You are on page 1of 5

JHEVILINE D.

LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@caualagcentralcollege.edu.ph

LEARNING ACTIVITY # 1
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: LIT 101 – PANITIKAN NG REHIYON__________________

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


❑ Concept Notes ❑ Laboratory Report ❑ Formal Theme ❑ Practical Activity
❑ Exercise / Drill ❑ Drawing / Art ❑ Informal Theme ❑ Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: PAGLINANG NG ANYO AT ELEMENTO NG PANITIKAN


LEARNING TARGETS: a. makapagtala at makapagkwento ng iba’t-ibang panitikan ayon sa anyo
at elemento
REFERENCE(S) Mga Panitikan ng Pilipinas, Santiago, Lilia Q. pp. 2-15
(Title, Author, Pages)

PANITIKAN ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag, nakasulat man ito, binibigkas o kahit
ipinapahiwatig lang ng aksyon ngunit may takdang anyo o porma katulad ng tula, maikling
kwento, dula, nobela, at sanaysay.

Ang panitikang Filipino ay anumang uri o anyo ng panitikan na isinulat, binigkas, ipinarating,
ipinahayag, ipinahiwatig, itinanghal ng sinumang Pilipino sa loob at labas ng bansa at sa alin
pa mang wikang gamit ng mga Pilipino sa loob ng bansa at sa daigdig.

Gawain: Sa iyong opinyon, magbuo ng ibang pagpapakahulugan ng Panitikan gamit ang mga
unang letra nito.(Ito ay gagawin sa Google Classroom)

P -

A -

N -

I -

T -

I -

K -

A -

N -
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@caualagcentralcollege.edu.ph

LEARNING ACTIVITY # 2
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: LIT 101 – PANITIKAN NG REHIYON__________________

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


❑ Concept Notes ❑ Laboratory Report ❑ Formal Theme ❑ Practical Activity
❑ Exercise / Drill ❑ Drawing / Art ❑ Informal Theme ❑ Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: PAGLINANG NG ANYO AT ELEMENTO NG PANITIKAN


LEARNING TARGETS: a. makapagtala at makapagkwento ng iba’t-ibang panitikan ayon sa anyo
at elemento
REFERENCE(S) Mga Panitikan ng Pilipinas, Santiago, Lilia Q. pp. 2-15

ANG MGA ANYO AT ELEMENTO NG PANITIKAN


May apat na tradisyunal na anyong pampanitikan na kinikilala sa lahat ng panig ng daigdig ay
ang mga:
1. Tula
2. Kuwento
3. Sanaysay
4. Dula

✓ TULA
▪ ayon kay Lope K. Santos, may apat na katangian na tradisyunal na tulang Tagalog:
o sukat (pisikal o panlabas na estruktura)
o tugma (pisikal o panlabas na estruktura)
o talinhaga (panloob na katangian)
o kariktan (panloob na katangian)
▪ Alejandro G. Abadilla (Ama ng Modernistang Panulaang Tagalog) ay pinasimunuan ang
paggamit ng malayang taludturan o ang tinatawag sa Pranses na vers libre. Ito ay nang
sinulat niya ang “Ako ang Daigdig”

Iba’t ibang porma ng pagtula mula sa etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas:

▪ laji ng mga Ivatan


▪ balak ng mga Sugbuhanon
▪ badeng at daniw ng mga Ilokano
▪ ambahan ng mga Mangyan

Tulang epiko ay isang mahabang-mahabang tula, kadalasan ay inaawit at nagsasalaysay


tungkol sa pakikipagsapalaran sa buhay, pag-ibig at kamatayan ng isang nilalang na may
kakaibang talion at galing. Madalas ay may angking gayuma at mga agimat ang bayani ng
epiko.

Tulang liriko, kadalasan ay may malambing na indayog, dahil puwedeng saliwan sa


instrumentong musical kagaya ng lira. Madalas ding may kaiklian ang liriko dahil ang
pinagtutuunan ng pansin ay ang konsentrasyon ng talinghaga na nakaangkas sa mga piling-
piling mga salita.

Tulang naratibo, ay nagkukuwento at nagsasalaysay sa paraang patula. Puwedeng may


sukat at may tugma rin ito pero sinadya ang mga taludtod upang magpadaloy ng kuwento.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@caualagcentralcollege.edu.ph
Tulang dramatiko, ay nagtatanghal ng aksyon.

TALUDTOD o LINYA
▪ couplet - tambalan
▪ tercet - tatluhan
▪ quatrain - apatan
▪ limerick - limahan
▪ sestet - animan
▪ sextet - pituhan
▪ octava - waluhan
▪ soneto o sonnet - may 14 na taludtod

