You are on page 1of 8

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

MOTHER TONGUE 3 IKALIMANG LINGGO


Ikatlong Kwarter
KINAGIGILIWANG KARANASAN

Mga Kasanayang Pampagkatuto

• Nakikilala at nagagamit ang mga salitang kilos o pandiwa


ayon sa antas at lebel
• Nakagagamit ng angkop na aspekto ng pandiwa sa
pagsusulat ng isang pangyayari, kinagigiliwang karanasan
,isang talaarawan at iba pa.

Layunin
Inaasahang ang mga mag-aaral na pagkatapos pag -
aralan ang modyul na ito ay natutuhan ang mga kasanayang
nakapaloob dito na nakilala at nagamit ang mga salitang kilos at
nkapagsulat ng isang pangyayari, kinagigiliwang karanasan at
talaarawan sa tulong ng kani - kanilang mga magulang

Unawain Natin
Ang Magkakaibigan

Isang umaga, araw ng Sabado,tinawagan ako ng aking


matalik na kaibigan na si Kate sa pamamagitan ng video call
upang ako ay imbitahan sa kanyang kaara-wan.Taon - taon niya
akong iniimbitahan tuwing sasapit ang kaarawan niya. Subalit sa
taong ito ay hindi ako makakadalo sa kaniyang kaarawan dahil sa
pandemyang kinakaharap natin sa ngayon na dulot ng COVID -

1
19. Kailangan nating manatili sa loob ng bahay ang mga batang
tulad ko upang maiwasan na mahawa sa sakit.

Sa pamamagitan ng video call ay binati ko siya at inawitan ng


"Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday to you ...
"Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan niya at kitang kita ko sa
kaniyang mga mata ang labis na kagalakan na kahit sa video call
lang kami nag-uusap ay parang magkasama na kami na parang
katabi lang namin ang isa't isa.Lubos ang pasasalamat niya sa akin
at ganun din ako sa kanya.

Ang tanging naroon lamang sa kanilang bahay ay ang


kaniyang pamilya at kamag -anak. Tinawag ni Kate ang kaniyang
pinsang babae. Si Faith ay kasing edad din namin. Siya ay bagong
dating galing sa ibang bansa . Ipinakilala kami ni Kate sa isa't isa.
Masaya kami habang nagkakamustahan .May tawanan ,biruan at
kwentuhan ng aming mga karanasan na kinagigiliwan. Simula
noon ay magkakaibigan na kaming tatlo.

Isaisip

Isang magandang pagkakataon na maipakilala natin ang


ating mga kaibigan at kaklase sa ating mga magulang at
kamag – anak .Gayundin ang ating mga kaibigan.

Pag usapan naman natin ang kuwentong inyong binasa

1. Sino - sino ang tauhan sa kuwento?

2. Ano ang dahilan ng pag -uusap ng magkakaibigan?

3. Ano ang nagsilbing paraan ng kanilang komunikasyon upang


makipag - ugnayan sa isa't isa?

4. Bakit hindi makadalo ang kaibigan ni Kate sa kaniyang


kaarawan?

2
5. Bakit mahalaga na ipakilala natin ang ating mga kaibigan sa
ating pamilya, gayundin ang ating pamilya sa ating mga
kaibigan?
6. Ano - ano ang mga salitang nagpapakita ng kilos na
nabanggit sa kuwento? Piliin at isulat ang mga salitang kilos na
ito sa bawat bilang.
1.
2.
3.
4.
5.
7. Ano ang tawag sa mga salitang nagsasabi ng kilos o galaw?

Tandaan

Pandiwa - ay mga salitang nagsasabi ng kilos o galaw.

Halimbawa: nagkwentuhan , nagtawanan , nagbiruan

Tatlong Aspekto ng Pandiwa

1. Pangnagdaan/Naganap - ay nagsasaad ng kilos na naganap


na. Kadalasan,ang unlaping “nag”ay dinudugtungan sa
salitang – ugat.
Mga Halimbawa: nagluto,naglaro,naglaba

Iba pang halimbawa:

Ang iba naman ay kinakabitan ng – in sa unahan at gitna sa


salitang – ugat.
Kinuha, inalis , tinupad

2. Pangkasalukuyan/Nagaganap - ay tumutukoy sa kilos na


parating ginagawa o kasalukuyang nangyayari.

Kadalasan,mayroon itong inuulit na bahagi ng salitang – ugat.

Mga Halimbawa: nagluluto,naglalaro,naglalaba

3
Iba pang halimbawa:
Ang iba naman ay dinadagdagan ng panlaping um sa
gitna ng salitang – ugat.

kumakanta, sumasayaw ,tumatahi

3. Panghinaharap/Magaganap- ay nagpapahayag na ang kilos


ay hindi pa nagaganap o gagawin pa lang.Kadalasan , ang
unlaping “ mag” ay dinudugtungan ng salitang – ugat.

Mga Halimbawa: magluluto, maglalaro, maglalaba


Iba pang halimbawa:

Kakanta, sasayaw , kukunin

Ilapat Natin

Panuto: Punan ng angkop na salitang kilos ang mga sumusunod na


patlang ayon sa mga ginawa,ginagawa at gagawin pa lang
upang mabuo ang mga pangungusap.

