You are on page 1of 13

10

PANGALAN:
BAITANG/SEKSYON:

FILIPINO
Kwarter IV – Linggo 7
Pagsusuri ng Kaisipang Nakapaloob sa
Epiko at Gamit ng mga Pananda sa
Mabisang Paglalahad ng Pahayag

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 10
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 7: Pagsusuri ng Kaisipang Nakapaloob sa Epiko at Gamit ng mga
Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Paghayag
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Patricia Leonor L. Adorna
Pangnilalamang Patnugot: Lorna A. Quiatzon
Editor: Lodevics E. Taladtad
Tagawasto: Luis R. Mationg
Tagasuri: Luis R. Mationg, Lorna A. Quiatzon, Lodevics E. Taladtad at
Ligaya A. Miraflor

Tagaguhit: Patricia Leonor L. Adorna


Tagalapat: Patricia Leonor L. Adorna

Tagapamahala: Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS


Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:
Ronald S. Brillantes Enrile O. Abrigo Jr.
Mary Jane J. Parcon Ernesto P. Socrates Jr.
Ronald N. Fragata Maja Jorey B. Dongor
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Pagsusuri sa Kaisipang Nakapaloob sa Epiko
at Gamit ng mga Pananda sa Mabisang
Paglalahad ng Pahayag

MELCs: Naibibigay ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga suliranin ay
ipinararanas ng may- akda sa pangunahing tauhan ng epiko. (F10PB-lc-f-65)
Napapangatwiranan ang mga dahilan kung bakit mahalagang akdang pandaigdig
na sumasalamin ng isang bansa ang epiko. (F10PB- Ie-f-65)
Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
(F10WG-l e-f-60)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pandaigdig,
2. Natutukoy ang mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari; at
3. Nagagamit ang mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa
pagbibigay ng sariling interpretasyon sa suliranin ng tauhan.

Subukin Natin
Panuto: Unawain ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot na tinutukoy
sa bawat bilang.

1. “Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar.”


Anong hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ang makikita sa pangungusap?
A. ang B. una C. sa D. pinatay

2. “Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga


nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya.” Anong hudyat sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari ang makikita sa pangungusap?
A. patuloy na B. dahil sa C. sila sa D. kaniya

3. “Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.”
Anong hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ang makikita sa pangungusap?
A. sa B. sa huli C. ito D. bilang

4. Anong mahalagang kaalaman tungkol sa buhay ang ipinahihiwatig ng akdang


Gilgamesh?
A. Lahat ng tao ay mayroong ugali na mabuti at mayroon ring kahinaan
B. Kung alam mong nasa tama ka, ipaglaban mo
C. Laging isaalang-alang ang kapakanan ng iba
D. Matuto tayong tumanggap ng pagkakamali

5. Bakit ang mga suliranin ay ipanararanas ng may akda sa tauhan sa epiko?


A. upang maranasan ng pangunahing tauhan ang mga paghihirap sa kwento
B. upang patunayan ng may akda na ang pangunahing tauhan sa epiko ay may
supernatural na kapangyarihan at itinuturing na bayani.
C. upang ipaalam sa mga mambabasa ang kakayahn ng pangunahing tauhan
D. upang masubok kung kaya ba niya itong malampasan ang mga pagsubok

1
6. Bakit mahalagang akdang pandaigdig na sumasalamin ng isang bansa ang epiko?
A. Naipapakita sa kwento ng epiko ang tungkol sa kultura at paniniwala ng bansa
B. Ang mga tauhan ay may supernatural na kapangyarihan at kinikilalang bayani
C. Ang epiko ay akda na sumasailalim sa pakikipaglaban ng pangunahing tauhan
D. Lahat nang nabanggit.

7. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar , karapat-


dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay. Ano ang angkop na
pang-ugnay na dapat gamitin upang mabuo ang pangungasap.
A. tiyak B. tuloy C. dahil sa D. kung gayon

8. Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak kaya't


nagawa niya itong itakwil. Palibhasa'y ama, napatawad niya rin ito. Anong
panandang pandiskurso ang angkop sa patlang?
A. sa wakas B. sa dakong huli C. pagkaraa'y D. pagdating ng panaho'y

9. Ang mga epiko sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at


mabubuting aral ng mamamayan ang Ibalon ng Bikol, Hudhud ni Aliguyon ng
mga Ifugao, Biag ni Lam-Ang ng Ilocos Tuwaang ng mga Bagobo at marami pang iba.
A. kabilang dito C. karagdagan dito
B. bukod dito D. bilang karagdagan

10. Tinawag niya ang kanyang panganay na anak, pinaupo at kinausap ay


pinayagan na sumama sa mga kaibigan.
A. saka B. pagkatapos C. samantala D. sumunod

Ating Alamin at Tuklasin


Paghawan ng Balakid Ang Epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng
kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay
buhat sa lipi ng mga diyos at diyosa. Ang paksa ng mga epiko
Mesopotamia- ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang
nangangahulugang paglalakbay at pakikidigma.
dalawang lupain sa
dalawang ilog. Ang kasaysayan ni Gilgamesh ay nagsimula sa limang
tulang Sumerian tungkol kay "Bilgamesh" (salitang Sumerian
para sa 'Gilgamesh', hari ng Uruk. Mula sa magkakahiwalay
na kuwentong ito ay nabuo ang iisang epiko.

Totoo! Sa halip na
Bilib ako sa itakwil nila ang
mga magulang anak nila, pag-
ni Sandapal. ibig pa rin ang
nangibabaw.

Natatandaan mo pa ba ang tinalakay natin sa nakaraang aralin? Tunkol saan ito?


Magaling! Ito ay tungkol sa Tulang Liriko. Alam kong handa ka nang basahin ang
epikong Gilgamesh ngunit bago iyan alamin mo muna ang kasaysayan ng epiko.

2
Kasaysayan ng Epikong Gilgamesh
Ang epiko ni Gilgamesh, isang epikong patula mula sa Mesopotamia ay
kinilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Walang nakatitiyak kung
may manunulat noong Medieval o Renaissance Europe na nakabasa ng Gilgamesh.
Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong
800 BC. Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral ng literaturang Ingles ang The Iliad and
Odyssey.
Dactylic Hexameter ang istilo ng pagsulat ng epiko. Ito'y karaniwang
nagsisismula sa isang panalangin o inbokasyon sa isang musa at naglalaman ng
masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati.
Si Vigil (70-19 BC) ay lumikha ng mahahalagang epiko ng emperyong
Romano. Napakaraming epikong naisulat noong Medieval bagaman ito'y hindi madalas
basahin.
Isa sa mga kilalang epikong espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o EL
cANTAR Mio CID NA SINULAT NOONG 1207 NI PER ABBAT. Isa sa mga kilala epikong
French noong Middle Ages ay ang Chanson de Roland.
Ang Epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf.
Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko. Ang mga epiko
sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting aral ng
mammayan. Ilan sa mga ito ay ang Ibalon ng Bikol, Hudhud ni Aliguyon ng mga Ifugao,
Biag ni Lam-Ang ng Ilocos at marami pang iba.

Epiko ni Gilgamesh
salin sa Ingles ni N.K. Sandars
saling-buod sa Filipino ni Cristina S.
Mga Tauhan: Chioco
Anu - Diyos ng kalangitan; ang Diyos Ama
Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao
Enkido - Kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha mula sa luwad
Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo
Gilgamesh - Hari ng Uruk at ang bayani ng epiko
Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo
Ninurta - Diyos ng digmaan at pag-aalitan
Shamash - Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao
Siduri - Diyosa ng alak at mga inumin
Urshanabi - Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan patungo sa
tahanan ng Utnapishtim
Utnapishtim - Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain ang mga tao;
binigyan ng mga diyos ng buhay na walang hanggan.

1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na
ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at
makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa
kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na
nawa’y makalaya sila sa kaniya.

2. Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni
Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok
ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging
matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido
sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong
nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang

3
siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito
ang toro ng Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi
nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang
kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si
Enkido na namatay sa matinding karamdaman.

