You are on page 1of 4

JHEVILINE D.

LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph

LEARNING ACTIVITY # 13
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: LIT 12 – PAMBATANG PANITIKAN___________________

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


❑ Concept Notes ❑ Laboratory Report ❑ Formal Theme ❑ Practical Activity
❑ Exercise / Drill ❑ Drawing / Art ❑ Informal Theme ❑ Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: MITOLOHIYA


LEARNING TARGETS: a. makapagtala ng mga halimbawa ng Mitolohiya
REFERENCE(S) Panitikang Pambata: Kasaysayan at Halimbawa, Rivera, Crisanto, pp.70-80
(Title, Author, Pages)

Sinasaliksik ng mga unang tao ang kanilang imahinasyon upang makakuha ng


paliwanag sa mga pangyayari, kalikasan at kaugalian ng tao na nasa paligid niya. Bilang
kasagutan sa katanungang iyon, sila ay lumilikha ng Diyos at Diyosa na kumakatawan sa
talino, ganda at pag-ibig. Ang mga diyos at diyosa ay nagiging tao ngunit nagtataglay ng
kapangyarihang mala-bathala.

Ang mitolohiya ay isang uri ng malikhaing kuwento na nauukol sa mga Diyos at


Diyosa. Ang mga bata ay nagsisimula ng magtanong kung saan nanggaling ang daigdig at
ang buhay ay makakahilig din sa kwento ng mitolohiya. Ang mga batang handa sa ganitong uri
ng kwento ay magkakaroon ng kabatiran sa ibang paniniwala nang ibang tao.

Kahalagahan ng Mitolohiya
Sining
•Ang Mitolohiya ay nakatutulong sa mga pintor, manlililok at arkitekto para sa
ikagaganda at ikauunlad ng kultura na kinapapalooban ng mga tradisyon, kaugalian at
paniniwala.
Lipunan
• Sa kwentong Mitolohiya ay nagiging mapanaliksik ang mga tao para sa ikauunlad ng
mga gawaing panlipunan.
Pananampalataya
• Sa pamamagitan ng kwentong Mitolohiya ay nabibigyang buhay at lalong umuunlad ang
paniniwalang panrelihiyon at nagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos.
Kabuhayan
• Dahil sa kaalaman ng tao tungkol sa mitolohiya ay nagkakaroon ng sapat na kakayahan
at pagtitiwala sa sarili dahil sa magandang halimbawa na ipinakita ng mga diyos at
diyosa kaya't ang tao ay nagkakaroon ng lakas ng loob sa pakikibaka sa hamon ng
buhay.

Gamit ng Mitolohiya sa Panitikang Pambata


1. Nakatutulong sa mga bata para ma pag-aralang mabuti ang tungkol sa mga “Vikings” o
ang mga sundalong nakasakay sa kabayo.
2. Ang mitolohiyang Griyego at Romano naman ay para sa pag-aaral ng kultura ng
Griyego at Romano.
3. Ang matandang kasaysayan ay lalong nagiging buhay at kaakit-akit para sa mga bata.
4. Ang panitikan at sining ng wika ay napapalawak mitolohiya na kinapapalooban ng
kagandahan, imahinasyon at kahalagahang panlibangan.
5. Ang karamihan sa kwento ng mitolohiya ay angkop sa pandulang pambata.

Mabubuting Espiritu sa Mitolohiyang Pilipino


Patianak - taga- tanod sa lupa
Mamanjig - nangingiliti ng mga bata
Limbang - taga- tanod sa kayamanan ng nasa ilalim ng lupa
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph

Masasamang espiritu sa mitolohiyang Pilipino


Tiktik - Ibong kasama ng aswang
Tanggal - matandang babaing sumisipsip ng dugo ng sanggol, sa kanyang paglalakbay
iniiwan niya ang kalahati ng kanyang katawan
Tama-tama - maliliit na tao na kumukurot sa sanggol
Kapre - maitim na higante at may tabaco
Salot - nagsasabog ng sakit

Diyosa sa mitolohiyang Pilipino


Bathala o Abba - Pangunahing Diyos
Idionale - Diyos ng mabuting gawain
Anion Tabo - Diyosa ng hangin at ulan
Apolaki - Diyos ng digmaan
Hanan - Diyos ng mabuting pag- aani
Mapolan Masalanta - Patron ng mangingibig
Libongan - nagtatanod sa pagsilang sa isang buhay
Libugan - ang nangangasiwa sa pag-aasawa
Limoan - ang nangangasiwa kung paano mamamatay
Tala - dyosa ng pang- umagang bituin

