You are on page 1of 6

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at gamit ng
wika sa lipunang Pilipino.

Pamantayang Pagganap:
Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong
kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad.

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
F11PT-Ia-85

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nailalahad ang kahulugan ng wikang panturo.
 Nagagamit sa pagsasalin ng isang awiting Ingles ang wikang Filipino.
 Napapahalagahan sa pamamagitan ng pagsasalin gamit ang wikang
panturo.
Paksa:
 Wikang Filipino : Wikang Panturo
Sanggunian
 Batayang aklat (Sikhay- Aklat sa Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino pahina 2-19)
 www.komisyonngwikang Filipino.com/www.wika.club
Kagamitan
 Kagamitang biswal
 graphic organizer (timeline)
 lyrics ng awitin
 handout
 Speaker
 kagamitan sa laro

II. Pagpapalawak ng Aralin

A. Pagganyak:
1. Magbigay ng salitang kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng kahon sa
iba’t ibang diyalektong nakasulat sa inilaang kahon. (Word Association)

Iloko Bikolano

Bisaya MAHAL Chavacano

KITA Panggasinense
Kapampangan
2. Pagbasa:
Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

? ANO ANG TINATAWAG NA

“Wikang Panturo?”
Ang wikang panturo ang wikang opisyal na giagamit sa pormal na edukasyon. Ito
ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskwelahan at ang wika sa
pagsulat ng mga aklat at kagamitam sa pagtuturo sa silid-aralan. Ang itinatag na
pambansang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-20 siglo ay
monolingguwal. Ang ibig sabihin may iisang wikang panturo- ang wikang Ingles.
Nagsimula ipagamit ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa panahong
Komonwelt at para sa edukasyon ng mga magiging guro ng Wikang Pambansa. Bago
sumiklab ang ikawang Digmaang Pandaigdig ay may mga guro nang nagtuturo ng
Wikang Pambansa. Sa isang sirkular noong 3 ng Mayo 1940. Iniatas ni Direktor
Celedonio Salvador ng Kawanian ng Edukasyon ang pagtuturo ng Wikang Pambansa
bilang regular na asignatura sa ikaapat na taon sa paaralang sekundarya. Pagkaraan ng
digma, unti-unting binuksan ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya na
nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit ng Wikang Pambansa bilang wikang
panturo.

Mga Batas sa Pagkakaroon

ng Wikang Panturo

Narito ang ilang batas o kautusan sa pagkakaroon natin ng Wikang Panturo.

A. Kautasang Tagapagpaganap Blg. 134
-Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 sa bisa ng Salinggang Batas 1935,
ipinahayag ng Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Wikang
tagalog.
B. Kautusang Tagapagpagana Blg. 263
-Pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang gramatika ng Wikang Pambansa at
pagtatakda ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng paaralang pambayan at
pampubliko.
C. Sirkular Blg. 26
-Pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mataas napaaralan at paaralang normal.
D. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
-Ang Pambansang Wika ay tatawaging Filipino
E. Kautusang Pangkagawaran Blg. 50
-Pagpapatupad ng mga patakara sa edukasyong bilingual sa kolehiyo at Pamantasan
F. Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, 54
-Mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran ng edukasyong bilingual sa lahat ng
paaralan sa Pilipinas.
Source:
Source: www.wika.club

3. Paghahawan ng Sagabal

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.

SISTEMA MONOLINGGUWAL SUMIKLAB INIATAS SIRKULAR

4. Pag-unawa sa Binasa
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang Wikang Panturo?

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2. Ano ang ginamit na wikang panturo sa mga sumusunod na panahon sa
kasaysayan ng Pilipinas?
a. Panahon ng Amerikano
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
b. Panahon ng Komonwelt
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
c. Panahon bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
3. Paano hinirang ang wikang Filipino bilang wikang panturo?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

III. Mga Gawain

A. Pangkatang Gawain
1. Pagsasalin
Isasalin ng bawat pangkat sa wikang Filipino ang bawat linya ng awiting
Secret Love Song ni Derulo na nasa wikang Ingles. Ipipresenta sa klase ang
ginawang pagsasalin sa pamamagitan ng sunod-sunod na pag-awit ng
bawat pangkat. (Malayang pumili ang guro at mag-aaral ng awit na nais
isalin)

When you hold me in the street

We keep behind closed doors
And you kiss me on the dance floor
Every time I see you, I die a little more
I wish that it could be like that
Stolen moments that we steal as the
Why can't it be like that?
curtain falls
'Cause I'm yours
It'll never be enough
1
It's obvious you're meant for me
Every piece of you, it just fits perfectly
Why can't you hold me in the street?
Every second, every thought, I'm in so
Why can't I kiss you on the dance floor?
deep
I wish that it could be like that
But I'll never show it on my face
Why can't we be like that?
But we know this.
'Cause I'm yours
We got a love that is homeless 2

Why can't you hold me in the street? And nobody knows I'm in love with
Why can't I kiss you on the dance floor? someone's baby
I wish that it could be like that I don't wanna hide us away
Why can't we be like that? 3 Tell the world about the love we're making
'Cause I'm yours I'm living for that day
Someday

2. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa isinaling awit ng

bawat pangkat.
a. Sa mga bersyong ng awiting isinalin, alin ang pinakanagustuhan
ninyo?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
b. May nabago ba sa mensahe ng awitin dahil sa pagkakaiba ng wikang
ginamit?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
c. Sa aling wika mo lubos na naunawaan at naramdaman ang
mensaheng ipinaabot ng awitin? (sakaling ingles ang magiging sagot
ng mag-aaral ipuproseso ng guro ang kanilang sagot)
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

3. Pagsunud-sunurin ang mga mahahalagang pangyayari sa pagkakaroon

ng wikang panturo gamit ang time line.
4. Debate
Ang mag-aaral ay papangkatin sa dalawa upang pangatwiran ang panig
na mabubunot ng pangkat:

Paksa: Ang Wikang Filipino ay itinalagang Wikang Panturo. Nararapat

ba na ang wikang Filipino ang gamitin sa pagtuturo sa lahat ng
asignatura sa paaralan?

5. Clash of Class
Ang mag-aaral ay papangkatin sa lima at bawat pangkat ay gagawa ng
mga tanong batay sa tekstong binasa (Mga Batas sa Pagkakaroon ng
Wikang Filipino). Kung masagot nang tama ng isang pangkat ang tanong
mula sa katunggaling pangkat ito ay kukuha ng isang miyembro
hanggang sa maubos ang mga ito at matitira na lamang ang isang
pangkat.

B. Paglalahat
Pagsulat ng Reflective Journal

Sang-ayon ka ba sa paggamit ng unang wika o Mother Tongue Based

Language (MTBL) bilang wikang panturo mula sa Kindergarten hanggang
baitang III batay sa K-12 Basic Education Program?
(Pangatwiranan ang iyong sagot)

______________________________________________________________

C. Paglalapat
Magbigay ng halimbawang sitwasyon kung saan ipinapakita ang paggamit ng
wikang Filipino bilang wikang panturo.

D. Pagtataya
Sumulat ng dalawang talata na nagpapaliwanag sa winika ng tauhang si
Simoun na ““Habang may sariling wika ang isang bayan taglay niya ang
kalayaan.” sa nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal.
____________________________________________________________________________

_

Inihanda nina:

Avelina P. Almasan Dibisyon ng Bulacan

Ana D. Teodoro Dibisyon ng Meycauayan
Arlynne Joy S. Buctil Dibisyon ng Aurora
Kenneth B. Corbadura Dibisyon ng Aurora
Maria Cecilia T. Sapnu Dibisyon ng Pampanga

You might also like