You are on page 1of 20

8

Unang Markahan-Modyul 10:


Kaligirang Pangkasaysayan ng
Epiko
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 10: Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul

Manunulat: :Kateleen M. Lising


Editor: Ana Rizza M. Castro / Armie Joy E. Suyat
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Tagaguhit: Carlo D. Yambao, Timothy M. Bagang (Cover Arts and Icons)
Tagalapat: Roland M. Suarez, Catherine P. Siojo

Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent


Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID

Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino


Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan- ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ngD.


June ngCunanan,
Kagawaran ngDivision
ADM Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga
Coordinator

Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes, City of San Fernando,
Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Alamin

Matapos mong maunawaan ang katangian at kahalagahan sa buhay ng


mga Pilipino ng ilang sinaunang panitikan, sa bahaging ito ay iyong
makikilala ang isa pang itinuturing na maipagmamalaking matandang
panitikan ang epiko. Kung nais nating mabakas ang kasaysayang may
kaugnayan sa kalinangan ng ating lahi at nais nating matagpuan muli ang
ating mga sarili, napapanahon na upang balikan at pagtuunan ng pansin ang
ating mga epiko.

Bagama’t ito ay nalikha batay sa kababalaghan at nagtataglay ng mga


di- kapani-paniwalang pangyayari, kasasalaminan ang epiko ng kultura ng
rehiyong pinagmulan nito na tunay na maipagmamalaki.

Ang araling ito ay tutulong sa iyo upang maunawaan mo kung bakit


napabilang ang epiko sa matatandang uri ng panitikan na nananatili pa rin
sa kasalukuyan.

MGA TEKSTONG BABASAHIN: Tuwaang (Epiko ng mga Bagobo)


GRAMATIKA: Pagsasa-ayos ng mga datos

Narito ang mga kasanayang malilinang sa iyo sa pagtahak sa araling ito:

1. Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong


datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang
Pilipino.
F8PU-Ii-j-23
2. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos
(una, isa pa at iba pa)
F8WG-Ii-j-23
Subukin

SUPER HERO AKO!

Bago tayo dumako sa ating tatalakaying teksto, May mga idolo ka bang
super hero? Siyempre! Batay sa ating mga napapanood sa telebisyon at sa
sine, may mga natatanging karakter na ating iniidolo. Ngayon, gumawa ka
ng sarili mong bersyon ng iyong upper hero. Gamit ang grapiko sa ibaba.
Ilarawan ang mga katangiang nais mong taglayin sa sariling bersiyon mo
ng super hero. Ilagay sa kahon ang mga sagot.

Pangalan ng superhero:

a. Bakit iyan ang iyong napiling mga katangian?


b. Maituturing ka bang isang bayani? Patunayan.
c. Batay sa mga paglalarawan na iyong ginawa, ano kaya ang
mayroon sa mga pangunahing tauhan sa epiko?

Noon pa man may mga kinikilala ng Bayani ang ating mga ninuno tulad ng
mga Pinoy Superhero sa kasalukuyan, makikilala natin sila sa Panitikang
Epiko, kaya naman sa susunod na pahina ikaw ay makababasa ng isang
halimbawa nito.

Matutuklasan mo kung bakit isa ang epiko sa pinakamatandang panitikan


sa ating bansa. Sa iyong pagbabasa, suriin mo kung ano ang mga katangian
ng Epiko at kung ano ang pagkakaiba nito sa iba pang panitikan. Masisilayan
mo rin sa kuwento ang iba’t ibang kultura ng ating mga ninuno na nananatili
parin hanggang sa kasalukuyan.

Basahin at unawain.
Lesson
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
10 NG EPIKO

MASINSINANG PAGBASA!
Basahin nang mabuti at unawain ang teksto sa ibaba upang lubusang
malaman ang kaligirang pangkasaysayan ng Epiko.

Balikan

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko. Ang epiko ay isang uri ng


panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng
pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil
ang mga tagpuan ay pawang kababalaghan at di-kapani-paniwala.
Isang kuwento ito na punong-puno ng kagila-gilalas na mga pangyayari.
Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko. Ang salitang
epiko ay mula sa salitang Griyegong "epos" na nangangahulugang salawikain o
awit. Isa itong mahabang salaysay na anyong patula na maaaring awitin o isatono.

