You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
Tiongson St., Lagao, General Santos City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5


PANGALAWANG MARKAHAN- IKATLONG LINGGO
(Ikatlong Araw)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri
ng teksto at mapapalawak ng talasalitaan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasakilos ang katangian ng mga tauhan sa kwentong
binasa; nakapagsasadula ng maaaring wakas ng
kwentong binasa at nakapagsasagawa ng charades ng
mga tauhan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nailalarawan ang mga tauhan sa nabasangat tagpuan ng
teksto.
F5PB-lla-4
II.NILALAMAN Paglalarawan ng mga Tauhan sa Nabasang Tekstoat Tagpuan
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
 Most Essential learning Competency -Filipino 5 p. 163
 Simplified Self-learning Module 2, Q2, Filipino 5
 Linggo 3- Paglalarawan ng mga Tauhan sa Nabasang
TekstoPagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas at
pamatnubay na tanong pp. 4-5
 Alab Filipino 5 Batayang Aklat-pp 62-6

4.
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk . Alab Filipino 5 Batayang Aklat-pp 62-64.
4. Karagdagang Kagamitan Mula
sa Portal ng Learning Resource
B. Iba Pang Kagamitang Panturo Laptop, Power-Point Presentation, LED TV, metacards, manila
paper, carltolina, coupon bonds
IV.PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o ISULAT MO!


pagsisimula ng bagong aralin Isulat ang tamang panahunang pangnagdaan para mabuo

1
ang diwa ng pangungusap.
(matapos)1. ________kahapon ang pagkompuni ng kanilang
bahay.
(bayad)2. __________ ni Nanay ang ang aming kuryente at tubig
noong isang lingo.
(maligo) 3. ____________ ang mag-anak sa beach noong isang
araw.
(bigay) 4. ___________ kami ng abuloy sa mga batang pulubi sa
may eskinita.
5. (mapilayan) _________si kuya nang tumalon siya may
hagdanan
B. Paghahabi sa layunin ng aralin 1. Iispel Mo!
Punan ng tamang titik ang patlang upang mabuo ang tamang
Ispeling ayon sa ibinigay na kahulugan.
1. p__y__k = simple lang
2. p__r__e = palaruan o pasyalan
3. p__k__ = isang makalumang laro na ginagamitan ng
pamato at may talunan.
4. na__ __ng__ __ = nagulat
5. k__r__na__a__ = mga natutuhan
2. Pagpapakita ng mga larawan ng mga kilalang tao sa ating
lipunan.
a. Pangulong Marcos o BBM
b. Pangalawang Pangulo Sara Duterte
c. Meyor Lorelie G. Pacquiao
d. Coco Martin
3. Pagbuo ng mga Pangganyak na tanongtungkol sa paksang
tatalkayin.
4. Pag-aails ng Sagabal o Balakid
HANAY A HANAY B
1. tanggi a. halamanan o taniman
2. masagana b. tanggihan
3. naibebenta c. naipagbili
4. inihain d. inihanda, meryenda
5. hardin e. marami
f. masarap
5. Ipagamit sa mga mag-aaral sa pangungusap ang mga
salita
6. Pagbibigay ng mga pangganyak na tanong tungkol sa
tekstong babasahin.
a. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
b. Anong katangian meron ang mga tauhan sa ating kwento?
7. Pagpapaalala sa mga mag-aaral ng mga Pamantayan sa
Pagbasa ng Tahimik
a. Umupo ng matuwid
b. Mata lang ang ibasa
c. Unawan ang binasa