Diyos at diyosa sa mitolohiyang Griyego at Romano


Zeus (Jupiter) - Pinakadakila sa lahat, Hari Ng Langit.
Hera (Juno) - Asawa ni Zeus, dyosa ng kababaihan at pangkasalan
Athena (Minerva) - Diyosa ng karunungan
Aphrodite (Venus) - Diyosa ng pag-ibig at kagandahan
Eros (Cupid) - Diyos ng pag-ibig
Artemis (Diana) - Diyosa ng buwan at dakilang mangangaso
Apollo (Phoebus) - Diyos ng araw
Poseidon (Neptune) - Diyos ng karagatan
Hades (Pluto) - Diyos ng kadiliman
Dionysius (Bacchus) - Diyos ng alak at pag-aani
Hermes (Mercury) - mensahero ng mga diyos at diyosa
Hephaestus (Vulcan) - Diyos ng apoy
Ares (Mars) - Diyos ng digmaan
Persephone (Proserfina) - Diyos ng tag-sibol

Mga Uri ng Mitolohiya


1. Ang mga “bakit”, Hal. “Bakit mataas ang langit?”
2. Ang mga Alegoryang kwento, Hal. “Pandora”
3. Mitolohiya tungkol sa mga Diyos, Diyosa at tao.
4. Mitolohiya tungkol sa mga Diyos at iba pa ang Diyos.

GAWAIN: Maliban sa mga halimbawa sa LAS na ito, magsaliksik ng iba pang mga Diyos at
Diyosa buhat sa mitolokohiya ng Pilipinas, Gresya at Roma. Ilagay ang kanilang mga
gampanin sa lipunan. (GOOGLE CLASSROOM)

Pilipinas
1.
2.
3. ….
Gresya
1.
2.
3. ….

Roma
1.
2.
3. ….
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph

LEARNING ACTIVITY # 14
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: LIT 12 – PAMBATANG PANITIKAN___________________

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


❑ Concept Notes ❑ Laboratory Report ❑ Formal Theme ❑ Practical Activity
❑ Exercise / Drill ❑ Drawing / Art ❑ Informal Theme ❑ Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: EPIKO


LEARNING TARGETS: a. makapagtala ng mga halimbawa ng Epiko
REFERENCE(S) Panitikang Pambata: Kasaysayan at Halimbawa, Rivera, Crisanto, pp.70-80
(Title, Author, Pages)
Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan
na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya'y buhat sa lipi
ng mga Diyos at diyosa. Ang mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa
kanyang paglalakbay at pakikidigma.

Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na “epos” na nangangahulugang salawikain o


awit ngunit ngayon ito ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.Ang pangkalahatang
layunin ng tulang epiko, samakatuwid ay gumising sa mga damdamin upang hangaan ang
pangunahing tauhan.

Uri ng epiko
1. Epikong Sinauna
▪ Sinasabing sinauna sapagkat ang mga uri nito ay lumitaw noong unang
panahon. kilala rin sa pang uri ng epikong pambayan na naglalahad ng isang
sambayanan o bansa sa pagkakagulo ng isang pambansang layunin. Ito'y
karaniwan nang may katangiang pangunahing tauhang nag-aangkin ng mga
katangiang kahima-himala at kumakatawan sa adhikain ng isang lahi o isang
bansa.

Halimbawa:
Beowulf ng Inglatera
Siegfried ng Alemanya
Ibalon ng Pilipinas

2. Epikong Masining
▪ Tinatawag din itong epikong makabago o epikong pampanitikan. nahahawig sa
epikong pang bayani, nasusulat sa isang marangal na kabuuhan at nahihinggil
sa lunggati at tahakin ng isang lipi, lahi o bansa. Ngunit naiiba sa
pangyayaring ang makata sa isang pampanitikang panahon ay sumulat ng tulang
may pagkakahawig sa epiko ng pambayani.

Halimbawa:
Iliad at Odyssey ni Homer
Paradise Lost ni Milton
Florante at Laura ni Francisco Balagtas
Mutya ng Silangan ni Patricio Mariano
Malolos ni Benigno Ramos

3. Epikong Pakutya
▪ Kabalangkas ng epikong pang bayani ngunit ang paksa ay naglalahad at
naglalayong kutyain ang gawaing walang kabuluhan at pag-aaksaya lamang ng
panahon ng tao.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph
Halimbawa:
Ang Pangginggera ni Lope K. Santos

GAWAIN: Tukuyin ang mga epiko na tumanyag buhat sa iba’t ibang lugar. (GOOGLE CLASSROOM)
Mga Epiko buhat sa ibang bansa
1. Gresya -
2. Alemanya -
3. Pinlandiya -
4. Indiyang Amerikano -
5. Indiya -
6. Pransiya -
7. Inglatera -
8. Espanya -

Mga Epiko sa Pilipinas


1. Ilokos -
2. Ifugao -
3. Benguet -
4. Kalinga -
5. Tagalog -
6. Bikol -
7. Bisaya -
8. Ilianon -
9. Muslim -

You might also like