1. Nakausap ko ang aking kaibigan sa pamamagitan ng video


call. Kami ay nagkamustahan at _______________.

2. Malapit na ang aking kaarawan. _______________ si nanay ng


paborito kong pagkain tulad ng spaghetti at fried chicken.

3. Sa panahong may pandemya kailangan natin ________________


ng kamay at 4. ____________ng mask.

5. Araw - araw akong nagbabasa at _______________ ng aking


mga modyul.

4
Suriin Natin
Basahin ang kuwento. Isulat sa patlang ang mga pandiwa o
salitang kilos na ginamit sa kuwento.

Ang Kuwento ng Aking Lola


Ang kuwento ni lola ang isa sa mga kinagigiliwan kong
pakinggan. Mahilig kasi siyang magkuwento sa aming
magkakapatid. Isa sa mga paborito kong kuwento ni lola ay ang
tungkol sa ibong si " Benrobin". Ito ang kuwento ni lola...

Sa bakuran nina Biyaya ay may isang matandang puno


ng mangga. Sa punong ito ay may nakatirang ibon na
nagngangalang Benrobin. Ang puno ay may iilang bunga na lang
na natitirang naglalambitin sa mga sanga nito. Kahit gutom na
gutom na ang ibon ay hindi niya ito kinakain. Ang tanging
ginagawa niya lamang ay umawit ng umawit upang makalimutan
ang nangangalam niyang sikmura.

Naghihinayang siyang kainin ang mga bunga na nagbibigay


kulay at ganda sa puno. Pagkatapos nitong umawit ay nakatulog
ang ibon. Sa ilalim naman ng puno ay may nananahan na pamilya
ng mga bulati. Ang mag - asawang bulati ang kailangang umalis
ng bahay upang maghanap buhay para sa pamilya. Ang
dalawang nakatatandang kapatid naman ang naaasahan sa
mga gawaing bahay at nag aalaga sa nakababatang kapatid.

Ang magkakapatid ay abalang - abala naman sa mga


gawaing bahay. Hindi nila namalayan na nakalabas na pala ito ng
bahay. Ito naman ang pagkakataon ng ibon na may pangkain na
siya kaya dahan - dahan ito lumipad pababa at biglang tinuka
ang munting bulati. Sinubukan ng bulati na sumigaw ngunit walang
makarinig sa kanya. Ang ibon naman ay tuwang - tuwa sapagkat
nalamnan na ang nangangalam niyang sikmura. Ang pamilya
naman ng mga bulati ay nabalot ng kapighatian sa pagkawala ng

5
isa sa mga miyembro ng kanilang pamilya. Magsisi man sila'y huli
na ang lahat.

Gawain 1: Piliin sa loob ng kahon ang mga pandiwang ginamit sa


kuwento. Isulat ito sa bawat bilang.

sumigaw lumipad natutulog dalawa umalis

naglalambitin kapighatian

1. _______________

2. _______________

3. _______________

4. _______________

5. ________________

Gawain 2: Kilalanin kung anong aspekto ng pandiwa ang


mga sumusunod na salitang kilos.Isulat ang Pangnagdaan,
Pangkasalukuyan o Panghinaharap sa patlang.

1. umalis-_____________________

2. naglalambitin-______________

3. lumipad_ __________________

4. umawit-____________________

5. magsisi-____________________

6
Tayain Natin
Panuto: Gumawa ng isang talaarawan sa loob ng tatlong araw
tungkol sa iyong mga kinagigiliwang gawin sa tahanan. Gumamit
ng mga salitang kilos o pandiwa sa iyong talaarawan.
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagbibigay ng Marka

Pamantayan ng Pagpupuntos Puntos

Nagagamit ang Tatlong Aspekto ng Pandiwa 8

Kaugnayan sa paksa 7

Angkop na paggamit ng bantas 5


Orihinalidad 5

Kabuoan: 25

7
Likhain Natin
Panuto: Gumawa ng isang maikling talata na may 3 hanggang 5
pangungusap tungkol sa pandemyang nararanasan natin sa
ngayon. Gumamit ng mga pandiwa ayon sa aspekto nito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagbibigay ng Marka

Pamantayan Pinakamahusay Mahusay - husay Mahusay

5 3 1
Nilalaman Naipapakita ang Di – masyadong Di – malinaw na
kaugnayan sa naipakita ang naipapakita ang
paksa at kaugnayan sa kaugnayan sa
nagagamit ang paksa at paksa at
aspeto ng nagagamit ang nagagamit ang
pandiwa aspeto ng pandiwa aspeto ng
pandiwa
Organisasyon Nagkakaisa at Di – masyadong Di nagkakaisa at
nagkakaugnay nagkakaisa at nagkakaugnay
ang pangungusap nagkakaugnay ang ang
pangungusap pangungusap
Mekaniks Wasto ang gamit Di- masyadong Hindi wasto ang
ng salita, bantas wasto ang gamit ng gamit ng salita,
sa pangungusap salita, bantas sa bantas sa
pangungusap pangungusap
Orihinalidad Ang kabuuang Ang kabuuang Ang kabuuang
kwento ay kwento ay kwento ay hindi
nagpapakita ng nagpapakita ng nagpapakita ng
lubusang hindi lubusang orihinalidad
orihinalidad orihinalidad
Kabuoan: 20

You might also like