C. Pag—uugnay ng mga Halimbawa BASAHIN MO NA!


sa layunin ng aralin. Ang Hardin ni Gwen at Lola Liling
Isang umagang maganda sa bayan ng Masagana, napadaan sina
Ben at Lito sa bahay ni Gwen. Si Gwen ay malapit na kaklase nina
Ben at Lito. Bihira nilang makalaro si Gwen dahil maaga pa itong
umuuwi tuwing may pasok sa paaralan. Araw ng Sabado, kaya naisip
nilang isama si Gwen sa parke para maglaro.“Gwen, gusto mo bang
sumama sa amin sa parke? Maglalaro tayo ng piko.” sabi ni Lito. “O
kayo pala, pasensiya na tinutulungan ko pa ang lola sa hardin.” sagot
ni Gwen. “Sayang naman Gwen saglit lang naman.” “Pasensiya na
talaga Ben, pumasok muna kayo upang magmeryenda” tanggi ulit ni
Gwen. Pumasok ang magkakaibigan at napansin ang masaganang
hardin nila Gwen. Namangha ang dalawa sa mga tanim na gulay,
2
prutas at bulaklak sa bakuran. “Ikaw ba ang nagtanim ng mga ito
Gwen?” tanong ni Ben. “Oo, ang iba naman ay itinanim ng Lola ko.
Malaki ang natitipid ng aming pamilya sa pagkain dahil sa mga
panamim sa hardin. Naibebenta rin ng lola sa palengke ang ibang
gulay at prutas.” sabi ni Gwen. Pumasok ang lola ni Gwen sa bahay
na may dalang mga mangga, saging at kamote. Inihain ni Lola Liling
ang mga ito sa mga kaibigan ni Gwen. Masaya si Gwen dahil
nagustuhan nina Lito at Ben ang meryendang inialok sa kanila.
“Alam ba ninyong mainam ang mga prutas at gulay sa katawan? Ang
mga iyan ay galing sa hardin namin” sabi ng lola ni Gwen. “Opo lola,
bukod sa masustansiya, masarap din po ang mga ito.” sagot ni Lito.
Di na natuloy sa parke si Ben at Lito minabuti nilang tulungan si
Gwen at Lola Liling sa pag-ani ng mga kamote at kamatis. Iyon ang
unang karanasan nila sa pagtatanim. Bilang pasasalamat, ipinagbalot
ni Lola Liling ang magkakaibigan ng iba’t ibang prutas at gulay.
Halaw sa SLM Filipino 5, Modyul 3 pp. 12-13,
Q2, Wk. 3 – Ikatlong Araw

Pagsagot ng mga tanong mula sa binasa.


Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Ilarawan ang katangian ng mga
tauhan dito. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Niyaya si Gwen ng kanyang mga kaklase na maglaro ng piko. Hindi
pumayag si Gwen dahil inaalala niya ang kanyang lola na nagtatanim sa
hardin. Anong klaseng bata si Gwen? a. mapagbigay b. masinop c.
malalahanin d. masungit 2. Inihain ni Lola Liling ang mga mangga, saging at
kamote sa mga kaibigan ni Gwen. Anong klaseng lola si Lola Liling? a.
madamot b. mapagbigay c. masinop d. magalang
3. Di na natuloy ang paglalaro sa parke nina Ben at Lito dahil minabuti nilang
tulungan si Gwen at Lola Liling sa pag-ani ng mga kamote at kamatis. Anong
katangian mayroon si Ben at Lito? a. masinop b. mahiyain c. mapagbigay
d.matulungin
4. Bilang pasasalamat, ipinagbalot ni Lola Liling ang magkakaibigan ng iba’t
ibang prutas at gulay. Anong katangian mayroon si Lola Liling? a.
maalalahanin b. masayahin c. matulungin d. madamot
5. Malaki ang natitipid ng aming pamilya sa pagkain dahil sa mga panamim
sa hardin. Naibebenta rin ng lola sa palengke ang ibang gulay at prutas.”
Anong katangian mayroon ang pamilya ni Gwen? a. mapagbigay b. matipid c.
matulungin d. mahiyai

hagdanan.
Ang Hardin ni Gwen at Lola Liling
Isang umagang maganda sa bayan ng Masagana, napadaan sina
Ben at Lito sa bahay ni Gwen. Si Gwen ay malapit na kaklase nina
Ben at Lito. Bihira nilang makalaro si Gwen dahil maaga pa itong
umuuwi tuwing may pasok sa paaralan. Araw ng Sabado, kaya naisip
nilang isama si Gwen sa parke para maglaro.“Gwen, gusto mo bang
sumama sa amin sa parke? Maglalaro tayo ng piko.” sabi ni Lito. “O
kayo pala, pasensiya na tinutulungan ko pa ang lola sa hardin.” sagot
Aralin 3 Paglalarawan ng mga Tauhan sa Nabasang Teksto 13 ni
Gwen. “Sayang naman Gwen saglit lang naman.” “Pasensiya na
talaga Ben, pumasok muna kayo upang magmeryenda” tanggi ulit ni
Gwen. Pumasok ang magkakaibigan at napansin ang masaganang
hardin nila Gwen. Namangha ang dalawa sa mga tanim na gulay,
prutas at bulaklak sa bakuran. “Ikaw ba ang nagtanim ng mga ito
Gwen?” tanong ni Ben. “Oo, ang iba naman ay itinanim ng Lola ko.
Malaki ang natitipid ng aming pamilya sa pagkain dahil sa mga
panamim sa hardin. Naibebenta rin ng lola sa palengke ang ibang
gulay at prutas.” sabi ni Gwen. Pumasok ang lola ni Gwen sa bahay
na may dalang mga mangga, saging at kamote. Inihain ni Lola Liling
ang mga ito sa mga kaibigan ni Gwen. Masaya si Gwen dahil
nagustuhan nina Lito at Ben ang meryendang inialok sa kanila.
3
“Alam ba ninyong mainam ang mga prutas at gulay sa katawan? Ang
mga iyan ay galing sa hardin namin” sabi ng lola ni Gwen. “Opo lola,
bukod sa masustansiya, masarap din po ang mga ito.” sagot ni Lito.
Di na natuloy sa parke si Ben at Lito minabuti nilang tulungan si
Gwen at Lola Liling sa pag-ani ng mga kamote at kamatis. Iyon ang
unang karanasan nila sa pagtatanim. Bilang pasasalamat, ipinagbalot
ni Lola Liling ang magkakaibigan ng iba’t ibang prutas at gulay.

