You are on page 1of 3

SJDM CORNERSTONE COLLEGE, INC.

#190 Libis II Muzon, City of San Jose del Monte, Bulacan SCORE:
Contact Nos.: (0917) 706 1869 / (044) 234 4338
Email Address: sjdmcornerstonecollege.inc@gmail.com

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT

FILIPINO 7
S.Y.2020-2021

Pangalan:____________________________________________________Baitang/Pangkat:______________
Guro:________________________________________________________Lagda ng Magulang:___________

I. MARAMIHANG PAGPILI

PANUTO: Basahin ng mabuti ang mga katanungan sa ibaba at bilugan ang titik ng tamang sagot.
Pinapaalalahan na unawain ng mabuti ang mga pangungusap at iwasan ang pagbubura sa iyong
sagutang papel.

1. Itinakbo sa ospital ang bata sapagkat nahimatay siya sa pagod.

Ano ang pang-ugnay na ginamit sa sanhi at bunga sa pangungusap?
a. sa c. pagkat
b. sapagkat d. ang
2. Tawag sa epekto ng kadahilanan ng mga pangyayari.
a. bunga c. dahilan
b. sanhi d. ugat
3. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.
Ano ang bunga sa pangungusap?
a. bayaning nasusugatan c. ang tapang
b. nag-iibayo ang tapang d. ang bayani
4. Mas dumarami ang kaso ng COVID-19.
Alin sa mga paliwanag ang angkop na sanhi?
a. kakulangan ng disiplina ng mga tao c. kakulangan ng pamilya
b. kakulangan ng salapi d. lahat ng nabanggit
5. Matindi ang sikat ng araw kaya ang mga damit sa sampayan ay agad natuyo.
Ano ang sanhi sa pangungusap?
a. ang mga damit sa sampayan c. agad natuyo
b. malakas ang sikat ng araw d. ang sikat ng araw
6. Dito makakamit ng pangunahing tauhan ang layuning ninanais.
a. Papataas na Pangyayari c. Resolusyon
b. Kasukdulan d. Pababang Pangyayari
7. Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kaniyang suliranin.
a. Panimulang Pangyayari c. Resolusyon
b. Kasukdulan d. Pababang Pangyayari
8. Sa bahaging ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning magpapasidhi sa interes
o kapanabikan.
a. Papataas na Pangyayari c. Resolusyon
b. Kasukdulan d. Pababang Pangyayari
9. Sa bahaging ito, magkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas.
a. Resolusyon c. Kasukdulan
b. Papataas na Pangyayari d. Pababang Pangyayari
10. Tumutukoy ito sa pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliranin.
a. Panimulang Pangyayari c. Papataas na Pangyayari
b. Kasukdulan d. Pababang Pangyayari

II. PAGTUTUKOY

Panuto: A. Tukuyin at salungguhitan ang sanhi sa bawat pangungusap.

11. Nadulas si Mikey dahil basa pa ang sahig.

12. Doon tayo sa tulay tumawid kasi bawal dito.

13. Bagong luto ang kanin kaya mainit pa ito.

14. Kinulong ang aso palibhasa matapang at nangangagat ito.

15. Mabigat ang trapiko sa EDSA kaya nag-MRT na lang kami.

16. Natagalan ako magbayad kasi mahaba ang pila sa kahera.

17. Magaling mag-piyano si Rachel kasi araw-araw siyang nag-eensayo.

18. Tumahimik na tayo dahil nandito na si Binibining Garcia.

19. Magaling mag-piyano si Rachel kasi araw-araw siyang nag-eensayo.

20. Palihasa’y mahiyain ang bata, hindi na pinilit ng guro na sumali siya sa gawain.
B. Tukuyin at salungguhitan ang bunga sa bawat pangungusap.

21. Malaki ang nabago sa hitsura at laki ng kanyang katawan kaya hindi ko siya agad namukhaan.
22. Parating na ang trak ng mga basurero kung kaya’t inilabas na ni Noel ang mga bag ng basura.
23. Bumili ng mga bagong kagamitan para sa eskuwela sina Jun at Erica kasi malapit na ang
pasukan.
24. Lumubog ang malaking barko sapagka’t ang bilang ng mga pasahero roon ay labis sa kapasidad
nito.
25. Tiniis niya ang kahirapan ng trabaho dahil nais niyang bigyan ng magandangkinabukasan ang
kanyang mga anak.

III. SANAYSAY

Panuto: Balangkasin ang “Alamat ng Palendag”. Isalaysay ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-
sunod. (5 puntos)

_________________________________________________________________________________

You might also like