Hango ito sa pasalin-dilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring


mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan. Layunin nitong pukawin ang isipan ng
mga mambabasa sa pamamagitan ng nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian
at mithiin ng mga tauhan. May nagsasabing ang epiko daw ay hango sa pangalang
Kur, isang lalaki na kinuhang manunulat ng mga Español sa kanilang
kapanahunan dahil sa kaniyang likas na pagiging malikhain at matalino. Lahat
ng kaniyang isinulat ay tinawag niyang epikus, na di kalaunan ay tinawag ng mga
Español na epiko na ang ibig sabihin ay “dakilang likha”.
Ang epiko ay mahabang salaysay. Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas
nang patula. Kadalasan itong salaysay tungkol sa mahiwagang pangyayari o
kabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala, mga kaugalian at mga
huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang bayan. Sa Pilipinas,
popular ang tinatawag na epikong bayan o folk epic.

Ayon sa mga mananaliksik ng katutubong panitikan, may kani-kaniyang


matatanda at mahahabang salaysay na patula ang iba’t ibang pangkating etniko
sa Pilipinas. Sa labas ng Katagalugan, mayroong mga popular na tulang
pambayan o mga tulang epiko bago pa man dumating sa bansa ang mga banyaga.
Kilala sa mga Iloko ang epikong Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lamang).
Ito ay isinulat ng makatang si Pedro Bukaneg na sininop at pinag-aaralan pa
rin hanggang sa kasalukuyan. Sa Bicol naman ay tanyag ang epikong Ibalon na ang
orihinal na sipi sa wikang Bicolano ay iningatan ni Padre Jose Castaño noong ika-19
daang taon.

Gayundin ang epikong Handiong ng mga Bicolano na batay naman sa mga


bagong pananaliksik ay likha ng isang paring Español at hindi sa bibig ng mga
katutubo. Sa Visayas naman nagmula ang epikong Maragtas at sa Mindanao ang
pinakamahabang epiko sa Pilipinas na Darangan.
Nakapaloob sa Darangan ang kilalang mga epikong Prinsipe Bantugan,
Indarapatra at Sulayman at Bidasari. Ang mga kapatid naman natin sa CAR
(Cordillera Administrative Region) partikular sa Ifugao ay may ipinagmamalaki
namang Hudhud at Alim. Sa nakaraang ika-20 siglo, isa-isang naitala ng mga
mananaliksik at dalubhasa ang marami pang epikong bayan mula sa iba’t ibang dako
ng bansa. Ayon sa kanila, nauuri ang epikong nasusulat ayon sa kasaysayan ng lugar
na kinatagpuan nito.

. Halimbawa, nasa pangkating Kristiyanong epiko ang Lam-ang at Handiong,


samantala, nasa pangkating Muslim naman ang mga epikong Bantugan, Indarapatra
at Sulayman, Parang Sabil at Silungan. Ibinilang naman sa pangkating Lumad (di-
Kristiyano at Muslim) ang Ullalim ng Kalinga, Hudhud at Alim ng Ifugao, Labaw
Donggon ng Hiligaynon, Hinilawod at Agyu ng Mindanao, Kudaman ng Palawan,
Tuwaang ng mga Bagobo, Ulod, Sambila, at Guman ng Bukidnon, at marami pang
iba. Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang epikong bayan. Bukod sa nagiging
aliwan ang epiko, ito ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura
Ginagamit ito sa mga ritwal at pagdiriwang upang maitanim at mapanatili sa isipan
ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga
tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.

Ngayong nalaman mo na ang makulay na kasaysayan ng epiko. Mayroon


akong nais itanong sa iyo. Paano mo pahahalagahan ang epiko bilang bahagi
ng ating panitikang lahi? Gumawa ng sariling “Slogan” upang maipakita ang
iyong pagpapahalaga sa epiko.