Pagsagot ng mga tanong mula sa binasa.


Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Ilarawan ang katangian ng mga
tauhan dito. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Niyaya si Gwen ng kanyang mga kaklase na maglaro ng piko. Hindi
pumayag si Gwen dahil inaalala niya ang kanyang lola na nagtatanim sa
hardin. Anong klaseng bata si Gwen? a. mapagbigay b. masinop c.
malalahanin d. masungit 2. Inihain ni Lola Liling ang mga mangga, saging at
kamote sa mga kaibigan ni Gwen. Anong klaseng lola si Lola Liling? a.
madamot b. mapagbigay c. masinop d. magalang
3. Di na natuloy ang paglalaro sa parke nina Ben at Lito dahil minabuti nilang
tulungan si Gwen at Lola Liling sa pag-ani ng mga kamote at kamatis. Anong
katangian mayroon si Ben at Lito? a. masinop b. mahiyain c. mapagbigay
d.matulungin
4. Bilang pasasalamat, ipinagbalot ni Lola Liling ang magkakaibigan ng iba’t
ibang prutas at gulay. Anong katangian mayroon si Lola Liling? a.
maalalahanin b. masayahin c. matulungin d. madamot
5. Malaki ang natitipid ng aming pamilya sa pagkain dahil sa mga panamim
sa hardin. Naibebenta rin ng lola sa palengke ang ibang gulay at prutas.”
Anong katangian mayroon ang pamilya ni Gwen? a. mapagbigay b. matipid c.
matulungin d. mahiyai

1. Mula nang mamatay ang kanyang ama, pikit-


matang nailipat kay Dagambu ang pamumuno sa mga
dagang bukid.
a) Walang kabuluhan
b) Sapilitan
c) Kagustuhan
2. Libot nila ang di-maliparang uwak na mga bukirin
at gubat.
a) Maraming tanim
b) Walang makikitang uwak
c) Malawak
3. Kapit sa patalim ka ngayon.
a) Kahit anong mangyari
b) Hahawak ng patalim
c) Natatakot
4. Parang hagupit ng tadhana ang nangyayari.
a) Parusa ng langit
b) Hampas na malakas
c) Hanging malawak
5. Laman sila ng mga imbakan at bodega.
a) Nakatira sa imbakan
b) Ipinanganak sa imbakan
4
c) Madalas na nasa imbakan
bigay AYUSIN NINYO!

Pagsunod-sunurin ng mga mag-aaral ang kanilang sarili


batay sa kategoryang ibibigay ng guro.
Hal. Ayon sa kanilang edad, kanilang apelyido at iba pa

Pagkatapos gawin ang pagsasanay, sabay-sabay na


ipabasa sa mga mag-aaral ang layunin sa araw na ito.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa BASAHIN MUNA!
sa layunin ng aralin
Basahin ang kuwento at isulat ang mahahalagang detalye
o impormasyon sa iyong papel.

Pista ng Bayan
Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na
nagugustuhan ng mga Pilipino. Bago pa dumating ang
kapistahan ay abala na ang mga tao sa paglilinis ng kani-
kanilang mga tahanan, naglalagay ng dekorasyon sa mga
lansangan at naghahanda ng mga pagkain. Sa madaling araw
naririnig ang ingay ng kambing, itik, manok, bibe, baka at iba
pang hayop na inihahanda.
Sa araw ng kapistahan, makikita ang mga matatanda at
bata na masayang nagsisimba, nanonood ng parada at
sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyang umiikot. Masaya rin
silang lumilibot sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan
upang pagsaluhan ang inihandang pagkain. Sa gabi,
sumasama sila sa prusisyon at nanonood ng mga palabas.
Pagkatapos ng pista, masaya silang naglilinis ng
tahanan, nagliligpit ng pinagkainan at nagkukuwenta ng
pinagkagastusan subali’t makikita mo sa kanilang mga
mukha ang labis na kaligayahan.
Halaw sa Sslm Filipino 6 Q1 week 4 p. 4
D. Pagtalakay ng bagong konsepto Batay sa nabasang kuwento na pinamagatang Pista ng Bayan,
at paglalahad ng bagong pagsunod-sunurin ang mga mahahalagang detalye ng kuwento
kasanayan #1 gamit ang nakalarawang balangkas na nasa ibaba.
Batay sa nabasang kwento, ano ba ng kahalagahan ng mga
gumaganap sa kwento?
Ano ang ibig sabihin ng tauhan?
Ang tauhan