3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi


niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar, ako ang
nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung
ano ang nangyari sa akin. Makinig ka kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi.
Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng sangkalupaan. Sa pagitan ng
dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang
mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang
mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila.
Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos
ay ginawa niyang pakpak ang aking mga kamay. 9 Humarap siya sa akin at inilayo sa
palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang sinumang mapunta
roon ay hindi na makababalik

4. Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang
kinakain at luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang
tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman.
Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan
na inalisan ng korona habang buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa
mga nagdaang panahon. Sila na minsa’y naging mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga
alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na
maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan. May
mga tagapagsilbi sa templo, at nandun si Etana, ang hari ng Kish, na minsa’y inilipad ng
agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si
Ereshkigal, ang Reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang
tagatala ng mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan,
tumingin sa akin at nagtanong: “Sino ang nagdala sa iyo rito? Nagising akong maputlang-
maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot.”

5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak
siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang
may ganitong karunungan? Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag.
Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso? Hindi kapanipaniwala at nakatatakot na
panaginip. Kailangan itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan,
sapagkat ito’y nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay maaaring dumating kahit
sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.” At nagluksa
si Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking
kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng panaginip.”

6. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw


ay palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh, “Minsan ay
binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng
kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-
mahina na siya, at ang kaniyang mga mata ay halos di na makakita sa kaiiyak. Inabot pa
ng sampung araw ang kaniyang pagdadalamhati hanggang labindalawang araw. Tinawag
niya si Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay
akong kahiyahiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot
akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad
kong nakahihiya ang pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.

4
7. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw
at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang
alaala.
(Pinagkunan: Vilma C. Ambat et al. Panitikang Pandaigdig Filipino 10, Pasig City:
Department of Education, Vibal Group Inc., 2015, 58-64.)

Alam kong naunawaan mo nang maayos ang iyong binasa. Ngayon naman, basahin at
unawain mo ang aralin sa gramatika na makatutulong sa iyo sa mabisang
pakikipagkomunikasyon sa iyong kapwa.

PANGGRAMATIKA
Basahin mo ang mga siniping pangungusap mula sa epikong Gilgamesh. Pansinin
ang mga salitang nakaitim.
1. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar.
2. Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga
nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya.

Marahil ay napansin mo ang mga salitang ginamit bilang pananda sa mabisang paglalahad
ng mga pahayag at upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Alam mo ba na nakasalalay
sa mabisang paglalahad ang pagiging malinaw ng mga pahayag. Sa ating wika, may mga
pananda o mga salitang ginagamit upang maging mabisa ang paglalahad ng mga pahayag
o maging interaksyunal.

Narito ang halimbawa ng mga salitang pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag.


1. Kung nais nating ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa
panahon, maaari nating gamitin ang mga salitang:
una, pangalawa, pangatlo, nang, noon, pagkatapos, sumunod, samantala
2. Kung nais ipakita ang sanhi at bunga, gamitin ang sumusunod:
dahil dito, bunga, resulta ng, sa mga pangyayaring ito, kung gayon,
samakatuwid, dulot nito, sa gayon
3. Kung nais ipakita ang paghahambing o kaibhan o kotradiksyon, maaaring
gamitin ang mga salitang:
sa halip na, sa kabilang dako, di tulad na, sa kabilang banda, higit pa rito,
sa magkatulad na dahilan
4. Kung ang nais ay ang pagdaragdag ng impormasyon, maaaring gamitin ang mga
salitang:
kabilang dito, at, saka, bukod dito, karagdagan dito
5. Kung nais magbigay ng diin, maaaring gamitin ang sumusunod:
sa madaling salita, sa totoo lang, higit sa lahat, tunay na
6. Kung nais magbigay ng mga halimbawa at paliwanag ang sumusunod ay
maaaring gamitin:
halimbawa nito, dagdag pa rito, bilang karagdagan, kabilang dito ang
sumusunod

