You are on page 1of 6

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO BAITANG 9 IKALIMANG LINGGO


KWARTER 1
ANG KUWENTO NI MABUTI
(MAIKLING KUWENTO)

Mga Kasanayang Pampagkatuto

F9PN-lg-h-43- Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan


ng akda
F9PT-la-b-39- Nabibigyang-kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa
denotatibo o konotatibong kahulugan

Layunin

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito ng isang linggo, ang mga


mag-aaral ay inaasahang:
• nasusuri ang kilos, salita, at reaksiyon ng mga tauhan sa kuwento
• naiuugnay ang larawan sa mga malalalim na salita ayon sa konotatibo
at denotatibong pagpapakahulugan

Balikan Natin

Ano-ano ang mga kaisipan ang pumapasok sa iyong isipan kapag naririnig o
nababasa mo ang salitang “guro”? Isulat ang iyong mga sagot sa loob ng
kahon.

1
Unawain Natin

Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa pamamagitan ng


pag-ugnay nito sa larawan. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng


buhay.

Sagot: ___________________________

Nagsimula akong magmasid, maghintay ng


mga bakas ng kapaitan sa kaniyang sinasabi.

2. Sagot: _____________________________

Bawat aralin namin sa panitikan ay naging


isang pagtighaw sa kauhawan namin sa
kagandahan at ako’y humanga.

3. Sagot: ______________________________

Minsan, tila hindi namamalayang


nakapagpapahayag ang aming guro ng isang
4. pangamba ang pagkatakot niyang baka siya
hindi umabot sa matatayog na pangarap ng
kaniyang anak.

Sagot:_______________________________

2
A. Sa Pagbabasa mo, tiyak may matutuhan ka, kaya basahin ang…

Ang Kuwento ni Mabuti


(Buod)
Ni Genoveva Edroza-Matute

Si Mabuti ay isang pangkaraniwang guro kaya siya nabansagang Mabuti ng kaniyang


mga mag-aaral dahil ito palagi ang bukambibig niya sa kaniyang klase. Hindi man batid
ng nakararami, sa kabila ng kaniyang pagiging malakas ay may itinatago rin siyang
kahinaan at dahil dito ay hindi niya maitatago ang hubad na kototohanang pinakalilihim
niya.

Minsang magpunta si Mabuti sa silid-aralan upang doon umiyak dahil sa bigat ng


problemang kanyang pinagdadaanan, nadatnan niya na umiiyak ang isang batang
nagngangalang Fe. Nakita ni Fe ang kaniyang sarili sa kaniyang guro na si Mabuti kaya
lagi niyang inuugnay sa kariktan ng buhay ang guro. Pareho silang may suliranin. Yun
nga lang ay mas mabigat ang suliranin ng kaniyang guro. Mula noon, mas lumaki ang
paghanga ni Fe kay Mabuti at ang bawat pagtuturo nito sa kanila ay isang magandang
pahina ng kaniyang buhay-estudyante.

Simula nang magsimula ng magkuwentuhan ang dalawa tungkol sa kanilang mga buhay,
nagkamabutihan na ng loob ang dalawa at naging magkaibigan. At sapagkat natuklasan
niya ang katotohanan tungkol sa kaniyang guro kaya nagsimulang siyang magmasid at
maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa bawat sinasabi ng guro. Bawat aralin nila sa
panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan nila sa kagandahan at kaya lubusang
humanga si Fe sa guro. Nagbago ang pananaw ni Fe nang maisambit ng lalaki niyang
mag-aaral ang tungkol sa ama ng anak niya na lagi niyang ikinukuwento sa klase.

Madalas na ikinikuwento ni Mabuti ang tungkol sa kaniyang anak na gusto niyang bigyan
ng maayos na buhay at nais niya itong matulad sa kaniyang ama na isang
manggagamot. Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpapahayag ang kaniyang guro
ng isang pangamba ang pagkatakot ni Mabuti baka hindi na umabot sa matatayog na
pangarap ng kaniyang anak. Lumipas ang mga araw, at nalaman ni Fe ang kuwento ni
Mabuti.