.ay maaaring nasa anyo ng babae, lalaki, bata, matanda, hayop (na
nagsasalita), halaman (na nagsasalita).
• Sila ang nagbibigay buhay sa isang sanaysay o maikling kuwento.
• Ang paglalarawan ng katangian ng isang tauhan ay maaaring mahinuha sa
pamamagitan ng pag-unawa kung ano ang kanyang ikinikilos, paano ito
nagsasalita, at kung paano nagpapakita ng reaksiyon sa mga sitwasyon ng
kuwento.

Ano ang Ano-ano


Ano ang
sumunod ang
unang Ano ang
na katapusan
pangyayar suliranin?
pangyayar ng
i?
i? kuwento?

Pagpapahalaga Natin
Lahat ng tao ay pantay pantay sa mata ng Diyos. Kaya huwag nating
husgahan ang isang tao ayon sa kanyang panlabas na anyo.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto PANUTO: Pagtambalin ang mga tauhan sa kanilang katangian

5
at paglalahad ng bagong sa Hanay B.
kasanayan #2 HANAY A HANAY B
1. ina a. gumagamot sa mga maysakit
2. guro b. tagahatid ng mga pasahero
3. doctor c. nagpapanatili ng katahimikan
4. pulis sa pamayanan
5. drayber d. nagtuturo ng mga leksiyon sa
mga bata sa paaralan
e. ilaw ng tahanan
Halaw sa SLM Filipino 5, Modyul 3 p. 13.

F. Paglinang ng Kabihasaan PANGKATANG GAWAIN:


(Tungo sa Formative Test)E. A. Igrupo ang mga mag-aaral sa apat. Gawin ang
Pagtalakay ng bagong konsepto hinihingi ng bawat grupo. Bibigyan ng tig-isang larawan
at paglalahad ng bagong ng kilalang tao sa ating lipunan at ilarawan ito: Gamit
kasanayan #2 ang manila papero cartolina:
Pangkat I– Isulat Mo
Ipakita sa pamamagitan ng isang slogan ang
paglalarawan ng tauhan
Pangkat II– Isulat mo!
Ilarawan sa pamamagitan ng
pagsulat ng isang saknong na tula
Pangkat III– Bumuo ng isang maliit na awit
Pangkat IV– sumulat ng isang talata na binubuo
ng 4-5 pangungusap
B. Panuto: Pagtambalin ang mga tauhan sa Hanay A sa
kanilang katangian sa Hanay B.
Higit na mauunawaan ang binasa kung maayos ang mga
pangyayari ayon sa sunod-sunod na pagkakaganap ng mga
ito.

Narito ang mga halimbawa ng nakalarawang balangkas na


maaaring gamitin upang maibigay ang tamang pagkasunod-
sunod ng pangyayari:

Ano ang Ano-ano


Ano ang
sumunod ang
unang Ano ang
na katapusan
pangyayar suliranin?
pangyayar ng
i?
i? kuwento?

Ang balangkas ay binubuo ng mga pangunahing diwa ng


talata, kwento o anumang seleksiyong binasa at ang
mahahalagang detalyeng sumusuporta o lumilinang dito.

Ang balangkas ay maaaring isulat sa buong pangungusap


na balangkas (sentence outline).
Maaari ring isulat ang balangkas sa anyong pa-paksa sa
halip na mga pangungusap ang gamitin. Ito ay tinatawag ng
papaksang balangkas (topic outline).

1. Pamagat :_____________________________________________
2. Mga Tauhan:
a.____________________________________________
b.____________________________________________
2. Tagpuan/Lugar –
_____________________________________________
3. Mahahalagang Pangyayari
a._______________________________________________________
b._______________________________________________________
6
c._______________________________________________________
d._______________________________________________________
e._______________________________________________________
4.Aral sa kuwento:_________________________________

G. Paglalapat ng aralin sa pang- MAGBAHAGINAN TAYO!


araw-araw na buhayF. Paglinang Magtatanong ang mga mag-aaral sa kapwa nila mag-aaral
sa kabihasaan tungkol sa mga taong mahal nila sa buhay. Ilarawan nila :
(Tungo sa formative assessment) ina, ama at lolo/lola sa pamamagitan ng pagbuo ng isang
pangungusap.

KILALA NINYO BA AKO?


Papangkatin ang klase sa limang pangkat at pagtulungan
nilang pagsunod-sunurin ang pangyayari sa kuwento ng buhay
ni dating Pangulong Diosdado P. Macapagal gamit ang
nakalarawang balangkas. Isusulat nila ang kanilang sagot sa
isang manila paper sa loob lamang ng limang minuto.
Panuto:Basahin ang kuwento at pagsunod-sunurin ang mga
hinihinging detalye gamit ang nakalarawang balangkas.

