You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Sangay ng Lungsod Pasig
Klaster II

Paaralan: Paaralang Elementarya ng Nagpayong Baitang at Pangkat: V-24


Guro: Gina S. Plazos Asignatura: Filipino
Kwarter: 1 Araw/Oras: Oktubre 20, 2023/ 1:10-1:50 pm

I. LAYUNIN

Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring


A. Pamantayang
pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang
Pangnilalaman
teksto/ babasahing lokal at pambansa.
B. Pamantayan sa Naipakikita ng mga mag-aaral ang sigla sa pagtuklas at pagdama sa pagbigkas at
Pagganap pagsulat ng mga teksto at ipahayag nang mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama.

C. Mga Kasanayan sa Naibibigay ang paksa ng napakinggang kuwento/usapan F5PN-Ic-g-7


Pagkatuto
Isulat ang code ng bawat
kasanayan
II. NILALAMAN Pagbibigay ng paksa ng napakinggang kuwento/usapan

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa
gabay ng guro
DBOW, MELCS, SDO Pasig modyul 16
2. Mga pahina sa
kagamitang pang- Central Office Modyul 8
mag-aaral
3. Iba pang kagamitang
panturo
larawan, powerpoint presentation, manila paper, panulat

IV. PAMAMARAAN
Panuto: Banggitin ang salitang “DARNA” kapag ang kaisipan ay wasto at “DING
ANG BATO naman kung di wasto.

DARNA 1. Tandaan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento


upang maisalaysay ito.
DING ANG BATO 2. Huwag makinig sa guro habang nagbabasa siya ng
A. Panimulang
kuwento.
Gawain DING ANG BATO3. Isalaysay muli ang napakinggang kuwento gamit ang
orihinal na salita mula sa napakinggan.
1. Balik-aral DARNA 4. Kapag pasulat ang pagsasalaysay, kailangang nakasusunod sa
mga wastong mekaniks ng pagsulat.
DARNA 5.Mahalagang matutuhan ang kasanayan sa pagsasalaysay na muli ng
kuwento upang mahasa ang kakayahan sa pakikinig nang may pang-unawa at
maibahagi nang tama sa tagapakinig ang impormasyong inilahad sa napakinggang
kuwento.
Pagmasdan ang larawan.

2. Pagganyak

Kapag nakakita ka ng ganitong larawan, ano ang maiisip mo?

1. Pag-uugnay ng guro sa aralin ayon sa ipinakitang larawan.


2. Pagbibigay ng pamantayan sa
pakikinig
3. Pakikinig sa teksto

Tagtuyot dala ng El Niño

Tagtuyot ang hatid ng El Niño. Dahil dito, bumababa ang water level at
B. Panlinang na
nagkukulang sa suplay ng tubig sa mga anyong tubig, gaya ng mga ilog at batis.
Gawain
Nagkukulang din sa suplay ng tubig sa mga imbakan gaya ng La Mesa Dam na
matatagpuan sa Lungsod Quezon at Angat Dam sa Bulacan. Ang mga ito ang
1. Paglalahad
pinagkukunan ng tubig sa Kamaynilaan at sa mga karatig probinsiya nito.
Malaki ang epektong dulot ng El Niño sa buhay ng tao. Kukulangin ang
suplay ng tubig na inumin, pati na rin ang gagamiting tubig para sa iba pang
pangangailangan. Hindi lamang tao ang mahihirapan sa epekto ng tagtuyot. Kung
kulang ang tubig, magkakasakit ang mga hayop at maaari rin silang mamatay. Ang
tubig ay kailangan din ng mga halaman at kagubatan. Maraming apektadong
taniman kung kulang ang patubig. Dahil sa sobrang init, maaaring mag-apoy ang
mga puno na nagdudulot ng sunog. Isang malaking tulong sa panahon ng El Niño ay
ang pagtitipid ng tubig. Iwasang aksayahin at gamitin ang tubig sa hindi
mahahalagang bagay.
Mga Tanong:
2. Pagtalakay
1. Ano ang pamagat ng tekstong napakinggan?
2. Sa unang talata, ano ang nararanasan ng mga tao kapag El Niňo?
3. Dahil sa El Niňo, ano ang nangyayari sa mga ilog , batis at dam na pinagkukunan
ng tubig?
4. Ano ang pinag-usapan o tinatalakay sa unang talata? Ano ang tawag dito?
5. Ano naman ang paksang tinalakay sa ikalawang talata?
6. Ano-ano ang mga epektong dulot ng El Niňo sa buhay ng tao?
8. Ano ang kahalagahan ng pagtukoy sa paksa ng tekstong napakinggan?

Tandaan:
 Isa sa sukatan ng isang mabisang pakikinig ang pagtukoy sa paksa o
pangunahing-diwa ng kuwento/usapan.
 Ang paksa ng isang kuwento ay tumutukoy sa kabuuang ideya, kaisipan o
nilalaman nito. Ito ang pinag-uusapan o tinatalakay sa kuwento/usapan

Paano mo maibibigay ang paksa ng kuwento /usapang iyong napakinggan?

