You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- CALABARZON
SCHOOLS Division of Batangas
AGA ELEMENTARY SCHOOL

Paaralan: Aga Elementary School Baitang: Baitang 3


BANGHAY
Guro: Michelle L. Bautista Aralin: Filipino (MELC 2)
SA
PAGTUTURO Linggo: Week 1 Markahan: Unang Markahan
Oras: 1: 00- 3: 00 pm Bilang ng Araw: 3 araw

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at
A. Pamantayang Pangnilalaman
pag-unawa sa napakinggan
B. Pamantayan sa Pagganap Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto
C. Pinakamahalagang Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa
Kasanayan sa Pagkatuto pag-unawa ng napakinggang teksto
(MELC) (F3PN-Ib-2)
D. Pagpapaganang Kasanayan

Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan sa


II. NILALAMAN
Pag-unawa ng Napakinggan at Nabasang Teksto
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng MELC Filipino G3 p. 150, PIVOT BOW R4 p.54
Guro Mga Pahina sa Gabay ng Guro : CG ph.45 ng 190
b. Mga Pahina sa Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral :
Kagamitang Pangmag-  PIVOT 4A-Leaner’s Materials p.8-9
aaral  FILIPINO Modyul 2 p. 3-11
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan
Karagdagang kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource
mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo para
Iba pang kagamitang panturo : powerpoint presentation,
sa mga Gawain sa
modyul
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Unang Pagsubok:
(Introduction) Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tula.
Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong sa ibaba. Piliin at
isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

Address: Aga, Nasugbu, Batangas


Contact Number: 0915-982-6149
Email Address: agaes107491@gmail.com
Fb Page: https://www.facebook.com/DepEd-Tayo-Aga-ES-Batangas-113395017105821
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- CALABARZON
SCHOOLS Division of Batangas
AGA ELEMENTARY SCHOOL

Handa ba Tayo?
ni: Ana Marie L. Baccay

Iba’t ibang hamon, kalamidad at epidemya


Mga kinakaharap ng bawat bansa.
Taon-taon bagyo ay dumadaan
Nag-iiwan ito ng mapait na karanasan.

Maging lindol ay nararanasan


Sa mga pagkakataong hindi inaasahan
At sa kasalukuyan isang pandemya (COVID 19)
Biglang kumawala.

Ginulo ang buhay ng lahat,


Lalo na ang mga salat.
Sa panahong napakahirap
Kanino tayo lilingap?

Handa ba tayo sa bawat pagsubok?


O, hayaan na lamang na malugmok.
Ngunit kapag tayo’y susuko
Hindi ba at tayo rin ay talo?

Huwag tayong malumbay


Sa ati’y may nakasubaybay
Sa lahat ng panahon
Poong Maykapal ay naroroon.

Sagutin Natin:
1. Mula sa tulang binasa, sa anong sitwasyon tayo tinatanong
ng pagiging handa?
A. sa darating na pasukan B. sa pagdiriwang ng pista
C. sa mga hamon sa buhay D. sa pagsusulit
2. Ano ang kumawala at nagpagulo sa buong mundo?
A. mga hayop sa zoo B. sunog sa kagubatan
C. pagsabog ng Bulkang Taal D. pandemya (COVID -19)
3. Anong kalamidad ang hindi natin nalalaman kung kalian ito
darating?
A. bagyo B. lindol C. tsunami D. buhawi

Address: Aga, Nasugbu, Batangas


Contact Number: 0915-982-6149
Email Address: agaes107491@gmail.com
Fb Page: https://www.facebook.com/DepEd-Tayo-Aga-ES-Batangas-113395017105821
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- CALABARZON
SCHOOLS Division of Batangas
AGA ELEMENTARY SCHOOL

4. Ano-ano ang mga ginagawang paghahanda sa tuwing may


parating na bagyo sa ating bansa?
A. Inaanunsiyo ito sa radyo at telebisyon upang malaman ng
mga tao.
B. Pinalilikas ang mga taong nakatira sa mapanganib na
lugar.
C. Inaabisuhan ang mga mamamayan na ihanda nila ang
mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig,
gamot at damit.
D. Lahat ng nabanggit.
5. Ano ang dapat ninyong gawin kapag inutusan kayo ng
punong barangay ninyo na umalis sa inyong bahay, dahil
mapanganib dito sa araw ng bagyo?
A.Saka nalang umalis kapag totoong mapanganib nga.
B. Huwag sumunod sapagkat ayaw iwanan ang bahay.
C. Kailangan sumunod sa ipinag-uutos ng punong barangay
sapagkat para naman ito sa aming kabutihan.
D. Sasabihin sa punong barangay na marami ng bagyong
nagdaan wala namang masamang nangyari sa inyong
pamilya.