Diosdado P. Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan

Narinig na ba ninyo ang


pangalan ko? Marahil nais
ninyong malaman ang aking
makulay na talambuhay.
Maging inspirasyon sana sa
mga kabataan ang aking
karanasan.
Diosdado Pangan
Macapagal ang tunay kong
pangalan. Isinilang ako noong
ika-28 ng Setyembre 1910 sa
nayon ng San Nicolas, Lubao, Pampanga. Galing ako sa
maralitang angkan. Sina Urbano Macapagal at Romana Pangan
ang aking mga magulang. Ang aking ama ay isang manunulat
ng mga dulang pantanghalan sa wikang Kapampangan na
walang palagiang kita. Ang aking ina ay galing din sa mahirap
na pamilya. Hindi siya marunong bumasa’t sumulat. Kumikita
siya paminsan-minsan sa paglalabada.
Nagtaguyod ako ng mga proyekto tulad ng North Diversion
Road at South Expressway, pabahay para sa mga sundalo at
kawani ng pamahalaan at ang pagtatatag ng Philippine
Veterans Bank.
Sumulat din ako ng mga aklat. Ilan sa mga ito ang:
Democracy in the Philippines noong 1976; Memoirs of a
President, A New Constitution for the Philippines at Land
Reform in the Philippines.
Sa aking ginawang mga batas at proyekto, binigyang pansin
ko ang kapakanan ng karaniwang tao, kaya’t binansagan akong
“Kampeon ng Masa.” Nahirang din akong isa sa “Sampung
Natatanging Mambabatas” mula 1949- 1957. Tinagurian akong
“The Best Lawmaker” mula 1954-1957.
Napatunayan ko sa aking buhay, na hindi hadlang ang
kahirapan sa pagkakamit ng tagumpay. Kailangan natin ang
maalab na hangaring umunla
Ang naranasan kong pagsala sa pagkain,
pangingisda sa gabi at araw na walang pasok at iba pang
kahirapan ang nagtulak sa akin upang marating ang
tagumpay. Hindi ko akalain na ang isang mahirap na
batang tulad ko ay maging Pangulo ng Bansang Pilipinas.

7
Halaw sa SLM Filipino 6 Modyul 6 pp. 7-8
Pamagat:________________________________________
I. Ang Kapanganakan at Magulang ni Macapagal
A. petsa at lugar
B. tungkol sa ama
C. tungkol sa ina
II. Ang Kaniyang Nagawa Bilang Kawani ng Pamahalaan
A. __________________________________________
B. __________________________________________
C. _________________________________________
III. Isinulat na aklat
A. __________________________________________
B. ________________________________________
C. __________________________________________
IV. Mga Karangalang Natamo
A. __________________________________________
B. ___________________________________________
C.___________________________________________

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Paggising mo sa umaga alin sa sumusunod ang una mong
araw-araw na buhay ginagawa mo?Gamitin ang bilang 1-5 para maisaayos ang
pagkakasunod nito ayon sa iyong ginagawa.
______ Pagliligpit ng higaan
______ Pagsisipilyo
______ Pagkain ng Almusal o agahan
______ Maligo
_______ Pagbibihis
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang natutunan ninyo ngayong araw?
Ano ang ibig sabihin ng Tauhan?
Bakit mahalaga ang papel ng tauhan/ mga tauhan sa
pagbabasa ng teksto o kwento?Itanong:
Ano -ano ang natutuhan mo sa araw na ito?
Bakit mahalagang matutuhan ang wastong pagkasusunod-sunod ng mga
pangyayari?
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Ilarawan ang tauhan sa bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot sa
loob ng kahon at isulat ito sa patlang.
masikap masipag mapagmahal sa pamilya maingat maalaga
1. Dahil sa kahirapan, nagsusumikap si Ada na makatapos ng pag-aaral para
maiahon ang kaniyang pamilya sa kahirapan. _________
2. Inaalagaan ni Josefa ang kanyang nakababatang kapatid habang
nagtatrabaho ang kaniyang nanay. ___________
3. Pinipili ni Rey ang palabas sa telebisyon na maganda para sa kaniyang
nakababatang kapatid. _________________
4. Maagang gumigising si Xian upang magwalis sa paligid ng bahay bago
pumasok sa eskwela. _______________
5. Tinitiis ni Aling Joy ang hirap at pagod sa pagtatrabaho sa ibang bansa para
sa kaniyang mahal sa buhay. __________________Basahin ang
maikling kuwento tungkol sa buhay ni Pangulong
Bongbong Marcos at pagsunod-sunurin ang mga
pangyayari sa buhay niya gamit ang nakalarawang
balangkas.

