You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
Tiongson St., Lagao, General Santos City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN- IKAAPAT NA LINGGO
(Unang Araw)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri
ng teksto at napalawak ang talasalitaan

B. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng sariling diksyonaryo ng mga bagong salita


mula sa mga binasa; naisasadula ang mga maaaring
mangyari sa nabasang teksto

Nakagagawa ng character profile batay sa kuwento o


tekstong binasa
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa
tulong ng nakalarawang balangkas (F6PB-Ib-5.4)

Pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento sa tulong


II.NILALAMAN ng nakalarawang balangkas
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng  Most Essential learning Competency -Filipino 6 p.
Guro 221
 Simplified Self-learning Module Filipino 6 Q1
Linggo 4- Pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas at
pamatnubay na tanong pp. 4-5
 Self-Learning Module Filipino 6 Q1 Modyul 6-
Pagsunod-sunod ng Pangyayari at Paghihinuha
pp.3, 7-9

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Pang Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
Mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Iba Pang Kagamitang Panturo Laptop, Power-Point Presentation, LED TV, timer, kopya ng
sipi ng talambuhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at
dating Pangulong Diosdado P. Macapagal
IV.PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin KAHULUGAN KO, SABIHIN MO!
at/o pagsisimula ng bagong Ibibigay ng mga mag-aaral ang kahulugan ng bawat

1
aralin sawikaing natalakay noong nakaraang linggo. Pipiliin ang
mag-aaral na sasagot sa bawat bilang gamit ang Wheel
of Names.
1. Mula nang mamatay ang kanyang ama, pikit-
matang nailipat kay Dagambu ang pamumuno sa mga
dagang bukid.
a) Walang kabuluhan
b) Sapilitan
c) Kagustuhan
2. Libot nila ang di-maliparang uwak na mga bukirin
at gubat.
a) Maraming tanim
b) Walang makikitang uwak
c) Malawak
3. Kapit sa patalim ka ngayon.
a) Kahit anong mangyari
b) Hahawak ng patalim
c) Natatakot
4. Parang hagupit ng tadhana ang nangyayari.
a) Parusa ng langit
b) Hampas na malakas
c) Hanging malawak
5. Laman sila ng mga imbakan at bodega.
a) Nakatira sa imbakan
b) Ipinanganak sa imbakan
c) Madalas na nasa imbakan
B. Paghahabi sa layunin ng aralin AYUSIN NINYO!

Pagsunod-sunurin ng mga mag-aaral ang kanilang sarili


batay sa kategoryang ibibigay ng guro.
Hal. Ayon sa kanilang edad, kanilang apelyido at iba pa

Pagkatapos gawin ang pagsasanay, sabay-sabay na


ipabasa sa mga mag-aaral ang layunin sa araw na ito.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa BASAHIN MUNA!
sa layunin ng aralin
Basahin ang kuwento at isulat ang mahahalagang detalye
o impormasyon sa iyong papel.

Pista ng Bayan
Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na
nagugustuhan ng mga Pilipino. Bago pa dumating ang
kapistahan ay abala na ang mga tao sa paglilinis ng kani-
kanilang mga tahanan, naglalagay ng dekorasyon sa mga
lansangan at naghahanda ng mga pagkain. Sa madaling araw
naririnig ang ingay ng kambing, itik, manok, bibe, baka at iba
pang hayop na inihahanda.
Sa araw ng kapistahan, makikita ang mga matatanda at
bata na masayang nagsisimba, nanonood ng parada at
sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyang umiikot. Masaya rin
silang lumilibot sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan
upang pagsaluhan ang inihandang pagkain. Sa gabi,
sumasama sila sa prusisyon at nanonood ng mga palabas.
Pagkatapos ng pista, masaya silang naglilinis ng
tahanan, nagliligpit ng pinagkainan at nagkukuwenta ng
pinagkagastusan subali’t makikita mo sa kanilang mga
mukha ang labis na kaligayahan.
Halaw sa Sslm Filipino 6 Q1 week 4 p. 4
2
D. Pagtalakay ng bagong konsepto Batay sa nabasang kuwento na pinamagatang Pista ng
at paglalahad ng bagong Bayan, pagsunod-sunurin ang mga mahahalagang
kasanayan #1 detalye ng kuwento gamit ang nakalarawang balangkas
na nasa ibaba.

