You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

6
Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
BARCELONA NORTH DISTRICT

FILIPINO
Kwarter 1- Linggo 1A
GAWAING PAGKATUTO
Pangalan:____________________________________________________Petsa:___________________
I. PANIMULANG KONSEPTO
Isa sa mga Makrong kasanayan ang kakayahan sa pagbabasa, kasabay nito ay ang kakayahang
unawain at sagutin ang tanong tungkol sa nabasang teksto. Sa araling ito ay sasanayin kang sumagot sa mga
tanong tungkol sa napakinggan/nabasa mong pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs


Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-
impormasyon at usapan (F6PN-Ia-g-3.1 F6PN-Ia-g-3.1 F6PBIc-e-3.1.2 F6PN-Ia-g-3.1)

III. MGA GAWAIN


A. Pagbalik-aralan Mo
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita san Hanay A. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.

HANAY A HANAY B
____1. Pabula a. ginagamit sa pagtatanong tungkol sa
“dahilan”
____2. Komprehensyon b. kwento na ang mga tauhan ay
nagsasalitang mga hayop
____3. Pagbasa c. pangungusap na nagsasabi ng tanong o
humihingi ng sagot
____4. Tanong d. proseso ng pagbuo ng ugnayan sa
nabasang kwento at sa dating
____5. Bakit kaalaman. Ito ay malalim na pag-
unawa sa nabasa o napakinggang
teksto
e. proseso ng pagkilala sa nakasulat na
simbolo at letra, at pagbibigay
kahulugan at interpretasyon sa gustong
iparating ng manunulat

B. Pag-aralan Mo
Sa pagbabasa o pakikinig ng kwento kailangan mong isaalang-alang ang mga sumusunod:
1. Tiyaking komportable ka sa iyong kinauupuan.
2. Dapat ay tahimik ang lugar.
3. Pakinggang mabuti ang nagkukwento o basahing maigi ang mga detalye ng kuwento.
4. Gamitin ang imahinasyon habang nakikinig o nagbabasa ng kwento. Isipin mong parte ka ng
pinakikinggan o binabasa mo.
5. Magtanong kapag may hindi naunawaan.
6. Basahin muli ang parte ng kwento na hindi mo gaanong naintindihan.

1
Sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasang kwento, pakaisipin o tandaan na may iba’t ibang
lebel ng pag-unawa. Narito ang iba’t ibang lebel nito:
1. Literal na Lebel – ang literal na sinasabi o ikinukwento ng sumulat
2. Interpretatibong Lebel – ang kahulugan sa likod ng kwento
3. Analitikal na Lebel – pagkilala sa retorikang ginamit ng may-akda
4. Kritikal na Lebel – pinakamataas na lebel, ito ang pagkilatis mo sa iyong sarili bilang
mambabasa. Kasabay nito ay inaalam mo kung gaano kagaling at kaepektibo ang sumulat ng
kwento.
Ang mga ito ay ilan lamang sa dapat mong tandaan habang nagbabasa o nakikinig. Unawaing mabuti
ang binabasa o pinapakinggan. Palagiang isipin na ang sagot sa mga tanong ay laging nasa kwento at sa mas
malalim na pag-unawa mo sa kwento.

