You are on page 1of 8

SCHOOL Caniogan Elem.

School Grade Level FOUR


DETAILED LESSON TEACHER April A. Ursal Quarter SECOND
PLAN SUBJECT FILIPINO DATE 01/4-6/2023
WEEK 7 DAY Miyerkules
Huwebes
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa pagbasa, pagsulat at pakikipagtalastasan nang wasto
upang maipahayag ang kaalaman, ideya at damdaming angkop sa kaniyang edad at sa
kulturang kinabilangan at nakikilahok sa pagpapaunlad ng pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap Natatalakay ang paksa o isyung napakinggan
Nakabibigkas ng tula at iba’t ibang pahayag nang may damdamin, wastong tono at
intonasyon
Naisasalaysay muli ang nabasang kuwento o teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod
at nakagagawa ng poster tungkol sa binasang teksto
Nagagamit ang diksiyonaryo at nakagagawa ng balangkas sa pagkalap at pag-unawa ng mga
impormasyon
Nakasusulat ng talatang pasalaysay
Nakapagsasalaysay tungkol sa pinanood
Nakasasali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula at
kuwento
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakasusulat ng sariling talambuhay at. nakasusulat ng liham na humihingi ng
Isulat ang code ng bawat kasanayan pahintulot. (F4PU-lle-g-2.2:F4PU-llh-i-2.3)
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Modyul 14
B. Iba pang Kagamitang Panturo SLM
IV.Pamamaraan
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula PANUTO: Hanapin sa hanay B ang maaaring maging wakas ng mga sitwasyon sa hanay A.
ng bagong Isulat ang letra ng tamang sagot
sa patlang.
Hanay A Hanay B
1.Umuulan. Pauwi na si Dan galing sa A. Sumakit ang ngipin niya.
paaralan at wala siyang dalang payong. B. Nakaramdam siya ng ginaw at
2.Maraming binigay na kendi ang ninong siya ay nilagnat.
ni Lea sa kanya at ito ay kinain niya C. Pinantakip niya ang kanyang
lahat.___ bag sa ulo sabay sugod sa ulan.
3.Naglaro si Tess sa ulan maghapon._ D. Sumakit ang kaniyang tiyan
Kinagabihan, siya ay nagsimula nang kinagabihan.
bumahing._________ E. Inuwi ang kuting at inalagaan sa
4.Nakakita si Joy ng isang kuting sa daan bahay.
kanya itong pinakain at pinainom ng tubig.
Nalaman din niya na walang nagmamay-
ari ito.
5.Pumunta si Terry sa isang handaan.
Dahil masasarap ang pagkain, Ginanahan
siyang kumain kahit siya ay busog
na.________
B. Paghahabi ng layunin ng aralin PANUTO: Lagyan ng tsek( /) ang mga kailangang isulat sa pagsulat ng sariling talambuhay at
ekis (x) kung hindi ito kailangan.
1. _____ petsa at pook ng kapanganakan
2. _____ pamilya, magulang at mga kapatid
3. _____ pangalan ng kapitbahay
4. _____ paaralang pinasukan, kursong pinag-aralan
5. _____ mahahalagang karanasan
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Ikaw ba ay nakaranas nang gumawa ng iyong sariling talambuhay at sumulat nang isang
aralin. liham sa paghingi ng pahintulot sa paggamit ng silid- aklatan? Basahin natin ang kuwento ni
Jose at ang kanyang mga ginawa.
Activity-1)
Araw ng Lunes. Pumasok sa paaralan si Jose na masayang- masaya. Nagawa niya ang
kaniyang mga takdang- aralin sa Filipino.Sila ay sinabihan ng guro na magsaliksik sa silid-
aklatan tungkol sa pagsulat ng sariling talambuhay. Gumawa din siya ng liham ng pahintulot
sa paggamit ng silid-aklatan. Tuwang-tuwa niya itong binasa sa harap ng kanyang mga
kaklase ng oras na ng Filipino. Narito ang kaniyang gawa.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Sariling Talambuhay
ng bagong kasanayan #(Activity -2) Ako si Jose Castro. Ako ay ipinanganak noong Enero 2, 2011 sa Bagong Ilog, Pasig City.
Ang aking mga magulang ay sina Ben Castro at Lea Castro. Ako ay pangalawa sa aming
magkakapatid. Nag-aaral ako sa Bagong Ilog Elementary School at nasa ikaapat na baitang
na. Pangarap kong maging isang mahusay na guro paglaki ko. Magtuturo ako balang araw sa
mga batang nangangailangan ng aking tulong.