Ano ang Ano-ano


Ano ang
sumunod ang
unang Ano ang
na katapusan
pangyayar suliranin?
pangyayar ng
i?
i? kuwento?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto Higit na mauunawaan ang binasa kung maayos ang mga
at paglalahad ng bagong pangyayari ayon sa sunod-sunod na pagkakaganap ng mga ito.
kasanayan #2
Narito ang mga halimbawa ng nakalarawang balangkas
na maaaring gamitin upang maibigay ang tamang
pagkasunod-sunod ng pangyayari:

Ano ang Ano-ano


Ano ang
sumunod ang
unang Ano ang
na katapusan
pangyayar suliranin?
pangyayar ng
i?
i? kuwento?

Ang balangkas ay binubuo ng mga pangunahing diwa


ng talata, kwento o anumang seleksiyong binasa at ang
mahahalagang detalyeng sumusuporta o lumilinang dito.

Ang balangkas ay maaaring isulat sa buong


pangungusap na balangkas (sentence outline).
Maaari ring isulat ang balangkas sa anyong pa-
paksa sa halip na mga pangungusap ang gamitin. Ito ay
tinatawag ng papaksang balangkas (topic outline).

1. Pamagat :_____________________________________________
2. Mga Tauhan:
a.____________________________________________
b.____________________________________________
2. Tagpuan/Lugar –
_____________________________________________
3. Mahahalagang Pangyayari
a._______________________________________________________
b._______________________________________________________
c._______________________________________________________
d._______________________________________________________
e._______________________________________________________
4.Aral sa kuwento:_________________________________

F. Paglinang sa kabihasaan KILALA NINYO BA AKO?


(Tungo sa formative Papangkatin ang klase sa limang pangkat at pagtulungan
assessment) nilang pagsunod-sunurin ang pangyayari sa kuwento ng
buhay ni dating Pangulong Diosdado P. Macapagal gamit
ang nakalarawang balangkas. Isusulat nila ang kanilang
sagot sa isang manila paper sa loob lamang ng limang
minuto.
Panuto:Basahin ang kuwento at pagsunod-sunurin ang
mga hinihinging detalye gamit ang nakalarawang
3
balangkas.

Diosdado P. Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan

Narinig na ba ninyo
ang pangalan ko? Marahil
nais ninyong malaman ang
aking makulay na
talambuhay. Maging
inspirasyon sana sa mga
kabataan ang aking
karanasan.
Diosdado Pangan
Macapagal ang tunay kong
pangalan. Isinilang ako noong
ika-28 ng Setyembre 1910 sa nayon ng San Nicolas, Lubao,
Pampanga. Galing ako sa maralitang angkan. Sina Urbano
Macapagal at Romana Pangan ang aking mga magulang. Ang
aking ama ay isang manunulat ng mga dulang pantanghalan sa
wikang Kapampangan na walang palagiang kita. Ang aking ina
ay galing din sa mahirap na pamilya. Hindi siya marunong
bumasa’t sumulat. Kumikita siya paminsan-minsan sa
paglalabada.
Nagtaguyod ako ng mga proyekto tulad ng North Diversion
Road at South Expressway, pabahay para sa mga sundalo at
kawani ng pamahalaan at ang pagtatatag ng Philippine
Veterans Bank.
Sumulat din ako ng mga aklat. Ilan sa mga ito ang:
Democracy in the Philippines noong 1976; Memoirs of a
President, A New Constitution for the Philippines at Land
Reform in the Philippines.
Sa aking ginawang mga batas at proyekto, binigyang pansin
ko ang kapakanan ng karaniwang tao, kaya’t binansagan akong
“Kampeon ng Masa.” Nahirang din akong isa sa “Sampung
Natatanging Mambabatas” mula 1949- 1957. Tinagurian akong
“The Best Lawmaker” mula 1954-1957.
Napatunayan ko sa aking buhay, na hindi hadlang ang
kahirapan sa pagkakamit ng tagumpay. Kailangan natin ang
maalab na hangaring umunla
Ang naranasan kong pagsala sa pagkain,
pangingisda sa gabi at araw na walang pasok at iba pang
kahirapan ang nagtulak sa akin upang marating ang
tagumpay. Hindi ko akalain na ang isang mahirap na
batang tulad ko ay maging Pangulo ng Bansang Pilipinas.