Alamat ng Baka at Kalabaw


Noon pa man ay matalik ng magkaibigan sina Baka at Kalabaw. Parehas silang katuwang ng mga
magsasaka sa gawaing bukid. Masipag sila at masunurin sa kanilang mga amo maski anong hirap ng
trabaho sa bukid. Ngunit mayroong isang kuwento tungkol sa dalawa nang isang araw sila ay tinamad na
magtrabaho.
Noong unang panahon ang pinakaunang Baka at Kalabaw ay itinalaga ni Bathala na tumulong sa
magsasaka sa gawaing bukid. Tulad ng kanilang amo, masipag sina Baka at Kalabaw. Hindi nila anlintana
ang bigat ng araro at init ng araw sa trabaho sa bukid. Araw-araw ay ganito ang ginagawa ng
magkaibigang hayop. Sa gabi lamang sila nakakapagpahinga.
Isang gabi pagkatapos ng trabaho sa bukid ay nagsama-sama ang mga alagang hayop ng
magsasaka. Nagkuwentuhan sila sa kanilang ginawa sa buong maghapon.
Napansin ng dalawa mula na rin sa kuwento ng mga ibang hayop na sila lamang ang pagod na
pagod sa buong maghapong pagtratrabaho sa bukid. Samantala, ang ibang mga hayop ay walang ginawa
kundi maglaro o di kaya’y kumain lamang. Tulad ni Manok na buong maghapon raw na palakad-lakad
lamang at naghahanap ng uod na makakain, o di kaya’y si Pato na palangoy-langoy lamang daw sa ilog at
si Kambing na wala ring ginawa kundi kumain ng mga damo.
Kinabukasan, dahil sa mga narinig mula sa ibang hayop ay napagkasunduan ng dalawa na
magpahinga sa araw na iyon. Sa halip na magtrabaho ay magpupunta sila sa katabing ilog upang maligo.
Inantay nilang makatulog ang magsasaka at saka tahimik na inalis ang mga suot na araro at nagtungo sa
may ilog.
Tinanggal ng dalawa ang kanilang mga balat at sinampay ito sa may puno saka tumalon sa ilog.
Ngunit biglang nagising ang magsasaka at nakita na nawawala ang dalawa. Hinanap niya ang mga ito at
natanaw niya sila sa may ilog na masayang naliligo.
Kinuha ng magsasaka ang kanyang pamalo at lumapit sa dalawang magkaibigan. Nagulat sina
Baka at Kalabaw ng makitang papalapit sa kanila ang magsasaka. Dali-daling tumayo ang dalawa at
isinuot ang kanilang balat na nakasampay sa puno. Ngunit dahil sa pagmamadali at sa takot, nagkapalit ng
nakuhang balat ang dalawa. Dahil mas mataba si Kalabaw masikip sa kanya ang balat ni Baka.
Samantalang maluwag naman kay Baka ang balat ni Kalabaw kaya’t nakalawit sa may leeg niya ang balat.
Nagmamakaawang humingi ng tawad ang dalawa sa magsasaka. Pinatawad niya ang mga ito
ngunit bilang parusa sa ginawa ng dalawa ay hindi na pinagpalit ng magsasaka ang mga balat nila. Ito na
rin ang magpapaalala sa dalawa na huwag maging tamad at gawin ang iniatas na trabaho.

Mga tanong:
2
1. Sino-sino ang dalawang inatasan ni Bathala na tumulong sa magsasaka? (Literal na Lebel)
Sagot: Sina Baka at Kalabaw
2. Bakit kaya biglang tinamad sina Baka at Kalabaw? (Interpretatibong Lebel)
Sagot: Dahil silang dalawa lang daw ang may mabigat na trabaho sa bukid.
3. Ano ang ginawa ng dalawa sa araw na napagkasunduan nilang magpahinga?
Sagot: Hinubad nila ang kanilang balat at naligo sila sa ilog.
4. Anong nangyare nang makita ng magsasaka na naliligo sa ilog ang dalawa?
Sagot: Kinuha ng magsasaka ang pamalo at lumapit sa dalawa. Sa gulat at pagmamadali ay
nagkapalit ng naisuot na balat ang dalawa.
5. Paano pinarusahan ng magsasaka sina Baka at Kalabaw? (Analitikal na Lebel)
Sagot: Hindi na niya ipinagpalit pabalik sa dati ang balat nina Baka at Kalabaw.
6. Kung ikaw ang magsasaka paparusahan mo din ba ang dalawa? (Kritikal na Lebel)
Sagot: Opo/Hindi po, dahil______________________________________________________.
(Depende sa opinyon mo. Walang tama o maling sagot.)
7. Ano kayang aral ang natutuhan ng dalawa?
Sagot: Natutuhan nilang pahalagahan ang trabaho at huwag ikumpara ang sariling gawain sa gawain
ng iba. Bawat isa ay may kanya-kanyang importanteng papel na ginagampanan. (Maari ring
magbigay ng sarili mong natutuhang aral mula sa kwento.)