HAIKU
▪ ay tulang Hapones na may tatlong taludtod na ang sukat ng bawat linya ay 5-7-5.
PANTUN
▪ ang tulang Bahasa na may apat na taludtod na tigpipitong pantig bawat taludtod at may
iisang tugmaan o monorhyme.
VILLANELLE
▪ ay tulang may 19 na taludtod nahahati sa limang tercet at may quatrain sa huli at inulit-
ulit ang mga taludtod sa unahan sa lahat ng bahagi ng tula.
SESTINA
▪ tulang may 12 taludtod na nag-uulit ng mga kataga o parirala sa iba’t ibang linya ng
tula.
SONETO
▪ ay tulang may 14 na taludtod
SHAKESPEREAN (sunod sa pangalan ni William Shakespeare)
▪ tulang may 14 na linyang iambic parameter, walong linya sa unang saknong at anim sa
ikalawa, may sampung pantig sa sumusunod sa isang stress
PETRARCHAN (sunod sa pangalan ng makatang si Petrarch)
▪ ito ay tatlong sunod-sunod na quatrain na may couplet sad ulo. Ang bawat linya ay
pwedeng 10 o 12 pantig.
MONORHYME
▪ batay sa katangian, ito ay isahang tugmaan ang tawag sa linyang nagtatapos sa iisang
tunog sa hulihan
.
Paggamit ng TAYUTAY
▪ paambil - papagpaparis sa dalawang magkaugnay na konsepto
▪ pabadya - pahiwatig sa isang parating na pangyayari
▪ pabaligho - ironya
▪ padamdam, padili, padiwantao, pahalintulad atbp.

GAWAIN: Gumupit ng isang tula na na nailathala sa isang magasin o diyaryo. Suriin ang mga
elemento (sukat, tugma, tayutay). Isusulat sa nakalaang drawing book na sulatan ng LAS.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@caualagcentralcollege.edu.ph

LEARNING ACTIVITY # 3
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: LIT 101 – PANITIKAN NG REHIYON__________________

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


❑ Concept Notes ❑ Laboratory Report ❑ Formal Theme ❑ Practical Activity
❑ Exercise / Drill ❑ Drawing / Art ❑ Informal Theme ❑ Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: PAGLINANG NG ANYO AT ELEMENTO NG PANITIKAN


LEARNING TARGETS: a. makapagtala at makapagkwento ng iba’t-ibang panitikan ayon sa anyo
at elemento
REFERENCE(S) Mga Panitikan ng Pilipinas, Santiago, Lilia Q. pp. 2-15

✓ KUWENTO
▪ Ayon kay Edgar Allan Poe, ang maikling kwento ay isang naratibo na ang komplikasyon
ay umiikot sa iang isang sentral na tauhan o bida.
▪ May kontrabida na maaaring ibang tao, kalikasan o bida mismo
APAT na Elemento ng Kuwento
1. Banghay o plot – pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
2. Kasukdulan o climax
3. Tauhan
4. Lunan at kakintalan o pagkakaroon ng sapat na interes

MGA ANYO NG KUWENTO


1. Mito
▪ Kadalasang kuwento tungkol sa bathala o mga nilalang na may kakaiba o kagila-
gilalas na katangian
▪ Tungkol sa pinagmulan o pinag-ugatan
2. Alamat
▪ Kuwento ng mga kaila-gilalas na pakikipagsapalaran ng isang bayani o
pagbabanyuhay ng isang halaman at pagkakaroon ng pangalan
3. Pabula
▪ Kuwentong kinasasangkutan ng mga hayop upang magbigay aral
4. Parabula
▪ Halaw sa mga dakilang pakikipagsapalaran ng mga taughang isinasaad sa
Bibliya o sa Qu’ran
5. Dagli o anekdota
▪ Nakilala sa kaiklian at layuning makapag-iwan o makapagkintal ng mahalagang
mensahe kahit maikli.
6. Nobela
▪ Ay kuwento na maraming episodyo o mga bahagi. Maaaring serye ng mga
kwentong pinagdudugtong-dugtong at umiikot sa maraming tauhan at lunan.
7. Metafiction
▪ Naghahalu-halo ang iba’t ibang uri ng pagkukuwento sa itaas at iba pang porma
ng paitikan tulad ng tula, sanaysay o dula.

✓ SANAYSAY
▪ Ang naging pantumbas na natin sa essay sa Ingles na sinimulang sulatin ng isang
Pranses na si Montaigne.
▪ Ito ay katagang inimbento ng Modernistang si Alenjandro Abadilla para pagdugsungin
ang salitang “salaysay” at “sanay”, ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@caualagcentralcollege.edu.ph
DALAWANG URI NG SANAYSAY
1. Pormal o impersonal
• ang nagsasaysay ay “obhektibong” tagamasid ng mga bagay-bagay sa
pamamagitan ng paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay, pangangatwiran
2. Impormal o personal
• Madalas isinasangkot ang sarili at nagsasalaysay batay sa sariling obsebasyon
at karanasan

ANYO NG SANAYSAY
1. Talambuhay
2. Travelogue o sanaysay ng paglalakbay
3. Imbestigasyon sa isang bagay, hal. Krimen
4. Kolum sa diyaryo
5. Paunang salita sa libro

✓ DULA
▪ Pangunahing elemento nito ang aksyon o drama na itinatanghal
▪ Anyo ng dula
o Trahedya - hinagpis o kalungkutan
o Komedya - katatawanan
Moro-moro
▪ Dula ng naglalabanag Kristiyano at Moro (Muslim)

Ritwal-drama
▪ Mahal na Arawg

Sadyang Pagtatanghal
▪ Isahang yugto
▪ Dulaang mahaba o tatlong yugto
▪ Bodabil
▪ Sarsuwela
▪ Opera

GAWAIN: Gumupit ng isang kuwento, sanaysay at dula na na nailathala sa bansa. Tukuyin


ang anyo at uri nito. Ilalagay sa nakalaang drawing book na sulatan ng LAS.

You might also like