You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- CALABARZON
SCHOOLS Division of Batangas
AGA ELEMENTARY SCHOOL

Paaralan: Aga Elementary School Baitang: Baitang 3


BANGHAY
Guro: Michelle L. Bautista Aralin: Filipino (MELC 3)
SA
PAGTUTURO Linggo: Week 2 Markahan: Unang Markahan
Oras: 1: 00- 3: 00 pm Bilang ng Araw: 3 araw

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang
A. Pamantayang Pangnilalaman
talasalitaan
Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang
B. Pamantayan sa Pagganap
bilis, diin, tono, antala at ekspresyon
C. Pinakamahalagang Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwento, usapan,
Kasanayan sa Pagkatuto teksto, balita at tula
(MELC) (F3PB-Ib-3.1)
D. Pagpapaganang Kasanayan Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang
kuwento
Pagsagot ng mga Tanong tungkol sa Kuwento, Teksto, Usapan
II. NILALAMAN
at Tula
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng MELC Filipino G3 p. 150, PIVOT BOW R4 p.54
Guro Mga Pahina sa Gabay ng Guro : CG ph.45-46 ng 190
b. Mga Pahina sa Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral :
Kagamitang Pangmag-  PIVOT 4A-Leaner’s Materials p. 10-12
aaral  FILIPINO Modyul 3 p. 3-8
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan
Karagdagang kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource
mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan Iba pang kagamitang panturo : powerpoint presentation,
modyul

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Unang Pagsubok:

Address: Aga, Nasugbu, Batangas


Contact Number: 0915-982-6149
Email Address: agaes107491@gmail.com
Fb Page: https://www.facebook.com/DepEd-Tayo-Aga-ES-Batangas-113395017105821
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- CALABARZON
SCHOOLS Division of Batangas
AGA ELEMENTARY SCHOOL

(Introduction) Panuto: Sagutin ng Tama o Mali.


Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Mauunawaan ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong at pagbibigay ng detalye.
2. Ang mga kuwento ay muling naisasalaysay sa pamamagitan
ng graphic organizer.
3. Maiuugnay ang sariling karanasan kung nauunawaan ang
tekstong binasa.
4. Ang tauhang ay bahagi ng isang kuwentong binasa.
5. Hindi mahalagang maunawaan ang kuwentong binasa.
Balik-Tanaw:
Panuto : Basahin mo at sagutin ang mga tanong sa bawat
pangungusap. Isulat ang sagot sa kwaderno.
1. Ang mag-anak na Delos Reyes ay pupunta sa probinsiya .
Saan pupunta ang mag-anak na Delos Reyes? ___________
2. Si Gng. Lim ay isang magaling na guro .
Sino ang magaling na guro ? ___________________
3. Si nanay ay bumili ng prutas, gulay at isda sa palengke.
Ano ang mga binili ni nanay sa palengke? ________________
4. Ang Sampaguita ay mabango .
Ano ang mabango ? ____________
5. Sila Riza at Lorna ay mamasyal sa Luneta park .
Saan sila pupunta ? _______________

Pagpapakilala ng Aralin:
Pag-aralan Natin:
Mahalagang masagot mo ang mga tanong sa binasang
kuwento, teksto, usapan at tula. Sa pagsagot ng mga
tanong, napatutunayan kung naintindihan mo ang
kuwentong iyong binasa. Ang mga pangunahing kasanayan
na kinakailangan sa mahusay na pang-unawa sa pagbasa
ay ang pag-alam ng kahulugan ng salita mula sa konteksto
ng diskurso.

Basahin Natin:
Panuto: Basahin ang pag-uusap ng mga magkakaibigan.
Job: Ceejay nabasa mo na ba ang padala kong sulat sa iyo?
Ceejay: Hindi pa. Ano ba ang nilalaman ng sulat?

Address: Aga, Nasugbu, Batangas


Contact Number: 0915-982-6149
Email Address: agaes107491@gmail.com
Fb Page: https://www.facebook.com/DepEd-Tayo-Aga-ES-Batangas-113395017105821
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- CALABARZON
SCHOOLS Division of Batangas
AGA ELEMENTARY SCHOOL

Helena: Puwede bang tingnan natin ang nilalaman ng sulat?