Balik-Tanaw:
Panuto : Bilugan ang pangngalan na makikita sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa kwaderno.
1. Ang mga bata ay naglalaro.
2. Kami ay pupunta sa Manila Zoo.
3. Masayang pinagdiwang ni nanay ang kanyang
kaarawan.
4. Ako ay may alagang pusa.
5. Bumili si tatay ng bagong damit.

Pagpapakilala ng Aralin:
Pag-aralan Natin:

Address: Aga, Nasugbu, Batangas


Contact Number: 0915-982-6149
Email Address: agaes107491@gmail.com
Fb Page: https://www.facebook.com/DepEd-Tayo-Aga-ES-Batangas-113395017105821
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- CALABARZON
SCHOOLS Division of Batangas
AGA ELEMENTARY SCHOOL

Sa pag-unawa ng napakinggan o binasang teksto, lubos


mo itong maunawaan kung ito ay maiuugnay mo sa nauna
mong kaalaman o karanasan.

Halimbawa:
Balikan natin ang binasa nating tula sa itaas.
 Ayon sa tula, taon-taon nakararanas tayo ng bagyo sa
ating bansa.
 Dumarating ang lindol ng hindi natin napaghahandaan
subalit alam din nating taon-taon nakararanas tayo ng
lindol sa ating bansa.
 Ngayong taon 2020 nakaranas tayo ng pandemya
(COVID-19) isang uri ng virus.

Sabihin:
Higit mong naunawan ang tula sapagkat ang nilalaman
nito ay iyo ng naranasan o may nauna ka ng kaalaman
tungkol dito.
Ang paggamit ng naunang kaalaman o karanasan ay
mahalaga upang maunawaan ang napakinggan o nabasang
teksto. Maari mong maiugnay ang iyong naunang kaalaman o
karanasan sa binabasa o babasahing teksto upang lubos na
maunawaan ang nilalaman nito.

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Tingnan kung


mayroong kaugnayan ang kuwento sa iyong karanasan.

Malaki na si Isko
Hango sa Kuwento ni Charlene Griar Perlado
Malaki na ako… Hindi na ako tinatawag na “baby.”
Hindi na ako binabantayan lagi. Hindi na ako
sinasamahan ‘pag bumubili sa tindahan ni Aling Susi.
Malaki na ako… Noong umaga, bumangon ako mag-isa.
Kumuha ng lugaw na ihihanda ni nanay sa mesa at
uminom ng gatas sa asul na tasa. Malaki na ako…
Mabilis akong naligo, nagsepilyo, at nagbihis mag-isa sa
kuwarto. Malaki na ako… Binuhat kong mag-isa ang bag
ko, sa service na tricycle ay sumakay nang buong

Address: Aga, Nasugbu, Batangas


Contact Number: 0915-982-6149
Email Address: agaes107491@gmail.com
Fb Page: https://www.facebook.com/DepEd-Tayo-Aga-ES-Batangas-113395017105821
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- CALABARZON
SCHOOLS Division of Batangas
AGA ELEMENTARY SCHOOL

tapang. Malaki na ako… Noon tanghali, inubos ko ng


buong baon kong adobo at kanin, at bumili ako ng isang
saging sa kantin. Pagkatapos, bumalik rin ako sa silid-
aralan namin. Malaki na ako… Sa silid aralan,
nagbilang, nagsulat, nagbasa, nakinig at sumagot ako
kay titser Elsa at gumuhit nang malaking agila sa pisara.
Malaki na ako… Bago umuwi, inayos ko ang mga gamit
ko, at tahimik na naghintay sa aking sundo habang
maayos akong nakaupo. Malaki na ako… Pag-uwi sa
bahay, humalik agad ako kay Nanay at yumapos.
Naghibis at naghubad ng mga sapatos. Malaki na ako…
Gumawa ako ng takdang-aralin, at nagtapos ng
mahabang sulatin. Malaki na ako… Noong gabi,
ipinagbukas ko si Tatay ng pinto at agad akong
nagmano. Ibinigay ko rin ang tsinelas na ginto. Malaki
na ako… Gayundin ang tiyan ng nanay ko. Kabuwanan
na niya ngayong Agosto. Yehey! Magiging kuya na ako.