Sa kasamaang palad, binawian ng buhay ang asawa ni Mabuti. Matapos mamatay, hindi
ito naiburol sa mismong bahay ni Mabuti, dahil doon lamang niya nalaman ang
katotohanang hindi pala siya ang unang asawa ng manggagamot. Kahit siya ay
pangalawang asawa ng manggagamot, naunawaan naman niya ang ganitong sitwasyon
kaya minabuti na lamang umiyak sa silid na iyon na kaniya ring madalas iniiyakan upang
mailabas niya ang sakit na kaniyang nararamdaman.

Sa paglipas ng mga panahon, hindi pa rin nawawala sa isip ni Fe ang larawan ng


kaniyang guro. Bagamat lumipas na ang mga araw ay nananatili sa kaniyang puso ang
mga payo at aral ng kaniyang gurong si Mabuti, ang itinuturing niyang isang inspirasyon.

3
Ilapat Natin

Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan ng kuwento?


______________________________________________________
2. Saan iniuugnay ng mag-aaral ang guro?
________________________________________________________
3. Ano sa tingin mo ang nararamdaman ng mag-aaral habang ibinabahagi
niya ang kaniyang suliranin sa kaniyang guro? Patunayan ang iyong
sagot.
________________________________________________________
4. Bilang isang mag-aaral, naranasan mo na rin ba ang makapagbahagi ng
iyong suliranin sa iyong guro? Ano ang iyong naramdaman? Paano mo
ito naibahagi sa kaniya?
________________________________________________________
5. Kung ikaw ang mag-aaral sa kuwento, paano mo maipapakita ang
iyong malasakit sa guro?
________________________________________________________

Suriin Natin

Maaaring makilala o maisalarawan ang isang tauhan ng isang akda


sa pamamagitan ng pag-unawa sa kaniyang mga ikinikilos, isinasalita
o maging sa pagpapakita niya ng kaniyang mga reaksiyon sa
sitwasyon ng kuwento.

Gawain 1

Kung ikaw si Fe, paano mo mailalarawan ang gurong si Mabuti ayon


sa kaniyang kilos, salita, at reaksiyon? Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Kilos
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

4
Salita
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

Reaksiyon
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

Tayain Natin

Pagsasanay 1

Panuto: Piliin ang katangiang inilalarawan sa bawat bilang.


Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

a. maalalahanin c. mapangarapin e. mausisa


b. maunawain d. malihim

_____1. “Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon


ay naunawaan ko ang lahat.”
_____2. “Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay
niya.”
_____3. “Tila may suliranin .. mabuti sana kung makakatulong ako.”
_____4. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili
sa buong panahon ng pag-aaral namin sa kaniya.
_____5. “At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kaniyang
anak at isang mabuting manggagamot.”

Pagsasanay 2

Panuto: Unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang


katangiang ipinakita o ipinahiwatig ng tauhan sa bawat pahayag.

1. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian


na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang-araw kapag kayo’y
nawala.” -Adrian
(Nang Minsang Naligaw si Adrian, pahina 19 Panitikang Asyano 9)

5
Ano ang ipinahiwatig ni Adrian sa kaniyang pahayag?
Sagot: ___________________________________________

2. “Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain,


at ang mga bata’y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama
at umakit ang malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas
na masapok ang mukha ng kanilang ina,”
(-Ang Ama, Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena, pahina 22, Panitikang Asyano 9)

Ano ang katangian ng ama ang ipinakita sa pahayag?


Sagot: _________________________________________

3. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang
tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa
kaniyang paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa
inyong dalawa!”
(Ang Hatol ng Kuneho Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat,
pahina110, Panitikang Asyano 9)

Ano ang katangiang ipinakita ng kuneho?


Sagot: _________________________________________

Likhain Natin

Sa pagsulat, mamili lamang kung ito ba ay liham/awit/tula, jingle,


rap, o kaya’y spoken word poetry at iba pa ukol sa nais mong sabihin kay Mabuti.

RUBRIK SA PAGSULAT
Pamantayan Puntos
Naipapakita ang mga bahagi sa 4
pagsulat
Organisasyon ng ideya 3
Wastong gamit ng bantas 3
Kabuoan 10
Iskor

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

You might also like