Ceejay: Asan ba ang sulat?
Job: Napadala ko na.
Helena: Saan mo ba napadala?
Job: Ibinigay ko sa iyo noong isang araw.
Ceejay: Aba. Naitapon ko kasama ng basura.
Helena: Ay! Wala na pala tayong mababasa.

Sagutin Natin:
1. Ano ang ipinadala ni Job?
2. Nabasa ba nila ang nilalaman nito?
3. Ano ang dahilan at hindi nila nabasa ang laman ng
sulat?

C. Pagpapaunlad Gawain sa Pagkatuto 1.


(Development) Panuto: Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Address: Aga, Nasugbu, Batangas


Contact Number: 0915-982-6149
Email Address: agaes107491@gmail.com
Fb Page: https://www.facebook.com/DepEd-Tayo-Aga-ES-Batangas-113395017105821
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- CALABARZON
SCHOOLS Division of Batangas
AGA ELEMENTARY SCHOOL

Ang Gansang Nangitlog ng Ginto


Hango sa Pabula ni Aesop

May isang matandang babae na nag-aalaga ng Gansa.


Ang Gansa ay nangingitlog paminsan-minsan. Isang
araw ay nagulat ang matanda nang mapansing
nangingintab ang itlog ng Gansa. Dali-dali niya itong
pinulot at sinuri. Mabigat na mabigat ang itlog at
nagniningning na parang ginto. "Gintong itlog!" tuwang-
tuwang nagsisisigaw ang matanda. "Nangingitlog ng
ginto ang Gansa ko! Gintong itlog! Gintong itlog!"
Masayang-masaya ang matanda sa gintong itlog na bigay
ng Gansa. Lalo siyang natuwa sapagkat araw-araw
nangingitlog ang alaga niya. Naging mayaman ang
matanda. Nakabili siya ng malawak na lupa at
nakapagpatayo ng malaking bahay at nakapamuhay
nang masagana."Nakatitiyak ako," ngingisi-ngising hula
ng matanda, "na kung papatayin ko ang Gansang ito at
kukunin ko ang lahat ng gintong itlog nito ay magiging
pinakamayaman ako sa komunidad na ito!" Pinatay nga
ng ganid na matanda ang Gansa. Nanghinayang siya
sapagkat wala kahit isa man lamang na gintong itlog
siyang nakita.

Tanong:
1. Ano ang aral na napulot mo sa kuwento?
2. Nagustuhan mo ba ito?

D. Pakikipagpalihan Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.


(Engagement) Panuto: Basahing mabuti ang maikling kuwento.
Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot sa mga tanong na
nakasulat pagkatapos ng kuwento.

Mga Bilin ni Tatay Bok kay Pie


Hango sa kuwento ni Shiela Mae Ortiz

Sa tahanan naming mga buko pie, sinasabi ni Tatay


Bok sa akin, “Pie mag-ingat ka palagi.” Marami siyang bilin
saan mang sulok ng bahay. Bilin
ni Tatay Bok pagkatapos maglampaso sa salas, “Pie dahan-

Address: Aga, Nasugbu, Batangas


Contact Number: 0915-982-6149
Email Address: agaes107491@gmail.com
Fb Page: https://www.facebook.com/DepEd-Tayo-Aga-ES-Batangas-113395017105821
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- CALABARZON
SCHOOLS Division of Batangas
AGA ELEMENTARY SCHOOL