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos, Jr. ay na


ipinanganak noong Setyembre 13, 1957 sa Lungsod ng Maynila.
Siya ay isang Pilipinong pulitiko na kasalukuyang naninilbihan
bílang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas. Siya ay dating
nanungkulan bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya
ang ikalawa at ang tanging lalaking anak ng Pangulong
Ferdinand Marcos Sr. at dating Unang Ginang na si Imelda
Romualdez Marcos.
Sa edad na 23-taong-gulang, si pangulong Bongbong Marcos
8
ay nanalo bilang bise gobernador ng Ilocos Norte nang walang
kalaban. Kinalaunan, naging Gobernador siya ng Ilocos Norte
noong 1983 at nanatili sa opisina hanggang mapatalsik ng
Himagsikan ng Lakas ng Bayan ang kanilang pamilya mula sa
kapangyarihan at lumipad papuntang Hawaii sa
pagkakapatapon noong Pebrero 1986.
Pagkamatay ng kaniyang ama noong 1989, hinayaan ni
Pangulong Corazon Aquino na umuwi ng Pilipinas ang nalalabi
sa pamilya Marcos upang humarap sa ilang demanda.
Pagsapit ng taong 1992, nahalal at naupo siya bilang
Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Ilocos Norte hanggang
1995, at muling siyang nahalal noong 2007 hanggang 2010. Sa
pagitan ng pagtatapos ng kaniyang termino noong 1995 at
pagsisimula ng isa pang termino noong 2007, nanungkulan
siyang muli bilang Gobernador ng Ilocos Norte na kaniyang
tinakbuhan at napaghahalan. Taong 2010 rin siya nahalal
bilang Senador ng Pilipinas sa ilalim ng Partidong Nacionalista
at naupo hanggang 2016.
Noong 2015, tumakbo si Marcos para sa pagka-
Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong Halalan 2016 at siya
ay nabigo. Kinalaunan nang taong iyon, ipinagpatuloy niya ang
kanilang harangin na makapaglingkod sa bayan at nanalo
bilang Pangulo noong halalan 2022.
Sa kasalukuyan, si Pangulong Bongbong Marcos Jr. ay
nagtataguyod ng mga programa para sa pag-unlad ng
kanayunan at nagpapakita ng suporta sa mga proyektong
pangkalusugan at pangkabuhayan ng ating bansa.

Pinagkukunan:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Bongbong_Marcos

I: Mga pangunahing datos


Pangalan:___________________________________
Taon ng kapanganakan:_____________________
Lugar ng kapanganakan;_____________________
Mga Magulang:_______________________________
II: Mga posisyong sa gobyerno
1.____________________
2. ____________________
3. ____________________
4. ____________________
III: Kasalukuyang Posisyon: _______________________
IV: Simula ng panunungkulan Bilang
Pangulo:________________________
V: Pang-ilang pangulo ng Bansang
Pilipinas:___________________________

J. Karagdagang gawain para sa Sa ½ na bahagi ng papel, sumulat ng isang talata binubuo ng


takdang-aralin at remediation 5-6 pangungusap na naglalarawan ng iyong matalik na
kaibigan. Sundin ang gabay sa Rubrik sa ibaba.
ubrik sa Pagsulat ng Talata
Rubrik sa Pagsulat ng Talata
ANYO 1 2 3 4 5
.Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi o
ipinasusulat
Balarila
• Wastong gamit ng wika/salita
• Baybay, bantas at estruktura ng mga pangungusap
HIKAYAT
• Paraan ng pagtalakay sa paksa
• Lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga ideya
• Pagkakaugnay ng mga ideya
9
NILALAMAN
• Lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa
5-Pinakamahusay 4 - Mahusay 3-Katanggap-tanggap
2-Mapaghuhusay pa 1. Nangangailangan pa ng
karagdagang pagsasanay
Halaw sa SLM Filipino 5, Modyul 3 p. 19. Pagsunod-sunurin
ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-
sunod nito at lagyan ng bilang 1-5.

_____ Napakaraming bulaklak at halamang malalago.


_____ Nang magsimulang dumami ang mga sasakyang
nagbubuga ng mga usok,
unti-unting namayat ang mga halaman.
_____ Hindi na maganda ang hardin ni Mang Henry.
_____ Noong araw ay napakaganda ng hardin ni Mang
Henry.
_____ Ngayon ay wala nang bulaklak ang mga
halaman.

