You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
PANTAY BATA ELEMENTARY SCHOOL
PANTAY BATA, TANAUAN CITY

Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa FILIPINO 6


Pangalan:____________________________________________ Petsa: ___________________
Baitang at Seksyon: _________________________________ Lagda ng Magulang: __________

I. Panuto: Bigyang kahulugan ang mga sawikaing may salungguhit. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.
______________1. Para kang may uod sa katawan kaya ka madaling nadadapa.
______________2. Gusto mo bang magbilang ka lang ng poste paglaki mo?
______________3-4. Kung minsan eh nagbubuhat siya ng sariling bangko kaya ayan
tuloy pinariringgang halang ang bituka niya.
______________5. Huwag na kayong mag-away para kayong mga aso’t pusa.
______________6. Hala, bahag naman ang buntot mo!
______________7. Isa kang mapaglubid ng buhangin Ate.
______________8. Kung makapagsalita si Ate, ang talim ng dila.
______________9. Ako’y matutulog na dahil alog na ang baba ko.
______________10. Balitang kutsero yata ang nakalap mong impormasyon ah.

masakit magsalita mayabang sinungaling malikot


duwag hindi totoo mag-aral nang mabuti
walang trabaho matanda na salbahe magkalaban

II. A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel o kwaderno.

___11. Pinukpok ni Inyang ang bahay ng bubuyog. Ang mga sumusunod ay mga hinuha MALIBAN sa isa.
a. Kakagatin si Inyang ng mga bubuyog.
b. Makakakuha ng maraming matamis na pulot.
c. Mamaga ang mukha ni Inyang sa kagat ng Bubuyog
d. Magkakasakit ng dengue si Inyang
___12. Hindi naghuhugas ng kamay si Daray bago at pagkatapos kumain. Ang mga sumusunod ay
mga hinuha MALIBAN sa isa.
a. Sisipunin si Daray. b. Uubuhin si Daray.
c. Lalagnatin si Daray d. Gaganda ang kutis ni Inyang.
___13. Naglaro ng posporo ang bata sa loob ng kanilang bahay. Ang mga sumusunod ay mga hinuha
MALIBAN sa isa.
a. Napaso ang bata sa apoy mula sa posporo.
b. Naubos ang isang kahon ng posporo kakalaro.
c. Nasunog ang bahay ng bata.
d. Masaya ang bata sa sarangolang kanyang pinalipad.
___14. Umakyat si Mario sa puno ng papaya. Hindi niya alam na ang sangang kinakapitan nito ay gabok
na. Ano ang maaaring mangyari sa kaniya?
a. Lilipad si Mario na parang ibon. b. Mahuhulog si Mario mula sa puno.
c. Makakakuha siya ng santol. d. Wala sa nabanggit.
___15. Sa panahon ng pandemiya ng Covid-19, ay lumabas si Kim ng walang suot na facemask. Ano
ang maaring mangyari sa kaniya?
a. Gaganda siya. b. Sisikat siya sa buong madla.
c. Walang mangyayaring masama. d. Mahahawa siya sa sakit na Covid-19
III. Panuto: Sumulat ng pangungusap may magagalang na pananalita na maaari mong gamitin sa bawat
sitwasyon
16. Inani na ang mga palay. Tinuyo na ang mga ito at isinilid sa sako ng magsasaka.
17. Dala-dala ang baong pagkain at ilawan, sumakay sa bangka at pumalaot na ang mag-ama.
18. Mahigit tatlumpong mag-aaral sa ika-limang grado ang sinasanay ng kanilang guro sa Musika. Suot na
nila ang magara nilang uniporme at sila’y patungo na sa bayan.
19. Nagluto ng mga kakanin ang nanay. Inimbitahan ang mga kapitbahay at lahat ng kalaro at kababata ni
Cris.
20. Malakas ang lindol na yumanig sa buong Siyudad ng Tacurong.

PANTAY BATA ELEMENTARY SCHOOL


Pantay Bata, Tanauan City, Batangas 4232
pantaybata.elementaryschool@deped.gov.p

You might also like