You are on page 1of 5

Pangalan ng Mag-aaral: _________________________________ Baitang/Pangkat: _________________________

Guro: ________________________________________________ Petsa ng Pagpasa: _________________________

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Handa ka na ba? Alam kong masisiyahan ka sa mga


matutuklasan mo habang pinag-aaralan ang araling
ito. Sinasabi na malayo na ang nalakbay ng wikang
Filipino. Nasaan na nga ba o ano na nga ba ang
kalagayan ng Wikang Filipino sa ika-21 siglo sa iba’t
ibang larangan? Tara na ating alamin

I. Susing Konsepto:
MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS
PELIKULA AT DULA

May partikular na gamit ang wika sa iba’t ibang sitwasyon. Tinatawag itong register na isang panlipunang
salik na isinaaalang-alang kaugnay ng baryasyon ayon sa gumagamit ng wika. Isa pang pinanggalingan ng
baryasyon ng pananalita ng idibiduwal ay depende sa mga sitwasyong paggamit. Hindi lang kaso ito ng kung
sino tayo kundi kung anong mga sitwasyon ang kinapapalooban natin. Isa ang pelikula at dula na may sariling
register o mga salitang pampelikula o pandula.
PELIKULA DULA

 Lights, camera,action  Dulang isang yugto

 Focus  Right stage

 Sinematograpiya  Left stage

 Iskrip  Mensahe

 direktor  Galaw ng tauhan

Sa pagsusuri ng pelikula ang bigyang pansin ay ang mga elemento nito, gaya ng iskrip,
sinematograpiya, direksiyon, pagganap ng artista, produksiyon, musika at mensahe.

Mga Elemento ng Pelikula


Sequence o Iskrip - Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas
nito ang tunay na layunin ng kuwento.
Sinematograpiya - Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari
sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera. 4
Disenyong Pamproduksyon- Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para
sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
1

RO_Filipino_Baitang 11_K2_LP2
Tunog at Musika - Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga
diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood.
Sa pagsusuri ng dulang nakasulat, bigyang-pansin ang mga elemento nito gaya ng tagpuan, uri ng
mga tauhan (bilog at lapad), mga diyalogo, tunggalian, wakas, aral, implikasyon ng mga pangyayari sa
kasalukuyang lipunan, at estilo ng simula ng dula.

Mga Elemento ng Dula


Iskrip o Banghay - Ito ang pinakakaluluwa ngisang dula. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Aktor
o Karakter - ang nagsisilbing tauhan ng dula at nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Dayalogo - ang mga
bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upangmaipakita at maipadama ang mga emosyon.
Tanghalan - ang anumang pook napinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.
Tagadirehe o direktor - siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit
ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan

Pagsusuri sa mga Lingguwistiko at Kultural na gamit ng wika sa Lipunang Pilipino


Gaya nga ng natalakay na iba’t ibang sitwasyon, ginagamit ang wika batay rin kung sino ang gagamit, saan
gagamitin, at paano ito gagamitin.
Isang dapat suriin at asaalang-alang ang lingguwistikong aspeto lalo na sa larangan ng pelikula at dula, May
sariling sitwasyon, kaya’t may sariling register ng mga salita ang mga ito. Wika nga pampelikula o pandula
lamang.
Lingguwistiko Ito ang tinatawag na kaugnay ng wikang sinasalita nang ayon sa heograpikong kalagayan ng
isang lugar. Maaaring bigyang pansin ang antas na gamit ng wika. Ang mga sumusunod:

 Sa isang banda, Kultural ay isang katangian ng wika na nagsisilbing pagkakkailanlan o identidad dahil sa
mga paniniwala, tradisyon at ugali, paraan ng pamumuhay, relihiyon at wika.

 Mahalagang hindi maisantabi ang panglipunang aspeto ng wika dahil sa maraming paraan. Ang pananalita
ay isang uri ng panglipunang identidad at ginagamit para tukuyin ang pagiging kabilang sa iba’t ibang
panlipunang pangkat o iba’t ibang komunidad ng pananalita. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na

II. Kasanayang Pampagkatuto:


Sa gawaing pagkatutong ito, inaasahan na:
1. Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood. F11PD –
IIb – 88

2. Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng


paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. F11PS – IIb – 89

Nauunawaan mo na ang kaugnayan ng


sitwasyong pangwika sa pilipinas sa pelikula 4
at dula, maaari mo nang gawin ang
sumusunod na mga pagsasanay.

