You are on page 1of 12

A

Filipino 7

LEARNING ACTIVITY
SHEET
Asignatura at Baitang: FILIPINO 7
Activity Sheet Bilang 1
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar

Isinasaad ng Batas RepubliKa 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na maghanda ng Gawain kung itoý pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

This Learning Activity Sheet na ito ay inilimbag upang magamit ng mga

Paaralan sa Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Walang bahagi ng Learning Activity Sheet na ito ang maaaring kopyahin o

ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot sa kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Bumuo sa Pagsulat ng Filipino Activity Sheet

Manunulat: Maria Cicelia B. Pacantarra

Tagaguhit: _________________________

Tagalapat: _______________________
Tagasuri: Cecilia G. Ason, DM
Editor: _______________________________
Carmela R. Tamayo EdD., CESO V – Schools Division Superintendent
Moises D. Labian Jr. PhD., CESO VI – Asst. Schools Division Superintendent
Antonio F. Caveiro PhD. - Chief Education Supervisor, CID
Cecilia G. Ason DM. - EPS – Filipino
Josefina F. Dacallos EdD. – PSDS/LRMS Manager Designate
Lauro G. Gacusana - District Head
Violeta H. Duran – School Head
FILIPINO 7

Pangalan ng mag-aaral: ______________________________ Baitang:___ Seksyon:_______

Paaraalan : ____________________________________________ Petsa:_____________________

TALINGHAGA, EUPIMISTIKO O MASINING NA PAHAYAG

SA MGA KARUNUNGANG-BAYAN

I. Panimula:
Ang panitikan ay salamin ng ating iniisip, karanasan, pagkatao, kultura,
tradisyon, paniniwala at kasaysayan ng isang bansa. Itinuturing natin itong
kayamanan sapagkat nagsisilbi itong pagkakakilanlan natin na hindi maaangkin ng
ibang lahi.
Laman ng mga panitikan ang mga kaalaman ng ating lahi na maaaring
magturo, gumabay, magbigay inspirasyon at aral sa ating mga Pilipino sa pang-araw-
araw nating pamumuhay.
Dahil dito, nararapat lamang na pag-aralan natin ang mga ito at bigyan ng
pansin upang mapanatili ito hanggang sa susunod pang mga henerasyon.

II. Kasanayang Pagkatuto at koda:

Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na

pahayag na ginamit sa tula, balagtasan, alamat, maikling kuwento, epiko ayon sa: -
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. (F8PT-Ia-c-19)
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang
bayan sa mga pangyayari sa tunay ng buhay sa kasalukuyan. (F8PB-Ia-c-22)

III. Pamamaraan:

A. Simulan

Gawain 1: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may diin sa

pangungusap.
a. hindi nadidisiplina d. pinag-isipan
b. katalinuhan e. problema
c. matalino f. walang magandang
hinaharap

__________ 1. Hindi maiiwasang makaranas ng bagyo sa buhay ang mga tao tamad.
__________ 2. Makapitong inisip ni Cindy kung sasama siya sa kanyang mga kaibigan
mamayang gabi.
__________ 3. Problema ng magulang ang mga anak na hindi napaluluha.
__________ 4. Gustong maging abogado ni Nel dahil matalas ang isip nito.
__________ 5. Hindi marunong mag-impok si Yoyong kaya nakatunganga na iyan
bukas.

Gawain 2: Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag na ginamit sa bawat

pangungusap. Itala ang iyong sagot sa loob ng kahon.

1. Mahirap ang kalagayan sa buhay ni Mark. Siya ay anak-dalita subalit

nagsisikap sa buhay.

2. Tinulungan ni Mang Edu si Shiela sa kanyang pag-aaral kaya malaki ang

kanyang utang na loob rito.