Halaw sa SLM Filipino 6 Modyul 6 pp. 7-8


Pamagat:________________________________________
I. Ang Kapanganakan at Magulang ni Macapagal
A. petsa at lugar
B. tungkol sa ama
C. tungkol sa ina
II. Ang Kaniyang Nagawa Bilang Kawani ng Pamahalaan
A. __________________________________________
B. __________________________________________
C. _________________________________________
III. Isinulat na aklat
A. __________________________________________
B. ________________________________________
C. __________________________________________
IV. Mga Karangalang Natamo
A. __________________________________________

4
B. ___________________________________________
C.___________________________________________

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Paggising mo sa umaga alin sa sumusunod ang una mong
araw-araw na buhay ginagawa mo?Gamitin ang bilang 1-5 para maisaayos ang
pagkakasunod nito ayon sa iyong ginagawa.
______ Pagliligpit ng higaan
______ Pagsisipilyo
______ Pagkain ng Almusal o agahan
______ Maligo
_______ Pagbibihis
H. Paglalahat ng Aralin Itanong:
1. Ano -ano ang natutuhan mo sa araw na ito?
2. Bakit mahalagang matutuhan ang wastong
pagkasusunod-sunod ng mga pangyayari?
I. Pagtataya ng Aralin Basahin ang maikling kuwento tungkol sa buhay ni
Pangulong Bongbong Marcos at pagsunod-sunurin ang
mga pangyayari sa buhay niya gamit ang nakalarawang
balangkas.

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos, Jr. ay na


ipinanganak noong Setyembre 13, 1957 sa Lungsod ng Maynila.
Siya ay isang Pilipinong pulitiko na kasalukuyang naninilbihan
bílang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas. Siya ay dating
nanungkulan bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya
ang ikalawa at ang tanging lalaking anak ng Pangulong
Ferdinand Marcos Sr. at dating Unang Ginang na si Imelda
Romualdez Marcos.
Sa edad na 23-taong-gulang, si pangulong Bongbong Marcos
ay nanalo bilang bise gobernador ng Ilocos Norte nang walang
kalaban. Kinalaunan, naging Gobernador siya ng Ilocos Norte
noong 1983 at nanatili sa opisina hanggang mapatalsik ng
Himagsikan ng Lakas ng Bayan ang kanilang pamilya mula sa
kapangyarihan at lumipad papuntang Hawaii sa
pagkakapatapon noong Pebrero 1986.
Pagkamatay ng kaniyang ama noong 1989, hinayaan ni
Pangulong Corazon Aquino na umuwi ng Pilipinas ang nalalabi
sa pamilya Marcos upang humarap sa ilang demanda.
Pagsapit ng taong 1992, nahalal at naupo siya bilang
Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Ilocos Norte hanggang
1995, at muling siyang nahalal noong 2007 hanggang 2010. Sa
pagitan ng pagtatapos ng kaniyang termino noong 1995 at
pagsisimula ng isa pang termino noong 2007, nanungkulan
siyang muli bilang Gobernador ng Ilocos Norte na kaniyang
tinakbuhan at napaghahalan. Taong 2010 rin siya nahalal
bilang Senador ng Pilipinas sa ilalim ng Partidong Nacionalista
at naupo hanggang 2016.
Noong 2015, tumakbo si Marcos para sa pagka-
Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong Halalan 2016 at siya
ay nabigo. Kinalaunan nang taong iyon, ipinagpatuloy niya ang
kanilang harangin na makapaglingkod sa bayan at nanalo
bilang Pangulo noong halalan 2022.
Sa kasalukuyan, si Pangulong Bongbong Marcos Jr. ay
nagtataguyod ng mga programa para sa pag-unlad ng
kanayunan at nagpapakita ng suporta sa mga proyektong
pangkalusugan at pangkabuhayan ng ating bansa.