Epiko ng Pilipinas
“______________________
_______________________
_______________________
______________________”
Alam mo ba na ang pinakamahabang Epiko sa Pilipinas ay ang
Biag-ni-Lam-ang ni Pedro Bucaneg. Ito ay mula sa rehiyon ng
Ilokos. Lumaganap ang kuwentong ito sa pamamagitan ng
pagsasalindila o pagpapasa-pasa ng kuwento sa karatig rehiyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito ng ating aralin, mababasa mo ang isang Epiko na tiyak


na iyong magugustuhan sapagkat kapupulutan ito ng aral.

Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit

Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang.


Tinawag niya ang kaniyang kapatid na si Bai. Lumapit si Bai, at ito ay nagdala
ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi ni Tuwaang na
may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy,
isang bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya
nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga
kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang.

Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang.


Kinakabahan si Bai sa maaaring mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero
hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad na naghanda si
Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat
at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng
Pinanggayungan. Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng
Pangavukad.

Sinamahan siya ng binata ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay.


Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng
dalagang nagbalita sa kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga
ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala na
nila ang isa’t isa. Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas
siya at nagtatago mula sa Binata ng Pangumanon, isang higante na may
palamuti sa ulo na abot ang mga ulap.

Gusto siyang pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok.


Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga
saan man siya mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan
ng dalaga, kaya naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa mundong ito.
Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata
ng Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa
kaharian ni Batooy.

Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang


kanilang mga sandata. Ngunit magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang
kanilang mga sandata. Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kaniyang
patung, isang mahabang bakal. Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot kay
Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig
at namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung at ibinato sa
binata. Lumiyab ito at namatay ang binata. Pagkatapos ng labanan ay
binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala
niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat. Ikinuwento ng Gungutan
na nakita niya sa kaniyang panginip na darating si Tuwaang sa
Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama sa
paglalakbay niya; tinanggap naman ito ng Gungutan.

Tumuloy na sila sa paglalakbay. Nakarating si Tuwaang at ang


Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na nakaupo sa
gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw,
at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang
tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa
kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman siya ni
Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon. Nagsimula ang mga
unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak ang mga savakan
(mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay
ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng babaeng ikakasal, hanggang
may naiwang dalawang hindi mabayaran.

Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang


dalawang bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang
sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong
bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay. Lumabas ang Dalaga ng
Monawon, ang dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat ng bisita.
Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga, umupo siya sa
tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata si
Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na ng
mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban
ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay si
Tuwaang at ang Binata ng Sakadna. Binato nang napakalakas ni Tuwaang
ang binata at lumubog siya sa lupa at nakita niya ang isa sa mga
tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo ang binata at
itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin ang
tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng binata, at
pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay
ng binata. Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa
kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-
unting namatay. Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay
naghari habambuhay.

Ang akdang iyong binasa ay tunay na kasasalaminan ng natatanging


kultura, tradisyon, kaugalian, at kalagayan ng lipunan noong panahong
naisulat ito. Upang higit na mapagtibay ang ideyang ito, nais kong
sagutin mo ang mga gawaing inihanda para sa modyul na ito.

Gawain: Talasalitaan

Bigyan ng kahulugan at gamitin sa pangungusap ang mga salitang nasa


kahon.

Kahulugan Pangungusap
1. Bansi

2. Patung

3. Savakan

4. Nganga

5. Kampon

Mahusay ang iyong ipinamalas sa pagbibigay kahulugan sa mga


talasalitaan. Tiyak na makakatulong ang mga salita upang mas mapalawak
ang iyong kaalaman at lubos na maunawaan ang binasang akda.
Suriin

Sa araling ito, mabibigyang diin ang kahalagaan ng epiko bilang akdang


pampanitikan ng Pilipinas. Mapatutunayan mo kung kinasasalaminan ng
kultura, tradisyon, uri ng pamumuhay at kalagayan ng mga Pilipino noong
panahong lumaganap ito.

1. Panuto: Sa iyong nabasang akda, naipakita ang kultura ng mga


Bagobo. Gayahin ang Graphic organizer sa ibaba at isulat sa sagutang
papel ang kultura ng mga Bagobo.

Anu-ano ang kultura ng mga Bagobo


ang nabasa sa akda?