3. Marami ang nawiwili kay Biel dahil hindi ito palaaway. Malawak ang isip niya
sa mga bagay-bagay.

4. Pasang-krus ni Aling Lina ang kanyang mga anak hanggang ngayon kahit may
mga sariling pamilya na ang mga ito.

5. Buo ang loob ni Oliver na magtrabaho sa ibang bansa para sa kanyang

pamilya.
B. Alam mo Ba

KARUNUNGANG-BAYAN
(Mga Akdang Lumaganap Bago dumating ang mga Espanyol)
Noon pa man ay sinasabing mayaman na ang panitikang Pilipino. tayo ay may
sarili nang panitikang nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi bago pa man dumating
ang mga Espanyol at iba pang dayuhan sa bansa.
May mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahonng mga Katutubo sa
iba’t ibang panig ng bansatulad ng krunungang-bayan na tinatawag ding kaalamang-
bayan. Ang panitikang ito ay binubuo ng mga salawikain, sawikain, bugtong,
palaisipan, kasabihan, at bulong. Karaniwang ang mga ito ay nagmula sa mga
Tagalog at hinango sa mahahabang tula.

1. Salawikain – Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin

ng kagandahang-asal ng ating mga ninunong naglalayong mangaral at umakay
sa mga kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang-asal.
Halimbawa:
o Aanhin pa ang damu, kung patay na ang kabayo.
o Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan.

2. Sawikain – ang mga sawikain ay nagtataglay ng talinghaga sapagkat ito ay may

nakatagong kahulugan. Sa ibang sanggunian ay tinataawag din itong idyoma o
kaya naman ay eupemistikong pahayag.
Halimbawa:
o Bagong-tao – na ang ibig sabihin ay binata
o Bulang-gugo – gastador, galante

3. Kasabihan – Ang mga kasabihan noong unang panahon ay yaong

ipinapalalagay na mga sabihin ng bata at matatanda na katumbas ng
tinatawag na Mother Goose Rhymes. Ang kasabihan ay karaniwang ginagamit
sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
Halimbawa:
Putak, putak Tiririt ng ibon,
Batang duwag Tiririt ng maya
Matapang ka’t Kaya lingon ng
Nasa pugad lingon
Hanap ay asawa.
4. Bugtong - Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
Ito ay binibigkas nang patula at may lima hanggang labindalawang pantig. Ang
mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong.
Halimbawa:
o Bungbong kung liwanag, kung gabi ay dagat. (banig)
o Dalawang katawan, tagusan ang tadyang. (hagdan)

5. Palaisipan – Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng

mga tao upang bumuo ng isang kalutusan sa isang suliranin. Ito ay
nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay sanay mag-isip at
kanilang ipinamana ito sa kanilang inapo.
Halimbawa:
o Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Mang Juan.
Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
o May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang
bola nang di man lang nagalaw ang sombrero?

6. Bulong – Ang bulong ay mga pahayag na may sukat at tugma na kanilang

ginagamit na pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto, at masasamang
espiritu.
Halimbawa:
o Huwag magagalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y
napag-utusan.
o Tabi-tabi po, dadaan lang po.

Baisa-Julian et.al. 2017, p.17-19

Gawain 1: Sagutin ang mga tanong tungkol sa Karunungang-bayan na iyong nabasa.

Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Ano-ano ang itinuturing na karunungang-bayan sa panitikang Pilipino? isa-

isahin ang mga ito.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang mga nasabing karunungang-bayan sa pag-aaral ng
kulturang Pilipino?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Paano mo magagamit ang mga aral na taglay ng karunungang-bayan sa pag-
aaral ng kulturang Pilipino?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Marami ka bang alam na mga karunungang-bayan? Paano mo pa higit na
mapalalawak ang iyong kaalaman hinggil sa mga ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Naririnig mo pa bang ginagamit ang mga ito sa kasalukuyan? Patunayan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
C. Bumahagi

Basahin nang mabuti ang tula at sagutin ang sumusunod na gawain.

Karunungang-Bayan

Sa buhay ng tao ay may mga karanasan

Na kailangang iwasan at dapat ayusin
Tamang tandaaan, at sa tuwina’y pakaisipin
Mahalagang ingatan tulad ng kayamanan.

Iwasan nang hind imaging anak-dalita:

Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin.

Ubos-ubos na biyaya
Bukas nakatunganga.

Gawin upang tumanaw ng utang na loob:

Ang lumakad ng matulin
Kung matinik ay malalim.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan

Di makararating sa paroroonan.

Pakaiisipin upang maging malawak ang isip:

Sa anumang lakarin
Makapito munang isipin.

