You are on page 1of 6

8

Gawaing Pampagkatuto sa
Filipino 8
Kuwarter 3- MELC 19
Pagbibigay Kahulugan sa mga
Salitang Ginagamit sa Mundo ng
Pelikula

Rehiyon VI – Kanlurang Visayas

i
Filipino 8
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 19
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – FILIPINO 8

Manunulat: Madeline A. De Asis


Editor: Lilibeth D. Meliton
Tagasuri: Dr. Susan Quistadio
Tagaguhit: Madeline A. De Asis
Tagalapat: Lilibeth D. Meliton

Division of Capiz Management Team:


Salvador O. Ochavo, Jr.
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Regional Management Team:


Ramir B. Uytico
Pedro T. Escabarte, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

ii
Paunang Mensahe
MABUHAY!

Normal man o panibagong daloy ang mamayani sa mundo, sa alinmang


larangan ng pagtuturo, itinuturing ang mga mag-aaral bilang pinakasentro ng
kabuoang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Kahit na sa anumang paraan,
kinakailangang matamo ng mga mag-aaral ang pamantayang pamprograma na
itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang
kakayahang komunikatibo, replektibo/mapanuring pag-iisip at
pagpapahalagang pampanitikan sa tulong ng teknolohiya at iba’t ibang
disiplina upang magkaroon ng akademikong pang- unawa.

Ang Learning Activity Sheet (LAS) ay kagamitang pampagkatutong


naglalayong maipagpatuloy ang sistema ng edukasyon sa gitna ng hinaharap na
pandaigdigan krisis upang masiguro ang pagkakatamo ng mga kakayahan at
kasanayang kaagapay sa pamantayang pandaigdig sa ika-21 siglo.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) ay binuo bilang pantulong na


kagamitan sa mga mag-aaral upang maituwid ang pag-aaral ng mga ito at
magabayan sila sa pagkatutong dapat na matamo sa pagtatapos ng bawat aralin.

Bilang Tagapagdaloy ng Pagkatuto, tiyaking nakasusunod ang mga mag-


aaral sa mga gawaing nakatakdang masagutan ng mga ito. Patuloy na subaybayan
ang proseso ng pagkatuto ng mga ito tungo ikatatagumpay pag-aaral sa ilalaim ng
new normal.

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon
sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral,
unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

iii
Kuwarter 3, Linggo 7

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 19

Pangalan:_________________________Grado at Seksiyon:_____________________

Petsa: __________________________________

Gawaing Pampagkatuto sa FILIPINO 8


Pagbibigay Kahulugan sa mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng Pelikula

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang matatamo mo ang kasanayang:

Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula


(F8PT-iiig-h-32)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Kumusta ka na kaibigan? Nagkaroon ba ng panibagong kaalaman ang iyong


isipan sa mga paksang iyong nasagutan? Mas lalo bang nadagdagan ang iyong
kaalaman at natutunan? Marahil isa na namang panibagong hamon sa iyong pag-
aaral ang iyong kakaharapin.
Ikinagagalak kong makasama kang muli. Batid kong marami kang natutunan
sa mga nakaraang aralin. Alam kong mas lalo ka pang masisiyahan sa mga bagong
kaalamang iyong matatamo habang patuloy nating nilalakbay ang landas patungo
sa mundo ng karunungan.
Sa bawat paksang matutunghayan ay iikot ang iyong emahinasyon sa mundo
ng pelikula. Matutuklasan mo rin kung paano ginagamit at nabibigyan ng
kahulugan ang mga salita sa mundo ng pelikula. Halika, simulan na natin ang
paglalakbay! At higit mo pang palawakin ang iyong kalaman tungkol dito.

Mga Salitang Gingamit sa Mundo ng Pelikula

1. Sinematograpiya- pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonod


ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng
kamera.

2. Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento


sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.

3. Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan


ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng
manonood.

4. Pananaliksik o Riserts – Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng


dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at
makatotohanan ang mga detalye ng palabas.

5. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena,


pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na
pagkukuwento.

6. Pagdidirihe – Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin


ang kuwento sa telebisyon o pelikula.

1
7. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo
mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang
tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan
ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.

8. Tema- Ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa, kaisipan at pinakapuso ng
pelikula

III. Mga Sanggunian


Jocson, M. O., et al. (2013). Panitikang Pilipino: Filipino 8 Modyul para sa Mag-
aaral. Pasig City: Book Media Press.

IV. Mga Gawain

Gawain 1
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang ginagamit sa mundo ng
pelikula na nakatala sa bawat bilang.

1. Sinematograpiya-

2. Pag -eedit-

3. Sequence Iskrip-

4. Tunog at Musika-

5. Desinyong Pamproduksyon-

Gawain 2

Sa panonood mo ng mga pelikula ay may mga senaryo na nakintal sa iyong


isipan. Marahil tumagos pa nga sa iyong puso’t damdamin. Iguhit sa loob ng kahon
ang ilan sa mga eksenang iyong naibigan. Ipaliwanag kung ano ang kahulugan
nito. Gayahin ang pormat.

2
3
Gawain 1
1. Sinematograpiya- pagkuha sa wastong
anggulo upang maipakita sa manonod ang
tunay na pangyayari sa pamamagitan ng
wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera
2. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol,
pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo
mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay
muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain
kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit
di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng
Gawain 2
pelik Nakadepende sa sagot ng
3. Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mag-aaral ang puntos na
mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. ibibigay ng guro.
Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng
kuwento.
4. Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat
tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at
linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes
at amdamin ng manonood.
5. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili
sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at
sitwasyon para sa masining na paglalahad ng
biswal na pagkukuwento.
Susi sa Pagwawasto
_______________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Bilang mag-aaral mahalaga ba para sa iyo ang paksang araling ito? Bakit?
V. Repleksiyon

You might also like