Pinagkukunan:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Bongbong_Marcos

I: Mga pangunahing datos

5
Pangalan:___________________________________
Taon ng kapanganakan:_____________________
Lugar ng kapanganakan;_____________________
Mga Magulang:_______________________________
II: Mga posisyong sa gobyerno
1.____________________
2. ____________________
3. ____________________
4. ____________________
III: Kasalukuyang Posisyon: _______________________
IV: Simula ng panunungkulan Bilang
Pangulo:________________________
V: Pang-ilang pangulo ng Bansang
Pilipinas:___________________________

J. Karagdagang gawain para sa Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon sa wastong


takdang-aralin at remediation pagkakasunod-sunod nito at lagyan ng bilang 1-5.

_____ Napakaraming bulaklak at halamang malalago.


_____ Nang magsimulang dumami ang mga sasakyang
nagbubuga ng mga usok,
unti-unting namayat ang mga halaman.
_____ Hindi na maganda ang hardin ni Mang Henry.
_____ Noong araw ay napakaganda ng hardin ni Mang Henry.
_____ Ngayon ay wala nang bulaklak ang mga halaman.

Development Team

Writer/s: Cherry Jane M. Geronimo


Content Editor: Sheila Joy P. Alcalen
LR Evaluator: Mylene S. Arzadon
Virgilina L. Cabaylo
LR Illustrator:

Executive Management

NORMA E. PASCUA AILEEN A. JAMERO JULIET F. LASTIMOSA


EPS-FILIPINO EPS-LRMS CID-CHIEF

CARLOS G. SUSARNO, PhD., CESE ISAGANI S. DELA CRUZ, CESO V


ASDS SDS

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION XII
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY

6
Tiongson St., Lagao, General Santos City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


UNANG MARKAHAN- IKAAPAT NA LINGGO
(Ikalawang Araw)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri
ng teksto at napalawak ang talasalitaan

B. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng sariling diksyonaryo ng mga bagong salita


mula sa mga binasa; naisasadula ang mga maaaring
mangyari sa nabasang teksto

Nakagagawa ng character profile batay sa kuwento o


tekstong binasa
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa
tulong ng pamatnubay na tanong (F6RC-IIe-5.2)

Pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento sa tulong


II.NILALAMAN ng pamatnubay na tanong
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
5. Mga Pahina sa Gabay ng  Most Essential learning Competency -Filipino 6 p.
Guro 221
 Simplified Self-learning Module Filipino 6 Q1
Linggo 4- Pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas at
pamatnubay na tanong p.2
 Self-Learning Module Filipino 6 Q1 Modyul 6-
Pagsunod-sunod ng Pangyayari at Paghihinuha p.8

6. Mga Pahina sa Kagamitang


Pang Mag-aaral
7. Mga Pahina sa Teksbuk
8. Karagdagang Kagamitan
Mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Iba Pang Kagamitang Panturo Laptop, Power-Point Presentation, LED TV, timer,
IV.PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin PUNAN MO AKO!
at/o pagsisimula ng bagong Maglalaro ang mga bata ng “Taas, Baba, Pukpok” at ang
aralin batang matatalo sa laro ang magbibigay ng hinihinging
detalye ayon sa talambuhay ni dating Pangulong
Diosdado P. Macapagal gamit ang nakalarawang
balangkas.