dahan sa paglakad sa sahig, baka madulas ka.” Bilin ni


Tatay Bok habang nagsisindi ng kandila sa harap ng altar,
“Pie mag-ingat ka sa posporo, baka mapaso ka.” Bilin ni
tatay Bok habang nananahi siya, “Pie, mag-ingat sa
karayom. Matulis ito, baka matusok ka. Bilin ni Tatay Bok
habang nagbabalat ng sibuyas sa kusina, “Pie, mag-ingat ka
sa paghawak ng kutsilyo. Huwag mong paglalaruan ito,
baka masugatan ka. Isang araw, sa aming kusina niyaya
ako ni Cherry ng luto-lutoan. “Pie heto ang kutsilyo hatiin
mo iyong dahon,” sabi ni Cherry. “Ayoko, sabi ni tatay Bok,
huwag ko daw paglalaruan ang kutsilyo, baka masugatan
ako,” tugon ko. “Sige ako na lang,” pagpupumilit ni Cherry.
Maya maya, “Aray!” malakas na sigaw niya kasabay ng
pagtulo ng dugo sa kaniyang daliri. Tara kay Tatay Bok para
magamot niya ang daliri mo,” wika ko. Habang ginagamot si
Cherry, naghanda ako ng isang basong tubig para kay
Cherry. Ikinuha ko siya ng biskuwit. Maingat kong binuksan
ang biskuwit gamit ang isang gunting.

Sagutin Natin:
1. Ano-ano ang mga bilin ni Tatay Bok kay Pie?
2. Batay sa kuwento anong uri ng bata si Pie?
3. Bakit nasugatan si Cherry?
4. Ano ang aral na maaring mapulot sa kuwento?
5. Paano mo maipapakita sa mga batang tulad mo ang
pagiging masunurin?

E. Paglalapat Tandaan:
(Assimilation)
Mahalagang malaman ang mga detalye sa nabasang
teksto upang makasagot sa mga tanong tungkol sa binasang
teksto.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Panuto: Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang
mga tanong pagkatapos ng tula.

Si Konan sa Munting Tahanan


Angela Mae Gob

Address: Aga, Nasugbu, Batangas


Contact Number: 0915-982-6149
Email Address: agaes107491@gmail.com
Fb Page: https://www.facebook.com/DepEd-Tayo-Aga-ES-Batangas-113395017105821
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- CALABARZON
SCHOOLS Division of Batangas
AGA ELEMENTARY SCHOOL

Munti man ang tahanan


Si Konan ay maliksi at laging maaasahan
Sanay sa mga gawaing bahay
Kaya siyay paborito ng kanyang nanay at tatay
Naghuhugas siya ng mga baso't pinggan
Nagdidilig din ng mga halaman sa bakuran
Sa loob at labas ay nagwawalis
At katulong sa iba pang paglilinis
Kalusugan niya'y hindi pinababayaan
Masusustansiya ang agahan, tanghalian at hapunan
Nag-eehersisyo at natutulog nang tama
Kaya masigla at palaging masaya.

Sagutin ang mga tanong.


1. Bakit masigla at palaging masaya ang batang si Konan?
Sapagkat;
A. kumakain ng sapat
B. binibigyan ng pera ng nanay at tatay
C. nag-eehersisyo siya at natutulog nang tama
D. naglalaro siya kasama ang mga kaibigan.
2. Dapat bang tularan si Konan?
A. Oo, dahil siya ay maliksi at laging maaasahan.
B. Oo, dahil hindi siya inuutusan.
C. Oo, dahil lagi siya napapagod sa bahay.
D. Oo, dahil siya ay walang kaibigan.
3. Ano ang posibleng mangyari kung pababayaan ni Konan
ang kaniyang sarili?
A. Magiging paborito siya ng mga magulang.
B. Maraming magmamahal sa kaniya.
C. Manghihina siya at hindi na makakatulong sa gawaing-
bahay.
D. Magkakaroon siya ng maraming kaibigan.

 Ang natutunan ko sa aralin ay_________________________


V. Pagninilay _____________________________________________________________
(Reflection) _____________________________________________________________

Prepared by:

Address: Aga, Nasugbu, Batangas


Contact Number: 0915-982-6149
Email Address: agaes107491@gmail.com
Fb Page: https://www.facebook.com/DepEd-Tayo-Aga-ES-Batangas-113395017105821
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- CALABARZON
SCHOOLS Division of Batangas
AGA ELEMENTARY SCHOOL

MICHELLE L. BAUTISTA
Grade 3 Adviser
Noted:
EFREN C. ANDINO
Principal II

Address: Aga, Nasugbu, Batangas


Contact Number: 0915-982-6149
Email Address: agaes107491@gmail.com
Fb Page: https://www.facebook.com/DepEd-Tayo-Aga-ES-Batangas-113395017105821

You might also like