Development Team

Writer: /s: Cherry Jane M. Geronimo


ROSEBELLA N. PENIONES
Content Editor: Sheila Joy P. Alcalen
LR Evaluator: Mylene S. Arzadon
Virgilina L. Cabaylo
LR Illustrator:

Executive Management

NORMA E. PASCUA AILEEN A. JAMERO JULIET F. LASTIMOSA


EPS-FILIPINO EPS-LRMS CID-CHIEF

CARLOS G. SUSARNO, PhD., CESE ISAGANI S. DELA CRUZ, CESO V


ASDS SDS

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION XII
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
Tiongson St., Lagao, General Santos City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN- IKAAPAT NA LINGGO
(Ikalawang Araw)

10
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri
ng teksto at napalawak ang talasalitaan

B. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng sariling diksyonaryo ng mga bagong salita


mula sa mga binasa; naisasadula ang mga maaaring
mangyari sa nabasang teksto

Nakagagawa ng character profile batay sa kuwento o


tekstong binasa
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa
tulong ng pamatnubay na tanong (F6RC-IIe-5.2)

Pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento sa tulong


II.NILALAMAN ng pamatnubay na tanong
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
6. Mga Pahina sa Gabay ng  Most Essential learning Competency -Filipino 6 p.
Guro 221
 Simplified Self-learning Module Filipino 6 Q1
Linggo 4- Pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas at
pamatnubay na tanong p.2
 Self-Learning Module Filipino 6 Q1 Modyul 6-
Pagsunod-sunod ng Pangyayari at Paghihinuha p.8

7. Mga Pahina sa Kagamitang


Pang Mag-aaral
8. Mga Pahina sa Teksbuk
9. Karagdagang Kagamitan
Mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Iba Pang Kagamitang Panturo Laptop, Power-Point Presentation, LED TV, timer,
IV.PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin PUNAN MO AKO!
at/o pagsisimula ng bagong Maglalaro ang mga bata ng “Taas, Baba, Pukpok” at ang
aralin batang matatalo sa laro ang magbibigay ng hinihinging
detalye ayon sa talambuhay ni dating Pangulong
Diosdado P. Macapagal gamit ang nakalarawang
balangkas.

Pamagat:________________________________________
I. Ang Kapanganakan at Magulang ni Macapagal
A. petsa at lugar
B. tungkol sa ama
C. tungkol sa ina
II. Ang Kaniyang Nagawa Bilang Kawani ng Pamahalaan
A. __________________________________________
B. __________________________________________
C. _________________________________________
III. Isinulat na aklat
A. __________________________________________
B. ________________________________________
C. __________________________________________
IV. Mga Karangalang Natamo
A. __________________________________________
B. ___________________________________________

11
C.___________________________________________
B. Paghahabi sa layunin ng aralin DUGTUNGAN!

Gamit ang pabulang si Langgam at Tipaklong, may


maglalaro ang mga bata ng dugtungan na kung saan
pagsunod-sunurin nila ang mahahalagang pangyayari sa
kuwento mula simula hanggang wakas.

Pagkatapos gawin ang pagsasanay, sabay-sabay na


ipabasa sa mga mag-aaral ang layunin sa araw na ito.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa BASAHIN MUNA!
sa layunin ng aralin Basahin ang maikling talambuhay tungkol kay Pangulong
Duterte pagkatapos ay sagutin ang kasunod nitong mga
pamatnubay na katanungan.

Si Rodrigo “Rody” Roa Duterte, kilala rin sa kanyang


bansag na Digong, ay isang Pilipinong abogado at politico
na kasalakuyang naninilbihan bilang ika-16 na Pangulo
ng Pilipinas siya ang unang nagging pangulo na mula sa
Mindanao.
Si Duterte ay isinilang noong Marso 28, 1954, sa
Maasin (na ngayon ay kabesera ng Timog Leyte ngunit
dati ay bahagi ng insular na lalawigan ng Leyte sa
Komonwelt ng Pilipinas). Ang ama niya na si Vicente G.
Duterte ay isang abogadong Cebuano at ang kaniyang ina
na si Soledad Roa, isang katutubo ng Cabadbaran,
Agusan, ay isang guro at civic leader na Maranaw. Ang
ama ni Duterte na si Vicente, bago maging gobernador ng
lalawigan ng Davao (na dating hindi magkahiwalay), ay
naging acting mayor ng Danao, Cebu.
Hango sa:https://tl.wikipedia.org/wiki/Rodrigo_Duterte
D. Pagtalakay ng bagong konsepto SAGUTIN MO!
at paglalahad ng bagong Batay sa nabasang maikling kuwento ng buhay ni dating
kasanayan #1 Pangulong Rodrigo Duterte, pagsunod-sunurin ang mga
mahahalagang detalye ng kuwento gamit mga
pamatnubay na katanungan.

