You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
6
BARCELONA NORTH DISTRICT

FILIPINO
Kwarter 1- Linggo 2B
GAWAING PAGKATUTO
Pangalan:____________________________________________________Petsa:_______

I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang sawikain ay mga kaalamang-bayan na basta na lamang nabuo
at nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno, ngunit sa panahon
ngayon ay hindi na gaanong pamilyar ang mga kabataan sa mga sawikaing
ito. Sa aralin natin ngayon ay susubukan nating muling kilalanin at bigyan
kahulugan ang ating mga sawikain.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs


Nabibigyang kahulugan ang sawikain F6PN-Ij-28

III. MGA GAWAIN


A. Pagbalik-aralan Mo
Panuto: Bilugan ang letra ng nais ipakahulugan ng sumusunod na
pahayag.

1. “Aha! Nahuli rin kita! Hindi ka na makaliligtas sa akin ngayon.”


a. galit na galit b. tuwang-tuwa c. gulat na gulat
2. “Iyang tubig na iyan ang pampaligo ng nanay mo?”
a. Namangha b. mausisa c. makulit
3. “A, basta! gusto ko ring pumula ang pisngi ko,”
a. Mayabang b. matigas ang ulo c. makasarili
4. “Makati rin ang mata ko. At sa ayaw mo‟t sa gusto kukuha ako nito,”
a. Mapilit b. mapagmataas c. may pagkukusa
5. “Kra-kra-kra…” natatarantang sigaw ni Matsing pagkat halos umusok
ang dalawang mata niya sa hapdi at kirot. Napakainit ng mata niya.
a. Naiyak b. naaliw c. nasaktan
B. Pag-aralan Mo
Panuto: Basahing mabuti ang maikling kwento. Tandaan ang mga salitang
may salungguhit.

Ang Regalo ni Kuya


Hindi maipinta ang mukha ni Christine, kanina pa siya
nakasimangot habang inaalala ang hindi natupad na pangako ng kaniyang
Kuya Allan. Parang inilista sa tubig ang pangako nitong bibilhan siya ng

1
bagong laruan para sa kaniyang kaarawan. “Pasensya na bunso, sadyang
marami lamang akong inasikaso kaya nakalimutan ko.” Paghihingi ng tawad
ng kaniyang Kuya. “Nagtatampo ako dahil nakalimutan mo Kuya, pero ok na
yun basta ligtas kang nakauwi.” Sagot ni Christine. Napangiti si Kuya Allan
sa sinabi ng bunsong kapatid. Hindi naman talaga totoong nakalimutan
niya ang laruan, itinatago niya ito sa loob ng aparador. “Bunso, maari mo ba
akong ikuha ng bagong damit mula sa aparador?” sabi ni Kuya Allan. Dali-
dali namang sumunod si Christine at sa kanyang pagbukas ng aparador ay
bigla siyang nagkulay labanos, sa loob kasi nito ay ang pinapangarap
niyang laruang manika. Nang makabawi sa pagkabigla ay biglang
nagliwanag ang mukha ni Christine at agad siyang tumakbo papunta sa
Kuya daladala ang laruan. “Kuya! Kuya! Maraming salamat po,
napakanganda ng surpresa mo sa akin.” Nagagalak na sabi ni Christine.
“Walang anuman bunso, bigay ko iyan dahil busilak ang iyong puso,
naging mabuti kang bata at napakamapagbigay mo."

Nagustuhan mo ba ang kwento? Napansin mo ba ang mga salitang


may salungguhit? Ang mga salitang ito ay tinatawag nating “Sawikain” o
“Idyoma”.
Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na kusang nalinang
at nabuo sa lingguwaheng Filipino. Ito ay sinasabing matalinghaga dahil
may kahulugan itong hindi maaaring makuha o maunawaan sa literal na
kahulugan nito. May naiiba itong kahulugan sa literal o tahasang pahayag.
Kadalasa’y taglay nito ang maraming pangkulturang bagay: malarawan,
mapagbiro at mapagpatawa.
Halimbawa:
Ang sawikaing kapit sa patalim, tumutukoy sa ginawa ng isang tao
na labag sa batas o isang uri ng krimen. Maaaring ito ay ginawa niya para
sa sariling kapakanan.