 Mahalagang lubusang maunawaan ang bawat talatang binabasa upang


masuri ang mahalagang puntong nais ipakita rito.
3. Pangkatang Gawain A. (Pangkatin ang klase sa apat. Bawat pangkat ay bibigyan ng gawain ng guro.
Gumamit ng rubriks para sa pagmamarka na ipakikita sa mag-aaral bago ang
gawain.)

Pamantayan Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 4


1. Natukoy ba ang mga
bahagi ng pangungusap?
2. Nakasunod ba sa
panuto?
3. Natapos ba sa takdang-
oras?
4. Nagkaisa ba ang bawat
kasapi sa paggawa ng
gawain?
5. Kasiya-siya ba ang
ginawang pag-uulat?
Kabuoang puntos

5-Napakahusay
4-Mahusay
3-Mahusay-husay
2-Mapaghuhusayan pa
1-Kailangan pang magsanay

PANGKAT 1

Panuto: Makinig sa seleksiyong babasahin ng inyong lider. Ibigay ang paksa


nito. Isulat ito sa manila paper.

Isang natatanging pagdiriwang ang Sunduan. Nagmula ito sa kaugaliang


hindi umaalis sa bahay ang dalaga nang nag-iisa. Ang mga dalaga ay
sinusundo at sinasamahan sa kanilang nais puntahan. Binubuhay ang
kaugaliang ito tuwing sasapit ang pista ng bayan ng Parañaque.
Paksa:___________________

PANGKAT 2
Panuto: Pakinggan ang usapang babasahin ng dalawang miyembro ng
inyong grupo at Ibigay ang paksa nito . Isulat ito sa manila paper.
Habang naglalakad si Rey ay nakasalubong niya ang isang matandang lalaki.
Rey: Lolo, akin na po ang iyong ibang dala, ako na po ang magbubuhat.
Mang Kanor: Salamat Rey! Maaari bang tulungan mo na rin ako sa
pagtawid?
Rey: Aba’y opo. Saan po kayo papunta? Ihahatid ko nalang po kayo, may
dala akong sasakyan.
Mang Kanor: Diyan lang sa kabilang kanto. Maraming Salamat uli sa iyo.
Rey: Walang anoman po. Karangalan ko pong makatulong sa iba.

Paksa:___________________
PANGKAT 3
Makinig sa seleksiyong babasahin ng inyong lider at ibigay ang paksa ng
napakinggang usapan Isulat ito sa manila paper.
Ang Pasko ay simbolo ng pagmamahalan at pagbibigayan nating
mga tao sa mundo. Tuwing Kapaskuhan ay nakadarama ng kasiyahan ang
bawat isa at may pagkakaunawaan tayong lahat. Tayong mga Pilipino ay
nagluluto sa kani-kaniyang bahay at nagpapalitan ng mga regalo atnaglalagay
ng mga palamuti sa labas o loob ng bahay natin.
Paksa:_______________________
PANGKAT 4
Panuto: Makinig sa lider ng iyong pangkat tungkol sa teksto at pagkatapos
ay ibigay ang paksa ng usapan. Isulat ito sa manila paper.
Daisy: Ann, halika rito. May magandang balita ako sa iyo.
Ann: Ano bang ibabalita mo Daisy?
Daisy: Alam mo ba na ikaw ang nanguna sa pagsusulit natin sa asignaturang
computer?
Ann: Talaga? Hindi ka nagbibiro?
Daisy: Oo, hindi ako nagbibiro. Tiyak na babatiin ka ng ating guro mamaya.
Paksa:_______________________
B. Pag-uulat ng bawat pangkat

Panuto: Lagyan ng masayang mukha ( ) ang patlang kung sumasang-ayon sa


isinasaad ng pangungusap, at malungkot na mukha ( ) kung hindi ka
sumasang-ayon.

_____ 1. Isang magandang asal ang pakikinig nang mabuti sa nagsasalita upang
maunawaan ang kanyang mensahe.
4. Isahang Pagsasanay _____ 2. Kung may kausap na kaklase at hindi mo maunawaan ang paksa niya ay
mas mabuting magtanong agad kahit hindi pa siya tapos sa pagsasalita.
_____3. Maging mapanuri sa pakikinig ng usapan at kung ano ang naging usapan
ang siya mo lamang dapat ipagsabi.
_____ 4. Mas marami kang matututuhan kung may alam ka sa paksang tinatalakay.
_____ 5. Sa pagbabahagi ng paksa ng kuwento magsimula sa napakinggan sa
hulihang bahagi ng kuwento.
Panuto: Dugtungan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang diwa ng mga
pangungusap. Pumil isa loob ng kahon.