C. Pagsanayan Mo
Panuto: Basahin ang pabula at subukang sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Ang Sinungaling na Lobo
Isang umaga, si Lou, isang lobo ay nakakita ng isda sa may lawa. Agad niya itong sinagpang. Samantala,
habang kinakain niya ito sa ilalim ng puno, isang munting tinik ang tumusok sa kanyang lalamunan. Hindi
niya ito maalis-alis. Naging napakasakit nito. Sa tindi ng sakit at paghihinagpis, siya ay umatungal nang
malakas.
Maghapong naglakad si Lou sa gubat. Naghanap siya ng maaaring makapag-alis ng tinik sa kanyang
lalamunan. Isa man sa kanyang nilapitan ay walang makatulong sa kanya dahil natatakot ang mga ito sa
kanya. Alas tres na ng hapon nang makausap niya si Candy, isang uri ng ibon, na nasa ilalim ng puno ng
akasya. Si Candy ay may mahabang tuka at alam ni Lou na siya rin ay mabait.
Paluhod pang nangako si Lou na kung aalisin lamang ni Candy ang tinik sa kaniyang
lalamunan ay ibibigay niyang lahat ng kaniyang ari-arian. Madali namang nahabag si Candy at sinabing
susubukan niyang alisin ang tinik na nagpapahirap sa Lobo.
Sumampa si Lou sa may batuhan at ibinuka niya nang husto ang kanyang bibig. Dahan-dahan
namang ipinasok ni Candy ang kanyang mahabang tuka at pati na ang kaniyang ulo upang maabot ang
maliit na tinik sa lalamunan ni Lou.
Nang maalis ang tinik sa lalamunan ni Lou, hiningi ni Candy ang kanyang gantimpala. Humalakhak
lamang si Lou nang malakas at inilabas ang kanyang matatalim na pangil at sinabi ang ganito,
"Magpasalamat ka at hindi kita kinain nang ipasok mo ang iyong maliit na ulo sa aking bibig.
Nakapasok at nakalabas nang wala mang bahid ng gasgas ang iyong ulo at ika'y hindi napahamak."
Nabigla si Candy at sinabing "Walanghiya! Walang utang na loob! Kanina lamang ay
naglulumuhod kang lumapit sa akin at nagmamakaawa, pagkatapos ay ako pa ngayon ang may
utang na loob sa iyo? Kahanga-hanga ka naman. Pagkatapos iligtas ay ikaw pa ang hihingi ng
pasasalamat. Ay, naku! Ang sinumang nasa kagipitan nga naman, ang sumpa't pangako'y walang
katapusan.”

Mga tanong:
1. Paano napapayag ni Lou si Candy na tanggalin ang tinik?
3
________________________________________________________________________________
2. Bakit walang gustong tumulong kay Lou?
________________________________________________________________________________
3. Tama ba ang ginawa ni Lou kay Candy matapos siyang tulungan nito? Bakit?
________________________________________________________________________________
4. Para saiyo, ano kaya ang aral na gustong iparating saiyo ng sumulat? Bakit?
________________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kay Lou kung hindi siya tinulungan ni Candy?
________________________________________________________________________________

D. Tandaan Mo.

Importanteng basahin o pakinggan mong mabuti ang kwento upang maunawaan mo


ito. Masasagot mo lamang ang mga tanong kapag lubusan mong naintindihan ang kwento.
Ang paggamit sa iyong imahinasyon at pag-iisip na parte ka ng kwento ay isang mabisang
paraan upang lalong maunawaan mo ito.

