You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Rizal High School


Gov. Pascual Ave., Malabon City
Tel./Fax # 921 – 27 – 44
PACUCOA ACCREDITED: LEVEL ll
S.Y. 2022-2022

Ikatlong Markahan

Pangalan: ___________________________________________ Marka: __________________________


Baitang at Pangkat: ________________________________ Guro: Gng. Realyn D. Norberte

I.NILALAMAN: Pagsipi ng Konsepto: # 3.13 PAGKILATIS SA MGA TAUHAN NG KUWENTO


Ang Maikling kuwento ng tauhan ay nakapokus sa mga pangunahing tauhan ng kuwento. Inilalarawan ng
manunulat ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap o umiikot sa isang kuwento
upang mabigyan ng kabuuan at kahulugan ang pag- unawa sa kanila ng mga mambabasa.
Sa pangunahing tauhan ipinagkakatiwala ang pinakamahalagang papel kung saan binibigyan siya ng mga
suliranin o balakid na nagmumula naman sa mga tunggaliang kinakailangan niyang tuklasin at hanapan ng
solusyon. Kailangan mangibabaw sa uring ito ng maikling kuwento ang aksyon, kilos, pag- uugali, kaanyuan,
kalakasan at kahinaan, pananalita, paraan ng pamumuhay,prinsipyo o paninindigan sa buhay at maging
paraan ng pag- iisip ng pangunahing tauhan.

Upang mapalitaw ang mga katangian ng tauhan, kinakailangan ang mahusay na paglalarawan. Ayon kay
Paquito Badayos (2000), ang paglalarawan ay paraan ng pagpapahayag ay naglalayong magsaad ng larawan
ng kabuuan ng isang bagay, o magbigay ng isang Biswal ng konsepto ng tao, bagay, pook o pangyayari. Higit
itong makikita sa paggamit ng mga salitang kaugnay ng pandama ng tao gaya ng paningin, pang- amoy,
panlasa, at iba pa. Ayon naman kay Clemencia Espiritu (2002), layunin ng paglalarawan na maipamalas sa
nakikinig o mambabasa ang hugis o anyo ng kabuuan ng isang tao, bagay o pangyayaring nangangailangan
ng mabuting sangkap upang makabuo nang maayos at malinaw na larawan sa imahinasyon at isipan ng
bumabasa at nakikinig.

Sa pagsulat ng maikling kuwento ng tauhan, makatutulong ang pagsasaalang- alang sa pagpili ng


karakterisasyon ng pangunahing tauhan. Mahalagang pumili at magpasya sa magiging gampanin ng
pangunahing tauhan sa gagawing kuwento. Kailangang maging tiyak ang paglalarawan sa kaniyang:

A. kasarian (babae, lalaki, o kabilang sa LGBT)


B. liping kinabibilangan (Pilipino o dayuhan)
C. panlabas na kaanyuan o pisikal sa pamamagitan ng kanyang pananamit, natatanging feature ng
mukha o katawan, manerismo, at mga galaw.
D. panloob na kaanyuan tulad ng pag-uugali, mga hilig, at iba pang mga kaugnay na katangian
E. katayuan sa buhay (mayaman o mahirap)
F. paraan ng pag-iisip at pananaw sa buhay na maipakita sa pamamagitan ng ma diyalogo
G. trabaho, katungkulan, at iba pang maliit na detalye
H. paglalarawan sa mga pansuportang tauhan upang makatulong sa pagpapalabas ng mga katangian
ng pangunahing tauhan tulad ng magulang, kapatid, anak, kalaban, kaaway, kaibigan, o
kasintahan.
Sa paglalarawan, maaaring gumamit ng alinman sa dalawang paraan:
1. Obhektibo o karaniwang Paglalarawan- Naglalayon itong makabuo ng malinaw na larawan sa isipan ng
bumabasa o nakikinig sa pamamagitan ng direktang paglalarawan.

Halimbawa:

Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang-lilis ang laylayan.


Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng kanyang
butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak- mahirap.

mula sa “ Ang Kalupi”ni Benjamin Pascual


2. Subhektibo o Malikhaing Paglalarawan- Naglalayon itong maglarawan sa pamamagitan ng malikhain o
masining na paraan. Gumagamit ito ng mga matatalinghagang pahayag tulad ng idyoma at tayutay.

Halimbawa:

Talagang matanda na noon si Ina. Pilak na ang kaniyang nandadalang na buhok, luyloy na ang
kalamnan ng mga braso, lumaladlad na ang mga pisngi. Ngunit sa larawang iyon ng katandaan ay
mababakas pa rin ang katatagan, at sa may kalabuan nang mga mata ay masasalamin ang
kawalang- pagsisisi sa kaniyang buhay at sa kaniyang pagiging isang ina.

mula sa “Gilingang Bato”ni Edgardo Reyes

II. LAYUNIN: Natutukoy ang pagkakaiba ng Obhektibo o karaniwang Paglalarawan sa Subhektibo o


Malikhaing Paglalarawan.

III. PAGTATAYA:

GAWAIN 3.13
A. Magbigay ng 10 mahahalagang detalye ng aralin.
B. Basahin ang sumusunod na paglalarawan ng tauhan. Tukuyin kung ang nasabing paglalarawan ay
Obhektibo (o). o Subhektibo (S), Isulat ang titik ng sagot sa patlang.

________1. Nang muling mapailalim, pinilit niyang pumaibabaw at sa wakas, napailalim niya muli si Ogor. Dito
samu’t saring suntok ang pinaulan niya kay Ogor na nagpahina at nagpasuko dito. Tumayo siya at tiningnan
ang mga tao, ang mga ito’y nahihiya na sa kanya. Dito, natuklasan niya ang kakaibang lakas na taglay at
nadama ang tibay, tatag at kapangyarihan. At sa gitna ng matinding sikat ng araw, siya’y naging isang
mandirigmang sugatan na nakatindig sa napagwagihang larangan.

mula sa “Impeng Negro”ni Rogelio Sicat

________2. Tinanaw ni Adong ang ininguso sa kaniya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga, Ang malapad na
katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora.

mula sa “Mabangis na Lungsod”ni Efren R. Abueg

________3. SIya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kaniya ng pansin.
Mula sa kaniyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan,
walang masasabing anumang pangkaraniwang sa kaniya.

mula sa “Kuwento ni Mabuti” ni Genoveva E. Matute

________4. Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay
lubhang kapansin- pansin at tingnan lamang iyo’y mahahabag na sa kaniya ang tumitingin. Kahit ang paraan
niya ng pagsasalita ay laban din sa kaniya. Mayroon siyang kakatuwang “punto”na nagpapakilalang siya’y
taga- ibang pook.

mula sa “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva E. Matute

_______5. May isang batang mahirap. Nag- aaral siya. Sa paaralan ay kapansin- pansin ang kaniyang
pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit.
Laging nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung
magsalita.

IV. SANGGUNIAN: Jocelyn M. Collado at Richard de Leon, 2019, Bukal ng Lahi 10, Brilliant Creations
Publishing, Inc. Pahina 222-225

V. PANGKALAHATAN: Ang Maikling kuwento ng tauhan ay nakapokus sa mga pangunahing tauhan ng


kuwento. Inilalarawan ng manunulat ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap o
umiikot sa isang kuwento upang mabigyan ng kabuuan at kahulugan ang pag- unawa sa kanila ng mga
mambabasa.

VI. INSTITUTIONAL CORE VALUES: COMPETENCE (KAGALINGAN)

You might also like