You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V (Bikol)
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG KOMPREHENSIBO NG MASBATE
School ID: 302148
Lungsod Masbate
Tel: (056) 333-2255Fax: (056) 333-5353

LAGUMANG PAGSUSULIT BLG. 1


Filipino 7
KWARTER 4 – Modyul 1 at 2

Pangalan: ____________________________ Iskor: ____________


Taon at Seksyon: ____________________ Lagda ng Magulang: ____________

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang bago ang bawat
bilang.

KAALAMAN
____ 1. Pinag-aaralan ang Ibong Adarna bilang bahagi ng kurikulum sa ikapitong baitang upang magpatuloy
a. sa susunod pang henerasyon ang kalinangan ng kulturang Pilipino.
b. sa susunod na taon ang kasaysayan ng akda.
c. sa ikaapat na taon ng hayskul ang kagalingang Pilipino.
d. sa kolehiyo ang kaalaman ng pag-aaral ng Ibong Adarna.
____ 2. Ang pagbabasa ng Ibong Adarna ay naglalayon na
a. magbigay-aliw b. magbigay impormasyon c. magpakita ng pagpapahalaga d. magpahayag ng kasaysayan
____ 3. Ang korido ay hango sa salitang kastila na “occurido” na nangangahulugang
a. nangyari b. natupad c. naglaho d. nawala
____4. Ang korido ay isang uri ng tulang ____________
a. naglalarawan b. nagsasalaysay c. nanghihikayat d. nagbibigay-puri

KOMPREHENSYON
____ 5. “Dalangin kong mataimtim
kay Bathalang maawain,
ang sakit mo ay gumaling
datnan kitang nasa aliw.”
Ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna na makikita sa saknong ay
a. pagtulong sa mga nangangailangan c. pagkakaroon nang matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal
b. pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya d. mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang

____ 6. Sa kabila ng pagod at gutom ni Don Juan, hindi pa rin niya nalimutang tumulong sa ermitanyo.
Mahalagang pag-aralan ang Ibong Adarna batay sa pahayag dahil
a. nagpapakita ito ng pagpapahalaga sa kapwa anuman ang estado niya sa buhay
b. naglalaman ito ng paghihirap ng ilang Pilipino na makikita hanggang sa kasalukuyan
c. masasalamin dito ang pagsaklolo sa pulubi na humihingi ng pagkain
d. nakapaloob dito ang paghingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan

Blg 7 - 8
. Yaong bundok na mataas
sa sandali ay napatag
trigo’y ipinunlang lahat
nang wala pang isang iglap

____ 7. Ang anyo ng korido na makikita sa loob ng kahon ay


a. Binubuo ng apat na pantig sa bawat taludtod at apat na taludtod sa isang taludturan
b. Binubuo ng apat na pantig sa bawat taludtod at limang taludtod sa isang taludturan
c. Binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod at apat na taludtod sa isang taludturan
d. Binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod at limang taludtod sa isang taludturan
____ 8. Ang saknong ay nagpapakita ng katangian ng korido na
a. may kakaibang lakas ang nagsasalita c. may kapangyarihang supernatural ang tauhan
b. may angking talino ang prinsesa d. may kagalingan sa pagtatanim ang prinsipe

APLIKASYON
____ 9. Mahalaga ang pag-aaral ng Ibong Adarna sa paghubog ng pag-uugali ng mga kabataan dahil naglalaman ito ng
a. kultura ng mga lugar na pinagmulan nito. c. pakikipagsapalaran ng mga tauhan.
b. paalala tungkol sa magagandang pag-uugali. d. kahusayan ng tatlong prinsipe.

____ 10. Ang himig ay ________ na tinatawag na allegro. Ang salitang angkop sa patlang ay
a. Mabagal b. katamtaman c. mabilis d. napakabilis

ANALISIS
____ 11. Tukuyin ang pahayag na nagpapakikita ng kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna.
a. Mapalaganap ang mga kababalaghang naganap sa akda
b. Maaaring kapulutan ng aral sa buhay maging ng makabagong henerasyon
c. Mapanatili ang pag-aaral nito upang masaulo ng kabaatan
d. Mapagtibay ang karanasan ng bagong henerasyon sa mga pagsubok sa buhay

____ 12. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng korido?
a. May taglay na kapangyarihang supernatural ang ilan sa mga tauhan
b. Kagila – gilalas na pakikipaglaban ng mga pangunahing tauhan alang-alang sa pag-ibig.
c. Nagtataglay ng aral sa buhay at butil ng karunungan.
d. Tungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay.
EBALWASYON
____ 13. Suriin sa mga saknong sa ibaba ang nagpapakita ng pananampalataya na taglay ng isang korido.

A. B. C. D.
“Sino ang mag-aakalang “Kung wala mang kapalarang “Di ko maubos-isipin “Kaya naging kasabihan
ang bunso mo’y madudusta, humaba pa yaring buhay, Kung ano’t ako’y tinaksil, ng lahat na ng lipunan,
sa ganito kong pagluha, loobin mo, Inang Mahal, Kung ang ibon po ang dahil Sa langit ang kabanalan
anak mor in ang may gawa.” ang ama ko ang mabuhay.” Kanila na’t di na akin.” Sa lupa ang kasamaan.”

PAGBUO
____ 14. Ibigay ang sariling ideya sa pag-aaral ng Ibong Adarna, dugtungan ang pangungusap sa ibaba.
Para sa akin, mahalagang malaman ang kahalagahan ng pag-aaral ng akdang “Ibong Adarna” dahil _____________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
____ 15.
“Dalangin kong mataimtim
kay Bathalang maawain,
ang sakit mo ay gumaling
datnan kitang nasa aliw.”

Bumuo ng pangungusap na naglalarawan sa katangian ng korido batay sa saknong sa itaas.


_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

Inihanda: Sinuri: Nabatid:


GURO SA FILIPINO 7 NELIDA R. FORMAREJO MARITES C. CLEOFE
Master Teacher II Puno ng Kagawaran, Filipino

You might also like