Pamagat:________________________________________
I. Ang Kapanganakan at Magulang ni Macapagal
A. petsa at lugar
B. tungkol sa ama
C. tungkol sa ina
II. Ang Kaniyang Nagawa Bilang Kawani ng Pamahalaan
A. __________________________________________
B. __________________________________________

7
C. _________________________________________
III. Isinulat na aklat
A. __________________________________________
B. ________________________________________
C. __________________________________________
IV. Mga Karangalang Natamo
A. __________________________________________
B. ___________________________________________
C.___________________________________________
B. Paghahabi sa layunin ng aralin DUGTUNGAN!

Gamit ang pabulang si Langgam at Tipaklong, may


maglalaro ang mga bata ng dugtungan na kung saan
pagsunod-sunurin nila ang mahahalagang pangyayari sa
kuwento mula simula hanggang wakas.

Pagkatapos gawin ang pagsasanay, sabay-sabay na


ipabasa sa mga mag-aaral ang layunin sa araw na ito.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa BASAHIN MUNA!
sa layunin ng aralin Basahin ang maikling talambuhay tungkol kay Pangulong
Duterte pagkatapos ay sagutin ang kasunod nitong mga
pamatnubay na katanungan.

Si Rodrigo “Rody” Roa Duterte, kilala rin sa kanyang


bansag na Digong, ay isang Pilipinong abogado at politico
na kasalakuyang naninilbihan bilang ika-16 na Pangulo
ng Pilipinas siya ang unang nagging pangulo na mula sa
Mindanao.
Si Duterte ay isinilang noong Marso 28, 1954, sa
Maasin (na ngayon ay kabesera ng Timog Leyte ngunit
dati ay bahagi ng insular na lalawigan ng Leyte sa
Komonwelt ng Pilipinas). Ang ama niya na si Vicente G.
Duterte ay isang abogadong Cebuano at ang kaniyang ina
na si Soledad Roa, isang katutubo ng Cabadbaran,
Agusan, ay isang guro at civic leader na Maranaw. Ang
ama ni Duterte na si Vicente, bago maging gobernador ng
lalawigan ng Davao (na dating hindi magkahiwalay), ay
naging acting mayor ng Danao, Cebu.
Hango sa:https://tl.wikipedia.org/wiki/Rodrigo_Duterte
D. Pagtalakay ng bagong konsepto SAGUTIN MO!
at paglalahad ng bagong Batay sa nabasang maikling kuwento ng buhay ni dating
kasanayan #1 Pangulong Rodrigo Duterte, pagsunod-sunurin ang mga
mahahalagang detalye ng kuwento gamit mga
pamatnubay na katanungan.

1. Kaninong buhay ang isinasaad ng binasang teksto?


a. Pangulong Rodrigo Roa Duterte b. Vicente G. Duterte
b. Soledad Roa c. Soledad Duterte
2. Kailan ipinanganak si Rodrigo Roa Duterte?
a. Marso 29, 1954
b. Marso 28, 1954
c. Marso 29, 1955
d. Marso 28, 1955
3. Saan ipinanganak ang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas?
a. Maasim
b. Maitum
c. Malungon
d. Maasin
4. Sinu-sino ang mga magulang ni Pangulong Duterte?

