You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Schools Division of Sorsogon
Bulan South District
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulan, Sorsogon

LEA
RNIN
G
ACTI
VITY WEEK – 1

SHE PREPARED BY:

ET
GRACE F. OMPAD
Teacher – I

In
Pangalan: ________________________
Petsa: ____________________

Baitang/Seksyon: _______________________

FILIP KARUNUNGANG – BAYAN BAKAS NG LUMIPAS

I – Maikling Pagtalakay sa Aralin

INO KARUNUNGANG – BAYAN (Folk Speech)


 Ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang
maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura

G–8
ng mga tao. Nakakatulong ito sa pag – angkin ng kamalayang
tradisyunal, na nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural.
Kabilang sa KABANG – YAMAN ng KARUNUNGANG – BAYAN ay ang mga sumusunod:

1. Salawikain - Ito ang salitang nakaugalian na at lalong angkop namang ipamagat sa mga
kasabihang mana – manahang hiyas ng wika, simula’t batas ng mga kaugalian, at patnubay
ng kabutihang – asal, na pasalin – salin sa bibig ng madla. Ito ay kasintanda ng kabihasnan
ng mga bayan, at mabisang panuntunan sa pakikipagkapwa-tao, lalong – lalo na ng mga
lahing silanganin.
Katangian ng Salawikain:
 Maikling pangungusap
 Payak
 Karaniwang mga pananalita
 Kinasasalaminan ng mga puna sa buhay
 May tugma ang karamihan
 Pag – uulit ng mga salita
Halimbawa:
 May tainga ang lupa, may pakpak ang balita
 Kapag may isinuksok, may madudukot
 Walang masamang kanya, walang mabuti sa iba

2. Sawikain/kawikaan – Ito ay mga patalinhagang pananalita. Ito ay isang paraan ng


pagpukaw at paghasa sa kaisipan ng tao. Nakalilibang bukod sa nakadaragdag ng
kaalaman.
Halimbawa:
 Makati ang dila – madaldal
 Maluwang ang turnilyo – luko - luko
 Anak pawis – dukha

3. Bugtong – Pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binubuo ng isa o dalawang


taludtod na maikli at may sukat at tugma
Halimbawa:
 Maikling landasin, di maubos lakarin – ANINO
 Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo – SINTURON (belt)
 Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako. – LANGKA

4. Kasabihan – ay salita, parirala o pangungusap na ugaling sabihin o karaniwang sambitin ng


mga tagaisang tiyak na bayan o pook kapag nagsasaysay. Madalas na ito’y walang ganap
at tahas na diwa kundi pahiwatig lamang na pagpapahayag ng ibig sabihin, o ginagamit
kayang pampatunay sa isang pagmamatuwid. Ito ay maaaring, (1) Kasabihang – bayan,
karaniwang sambitin sa marangalan at mahinahunang pag-uusap; (2) Kasabihang –
lansangan, ay mga salita o parirala o pangungusap na nalikha sa pana-panahon sa bibig ng
balana, at walang abug-abog nagkakapalipat-lipat sa bibig ng marami, hanggang tuloyang
kumalat sa isang pook muna bago kung saan-saan, sa lahat ng dako kaipala ng buong
bayan.
Halimbawa:
 Kung may tiyaga, may nilaga
 Walang umaani sa tuwa, na hindi sa hirap nagmula
 Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.

5. Palaisipan – Ito ay gumigising sa isipan ng taoupang bumuo ng isang kalutasan sa isang


suliranin.
Halimbawa:
 Ano ang nakikita mo sa gitna ng dagat? Sagot: G
 May anim na ibon ang nakadapo sa isang maliit na sanga ng puno. Tatlo ang maya,
dalawa ang pipit, at ang isa ay uwak. Binato ni Mart ang sanga, tinamaan at nalaglag
ang uwak. Ilang maya ang naiwan sa sanga? Sagot: 3
 Si Ann ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila, umpisa sa panganay, ay
si Nana, Nene, Nini, Nono, at? Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid?
Sagot: Ann

6. Bulong – Isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng


Pilipinas. Isang panalangin ang bulong binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang
pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari sa kapalaran.
Halimbawa:
 Huwag magalit kaibigan, aming pinuputol lamang, ang sa ami’y napag-utusan.
 Huwag mananakit nang di ka rin mamilipit.
 Lumakas sana ang ulan upang mabasa ang lupang tigang.
II – Kasanayang pampagkatuto
o Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa
mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan - F8PB-Ia-c-22

III – Mga Pagsasanay

Sa Aking Mga Kababata


Ni Jose P. Rizal

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Ang wikang tagalog tulad din sa Latin,
Sa kaniyang salitang kaloob ng langit, Sa Ingles, Kastila at salitang anghel
Sanglang kalayaan nasa ring masapit Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Katulad ng ibong nasa himpapawid. Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin

Ang hindi magmahal sa kanyang salita Ang salita nati’y tulad di sa iba
Mahigit sa hayop at malansang isda, Na may alfabeto at sariling letra,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na kaya nawala’y dinatnan na sigwa
Na tulad sa inang tunay na nagpala Ang lunday sa lawa noong dakong una

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mong likha noong kalayaan

GAWAIN I

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng bilohaba ayon sa pagkakagamit ng mga ito sa
tula. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. 2.
KABAGAY
MAALAM
Kahulugan: ___________
Kahulugan: __________

3. 4.

NAGGAWAD SIGWA
Kahulugan: __________ Kahulugan: _________

5. LUNDAY
Kahulugan: _____________

GAWAIN II
A. Panuto: Suriin ang tula. Tukuyin ang kasabihang ginamit ni Jose Rizal. Ilahad ang tiyak na kaisipan
na nais nitong ipabatid. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

SA AKING MGA KABABATA

KASABIHAN ______________________
______________________
_____________________ ______________________
_____________________ ______________________
_____________________ ______________________
KAISIPAN
_____________________ ______________________
_____________________ ______________________
_____________________ ______________________
_____________________ ______________________
B. Panuto: Kung si Jose Rizal ay gumamit ng karunungang-bayan sa kaniyang tula ikaw bilang
kabataan, paano mo magagamit ang mga karunungang-bayan na minana pa natin sa ating mga
ninuno?

_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
__

GAWAIN III

Panuto: Ilahad ang sariling saloobin mula sa mga mahahalagang kaisipang isinasaad ng mga karunungang-
bayan at iugnay sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

1. “Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganahan.”


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
2. “Ang batang malinis sa katawan, malayo sa karamdaman.”
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
3. “Ang paalala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.”
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
4. “Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran.”
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
5. “Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay nadadala sa pagkatanda.”
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

GAWAIN IV

Palalimin mo…

Narito ang dalawang kaisipang hindi tapos. Isulat mo ang karugtong na mga detalye batay sa iyong
pagkakaunawa mula sa hindi tapos na mga pahayag sa loob ng kahon.

“Matapos kong mabasa ang tulang Sa Aking Mga Kababata…..”

Lalo akong nasisiyahan kung ako ay kabilang sa pangkat ng mga


taong __________________________________________________.

Hindi ako maligaya kung ako ay kabilang sa pangkat ng mga taong


_____________________________________________________.

You might also like