ng mag-ina hanggang sa wakas ng


kuwento.

_______4. Lumayas ang anak sa kanilang bahay at gumamit ng droga, uminom ng


alak at nagpapalit-palit ng nobyo.

______5. Bumawi ang ina sa mga anak sa pamamagitan ng pag-aasikaso at


pagbibigay ng oras na makasama ang mga ito.

IV. Kasunduan:

Sagutan mula sa inyong libro Ang “buuin at magagawa natin” sa pahina


419-421. Ilagay ang mga kasagutan sa inyong kuwaderno at maging handa sa
pag-uulat sa klase.

Inihanda ni:
SHIRLY P. PETACA
Guro I

Iwinasto ni:
MYRNA S. PERALTA, Ed. D.
Ulongguro sa Filipino

Inaprubahan ni:
CRISTINA C. AQUINO
Punongguro I

You might also like