Ang mga nabasang kababalaghang pangyayari sa epiko ay tanda ng


pagka-Pilipino, hindi ba? Dahil naging kaugalian na ng mga Pilipino
ang paniniwala sa mga bagay na tulad na lamang ng anting-anting,
gayuma, pamahiin, kasabihan at ibapa.

2. Paano naipakita ni Tuwaang ang kanyang kabayanihan sa kuwento?


Magbigay ng tatlong pangyayari.

1. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Pagpapakilala ng mga Tauhan. Isulat ang Pangalan ng tauhan sa


unang kahon at ilarawan ito sa ikalawang kahon. Maaaring magtala ng
higit pa sa limang tauhan.

Pangalan ng tauhan: Paglalarawan sa tauhan:

Marahil sa pamamagitan ng Gawain na iyong sinagutan, lubusan mo


ng nakilala ang mga tauhan at nalaman mo rin ang kanilang
natatanging lakas o kapangyarihan.

4. Magsaliksik at bumasa ng isa pang halimbawa ng epiko. Suriin mo ang


katangian ng mga pangunahing tauhan. Pagkatapos ay paghambingin
ang pangunahing tauhan na iyong nabasa at ang pangunahing tauhan
sa epikong “Tuwaang” gamit ang “Venn Diagram” sa ibaba. Gawin ito
sa sagutang papel o sa notebook.
Epikong nabasa
Tuwaang

A C A at B: Pagkakaiba
B
C. Pagkakatulad

Mahusay! Binabati kita sa iyong matiyaga at masinsinang pagsagot sa


aktibidad na ito. Madali mong malalaman ang pinagmulang rehiyon ng isang
epiko batay sa kultura, sa kaugalian, tradisyon at paniniwala sa pook na
pinagmulan. Sa iyong binasa, nakilala mo ba ang rehiyon ng mga Bagobo?

Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

a. Ang Epiko ay umusbong noong panahon ng mga Katutubo. Sa iyong


palagay, bakit hanggang ngayon isa ito sa mga panitikan na
pinahahalagahan ng ating bansa?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
b. Unti-unting nawawalan ng panahon ang mga kabataan sa pagbabasa
ng mga panitikan tulad ng Epiko. Sa iyong palagay, ano ang mga
dahilan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
c. Bilang isang mag-aaral, ano ang paraan na iyong gagawin upang
mahikayat ang mga kabataan na magbasa ng mga Epiko?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Isaisip

Nabatid mo na ang kahalagahan at ang kaligirang pangkasaysayan ng Epiko.


Ngayon naman dumako tayo sa ilan pang impormasyon tungkol sa Epiko.
Basahin at unawain.

EPIKO

Dala ng mga ninunong nandayuhan sa Pilipinas ang mga epiko.


Mahabang tulang pasalaysay ito tungkol sa kabayanihan ng pangunahing
tauhan. Naglalaman ang epiko ng mga pangyayaring di kapanipaniwala.

Mga Anda ng Epiko:


1. Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sariling tahanan.
2. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan.
3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal.
4. Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan.
5. Patuloy na pakikidigma ng bayani.
6. Mamamagitan ang isang bathala para matigil ang labanan.
7. Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo.
8. Pagkamatay ng bayani.
9. Pagkabuhay na muli ng bayani.
10. Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan.
11. Pag-aasawa ng bayani.

Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa at tema,


ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing
babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipakikita ng epiko
ang kultura ng isang pangkat ng tao.

Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema katapangan at pakikipagsapalaran ng


bayani mga supernatural na gawa ng bayani pag-ibig at romansa panliligaw
– pag-aasawa – pagbubuntis – mga yugto ng buhay kamatayan at
pagkabuhay pakikipaglaban at kagitingan ng bayani kayamanan, kaharian
at iba't ibang mga kasiyahan o piging mga ritwal at kaugalian ugnayan ng
magkakapamilya

Ang Lalaking Bayani

Sa pagbabasa ng mga epiko, agad na makikita ang katangian ng isang


bayani. Karamihan sa kaniyang mga katangian ay mauuri sa alinman sa
sumusunod: pisikal, sosyal, at supernatural. Maaari ding isama ang
kaniyang intelektwal at moral na katangian Ang Pangunahing Babaeng
Karakter
Ang Pangunahing Babaeng Karakter

Ang pangunahing babaeng karakter ay kadalasang ang babaeng iniibig ng


bayani o maaari rin namang tinutukoy rito ang kanyang ina.

