You are on page 1of 5

4.

Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng


napanood na palabas sa telebisyon at pelikula (Halimbawa: Be Careful with My
Heart, GotValley
Cagayan to Believe, Ekstra, Makapilapil,
Road, Barangay On The Job, SanWord of the
Ildefonso, Bulacan.
Lourd(http://lourddeveyra.blogspot.com)

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Topic: Wikang Pilipino at Pag-aaral ng Kultura
Teacher: Sarah S. Paralejas Week
Date: November 2-13, 2020
9-10
Pangalan: ____________________________Baitang: _____Pangkat: __________

TARGET GUIDE

1. Nasusuri at naisasaalang -alang ang mga lingguwistiko at kultural na


pagkakaiba -iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood
2. Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng
paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon
3. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa
kulturang Pilipino

THINGS TO LEARN

Matapos ang aralin, inaasahang misagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Nababatid ang mayaman at maraming mapagkukunang kaalamang bayan ng mga
Pilipino.
2. Natutuhan ang Araling Pilipino bilang tulay sa pag-aaral ng wika, kultura , at Lipunang
Pilipino.

THINK ABOUT IT

Paano natin pag-aaralan ang sariling kultura?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
TEACHING POINTS

UGNAYAN NG WIKA AT KULTURA

Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian o naksanayan na ng mga


tao sa isang lugar. Binubuo ito ng mga karunungan, panitikan, paniniwala, kaugalian, sining,
batas, pagpapahalaga, at iba pa. Dahil mahalagang instrumento ang wika upang makapag-
ugnayan ang mga tao, ito ang ginagamit upang maipahayag, malinag, at mapalaganap pa ang
kultura. Ito rin ang ginagamit upang maisalin at maioamana ito sa mga susunod na henerasyon.
Ang paran ng paggamit ng wika at pagbibigay-kahulugan dito ay maaaring magkakaiba sa iba’t-
ibang lugar batay sa kulturang taglay ng lugar na gumagamit nito.

KAALAMANG BAYAN BILANG KULTURA NG PAMAYANAN

Ang kaalamang bayan ay umiiral na kuwento, oanitikan, paniniwala, ritwal, gawi, at trdisyon ng
mga mamamayan sa isang pamayanan o kalinangan na nagpsalin-salin sa iba’t-ibang lahi at
pook dahil sa ito’y bukambibig ng taumbayan.

Iba’t Ibang Uri ng Kaalamang Bayan

A. Ang awiting bayan ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay
kinakanta o inaawit pa rin. Halimbawa ng mga awiting ito ay Leron, leron Sinta, Bahya
Kubo, atin Cu Pung Singsing at Paru-parong Bukid (Simbulan, 2012)

1 Ang kundiman ay awiting may tema ng pag-ibig na malungkot at mabagal. Mula


noong panahon ng Espanyol hanggang ngayon ay kadalasang ginagamit ito para
maipadama ang pagmamahal sa iniibig o pagmamahal para sa bayan o bansa.

2 Ang kumintang ay dating sayaw ng digmaan na ngayon ay naging awit ng pag-ibig.

3 Ang dalit o imno ay awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan, o pasasalamat.


Karaniwan itong inaawit bilang papuri sa Diyos sapagkat nagpapakita at
nagpaparating ito ng pasasalamat.

4 Ang Oyayi o hele ay awitin para sa pagpapatulog ng bata at karaniwang naglalaman


ng mga bilin

5 Ang Talindaw ay awit sa pamamangka.

6 Ang diona, tulad ng kundiman, ay awit ng pag-ibig ngunit madalas itong ginagamit
sa kasalan

7 Ang Dungaw o dung-aw ay makalumang tula at tradisyon ng mga Ilokano na


inaawit bilang panaghoy ng isang taong namatayan.

B. Ang alamat ay pasalitang panitikan tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang bagay. Ilan sa
mga alamat ay tumutukoy sa pinanggagalingan ng mga pangalan ng lugar o kalikasan,
at kay Bathala. Nagbibigay ito ng aral sa buhay at paghamon na maituwid ang
masasamang nakaraan.
C. Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip na tumatalakay sa mga aral sa
buhay ng tao. Mga hayop ang mga tauhan dito.

Ayon sa www.katig.com, mga hayop ang gumaganap sa pabula dahil ang mga hayop ay
may kaniya-kaniyang lakas na katangian na madaling isalarawan upang mas maging
malinaw ang paglalahad ng kuwento. Ang mga katangian na tulad ng pagiging maamo
(tupa), mabagsik (lobo), masipag (langgam), mapanlinlang (matsing) at marami pang iba
ang nagpapakita ng paglalarawan sa kwento. Ang isa pang dahilan ay noong unang
panahon, magkakasama ang mga tao bagamat sila ay mula sa iba’t ibang lipi at antas
ng lipunan. Sa pamamagitan ng mga hayop bilang pangunahing tauhan sa pabula ay
naiiwasan ang pagkakagalit at pagtatalo-talo ng mga tao na maaaring maging maling
pag-aakala na ang kanilang lipi o antas sa lipnan ang tinatalakay at pinupuna sa pabula.