8
a. Vicente G. Duterte at Soledad Roa
b. Vincent G. Roa at Soledad Duterte
c. Rodrigo Duterte at Sara Duterte
d. Rodrigo Roa at Sara Roa
5. Bago pumasok sa pagiging politiko si Pangulong Duterte siya
ay nakapagtapos bilang?
a. pangulo
b. alkalde
c. abogado
d. guro

E. Pagtalakay ng bagong konsepto Higit na mauunawaan ang binasa kung maayos ang mga
at paglalahad ng bagong pangyayari ayon sa sunod-sunod na pagkakaganap ng mga ito.
kasanayan #2
Isa pang paraan ng pagsasaayos ng pangyayari ay ang
paggamit ng pamatnubay na tanong. Ito ay mga tanong
na maaaring nasa unahan o kalagitnaan ng
kuwento. Ang halimbawa ng mga pamatnubay na tanong
ay ang sumusunod:
Ano ( bagay ) Kailan ( petsa, panahon )
Sino ( tauhan ) Bakit ( dahilan )
Saan ( lugar ) Paano ( paraan )

Pamatnubay na katanungan. Ito ang tutulong sayo


upang mas maunawaan ang iyong binabasa at
maisalaysay itong muli na tama ang pagkakasunod-
sunod.
F. Paglinang sa kabihasaan AYUSIN NINYO?
(Tungo sa formative Papangkatin ang klase sa limang pangkat at pagtulungan
assessment) nilang pagsunod-sunurin ang pangyayari sa kuwento ng
buhay ni dating Pangulong Diosdado P. Macapagal gamit
ang pamatnubay na mga tanong. Isusulat nila ang
kanilang sagot sa isang malinis na papel sa loob lamang
ng limang minuto.

Panuto: Basahin ang mga pamatnubay na tanong upang


mapagsunod-sunod ang mahahalagang detalye nito at
magawan ng buod ang kuwento tungkol “Diosdado P.
Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan”. Gawin ito
upang makabuo ng talata.

1. Saan ipinanganak si Diosdado P. Macapagal?


2. Sino-sino ang kangyang mga magulang?
3. Ano-ano ang kanyang nagawa bilang kawani ng
pamahalaan?
4. Ano-ano naman ang naisulat niyang libro?
5. Ano-naman ang natamo niyang karangalan. Ilarawan
ito.

G. Paglalapat ng aralin sa pang- TANONG KO, SAGUTIN MO!


araw-araw na buhay Magtatanong ang mga mag-aaral ng mga pangyayari sa
buhay ng kanilang mga kaklase sa araw-araw at
sasagutin naman ito ng mag-aaral na siyang napiling
tanungin nito.

9
H. Paglalahat ng Aralin Itanong:
Ano-ano ang dapat isalang-alang sa wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?

I. Pagtataya ng Aralin Pagsunod-sunurin ang mahahalagang detalye sa maikling


kuwento ng buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
gamit ang mga pamatnubay na mga katanungan sa
ibaba.

1. Tungkol saan ang binasang teksto?


2. Kailan at saan siya ipinanganak?
3. Sino ang kanyang mga magulang?
4. Saan siya naging alkalde at ilang taon ito?
5. Kailan siya naging pangulo ng Pilipinas?
J. Karagdagang gawain para sa Gumawa ng sariling talambuhay gamit ang patnubay na tanong
takdang-aralin at remediation sa ibaba. Isulat ito sa malinis na sagutang papel. Gawin itong
patalata na may 8 hanggang 10 pangungusap.

Mga patnubay na tanong:


• Ano ang iyong buong pangalan?
• Saan at kailang ka pinanganak?
• Sino ang iyong magulang? Ano ang kanilang mga trabaho?
• Sino ang iyong mga kapatid?
• Saan ka nag-aaral?
• Ano ang iyong pangarap sa buhay?

Development Team

Writer/s: Cherry Jane M. Geronimo


Content Editor: Sheila Joy P. Alcalen
LR Evaluator: Mylene S. Arzadon
Virgilina L. Cabaylo
LR Illustrator:

Executive Management

NORMA E. PASCUA AILEEN A. JAMERO JULIET F. LASTIMOSA


EPS-FILIPINO EPS-LRMS CID-CHIEF

CARLOS G. SUSARNO, PhD., CESE ISAGANI S. DELA CRUZ, CESO V


ASDS SDS

10

You might also like