Mga Tanong:
1. Sino ang batang tinutukoy sa maikling kuwento?
2. Bakit siya masayang-masaya pagpasok sa paaralan?
3. Ano-ano ang kaniyang takdang-aralin?
4. Kailan niya ito binasa sa klase?
5. Ano ang pakiramdam niya habang binabasa ito sa harap ng kanyang mga kaklase?
6. Sa binasang talambuhay, kailan at saan siya ipinanganak?
7. Bukod sa petsa ng kanyang kapanganakan, ano-ano pa ang ating nalaman tungkol kay
Jose?

Ang ginawa ni Jose ay pagsulat ng sariling talambuhay. Sa pagsulat ng sariling talambuhay,


mayroong dapat tandaan.
Una, isulat ang mga sumusunod:
- Petsa at pook ng kapanganakan
- Pamilya, magulang, kapatid
- Paaralang pinapasukan,kursong pinag-aralan
- Mahahalagang karanasan
- Mahahalagang nagampanan
Ikalawa- Bumuo ng balangkas
Ikatlo- Mag-isip ng magandang simula at magandang wakas.
Ikaapat- Gumamit ng mga salitang tiyak, malinaw, at kawili-wili
At ikalima- Ilagay sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga bahagi o elemento.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Paano naman ang gagawin mo kung ikaw ay pupunta sa silid-aklatan dahil
ng bagong kasanayan #2 ikaw ay magsasaliksik? Hihingi ka ba ng pahintulot sa pagpunta rito?
Basahin natin ang liham ni Jose na ginawa sa pagsulat niya ng
liham sa paghingi ng pahintulot na magamit ang silid-aklatan.

Mga Tanong:
1. Para kanino ang liham?
2. Ano-ano ang sinabi ni Jose tungkol sa kanyang sarili?
3. Paano gagamitin ni Jose ang mga aklat?
4. Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng liham na paghingi ng
pahintulot?

Sa pagsulat ng liham na paghingi ng pahintulot ay dapat nagtataglay ng mga


sumusunod:
1. Ang suliranin o layunin ng humihiling
2. Magiging epekto ng pagtugon sa kahilinhan
3. Pagpukaw sa damdamin ng hinihilingan
4. Pasasalamat

PANUTO:Basahin ang balangkas ng talambuhay ni Leo.Isulat


itong muli. Gamitan ng tamang bantas at malaking titik.
Sariling Talambuhay

A. Pangalan:
1.leo bautista
B. Kapanganakan at Lugar
1.Mayo 4, 2011
2.caniogan, Pasig City
C. Mga Magulang
1.june Bautista
2.Karen Bautista
D. Mga Kapatid:
1. Lea
2. bea
E. Pag-aaral
1. Nag-aaral sa caniogan Elementary School
2. Nasa ika-limang baitang
F. Pangarap
1. Pangarap maging piloto balang araw
2. Upang makatulong sa mga magulang
Sagot:

Sariling Talambuhay
Ako si Leo Bautista. Ipinanganak ako noong Mayo 4, 2011 sa Caniogan, Pasig City. Ang
aking mga magulang ay sina June at Karen Bautista. Ako ay may mga kapatid, sina Lea at
Bea. Nag-aaral ako sa Caniogan Elementary School at kasalukuyang nasa ika-limang
baitang.Pangarap kong maging piloto balang araw upang makatulong sa aking mga
magulang.
B.Bago pumunta sa silid-aklatan ay gumawa muna si Shane ng liham sa paghingi ng
pahintulot sa paggamit ng silid-aklatan. Basahin ang kaniyang liham.

Oktubre 12, 2020


18 Santiago St.,
Bagong Ilog,Pasig City

Mahal kong Gng. De Leon,

Ako po si Shane Ruiz, isang mag-aaral sa ikaapat na baitang. Sumulat po ako upang
humingi ng pahintulot na magamit ang ating silid-aklatan. Magsasaliksik po ako ng aming
takdang-aralin sa EPP.Umasa po kayo na susundin ko ang mga tuntunin sa paggamit ng silid-
aklatan.
Marami pong Salamat.
Gumagalang,
Shane Ruiz
Nasunod ba ni Shane ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng
liham sa paghingi ng pahintulot na magamit ang silid-aklatan?
F. Paglinang sa Kabihasnan PAGSASANAY BILANG 1
(Tungo sa Formative Assessment) (Analysis) PANUTO: Lagyan ng tsek (/ ) ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng sariling talambuhay at
ekis (x) kung hindi.
______1. Bumuo ng balangkas.
______2. Isulat ang mga hindi magandang nangyari sa buhay.
______3. Gumamit ng mga salitang tiyak, malinaw at kawili-wili.
______4. Mag- isip ng magandang simula at magandang wakas.
______5. Isulat ang mga petsa ng kaarawan at lugar kung saan ipinanganak.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na
buhay (Application)