1. Kaninong buhay ang isinasaad ng binasang teksto?


a. Pangulong Rodrigo Roa Duterte b. Vicente G. Duterte
b. Soledad Roa c. Soledad Duterte
2. Kailan ipinanganak si Rodrigo Roa Duterte?
a. Marso 29, 1954
b. Marso 28, 1954
c. Marso 29, 1955
d. Marso 28, 1955
3. Saan ipinanganak ang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas?
a. Maasim
b. Maitum
c. Malungon
d. Maasin
4. Sinu-sino ang mga magulang ni Pangulong Duterte?
a. Vicente G. Duterte at Soledad Roa
b. Vincent G. Roa at Soledad Duterte
c. Rodrigo Duterte at Sara Duterte
d. Rodrigo Roa at Sara Roa
5. Bago pumasok sa pagiging politiko si Pangulong Duterte siya
ay nakapagtapos bilang?
a. pangulo
b. alkalde

12
c. abogado
d. guro

E. Pagtalakay ng bagong konsepto Higit na mauunawaan ang binasa kung maayos ang mga
at paglalahad ng bagong pangyayari ayon sa sunod-sunod na pagkakaganap ng mga ito.
kasanayan #2
Isa pang paraan ng pagsasaayos ng pangyayari ay ang
paggamit ng pamatnubay na tanong. Ito ay mga tanong
na maaaring nasa unahan o kalagitnaan ng
kuwento. Ang halimbawa ng mga pamatnubay na tanong
ay ang sumusunod:
Ano ( bagay ) Kailan ( petsa, panahon )
Sino ( tauhan ) Bakit ( dahilan )
Saan ( lugar ) Paano ( paraan )

Pamatnubay na katanungan. Ito ang tutulong sayo


upang mas maunawaan ang iyong binabasa at
maisalaysay itong muli na tama ang pagkakasunod-
sunod.
F. Paglinang sa kabihasaan AYUSIN NINYO?
(Tungo sa formative Papangkatin ang klase sa limang pangkat at pagtulungan
assessment) nilang pagsunod-sunurin ang pangyayari sa kuwento ng
buhay ni dating Pangulong Diosdado P. Macapagal gamit
ang pamatnubay na mga tanong. Isusulat nila ang
kanilang sagot sa isang malinis na papel sa loob lamang
ng limang minuto.

Panuto: Basahin ang mga pamatnubay na tanong upang


mapagsunod-sunod ang mahahalagang detalye nito at
magawan ng buod ang kuwento tungkol “Diosdado P.
Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan”. Gawin ito
upang makabuo ng talata.

1. Saan ipinanganak si Diosdado P. Macapagal?


2. Sino-sino ang kangyang mga magulang?
3. Ano-ano ang kanyang nagawa bilang kawani ng
pamahalaan?
4. Ano-ano naman ang naisulat niyang libro?
5. Ano-naman ang natamo niyang karangalan. Ilarawan
ito.

G. Paglalapat ng aralin sa pang- TANONG KO, SAGUTIN MO!


araw-araw na buhay Magtatanong ang mga mag-aaral ng mga pangyayari sa
buhay ng kanilang mga kaklase sa araw-araw at
sasagutin naman ito ng mag-aaral na siyang napiling
tanungin nito.
H. Paglalahat ng Aralin Itanong:
Ano-ano ang dapat isalang-alang sa wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?

I. Pagtataya ng Aralin Pagsunod-sunurin ang mahahalagang detalye sa maikling


kuwento ng buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
gamit ang mga pamatnubay na mga katanungan sa
ibaba.

13
1. Tungkol saan ang binasang teksto?
2. Kailan at saan siya ipinanganak?
3. Sino ang kanyang mga magulang?
4. Saan siya naging alkalde at ilang taon ito?
5. Kailan siya naging pangulo ng Pilipinas?
J. Karagdagang gawain para sa Gumawa ng sariling talambuhay gamit ang patnubay na tanong
takdang-aralin at remediation sa ibaba. Isulat ito sa malinis na sagutang papel. Gawin itong
patalata na may 8 hanggang 10 pangungusap.

Mga patnubay na tanong:


• Ano ang iyong buong pangalan?
• Saan at kailang ka pinanganak?
• Sino ang iyong magulang? Ano ang kanilang mga trabaho?
• Sino ang iyong mga kapatid?
• Saan ka nag-aaral?
• Ano ang iyong pangarap sa buhay?

Development Team

Writer/s: ROSEBELLA N. PENIONES


Content Editor: Sheila Joy P. Alcalen
LR Evaluator: Mylene S. Arzadon
Virgilina L. Cabaylo
LR Illustrator:

Executive Management

NORMA E. PASCUA AILEEN A. JAMERO JULIET F. LASTIMOSA


EPS-FILIPINO EPS-LRMS CID-CHIEF

CARLOS G. SUSARNO, PhD., CESE ISAGANI S. DELA CRUZ, CESO V


ASDS SDS

14

You might also like