E. Gawin Mo
Panuto: Basahin ang tekstong pang-impormasyon sa baba at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Mga side effect ng mga bakuna laban sa COVID-19

Katulad ng lahat ng mga gamot, maaari kang makaranas ng banayad na mga side effect 1—2 araw
matapos kang mabakunahan. Ito ay karaniwan, at isang palatandaan na ang iyong katawan ay natututong
labanan ang virus.
Karamihan sa mga side effect ay hindi nagtatagal, at hindi pipigil sa iyo sa pagkuha ng ikalawang dosis o
magpatuloy sa iyong pang-araw-araw na buhay. Ang ilang mga side effect ay maaaring pansamantalang
makaapekto sa kakayahan mong magmaneho o gumamit ng makinarya.
Ang pinaka-karaniwang naiulat na mga reaksyon ay:
• pananakit o pamamaga sa bandang ininiksyunan
• nakaramdam ng pagkapagod o pagkahapo
• sakit ng ulo
• pananakit ng kalamnan
• pangingiki
• pananakit ng kasukasuan
• lagnat
• pamumula sa bandang ininiksyunan
• pagduruwal.
Ang ilang mga side effect ay mas karaniwang nangyayari makaraan ang ikalawang dosis. Kung hindi ka
komportable, maaari kang:
• magtapal sandali ng malamig, basang tela o ice pack sa bandang ininiksyunan
• magpahinga at uminom ng maraming tubig at iba pa
• uminom ng paracetamol o ibuprofen.
(Sipi mula sa: Mga side effect ng mga bakuna laban sa COVID-19 | Side effects of COVID-19 vaccines | Unite against
COVID-19 (covid19.govt.nz)

Mga tanong:
1. Bakit daw nagkakaroon ng side effect ang mga bakuna?
_________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang karaniwang side effect ng bakuna laban sa COVID 19?

4
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Paano mo mababawasan ang epekto ng mga side effects na ito? Magbigay ng 2 paraan.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Bakit importanteng alam mo ang mga posibleng epekto ng COVID 19 vaccine?
_________________________________________________________________________________
5. Kung ikaw ang papipiliin, magpapabakuna ka rin ba? Bakit opo? Bakit hindi po? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

F. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang pabula. Sagutin ng mahusay ang mga tanong sa ibaba.
Ang Lobo at ang Kambing
Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon upang maka-ahong
palabas ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Noo’y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig
ng lobo. “Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!” ang
pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang
siya’y niloko lamang ng lobo.
“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo. “Mamamatay tayo
sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.
“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan
kung papaano nating gagawin iyon.” Wika ng lobo. “Papaano?” tanong ng kambing.
Ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna ang lalabas. At kapag
nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas,” pangako nito. “Sige,” ang sabi naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng
kambing para tulungan nito’y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa’y sinabing, “Walang lobong
manloloko kung walang kambing na magpapaloko.” At malungkot na naiwanan ang kambing sa
malalim na balon.

Mga Tanong:
1. Bakit tumalon ang kambing sa balon?
________________________________________________________________________________
2. Paano nakalabas sa balon ang lobo?
_________________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ng lobo?
_________________________________________________________________________________
4. Ano ang natutuhan mong aral sa kuwento?
_________________________________________________________________________________
5. Ano ang dapat mong gawin para hindi ka maloko gaya ng nangyari sa kambing?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
IV. RUBRIKS
Mga pamantayan sa pagsagot sa Pagsanayan Mo, Gawin Mo, at Pagtataya.

Pamantayan 5 4 3 2 1
Nasasagot ng tama ang tanong
Nakabuo ng pangungusap ng may wastong pagbabaybay

5
V. SUSI SA PAGWAWASTO

VI. SANGGUNIAN
Alamat ng Baka at Kalabaw (wikakids.com)
Mga side effect ng mga bakuna laban sa COVID-19 | Side effects of COVID-19 vaccines | Unite against
COVID-19 (covid19.govt.nz)
Pabula Halimbawa: 10 Pinaka Popular na mga Pabula sa Pilipinas | Pinoy Collection

Manunulat: JAYZYL M. ESPINOCILLA


Posisyon: Teacher I
Tagasuri:

ALELI F. ESPINEDA – ESP-IJOSE L. TRIÑANES JR.- ESHT III SHIRLEY E. HAPA – MT-II

GLORIA E. REYMUNDO
OIC-PSDS/QAT CHAIRPERSON

You might also like