_____1. Umupo nang maayos sa pagbabasa at pagsulat


_____2. Huwag mag-ingay sa loob ng silid-aklatan.
_____3. Punitin ang mga pahina ng aklat na hiniram.
_____4. Kumain at magkalat sa loob ng silid-aklatan.
H. Paglalahat ng Aralin PANUTO: Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng sariling talambuhay?
(Abstraction)) Sa pagsulat ng sariling talambuhay, dapat ay:
1. Una, isulat ang mga sumusunod
- _____ at pook ng kapanganakan
- Pamilya, magulang, kapatid
- Paaralang pinapasukan,kursong pinag-aralan
- Mahahalagang karanasan
- Mahahalagang nagampanan
2. Ikalawa- Bumuo ng ________
3. Ikatlo- Mag-isip ng magandang ______ at magandang wakas.
4. Ikaapat- Gumamit ng mga salitang tiyak, ___, at kawili-wili
5. At ikalima- Ilagay sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga _____ o elemento
I. Pagtataya ng Aralin (Assessment) PANUTO:Bumuo ng isang liham gamit ang mga sumusunod na
detalye sa ibaba. Gamitan ng tamang bantas at wastong
gamit ng malaking letra.
1. Lubos na gumagalang, Ben cruz
2. Mahal kong Gng. ruiz
3. Magandang araw po. Ako po si Ben Cruz, mag-aaral ng bagong ilog elementary school at
nasa Ika-apat na Baitang. Humihingi po ako ng pahintulot sa inyo na magamit ang silid-
aklatan sa aking pagsasaliksik ng aking takdang-aralin sa Filipino. Asahan po ninyo na
iingatan ko ang mga gagamitin kong aklat.
Maraming Salamat po.
4. Enero 11, 2020
5. 9 ikong st.,
Bagong Ilog, Pasig City

PANUTO:Basahin ang balangkas ng talambuhay ni Juan Santiago.Isulat ito muli na patalata .


Gamitan ng tamang bantas at malaking titik.
Sariling Talambuhay

A. Pangalan:
Juan santiago
B. Kapanganakan at Lugar
1.enero 15, 2010
2.Caniogan, Pasig City
C. Mga Magulang
1.john Santiago
2.delia santiago
D. Mga Kapatid:
3. Eric
4. Beth
E. Pag-aaral
3. Nag-aaral sa Palatiw Elementary School
4. Nasa ika-limang baiting
F. Pangarap
3. Pangarap maging doktor balang araw
4. Upang makagamot ng mga taong maysakit
J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at PANUTO: Isulat ang iyong sariling talambuhay.Isulat ito sa isang sagutang papel at gawing
Remediation gabay ang pamantayan sa ibaba.
5- Napakahusay- Ang pansariling talambuhay ay naisulat nang may kumpletong detalye at
maayos na maayos ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
4- Mahusay- Ang pansariling talambuhay ay naisulat nang may angkop na detalye at maayos
ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
3- Katamtaman- Ang pansariling talambuhay ay naisulat nang may kawastuhan ang mga
detalye , at medyo maayos ang pagkakasunod ng mga pangyayari.
2- Di- gaanong mahusay- Ang pansariling talambuhay ay kulang sa mahahalagang detalye at
hindi gaanong maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
1-Sadyang Di Mahusay- Ang pansariling talambuhay ay halos walang naisamang
mahahalagang detalye at hindi maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa

SCHOOL Caniogan Elem. School Grade Level FOUR


DETAILED LESSON TEACHER April A. Ursal Quarter SECOND
PLAN SUBJECT FILIPINO DATE 01/06/2023
WEEK 7 DAY Biyernes
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa pagbasa, pagsulat at pakikipagtalastasan nang wasto
upang maipahayag ang kaalaman, ideya at damdaming angkop sa kaniyang edad at sa
kulturang kinabilangan at nakikilahok sa pagpapaunlad ng pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap Natatalakay ang paksa o isyung napakinggan
Nakabibigkas ng tula at iba’t ibang pahayag nang may damdamin, wastong tono at
intonasyon
Naisasalaysay muli ang nabasang kuwento o teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod
at nakagagawa ng poster tungkol sa binasang teksto
Nagagamit ang diksiyonaryo at nakagagawa ng balangkas sa pagkalap at pag-unawa ng mga
impormasyon
Nakasusulat ng talatang pasalaysay
Nakapagsasalaysay tungkol sa pinanood
Nakasasali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula at
kuwento
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang damdamin ng mga tauhan sa napanood (F4PD-II-g-22)
Isulat ang code ng bawat kasanayan
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Modyul 15
B. Iba pang Kagamitang Panturo LMS, PPTx
IV.Pamamaraan
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula Bago tayo magsimula tingnan ko nga kung may natutunan kayo sa nakaraang aralin. Handa
ng bagong ka na ba? Basahing Mabuti ang panuto.
Panuto: Iguhit ang (√) kung ang pangungusap ay nagsasabi tungkol sa tamang pagsulat ng
talambuhay at (X) kung hindi.
___1. Sa pagsulat ng talambuhay, kailangang bumuo muna ng balangkas
___2. Ilagay sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga bahagi o element.
___3. Gumamit ng mga pangungusap na mahahaba.
___4. Iwasan ang maliligoy na pananalita.
___5. Gumamit ng mga salitang tiyak, malinaw, at kawili-wili.
B. Paghahabi ng layunin ng aralin Panuto: Tingnan ng mabuti ang mga larawan. Lagyan ng tsek ang salita na naglalarawan sa
damdamin o sa nararamdaman ng bawat larawan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Panuto: Basahin at unawain ang kuwento.


aralin. Nakabasa ba kayo o nakarinig ng isang kuwentong hindi Ninyo malilimutan dahil sa ito ay
puno ng makabagbag damdaming
Activity-1) tagpo? Ngayong araw ay may babasahin tayong kuwento. Ang pamagat
nito ay
“ Ang Iyong Tanging Ina ”.
Ang Iyong Tanging Ina
Noong unang panahon ay mayroong isang anak na labis na ikinahihiya ang kanyang
bulag na ina. Labis niya itong ikinahihiya na sa tuwing pupunta ang kanyang mga kaklase
ay ikinukulong niya ang kanyang ina sa kanyang silid upang
hindi ito makita.
Lumipas ang maraming taon at lumaki ang bata. Nakatapos ito ng kursong doktor at
nakapagtrabaho sa Amerika. Iniwan niya ang kanyang bulag na ina nang luhaan.Makalipas
pa ang maraming taon at ang doktor ay nagkaroon na ng sariling pamilya. Nagpasiya siyang
bumalik ng Pilipinas dala ang kanyang dalawang anak at asawa. Subalit hindi niya binalikan o
tiningnan man lamang ang kanyang ina.
Isang araw, habang naglalaro ang kanyang dalawang anak sa sala ay may kumatok.
Binuksan nila ang pinto at napaatras sila sa takot.Isang matandang gusgusin, payat, at
bulag ang kanilang nakita.May iniabot itong sulat sa dalawang bata na nagmamadaling
tumakbo papunta sa kanilang ama na nasa silid tulugan na nagpapahinga.Binasa ng kanilang
ama ang sulat sa isang maruming papel na ganito ang nakasaad:

Mahal kong anak,

Alam mo, noong ikaw ay maliit pa, kayo ng tatay mo ay nakaranas ng sakuna. Dahil
doon namatay ang iyong ama. Ikaw ay swerteng nabuhay subalit nabulag. Dahil sa labis na
pagmamahal ko sa iyo, ay ibinigay ko ang aking sariling mga mata upang ikaw ay makakitang
muli.

Ang lubos na nagmamahal,

Iyong Tanging Ina.