Mabisang gamit din sa malinaw na paglalahad ang mga pangatnig. May dalawang pangkat
ang mga pangatnig.
1. Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na salita, parirala o sugnay na
makatatayong mag-isa tulad ng:
at, ngunit, ni, datapwat, saka, pero, maging, o, pati, subalit, at iba pa
5
2. Pangatnig na nag-uugnay sa mga parirala o sugnay na di makapag-iisa tulad ng:
Kung, kaya, pag, kapag, dahil sa, kung gayon, palibhasa, sapagkat, at iba pa
Pag-aralan ang kasunod pang halimbawa.
1. Siya ay isang ganap na matagumpay sa buhay pagkatapos niyang malampasan
ang lahat ng mga pagsubok.
2. Sinasabing noong panahon ng Medieval, napakaraming epiko ang naisulat ngunit
ito’y hindi madalas basahin.
(Pinagkunan: Vilma C. Ambat et al. Panitikang Pandaigdig Filipino 10, Pasig City:
Department of Education, Vibal Group Inc., 2015, 68-70.)

Tayo’y Magsanay

GAWAIN
1
Panuto: Iguhit ang sa patlang bago ang bilang kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng kahalagahan ng epiko, isulat naman ang kung hindi.
1. Ang mga epiko ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting
aral ng mamamayan.
2. Gumigising ng damdamin upang hangaan at sumasalamin sa kabayanihan.
3. Ito'y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin o inbokasyon sa isang musa
at naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati.
4. Napakaraming epikong naisulat noon bagaman ito'y hindi madalas basahin.
5. Ang epiko ay akda na sumasailalim sa pakikipaglaban ng pangunahing tauhan.

GAWAIN
2
Panuto: Ibigay ang interpretasyon sa bawat suliranin. Piliin ang titik ng tamang sagot,
isulat sa patlang bago ang bilang at isulat ang panandang ginamit.

SULIRANIN INTERPRETASYON PANANDA


1. Pagparusa ng mga A. Pinagluksa ito ni Gilgamesh sa loob ng pitong
dakilang diyos kay araw at gabi pagkatapos pinagpatayo niya ito ng
Enkido. estatwa.
2. Pagkamatay ni B. Dahil dito naparusahan sila sa kanilang hindi
Enkido. magandang pag-uugali.

Replektibong Tanong :

Anong mahalagang kaalaman tungkol sa buhay ang ipinahihiwatig ng akda?

6
Ating Pagyamanin

GAWAIN
1
Panuto: Salungguhitan ang wastong pananda sa loob ng panaklong upang mabuo ang
diwa ng pahayag.
1. " Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano (samantala,
pagkatapos, bunga nito) kong balewalain ang lahat.
2. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan, natatakot akong mamatay
(sapagkat, ngunit pero) maligaya ang taong namatay sa pakikipglaban kaysa katulad kong
nahihiya ang pagkamatay.
3. Ang epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf (samantala, kabilang dito, totoo lang)
marami rin ang nasa Anglo-Norman na ang karamihan ay hindi na nababasa ngayon.
4. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita, nanalo si Gilgamesh ngunit sa (bunga
nito, kabilang banda, sumunod) ay nagging matalik silang kaibigan.
5. Siya ay isa sa mga magagaling na mag-aaral (dahil dito, samakatuwid, kung gayon)
tumanggap siya ng mataas na karangalan sa kanyang pagtatapos.

GAWAIN
2
Panuto: Piliin sa kahon at punan ng angkop na mga pananda sa mabisang paglalahad ng
pahayag ang talatang kasunod.
noong halimbawa nito unang

nagsimula karagdagan dito


Maraming epiko ang kumalat sa buong mundo. Bawat bansa ay may sariling epiko.

Mababasa sa kasaysayan na ang 1. epiko na naisulat ay ang Epiko ni

Gilgamesh. Sa Europe, 2. ang kasaysayan ng epiko sa Homer ng Greece

3. 800 BC. 4. ang The Iliad and Odyssey. 5. , ang mga

kilalang manunulat ng epiko sa Europe ay sina Hesiod, Apollonius, Ovid, Lucan, at Statius.

Replektibong Tanong:

Bakit kailangang iparanas ng may-akda ang mga suliranin sa pangunahing tauhan sa


epiko?

7
Ang Aking Natutuhan
Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata.

Ating Tayahin
Panuto: Unawain ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot na tinutukoy
sa bawat bilang.

1. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar , karapat-


dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay. Ano ang angkop na
pang-ugnay na dapat gamitin upang mabuo ang pangungasap.
A. tiyak B. tuloy C. dahil sa D. kung gayon

2. Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak kaya't


nagawa niya itong itakwil. Palibhasa'y ama, napatawad niya rin ito. Anong
panandang pandiskurso ang angkop sa patlang?
A. sa wakas B. sa dakong huli C. pagkaraa'y D. pagdating ng panaho'y

3. “Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.”
Anong hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ang makikita sa pangungusap?
A. sa B. sa huli C. ito D. bilang

4. Ang mga epiko sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at


mabubuting aral ng mamamayan ang Ibalon ng Bikol, Hudhud ni Aliguyon ng
mga Ifugao, Biag ni Lam-Ang ng Ilocos Tuwaang ng mga Bagobo at marami pang iba.
A. kabilang dito C. karagdagan dito
B. bukod dito D. bilang karagdagan

5. Tinawag niya ang kanyang panganay na anak, pinaupo at kinausap ay


pinayagan na sumama sa mga kaibigan.
A. saka B. pagkatapos C. samantala D. sumunod

8
6. Anong mahalagang kaalaman tungkol sa buhay ang ipinahihiwatig ng akdang
Gilgamesh?
A. Lahat ng tao ay mayroong ugali na mabuti at mayroon ring kahinaan
B. Kung alam mong nasa tama ka, ipaglaban mo
C. Laging isaalang-alang ang kapakanan ng iba
D. Matuto tayong tumanggap ng pagkakamali

7. Bakit ang mga suliranin ay ipanararanas ng may akda sa tauhan sa epiko?


A. upang maranasan ng pangunahing tauhan ang mga paghihirap sa kwento
B. upang patunayan ng may akda na ang pangunahing tauhan sa epiko ay may
supernatural na kapangyarihan at itinuturing na bayani.
C. upang ipaalam sa mga mambabasa ang kakayahn ng pangunahing tauhan
D. upang masubok kung kaya ba niya itong malampasan ang mga pagsubok

8. Bakit mahalagang akdang pandaigdig na sumasalamin ng isang bansa ang epiko?


A. Naipapakita sa kwento ng epiko ang tungkol sa kultura at paniniwala ng bansa
B. Ang mga tauhan ay may supernatural na kapangyarihan at kinikilalang bayani
C. Ang epiko ay akda na sumasailalim sa pakikipaglaban ng pangunahing tauhan
D. Lahat nang nabanggit.

9. “Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar.”


Anong hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ang makikita sa pangungusap?
A. ang B. una C. sa D. pinatay

10. “Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga


nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya.” Anong hudyat sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari ang makikita sa pangungusap?
A. patuloy na B. dahil sa C. sila sa D. kaniya

9
Susi sa Pagwawasto

TAYO’Y MAGSANAY SUBUKUN NATIN ATING TAYAHIN


Gawain 1 1. B 1. D
1. 2. B 2. B
2. 3. B 3. B
3. 4. A 4. A
4. 5. B 5. B
6. A 6. A
5.
7. D 7. B
8. B 8. A
Gawain 2
SULIRANIN PANANDA 9. A 9. B
1. B Pagkatapos 10. B 10. B
2. A Dahil dito

ATING
AKING NATUTUHAN
PAGYAMANIN
1. Epiko
Gawain 1
2. Epos
1. Pagkatapos
3. Kabayanihan
2. Sapagkat
4. Pananda
3. Samantala
5. Pangatnig
4. Kabilang banda
5. Dahil dito

Gawain 2
1. unang
2. nagsimula
3. noong
4. halimbawa nito
5. karagdagdan dito

Sanggunian

Aklat:

Ambat, Vilma C., Teresa B. Eric O. Carino, Mary Ane R. Dasig, Willita A. Enrijo, Shiela C.
Molina, Julieta U. Rivera, Roselyn T. Salum, Joselyn C. Sayso, Mary Grace A.
Tabora at Roderic P. Urgelles. Panitikang Pandaigdig, Patnubay ng Guro, Pasig City:
DepEd- Vibal Group, 2015.

10
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL
Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito OPO HINDI
ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya.

Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya


para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung Opo,


ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono :

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapamatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

11

You might also like