D. Ang epiko ang pangunahing pasalitang anyo ng panitikang hinubog ng iba’t ibang
katutubong Pilipino. Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na nagtataglay ng kapangyarihan na kadalasan ay galing sa Diyos
o Diyosa. Mula ito sa salitang Griyego na epos na nangangahulugang salawikain o awit.
Sa ilang lugar sa bansa, ang epiko ay binibigkas nang paawit tuwing may kasiyahan o
pagtitipon-tipon at inaabot nang ilang oras o araw bago matapos.

Ang pangkalahatang layunin ng epiko, samakatuwid, ay manggising ng mga damdamin


upang hangaan ang pangunahing tauhan. Anupa’t naiiba ito sa trahedya na naglalayong
pumukaw ng pagkasindak at pagkaawa ng tao. Pinakamahalaga rito ang
pagtatagumpay laban sa mga suiraning nakakaharap, at lalong magaling kung
magkakaroon ng ganap na pagtatagumpay laban sa matitinding suliranin, sapagkat ito’y
lalong makapagbibigay-buhay sa layunin ng tulang ito (Rivera, www.kapitbisig.com)

E. Ang kuwentong katatakutan o urban legend ay hindi mawawala sa umpukan sa


kanto, sa huntahan ng magbabarkada sa klase, o kaya’y tuwing nagkikita-kita ang
magkukumare sa palengke. Madalas, aswang sa siyudad. Tumatanim ito sa isip ng mga
nakaririnig at minsa’y napapaniwala ang iba kahit na walang matibay na ebidensya kung
totoo ito o hindi. Halimbawa nito ang mahiwagang babae sa Balete Drive o di kaya’y
nagkalat na multo sa mga pangunahing unibersidad sa bansa.

F. Hindi mawawala sa isang bayan o pamayanan ang pista bilang alay sa patrong santo
sa simbahan ng ga katoliko. Sa mga kapatid nating muslim, ipinagdiriwang nila ng Eid
al-Fitr matapos ang isang buwan ng pag-aayuno. Sa araw na ito, naghahanda ng
masasarap na putahe ang mga Muslim at nagsasalo-salo bilang pamilya at pamayanan.

Bahagi rin ng ating kultura ang magagarbong selebrasyon o pagititpon tulad ng kasal,
binyag, at maski pagtatapos ng mga anak sa kolehiyo. Mahilig din ang mga Pilipino sa
paligsahan tulad ng pagkanta, pagsasayaw, at pagpapakita ng iba’t ibang talento.
, TASK TO DO

Ipaliwanag ang mga sumusunod na uri ng kaalamang bayan at magsaliksik ng tigdadalawang


halimbawa nito.

1. Oyayi o hele
________________________________________________________________
Halimbawa: ______________________________________________________

2. Kumintang
________________________________________________________________
Halimbawa : ______________________________________________________

3. Alamat
________________________________________________________________
Halimbawa: ______________________________________________________

4. Pabula
________________________________________________________________
Halimbawa : ______________________________________________________

5. Epiko
________________________________________________________________
Halimbawa : ______________________________________________________

THINGS TO PONDER

Unawa at Ugnayan

1. Ano ang ugnayan ng wika at kultura?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Bakit posibleng hindi pareho ang paggamit at pagpapakahulugan sa wika sa


magkakaibang lugar?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
TEST YOURSELF

Obserbahan ang natatanging kilos at gawi o kalagayan ng mga Pilipinong nakakasalamuha o


nakikita mo sa iyong pang araw-araw na buhay. Pagkatapos ay magsaliksik ng mga orihinal na
kanta o awiting Pilipino (OPM), dula, o pelikula at kilatisin at pagnilayan kung paano nito
sinasalamin ang iyong naobserbahan.

ISYU/KALAGAYAN AWITING PINOY PAGNILAY-NILAY

TRUSTED REFERENCES

Taylan, D. Petras, J., & Geronimo , J. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino, REX Bookstore

Cantillo, M. L., Gime, A., & Gonzales , A. (2016) . SIKHAY: Akla sa Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino para sa ika-11 Baitang. St. Bernadette Publishing
House Corporation

Department of Education (2020) Most Essential Learning Competencies Senior High School -
Core Subject (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

You might also like