Pagkatapos basahin ng dokor ang sulat ay dali-dali itong lumabas at hinanap ang
kanyang ina na matagal na niyang pinabayaan. Subalit hindi na niya ito makita. Tumingin
siya sa langit na may luha nang pagsisisi ang kanyang mga mata. Unti- unting namumuo ang
maputing ulap na hugis matanda at tila bang kumakaway papalayo sa kanya. Napasigaw siya
ng “Inay!” Biglang lumakas ang ihip ng hangin at tuluyan nang tinangay ang maputing ulap
hanggang sa ito ay tuluyan nang mawala sa kanyang paningin.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Pagtatalakay:
ng bagong kasanayan #(Activity -2)
1. Sinu-sino ang mga tauhan ng kuwento?
2. Anong uri ng anak mayroon sa kuwento?
3. Anong uri ng ina mayroon ang kuwento?
4. Paano ipinakita ng ina ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak?
5. Ano kaya ang naging damdamin ng ina nang ito ay iniwan ng kanyang anak?
6. Ano ang naging damdamin ng anak nang malaman nito na ang maydala ng sulat ay ang
kanyang ina?
7. Ano ang naramdaman ninyo nang matapos ninyong basahin ang kuwento?
8. Paano naipadama ang iba’t- ibang damdamin sa kuwento?
Naipadama ang iba’t-ibang damdamin sa pamamagitan ng mga pananalita at kilos ng
mga tauhan.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Gawin Mo
ng bagong kasanayan #2 Panuto: Tukuyin ang damdamin ng tauhan batay sa kanyang pahayag o
kilos. Isulat ang titik lamang.
A. Paghanga B. Pagkahiya C. Pagmamalasakit D. Pag-aalala E. Pagsisisi F. Pagkagalit
______1. Ayaw kumanta ni Alex sa harap kaya siya ay napayuko ng tawagin siya ng guro.
______2. “Dapat nag-aaral ako ng maaga para hindi ako nagmamadali ngayong gabi.” wika
ni Glenda.
______3. Hindi mapakali si nanay,” Ang lakas ng ulan at wala pa ang mga bata. Sana hindi
sila bahain.”
______4. Nagdala ng pagkain sila Marissa para sa mga nasalanta ng bagyo.
______5. “Bakit mo sinulatan ang dingding? Ayan hindi na maaalis yan kailangan
papinturahan!”
F. Paglinang sa Kabihasnan Subukin Mo Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang damdaming
(Tungo sa Formative Assessment) (Analysis) inilalarawan ng mga pahayag.
1. Ang tagal naman ni Jonathan! Baka mahuli tayo sa practice.
A. Pagkainis
B. Pagdaing
2. Hayaan mo, pagsasabihan ko pagdating.
A. Pag-awat
B. Pag-alo
3. Teka,teka. Bakit hindi nalang tayo maglaro habang hinihintay natin si Jonathan?
A. Pag-awat
B. Pag-alo
4. Hindi ka ba napagod sa pagbabasketbol natin? Heto nga’t masasakit pa ang mga binti ko.
A. Pagkainip
B. Pagdaing
5. May laro akong hindi nakakapagod. Iyon bang larong habang nagpapahinga ay
nakapaglalaro pa rin.
A. Pagsang-ayon
B. Panghihikayat
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na May natutunan ka bang mabuting aral sa araw na ito? Ano-anong mga
buhay (Application) magagandang aral ang natutuhan mo? Lagyan ng thumbs up kung
natutunan mo o thumbs down kung hindi.
1. Nararapat na mahalin natin ang ating magulang.
2. Bigyan pagpapahalaga ang mga ginawa ng mga taong nagmamahal sa
atin.
3. Ikinahihiya at itinatago ni Alona ang kanyang mga magulang na may
kapansanan.
4. Hindi tumitigil sa pagtulong si Kaesha sa kanyang mga magulang kahit
siya ay may sarili ng pamilya na.
5. Pasigaw at pabalang kung makipag-usap si Carlo sa nakakatanda sa
kanya.
H. Paglalahat ng Aralin Paano nasusuri ang damdamin ng isang tauhan?
(Abstraction)) Sagutin ng Tama kung ito ay nasusuri ang damdamin ng isang tauhan at Mali naman kung
hindi.
________1. Nasusuri ang damdamin ng isang tauhan sa pamamagitan ng kanyang pinag-
aralan.
________2. Nasusuri ang damdamin ng isang tauhan sa pamamagitan ng kanyang
pagpapahayag o pagsasalita.
________3. Nasusuri ang damdamin ng isang tauhan sa pamamagitan ng kanyang kilos.
________4. Nasusuri ang damdamin ng isang tauhan batay sa kanyang mga kaibigan.
________5. Nasusuri ang damdamin ng isang tauhan batay sa kanyang karanasan.
I. Pagtataya ng Aralin (Assessment) Panuto: Tukuyin ang damdamin ng mga susumusunod na tauhan ayon sa kanilang mga
pahayag. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa inyong sagutang papel.
A. Nasasaktan B. Natutuwa C. Nagagalit D. Naninisi E. Nanghihinayang
1. “Ang batang luku-luko” sabi ni Mandi.
2. “ Bakit hindi mo na ibinigay ang pera para sa kanya? Di sanay nandito na ang regalo para
kay Inay.
3. “ Maligayang bati po inay!”
4. “Aray! Natapakan mo ang paa ko
5. “ Sayang, ngayon lang tayo nagkita”.
J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at
Remediation

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa

You might also like