Ilang Epiko sa Pilipinas

Biag ni Lam-ang- Ilokos


Maragtas- Bisaya
Bantugan- Mindanao
Hudhud – Ifugao
Darangan – Muslim

Isagawa

Mahalaga na sa pagsasalaysay ng isang pahayag o datos ay


nalalaman ang pagkakasunod-sunod nito. Kabilang sa mga ginagamit na
pananda upang malaman ang bahagi ng isang datos ay ang una, isa pa at
ibapa. Sa susunod na Gawain, magsaliksik ng mga datos na nagpapatunay
na pinahahalagahan pa rin hanggang sa kasalukuyan ang mga Epiko sa ating
bansa. Gawin ito sa tulong ng grapiko sa ibaba.

Isa pa,

Pangalawa,

Una,

Mahalagang malaman ang ayos ng mga datos ng sa gayon ay hindi mahirapan


ang mambabasa sa kaniyang pag-unawa sa datos. Binabati kita sa iyong matiyagang
pagsagot sa mga Gawain sa modyul na ito! Huling hirit na lamang at matatapos mo
na ang Modyul 10!
Tayahin

Ang iyong tiyaga ay magbubunga sapagkat marami kang natutunan sa


modyul na ito. Upang subukan ang iyong mga nalaman. Gumawa ng
sanaysay tungkol sa kahalagahan ng Epiko sa pagpapakilala ng mga
katutubong kultura sa ating bansa. Maaaring bumuo ng iyong sariling
pamagat sa pagsulat. Isulat sa isang buong papel.
PAMANTAYAN Pinakama- Mas Di Hindi Marka
(20 puntos) husay Mahusay gaanong Nakitaan
Mahusay ng
kahusayan
4 puntos 3puntos 2 puntos 1 puntos
Nilalaman Nailahad Nailahad Hindi Walang
ng may ng gaanong kahusayan
kahusayan mahusay nailahad sa
ang ang ang paglalahad
nilalaman/ nilalaman/ kahusayan ng
paksa ng paksa ng ng nilalaman/
sulatin. sulatin. nilalaman paksa ng
/paksa ng sulatin.
sulatin.
Balangkas May May Kulang ng Kulang ng
makabulu layunin, isang dalawa o
hang naitalastas elemento higit pang
layunin, ang ng elemento
naitalastas pangunahi tekstong ng tekstong
ang ng ideya, impormati impormatib
pangunahi mayroong bo ang o ang
ng ideya, pantulong sulatin. sulatin.
hitik sa na
pantulong kaisipan at
na mga estilo
kaisipan at sa
nag- pagsulat.
uumapaw
sa mga
estilo sa
pagsulat.
Walang May 5-6 na May 7-10 May 11 o
Wastong nakitang nakitang na higit pa na
Gramatika kamalian kamalian nakitang nakitang
sa balarila sa balarila kamalian kamalian
ang sa balarila sa balarila
nasabing
teksto
Karagdagang Gawain

Pagbati! Huling hirit na lamang at matatapos mo na ang modyul na ito.


Dugtungan ang pahayag sa ibaba. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga
sa mga kultura ng katutubong Pilipino?

