You are on page 1of 6

Name:________ __________________________Date: __________

Grade/ Section: __________________________Score: _________

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT


KULTURANG PILIPINO
QUARTER 1, WEEK 2

Kasanayang Pampagkatuto:
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan.
F11PD – Ib – 30

Paksa:
Mga Barayti ng Wika

Heterogenous at Homogenous na Wika


Walang buhay na wika ang maituturing na homogenous dahil ang bawat wika ay
binubuo nang mahigit sa isang barayti. Masasabi lang na homogenous ang wika kung pare-
parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika.
Ipinapakita ng iba’t ibang saling panlipunan gaya ng edad, hanapbuhay, antas ng
pinag-aralan, kasarian,atbp. Ang pagiging heterogenous ng wika. Ang iba’t ibang salik na ito
ay nagreresulta sa pagkakaroon ng barayti ng wika.

Barayti ng Wika
Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng baraythi ng wika dahil sa pakikipag-ugnayan
ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika. Mula sap ag-
uugnayang ito ay may nalilinang na wikang may pagkakaiba sa orihinal o istandard na
pinagmulan nito.

Dayalek
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng particular na pangkat ng gma tao mula sa
isang particular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Maaaring gumamit ang mga
tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may
magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, o magkaiba ang pagbuo.

Idyolek
Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pansariling
paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Ito ang tinatawag na Idyolek.

Sosyolek
Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong
sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.

Etnolek
Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo. Salitang etnolek ay
nagmula sa pinagsasamang etniko at dialek.
Register
Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng
pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mas mataas na katungkulan o
kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masayadong kakilala.

Pidgin at Creole
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native
language’ o katutubong wikang di-pag-aari ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang
taong nagtangkang mag-usap subalit pareho silang mag magkaibang unang wika kaya’t di
magkaintindihandahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa.

GAWAIN
Gawain 1
Panuto: Batay sa iyong sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasa, tukuyin kung sa anong
barayti ng wika nabibilang ang sumusunod na mga pahayag o sitwasyon. Isulat ang sagot sa
linya.

_________________________ 1. Kilalang-kilala ng mga tagapanood ang paraan ng


pagsasalita ni Noli De Castro lalo na kapag sinasabi niua ang pamoso niyang linyang
“Magandang Gabi, Bayan!”
_________________________ 2. Nagtatagalog din ang mga taga-Morong, Rizal pero may
punto sillang kakaiba sa Tagalog ng mga taga-Metro Manila.
_________________________ 3. Marami ang gumaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris
Aquino lalo na ang malulutong niyang “ah,ha,ha! Okey! Darla! Halika!”
_________________________ 4. Nagtagppoo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at
mga katutubo sa Binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang
alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na estruktura at hindi
pag-aari ng sinuman sa kanila.

_________________________ 5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga


ninuno ay nagpakasal sa mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na
maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang nagging unang wika ng mga nagging anak
nila.

_________________________ 6. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Dana” ang gma


salitang charot, chaka,bigalou, at iba pa.

_________________________ 7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-


uusap ang dalawang babae sa unahan. Nariinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan,
quiz,essay, grading sheets. Mula rito’y alam na niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap
niya.
_________________________ 8.Habang naghahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio
at Len ay maharot at nakatatawa ang ginagamit nilang mga salikta subalit nang maihanda ang
mga kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa harap ng klase at ng guro at biglang nag-iba
at nagging pormal ang paraan nila ng pagsaalita.

_________________________ 9. Natutuhan ni Joven ang sallitang vakkul mula sa mga


Ivatan nang mamasyal siya sa Batanes. Saan man siya mapunta ngayon, kapag naririnig niya
ang salitang vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit
nilang pananggalang sa init at ulan.

_________________________ 10. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang


binibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang programang Ratek K. Kahit hindi nakatingin sa
telebisyon at naririnig lamang ang kanyang pagsasalita ay tiyak na malalaman mong si
Korina nga ito dahil sa sarili niyang estilo ng pagbigkas.

GAWAIN
Gawain 2
Panuto: Punan ang mga kahon ng halimbawang nagmula sa iyong sariling kaalaman,
pananaw, at mga karanasan.

Halimbawa ng Iba’t Ibang Barayti ng Wika


Punan ang kahon ng tatlong Punan ang kahon ng isang Punan ang kahon ng Punan ang kahon
gay lingo na alam mo at ang pangungusap na sinasabi ng isang pangungusap na ng limang jargon
kahulugan ng bawat isa. coňo o sosyal. nakasulat sa paraang ng trabahong
jejemon. ninanais mong
makuha o
magampanan
balang araw.
_______________ _______________
_______________ _______________ _______________
_______________

_______________
_______________
Punan ang kahon ng Isulat mong muli ang Punan ang kahon ng Punan ang kahon
pangalan ng taoong may pangungusao sa ibaba. isang salitang gamit sa ng
kilalang idyolek. Sumulat Isipin mong ang kausap mo lalawigan o rehiyon na isang salitang
ng pahayag na madalas ay ang matalik mong may ibang kahulugan sa maituturing na
marinig mula sa kanya kaibigan. Tagalog ng Maynila etnolek.

-Pinayagan ako ng aking


ina at ama na dumalo sa
iyong kaarawan.
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________

_______________
_______________

Gawin 3
GAWAIN
Panuto: Pakinggan o panoorin ang sumusunod na mga programang panradyo o pantelebisyon
at saka sagutin ang mga tanong.
 Batman joke time – Batanggenyo SUPER COMEDY part 2
(Ang Batman Joke Time ay mula sa isang programang panradyo mula sa Batanes)
https://www.youtube.com/watch?v=mS7nQ-NCR2c
 Michael V as former President Gloria Macapagal Arroyo
(https://www.youtube.com/watch?v=LERL57oKnJE
1. Ano-anong barayti ng wika ang kapansin-pansin sa paraan ng pagsasalita ng hohst sa
programang panradyong napakinggan mo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________.
Bakit ito ang isinagot mo?
___________________________________________________
_____________________________________________________________________
___
2. Bakit kaya dayalek ng mga Batanggenyo ang napiling gamitin para sa Batman joke
time?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______
_____________________________________________.
3. May mga nagamit bang jargon ang host o ang mga bisita? Kung mayroon, ano-ano
ang mga ito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________.

Rubrics:
Puntos Pamantayan

4 Sa bawat sagot ay maliwanag na naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood


na sitwasyong pangkomonikasyon sa telebisyon.

3 Sa bawat sagot ay naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong


pangkomonikasyon sa telebisyon

2 Bahagyang naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong


pangkomunikasyon sa telebisyon.
1 Hindi naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong
pangkomunikasyon sa telebisyon.

You might also like