Nasa Diyos ang awa

Nasa tao ang gawa.

Tandaan upang maging buo ang loob:

Kung hindi ukol
Hindi bubukol.

Kung ano ang bukambibig

Siyang laman ng bibig.

Ingatan upang hind imaging pasang-krus:

Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin.

Ang kalusugan
Ay kayamanan.
Tularan nang maging matalas ang isip:
Daig ng maagap
Ang masipag.

Lakas ng katawan
Daig ng paraan.

Nabanggit ni Lolo mga karunungan sa buhay

Na maaaring maging gabay sa aking palagay
Ito ang mga bagay na dapat mong isabuhay.
Nang maging huwaran ng mahal sa buhay.

Baisa-Julian et.al. 2017, p.11-12

Gawain 1: Sagutin o magbigay-hinuha sa mga tanong batay sa tulang

napakinggan/nabasa. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Bakit daw “bagyo ang aanihin kapag hangin ang itinanim”?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Ano ang mangyayari kapag hindi nagamit nang wasto o madaling naubos ang
mga biyaya sa buhay?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Paano isasabuhay ang kasabihang “Ang lumakad nang matulin kung matinik
ay malalim”?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Bakit nasabing “Ang kalusugan ay kayamanan”?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Ano ang ibig sabihin ng “Kung ano ang bukambibig, siyang laman ng dibdib”?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Gawain 2: Narito ang iba pang mga karunungang-bayang ipinamana sa atin ng ating
mga ninuno. Basahin ang mga ito at tukuyin kung anong mahalagang kaisipan ang
nais ipahiwatig nito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Pag may isinuksok, may madudukot

a. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok.
b. Mag-ipon nang mabuti upang may magamit ang bangko sa pagtulong sa
iba.
c. Ilagay sa alkansiya ang pera upang mas madaling makuha sa oras ng iyong
kagipitan.

2. Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak.

a. Madalas bumabagsak sa buhay ang taong sobrang taas ang pangarap.
b. Ang taong mapagmataas ang siyang kadalasang nakararanas ng matinding
pagbagsak.
c. Hindi masamang mangarap nang mataas, huwag lamang sa paraang pag-
iisipan ng masama ang kapwa.

3. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.

a. Magtrabaho habang bata pa upang pagtanda ay mayroon kang
mapagkukuhanan ng pangangailangan.
b. Kung kailan lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos
upang makamit ito.
c. Gumamit ng manok upang siyang tumuka at kumahig ng iyong kailangan.

4. Ang mahirap kunin ay masarap kainin.

a. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghihirapan.
b. Magaan sa loob ang pagkain ng mamahaling pagkain na pinaghirapan.
c. Malinamnam ang kanin na bunga ng iyong pawis.

5. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon.

a. Matutong solusyunan ang mga problemang gawa ng iyong mga desisyon.
b. Kapag maagang tumungo sa tubig, tiyak na lalamigin kaagad.
c. Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga ring matatapos.
D. Gawin Mo

Gawain 1: Magtanong sa iyong lolo, lola, magulang, o sinumang matanda sa inyong

lugar ng mga halimbawa ng karunungang-bayan na alam nila. Itala ang mga ito sa
grapikong pantulong na makikita sa ibaba at pagkatapos ay iugnay ang mga
kaisipang nakapaloob sa mga ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan. Maaaring isulat ito sa wikang binibigkas ng iyong pinagkunan.

MGA KARUNUNGANG-BAYAN

Salawikain o Bugtong o Kasabihan o Bulong

Sawikain Palaisipan
___________________
___________________ ___________________ ___________________