2
RO_Filipino_Baitang 11_K2_LP2
III. Mga Gawain sa Pagkatuto:
Pagsasanay 1
Panuto: Sa pamamagitan ng listing, magtala ng pamagat ng mga pelikula at dulang
Pilipino na napag-aralan,napanood o nabasa mo na. Mula rito, pumili ng isang naibigang
pelikula at dulang Pilipino. Ipaliwanag kung bakit naibigan ang mga ito. Gayahin ang
kasunod na pormat sa kuwaderno.

Kumusta ang unang pagsasanay? Madali ba o mahirap? Tingnan ang sagot


sa pahina 6. Nakuha mo ba ang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay? Kung
nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY! Kung mababa sa 5, balikan at pag-
aralang muli ang hindi mo nakuha at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2
at 3.

Pagsasanay 2
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga register na salita sa ibaba.
4
1.Sinematograpiya__________________________________________________________
2. Iskrip___________________________________________________________________
3. direktor_________________________________________________________________
4.Disenyong Pamproduksyon__________________________________________________ 4
5. Dayalogo________________________________________________________________

RO_Filipino_Baitang 11_K2_LP2
B. Panuto: Piliin ang titik ng iyong tamang sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay kilala rin bilang pinilakang-tabing.
a. Nobela b. Pelikula c. Dula d. Aklat
2. Isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay naglalarawan ng kawil ng mga
pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao.
a. Dula b. Social Media c. Pelikula d. Nobela
3. Isang teknik sa pagpapakahulugan na pinag-uugnay-ugnay ang salita o mga pahayag upang makabuo ng
isang makahulugang ideya sa salita o pahayag na binibigyang kahulugan.
a. Nobela b. Paggamit ng Simbolismo c. Word Association d. Aklat
4. Isang kasanayang pampanitikan na nagiging aspeto upang maging masining ang pagkakabuo ng isang
akda.
a. Paggamit ng Simbolismo b. Pelikula c. Word Association d. Nobela
5. Ito ay tinatawag na kaugnay ng wikang sinasalita nang ayon sa heograpikong kalagayan ng isang lugar.
a. Lingguwistiko b. Kultural c. Sosyo-kultural d. Etnograpiko

Pagsasanay 3
Panuto: Batay sa napanood na pelikula, suriin ang lingguwistiko at kultural na
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
Gawing gabay ang mga sumusunod na tanong.

1. Paano ginamit ang mga salitang pampelikula. Isinaalang-alang ba ang antas ng wika?
2. Nababakas ba ang kulturang Pilipino sa sinuring pelikula?
3. Nakaapekto ba ang gamit ng wika (Lingguwistiko) sa paraan ng pamumuhay ng ilan sa lipunang
Pilipino (Kultural) na ipinakita sa ilang bahagi o pangyayari sa pinanood na pelikula.

Nakagagalak dahil may nalaman ka sa araling ito at iyong nasagutan ang mga gawaing ibinigay.
Bilang pangwakas, punan mo ang patlang sa ibaba upang mabuo ang kaisipan ng natutuhan mo sa
ngayon.

IV. Repleksiyon
Ang natutunan ko sa araling ito ay _______________________

_____________________________________________________
_____________________________________________________
Mahalaga ito sapagkat _____________________________________

_____________________________________________________ 4
_____________________________________________________

RO_Filipino_Baitang 11_K2_LP2
V. Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
(Nakasalalay sa guro ang pagwawasto ng gawain) B.1. A
2.A
Pagsasanay 3 3.C
(Nakasalalay sa guro ang pagwawasto ng gawain) 4.A
5.A

VI. Mga Sanggunian:


8
Modyul
Kagawaran ng Edukasyon: Self Learning Modules (2020), Filipino 11: Regional
Center Site, Rawis, Lungsod ng Legazpi.

Website
www.slideshare.com
www.academia.com
www.google.com

Inihanda ni:

JOVELYN F. SESE
Guro Sa Filipino 11/ T-II Winasto ni:

JANICE A. MARTIN
Pangalawang Punong Guro II

Pinagtibay ni:

JESUS P. DELA PEÑA


Punong Guro IV

RO_Filipino_Baitang 11_K2_LP2

You might also like