You are on page 1of 3

DepEd - Region III

Division of Bulacan
Sta. Maria East District
PARADA ELEMENTARY SCHOOL
Parada, Santa Maria, Bulacan

FILIPINO 6
IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: _______________________________________________________ Petsa: ___________________


Baitang at Pangkat: __________________________________________ ____ Lagda ng Magulang: ____________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon/tanong. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa bawat patlang.

____ 1. Dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin ngayong may pandemya, marami ang nagkaroon ng
taniman sa kanilang mga bakuran.
a. Ang pagtatanim ay dagdag na trabaho at gawain sa tahanan.
b. Dapat itinda ang mga halaman sa mataas na presyo.
c. Hindi na dapat magtanim ang mga walang lupang pagtataniman.
d. Makatutulong ang pagtatanim upang makatipid ang pamilya at makakakain pa ng sariwang gulay mula sa
sariling taniman.

____2. Kahit namulat sa kahirapan at kawalan ng pag-aaruga buhat sa mga magulang at kanilang
pamilya, lumaking masipag at matiyaga si Rodel. Pinagsumikapan niyang makatapos ng pag- aaral at
maging matagumpay.
a. Ginawa lamang niya ito para sa kaniyang sariling kapakinabangan.
b. Hindi naman siya gaanong nahirapang mag-aral dahil may mga magulang pa naman siya.
c. Kaya rin namang gawin ng iba ang ginawa ni Rodel dahil madali lang namang magtapos ng
pag-aaral.
d. Si Rodel ay dapat tularan ng mga kabataan at magsilbing inspirasyon dahil kahanga-hanga
ang kaniyang nakamit.

____3. Sinisikap ni May na pag-aralang mabuti ang kaniyang mga aralin at tapusin ang mga pagsasanay na
nakapaloob sa bawat modyul. Isang gabi, nahihirapan siyang sagutan ang isa sa mga pagsasanay. Alin
sa sumusunod ang dapat niyang gawin?
a. humingi ng tulong sa kaniyang magulang o guro
b. i-post sa social media ang pagsasanay upang makita ng iba
c. lagpasan at huwag na lamang sagutan ang pagsasanay
d. tumawag sa kaniyang kaklase upang magtanong

____4. Palaging kinukuha ni G. Magayon ang mga modyul ng kaniyang anak sa paaralan. Sa darating na
Lunes, kailangan niyang dumalo sa isang mahalagang pagpupulong kaya hindi siya maaaring
magtungo sa paaralan. Ano ang dapat niyang gawin?
a. ipaalam sa guro at itanong kung maaaring kinatawan ang kumuha
b. lumiban muna sa pagkuha ng mga modyul
c. sabihan ang kaniyang anak na siya muna ang kumuha ng modyul niya
d. sabihin sa guro na sa susunod na Lunes na lamang siya pupunta

____5. Simula nang ipatupad ang quarantine sa kanilang barangay, si G. Santos na ang palagiang lumalabas
at bumibili ng mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya. Nang siya ay makarating sa
pamilihan, marami ng tao ang nasa loob upang mamili. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop niyang
gawin?
a. agad na pumasok sa pamilihan, magmadaling bumili at magbayad
b. hintaying makalabas ang ibang mamimili bago pumasok sa pamilihan
c. sabihin sa tagapagbantay na palabasin ang ibang mamimili
d. umuwi kaagad at sa susunod na linggo na lamang bumili
____6. Habang nasa paaralan at nagbibigay ng mga modyul, napansin ni Bb. Lajom ang isang babaeng
nagtatanggal ng kaniyang face shield. Ano ang dapat niyang gawin?
a. hayaan lamang ang babae na maglakad sa loob ng paaralan
b. lapitan ang babae at sabihan na isuot ang kaniyang face shield
c. sabihin sa kapuwa guro na paalalahanan ang babae
d. tawagin siya, panatilihin ang wastong distansiya at paalalahanan

____7. May naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Ang sumusunod ay kabilang sa wastong
gawain patungkol dito MALIBAN sa isa.
a. pagbiyahe sa iba’t ibang lugar
b. paghuhugas ng mga kamay gamit ang tubig at sabon
c. pagpapanatili ng dalawang metrong distansiya o higit pa sa isa’t isa
d. pagsusuot ng facemask at face shield tuwing lalabas ng bahay

____ 8. Nais ng iyong guro na magsaliksik ka tungkol sa mga naging pngulo sa buong mundo. Alin sa mga sumusunod
ang gagamitin niya?
a. Almanac
b. Atlas
c. Encyclopedia
d. Internet

____ 9. Si Mon ay mahilig sa pagbabasa tungkol sa kinalalagyan ng mga lugar sa bansa. Nais niyang malaman kung
gaano kalayo ang Maynila sa Boracay.
a. Almanac
b. Atlas
c. Diksyonaryo
d. Globo

____ 10. Nahihirapan kang basahin ang isang salita sa inyong aralin sa asignaturang Ingles. Nais mong malaman ang
wastong bigkas nito.
a. Almanac
b. Diksyonaryo
c. Encyclopedia
d. Internet

____ 11. Napukaw ang pansin ni Linda sa ganda ng pelikulang Titanic. Ninais niyang balikan ang tunay na pangyayari
tungkol dito noong taong 1912.
a. Atlas
b. Encyclopedia
c. Internet
d. Peryodiko

____12. Sa panahon ngayon na hindi maaari ang face-to-face na klase, malaking tulong ang teknolohiyang ito sa
agaran at malawakang pagpapalaganap ng impormasyon.
a. Atlas
b. Diksyonaryo
c. Internet
d. Peryodiko

____13. Saan mababasa ang tirahan ng sumulat pati ang petsa ng pagsulat ng liham?

a. Bating pangwakas
b. Lagda
c. Pamuhatan
d. Katawan ng liham

__

yyyyyy__14. Alin sa mga sumusunod ang kinapapalooban ng pangalan o katungkulan ng susulatan, pati na rin
ang kaniyang tanggapan o opisina?
a. Pamuhatan
b. Patunguhan
c. Bating panimula
d. Katawan ng liham
____15. Ito ang bantas na ginagamit sa bahagi ng bating panimula sa paggawa ng liham sa editor.
a. Tuldok
b. Tutuldok
c. Kuwit
d. Tandang pananong

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga impormasyon sa ibaba. Sumulat ng makabuluhang balita gamit ang mga
ibinigay na detalye. Gumamit ng wastong kapitalisasyon at bantas. Gawin ito sa iyong sagutang papel. (5 puntos)

Ano: Muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine o ECQ


Sino: Punong Lalawigan Daniel R. Fernando
Kailan: Marso 29 hanggang Abril 4, 2021
Saan: Lalawigan ng Bulacan
Bakit: Pag-iwas sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Panatilihing ligtas ang mga Bulakenyo sa mabilis na paglaganap ng COVID-19

Rubriks sa Pagsulat ng Balita


Gabay sa Pagwawasto Puntos Puntos ng Guro
Wastong gamit ng kapitalisasyon at bantas 2
Maikli ngunit may malinaw na detalye sa balita 2
May kaisahan ang mga pangungusap sa balita 1
Kabuuan 5

You might also like