Narito naman ang mga ibig sabihin ng sawikain o idyoma sa kwentong “Ang
Regalo ni Kuya” .
1. Hindi maipinta ang mukha - nakasimangot
2. Parang inilista sa tubig - nakalimutan
3. nagkulay labanos- namutla
4. nagliwanag ang mukha- natuwa
5. busilak ang iyong puso- maawain o matulungin

C. Pagsanayan Mo
Panuto: Basahin ang mga halimbawang pangungusap sa kahon upang
malaman ang ibig sabihin ng mga sawikain. Piliin ang kahulugan ng mga
sawikain sa Hanay A mula sa pagpipilian sa Hanay B. Isulat sa patlang ang
letra ng tamang sagot.

1. Matagal bago kami natapos sa paglilinis dahil kilos pagong ang


kasama ko.
2. Si Marian Rivera and kabiyak ng dibdib ni Dingdong Dantes.
3. Butas na ang bulsa ni Martha dahil sa dami ng binili niyang
mamahaling damit.

2
4. Parang lantang gulay na si Kuya matapos niyang sumali sa karera
sa pagtakbo.
5. Paboritong apo ni Lola si Kuya Ben dahil sa pagiging makapal palad
nito.
HANAY A HANAY B
_____1. Kilos Pagong a. asawa
_____2. Kabiyak ng dibdib b. Sobrang pagod
_____3. Butas ang bulsa c. masipag
_____4. Lantang gulay d. Mabagal
_____5. Makapal palad e. Walang pera

D. Tandaan Mo.
Sa pagbibigay kahulugan sa mga Sawiikain, mahalagang tandaan na iba
ang literal na ibig sabihin ng bawat salita sa nais ipahiwatig ng sawikain.
Basahing mabuti ang konteksto ng buong sawikain upang malaman ang
tunay nitong kahulugan.

E. Gawin Mo
Panuto:. Gamitin sa pangungusap ang mga sawikain. Ibinigay na ang ibig
sabihin ng bawat isa.
1. Nagsusunog ng kilay -masipag mag-aral
Pangungusap:_______________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Amoy pinipig – mabango


Pangungusap:_______________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Halang ang kaluluwa- masamang tao


Pangungusap:_______________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Galit sa pera – gastador o magastos


Pangungusap:_______________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Kapit tuko – mahigpit ang hawak


Pangungusap:_______________________________________________________
_____________________________________________________________________

F. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang letra na naglalaman ng tunay na kahulugan ng may
salungguhit na sawikain.
1. Kanina pa kumukulo ang sikmura ko, hindi pa ba luto ang adobo?
a. Busog
b. Nagugutom
c. Kinakabahan

3
2. Palibhasa’y lumaki kang may kutsarang ginto sa bibig kaya hindi mo
alam ang pakiramdam ng mamrublema sa mga bayarin.
a. Amerikano
b. Mahirap
c. Lumaking mayaman
3. Simula pagkabata ay laman na ng lansangan si Max kaya naman
alam na niya halos lahat ng kalakaran dito.
a. Laging tambay sa kalye
b. Di lumalabas ng bahay
c. Takot sa lansangan
4. Sobrang dami ng ginawa sa opisina, lamog na ang katawan ko sa
kakatrabaho.
a. Masigla
b. Gutom
c. Sobrang pagod
5. Si Maria ay may buhok anghel kung kaya’t siya ang napiling maging
mag-endorso ng bagong shampoo.
a. Maikling buhok
b. Magandang buhok
c. Itim na buhok

IV. RUBRIKS SA PAGPUPUNTOS


Pamantayan 5 4 3 2 1
Nagamit ng wasto ang sawikain
Nakabuo ng pangungusap ng may wastong
pagbabaybay

V. SUSI SA PAGWAWASTO

4
VI. SANGGUNIAN
Pinoycollection.com/sawikain/4/
Sandy Ghaz, “Sawikain:30+Halimbawa ng Sawikain at kanilang mga
Kahulugan”, December 14, 2018 www.philnews/2018/12/14/sawikain-30-
halimbawa-sawikain-kahulugan
Badayos,Paquito B et.al., Gangsa 1, Interaktibong Aklat sa Filipino 1.Wika
at Panitikan Unang Taon. Anvil Publishing, INC. 2003

Manunulat: JAYZYL M. ESPINOCILLA


Posisyon: Teacher I
Tagasuri:

ALELI F. ESPINEDA – ESP-IJOSE L. TRIÑANES JR.- ESHT III SHIRLEY E. HAPA – MT-II

GLORIA E. REYMUNDO
OIC-PSDS/QAT CHAIRPERSON

You might also like