C. Pagpapaunlad Gawain Sa Pagkatuto Bilang 1:


(Development) Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na pangalan
kaugnay ng larawan sa pagsasalaysay ng iyong karanasan o
kaalaman tungkol dito. Bumuo ng dalawang pangungusap.
Isulat sa kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Panuto: Sagutin ang mga tanong ayon sa iyong mga
karanasan. Bumuo ng talata na may apat na pangungusap.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.
1. Ano– ano ang karanasan na hindi mo malilimutan sa
paaralan?
2. Ano ang pinakamasayang alaala mo? Bakit?
3. Ano ang magandang alala mo dito kasama ng iyong
kaklase?
D. Pakikipagpalihan Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
(Engagement) Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na teksto.

Address: Aga, Nasugbu, Batangas


Contact Number: 0915-982-6149
Email Address: agaes107491@gmail.com
Fb Page: https://www.facebook.com/DepEd-Tayo-Aga-ES-Batangas-113395017105821
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- CALABARZON
SCHOOLS Division of Batangas
AGA ELEMENTARY SCHOOL

Piliin ang letra ng wastong sagot sa bawat tanong. Isulat ang


iyong sagot sa kuwaderno.

Tsokolate
Angela Mae Gob

Ang tsokolate ay isang uri ng


matamis na pagkain. Karaniwan itong
paborito ng mga bata dahil sa lasa
nito. Nagtataglay ito ng bitamina na
maaaring makatulong sa ating
pangangatawan. Nagbibigay-lakas at
nakadaragdag ito ng enerhiya sa ating
katawan. Bagama’t may mga bitamina
ito, hindi pa rin ito angkop na kainin
araw-araw, lalo na ng mga bata dahil
madali itong makasira ng ngipin sa
taglay nitong tamis

Sagutan:
1. Ayon sa teksto, anong lasa ang tinataglay ng tsokolate?
A. maasim B. matamis C. maalat D. malansa
2. Ano ang mabuting epekto nito sa ating pangangatawan?
A. Nakakasakit ng lalamunan B. Nakakasakit ng ngipin
C. Nakadaragdag ng enerhiya D. Nakaka-diabetes
3. Ano ang aral na maaaring mapulot sa teksto?
A. Limitahan ang pagkain ng tsokolate
B. Palaging magsepilyo para makakain ng marami
C. Uminom ng maraming tubig
D. Patago kumain upang hindi mapagalitan

E. Paglalapat Tandaan:
(Assimilation)
Mas malalim ang pagkaka-unawa mo sa napakinggan o
nabasang teksto kung magagamit o maiuugnay mo ito sa
naunang kaalaman o karanasan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Panuto: Naranasan mo na bang maging isang mabuting
bata? Napagalitan ka na ba ni nanay at ni tatay? Ibahagi ang
iyong karanasan. Isulat sa kwaderno ang iyong karanasan na
may limang pangungusap lamang. (5pts)

Address: Aga, Nasugbu, Batangas


Contact Number: 0915-982-6149
Email Address: agaes107491@gmail.com
Fb Page: https://www.facebook.com/DepEd-Tayo-Aga-ES-Batangas-113395017105821
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- CALABARZON
SCHOOLS Division of Batangas
AGA ELEMENTARY SCHOOL

 Isulat ang iyong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng


dalawang panagungusap.
V. Pagninilay
1.____________________________________________________
(Reflection)
2.____________________________________________________

Prepared by:
MICHELLE L. BAUTISTA
Grade 3 Adviser
Noted:
EFREN C. ANDINO
Principal II

Address: Aga, Nasugbu, Batangas


Contact Number: 0915-982-6149
Email Address: agaes107491@gmail.com
Fb Page: https://www.facebook.com/DepEd-Tayo-Aga-ES-Batangas-113395017105821

You might also like