Isa sa sukatan ng isang mabisang pakikinig ang pagtukoy sa


(1) ____________ o pangunahing- diwa ng kuwento/usapan.
Ang paksa ng isang kuwento ay tumutukoy sa kabuuang (2)__________,
kaisipan o nilalaman nito. Ito ang (3)___________ o tinatalakay sa kuwento/usapan.
Mahalagang lubusang (4)___________ ang bawat talatang binabasa upang
5. Paglalahat masuri ang mahalagang puntong nais ipakita rito.

maunawaan paksa

ideya pinag-uusapan

6. Pagtataya Panuto: Pakinggang ang sumusunod na mga teksto. Piliin ang letra ng paksa ng
mga ito.

1. Ang mga Pilipino ay dumanas ng iba’t ibang pang-aabuso noong panahon ng mga
Espanyol. Ilan sa mga ito ang Sistemang Monopolyo sa Tabako na lalong
nagpahirap sa mga magsasakang Pilipino dahil ang kontrol sa pagtatanim at
pagbebenta ng mga ani nito ay nasa mahigpit na pangangasiwa ng mga Espanyol.
Nakaranas din ng pang-aabuso ang mga Pilipino sa sistemang Bandala dahil ang
mga magsasaka ay binibigyan ng kota sa mga produkto na kailangang ipagbili sa
pamahalaan.

A. Iba’t ibang pang-aabuso ng mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol


B. Iba’t ibang pang-aabuso sa mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol
C. Iba’t ibang pang-aabuso sa mga Espanyol ng mga Pilipino
D. Iba’t ibang pang-aabuso sa mga dayuhan

2. Malaki ang naitulong sa Pilipinas ng pagbubukas ng Suez Canal para sa


pandaigdigang kalakalan. Napadali nito ang biyahe galing sa Pilipinas patungong
Espanya dahil mula dalawang buwan ay naging tatlumpong araw na lamang.
Napadali at napabilis nito ang pagdadala ng mga kalakal palabas at pabalik ng
Pilipinas.
A. Ang mabilis na kalakalan sa Pilipinas.
B. Ang madaling pagbibiyahe ng produkto.
C. Ang naitulong ng pandigdigang kalakalan.
D. Ang naitulong ng pagbubukas ng Suez Canal sa Pilipinas para sa
pandaigdigang kalakalan.

3. Nanay: Bal, kumusta naman ang iyong proyekto? Naipasa mo ba ito?


Bal : Opo, inay, natuwa ang aking guro dahil maganda at kakaiba ang ginawa
kong drowing na nagpapakita ng pagtulong ng mga kabataan sa kalinisan ng
barangay.
Nanay: Ganyan nga, pag-iigihan ninyo ang inyong pag-aaral nang makapagtapos
kayo at maabot ang inyong mga pangarap.

A. Ipasa ang proyekto.


B. Abutin ang pangarap.
C. Gandahan ang drowing.
D. Ang proyekto ni Bal.

4. Mahalagang tulong sa kabuhayan ng tao ang pangingisda. Maraming paraan ang


panghuhuli ng isda. May gumagawa ng kural upang hindi makalabas dito ang mga
isdang nakapasok. Gumagamit din sila ng lambat na pabilog sa mababaw na tubig.
Gumagamit din ng masinsing lambat upang makahuli ng mga isdang katamtaman
lamang ang laki.

A. Ang paggawa ng kural ng isda.


B. Ang paggamit ng masinsing lambat.
C. Mga paraan ng paghuhuli ng isda.
D. Ang pangingisda ay mahalaga.

5. Ang halakhak ay nakapagpapaalis ng problema at pag-aalala. Nagpapaganda rin


ito sa daloy ng dugo ng ating katawan. Nakapagpapagaan din ito ng ating
pakiramdam. Sadyang napakabisa ng isang halakhak!

A. Sadyang napakabisa ng isang halakhak.


B. Nakapagpapagaan din ito ng pakiramdam.
C. Nagpapaganda ng daloy ng dugo ang halakhak.
D. Ang halakhak ay nakapagpapaalis ng problema.
Panuto: Basahin at unawaang mabuti ang mga talata at salungguhitan ang paksa ng
pangungusap sa bawat bilang.
1. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ortigas,Pasig City. Kilalang –
kilala ang lugar na ito dahil sa mga magagara at malalawak na mall at
establisyemento. Narito ang mga hotel at restawrant ng mga sikat. Ang Ortigas ay
isa sa pinakamaunlad na lugar sa Metro Manila.
2. Napakahalaga ng Bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang
maging malinaw ang ating mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay magdudulot
7. Takdang-aralin
ng malabong paningin.
3. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng
suliranin ay dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa, at pagtutulungan upang
lalong tumibay ang pagsasamahan. Bukod dito, biyaya ng Diyos ang ating pamilya.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain
para sa
remediation.

Inihanda ni:

GINA S. PLAZOS
Guro

Sinuri ni:
JENENIE B. MAGLINTE
Dalubgurong Namumuno

Binigyang-pansin:
EMELITA T. MEDINA
Punongguro IV

You might also like