___________________ ___________________

Kaugnayan ng mga Kaisipang Nito sa Tunay na Buhay sa Kasalukuyan

____________________ ____________________ ____________________

Gawain 2:
Malaki ang naging gampanin ng mga karunungang-bayan sa paghubog ng
paniniwala, ugali, at gawi ng ating mga ninuno noon. Ito ay naging gabay nila upang
makapamuhay nang maayos at payapa lalo sa pakikipagkapwa. Muli nating ibalik at
lalo pang paunlarin ang mga karunungang-bayang ito.
Gumawa ka ng isang bookmark kung saan mababasa ang sarili mong gawang
karunungang-bayan. Maaaring ito ay salawikain, sawikain, palaisipan, bugtong,
bulong o kasabihan.
Isulat ang binuong karunungang-bayan sa harap na bahagi ng bookmark,
habang ang iyong pagpapakahulugan sa isinulat na karunungang-bayan ay isusulat
sa likod. Maaaring ang pagpapakahulugan ay paglalahad ng kasingkahulugan o
kasalungat ng karunungang-bayan na iyong nabuo.
Ang bookmark ay kailangang may 1.5 inches na taas at 6 inches na haba.
Gumamit ng ruler upang masunod ang sukat.
Gawing makulay ang iyong bookmark, maaari kang gumamit ng makukulay na
papel, ribbon, yarn at iba pang pangdekorasyon basta’t siguraduhing mababasa pa rin
ang binuo mong karunungang-bayan.
Makikita sa ibaba ang halimbawa ng sukat at itsura ng bookmark.

Di ka ngani mag-antos, di ka masasantos.

IV. Gabay na Tanong

Basahin at unawain ang mga tanong. Sagutin ito sa abot ng iyong kaalaman at
nang buong puso. Walang maling sagot basta’t maipahayag mo lang nang maayos
ang iyong sagot. Kaya mo yan!

1. Paano ninyo naibibigay ang kahulugan ng mga talinghaga, eupimistiko o

masining na pahayag na mababasa sa mga karunungang-bayan?

2. Anong kaisipan ang naibigan mo sa mga karunungang-bayan na natalakay?

Paano mo ito maiuugnay sa tunay na buhay o sa kasalukuyan?

3. Bakit kailangang pag-aralan at pahalagahan ng mga kabataan ang mga

karunungang-bayan tulad ng salawikain, sawikain o kawikaan, at kasabihan
bilang akdang pampanitikan sa kasalukuyang panahon?

V. Rubrik sa Pagpupuntos
Pamantayan para sa pagmamarka ng mabubuong book mark ng mga mag-
aaral.

o Nilalaman ng bookmark (Karunungang-bayan) - 10 puntos

o Pagiging orihinal ng Karunungang-bayan - 5 puntos
o Kasiningan at kalinisan ng gawa - 5 puntos
20 puntos

VI. Sanggunian:

Julian, Ailene B, et.al. 2017.Pinagyamang Pluma 8 (K to 12); 927 Quezon

Ave.,Quezon City:Phoenix Publishing House Inc.

VII. Susi sa Pagwawasto

Simulan Alam Mo Ba Bumahagi Gawin Mo

Gawain 1 Gawain 1 Gawain 1 Gawain 1:
1. E 1. Salawikain, 1. Magkakaroon ka Tingnan ang katangian ng
2. D sawikain, ng maraming mga karunungang-bayan
3. A kasabihan, problema dahil kung tama ang
4. C bugtog, wala kang pagkakalagay ng mga
5. F palaisipan mapagkukuan. mag-aaral. Ang
Gawain 2: at bulong 2. Maaari kang kaugnayan nito sa tunay
1. Lumaking 2. Dahit ito ay maghirap na buhay at kasalukuyan
mahirap salamin ng 3. Huwag ay kailangang may
2. Marunong ating magpadalos- kaugnayan sa naisulat na
sumukli kalinangan dalos sa desisyon karunungang-bayan.
ng at 4. Dahil ang
kabutihan kasaysayan malusog na Gawain 2:
3. Mapagpas 3. Pagpapahal pangangatawan Tingnan ang rubrik.
ensiya, aga sa ma ang lubos nating
mahinaho ito, kailangan higit
n isasabuhay sa anupamang
4. Problema, at isasapuso bagay
pabigat 4. Pag-unawa 5. Ang palago mong
5. Pursigido, sa mga ito sinasabi ay
may 5. Oo, kapag salamin ng iyong
pangarap nangangaral kilos, gawi at
sa buhay ang mga pakatao
magulang o
nakatatanda Gawain 2
sa anumang 1. A
bagay 2. B
3. B
4. A
5. C

You might also like