Bilang isang kabataan,


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

“Ang hindi marunong lumingon sa pinagdaanan ay hindi makararating sa


paroroonan” Marapat lamang na ating alamin, tandaan at ipagpatuloy ang
kultura na ating nakagisnan dahil ang kultura ay an gating pagkakakilanlan.
Binabati kita sa iyong matagumpay na paglalakbay sa modyul na ito. Marami
kang babauning kaalaman upang iyong mapagyaman sa darating pang
panahon!
Suriin
GAWAIN 1
1. Ang pagnguya ng nganga at pagbigay ng nganga ng babaeng ikakasal sa kanilang
mga bisita.
2. Ang pagiging tapat na kaibigan at pagtutulungan sa oras ng pangangailangan.
3. Pinaaalis ang mga hindi imbitadong bisita sa kasal.
4. Ang pagbibigayan ng Savakan tuwing may kasalan.
Balikan Subukin
GAWAIN: Paggawa ng Slogan GAWAIN: SUPER HERO AKO
Gamitin ang Pamantayang ito sa pagwawasto Pangalan ng Superhero at
ng Slogan. katangiang nais mong taglayin:
Kaugnayan sa Paksa: 30% (Ang mga sagot ng mag-aaral ay
iba-iba. Nasa kamay ng guro ang
Orihinalidad: 20%
pagwawasto.)
Pagkamalikhain: 25%
Paggamit ng mga salita: 25%
Susi sa Pagwawasto
Isagawa
Una: Isang patunay na mahalaga ang Epiko ay ang pananatili nito sa mga akdang
babasahin ng mga mag-aaral sa kanilang aklat, hindi inaalis ang Epiko sa mga
aklat sapagkat batid nilang maraming matututunan ang mga mag-aaral sa mga
kuwentong ito.
Pangalawa: Ang mga Kultura ng iba’t ibang pangkat Etniko ay masasalamin sa mga
akda, dahil sa Epiko nalalaman natin ang ilang mahahalagang detalye tungkol sa
kanilang pangkat.
Isa pa: Kawili-wili ang mga kuwento at kapupulutan ng aral, ang mga aral sa
kuwento ay maaari nating isabuhay kaya naman mahalaga na mabasa natin ang
mga akdang ito.
Pagyamanin
1. Ang Epiko ay pinahahalagahan sa ating bansa sapagkat nasasalamin dito ang
Kultura at Kasaysayan noong Panahon ng Katutubo, bukod dito maraming
mahahalagang impormasyon at aral ang matututunan sa mga babasahin na ito.
2. Isa sa mga dahilan ay ang pagkahumaling ng mga kabataan sa mga makabagong
teknolohiya, tulad ng online games, wattpad, social media at iba pa, kaya
nalilimutan nila ang mga babasahin tulad ng Epiko.
3. Maaaring gamitin ang Social media sa pagbabahagi ng kuwento sapagkat ito ang
madalas na pinagtutuunan ng pansin ng mga kabataan kaya naman mabisa rin
itong gamitin upang ipalaganap ang mga akdang Epiko.
Suriin
GAWAIN 2
1. Noong niligtas niya ang dalaga ng Buhong ng Langit sa higanteng binata na nais
siyang pakasalan, natalo nya ang binata sa kanilang duwelo.
2. Tinulungan niya ang binata ng Sakadna sa pamamagitan ng pagbibigay ng gintong
Gong, gintong Bansi at gintong Gitara dahil hindi nya mabayaran ang Savakan para
sa babaeng kanyang pakakasalan.
3. Nang matalo niya ang binate ng Sakadana, bagama’t napakalakas ng binata ng
Sakadna, nalaman ni Tuwaang ang kahinaan nito.
GAWAIN 3
1. Bai – Siya ang nakababatang kapatid ni Tuwaang.
2. Tuwaang – Malakas na binata mula sa kaharian ng Kuaman.
3. Dalaga ng Buhong ng Langit – Siya ang dalaga ng tumakas sapagkat nais siyang
pakasalan ng Binata ng Pangumanon.
4. Binata ng Pangumanon – Ang higanteng binate na may palamuti sa ulo, hinahanap
niya ang dalaga ng Buhong ng Langit dahil nais niyang pakasalan ang dalaga.
5. Binata ng Sakadna – Siya ang Binatang ikakasal ngunit ang babaeng kanyang
pakakasalan ay tumabi kay Tuwaang, nagalit siya kay Tuwaang kaya sila’y
nagduwelo.
GAWAIN 4
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral, nasa kamay ng guro ang pagwawasto sa
gawaing ito.
epiko-tuwaang-epiko-ng-mga-bagobo_604.html
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-
Filipinolearnersmaterial-130816181658-phpapp02.pdf
Sanggunian
Karagdagang Gawain Tayahin
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga Gamitin ang Rubric o Pamantayan sa
mag-aaral, nasa kamay ng guro ang pagwawasto ng Sanaysay.
pagwawasto sa gawaing ito.

You might also like