You are on page 1of 3

Department of Education

Region III
Division of Bulacan
Baliwag South District
BALIWAG SOUTH CENTRAL SCHOOL
Baliwag, Bulacan
S.Y. 2018– 2019

IKALATLONG MARKAHAN
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT
FILIPINO V

PAKIKINIG
Panuto: Pakinggan ang panuto o teksto na babanggitin o babasahin ng guro upang masagutan ang mga
sumusunod na katanungan.
1. Alinang magiging sagot mo?
a. b. c d.

2. Ano ang iyong magiging kasagutan?

a. b. c. d.

PAGSASALITA
Panuto: Basahin maigi ang mga katanungan at hinihingi ng bawat bilang upang masagutan ang mga katanungan
at masanay ang kasanayan sa pagsasalita.

3. Pagod ____ pagod si May kaya siya nagpapahinga nagyon. Ano ang angkop na pang-angkop upang
maging tama ang pangungusap?
a. –ng b. –g c. na d. at
4. Ang alimango___dagat ay masarap. Ano ang wastong pang-angkop ana gagamitin?
a. ---g b.---ng c. at d. na
5. Nais ni Juan pumitas ng dilaw___bulaklak.. Ano ang wastong pang-angkop ana gagamitin?
a. ---g b.---ng c. at d. na
6. Maganda siya ___________ pangit naman ang kaniyang pag-uugali. Ano ang tamang pangatnig na
gagamitin?
a. dahil b. sapagkat c. ngunit d. kaya
7. Nais kong bumili ng bagong damit ______ hindi sapat ang naipon kong pera. Ano ang tamang pangatnig
na gagamitin?
a. dahil b. sapagkat c. ngunit d. kaya
8. Alin sa mga pangungusap ang MALI ang ginamit na pangatnig?
a. Sumakit ang ngipin niya ngunit kumain siya ng matamis kagabi.
b. Naiwan niya ang kaniyang cellphone sa klasrum kaya siya tumatakbo nang mabilis.
c. Nabangga siya sa daan dahil hindi niya narinig ang busina ng kotse.
d. Sasama ako sa kaarawan ni Maria kung papayagan ako ng aking nanay na lumabas.
PAGBABASA
Panuto: Basahin maigi ang mga pangungusap upang mabigyan ng kahulugan ang mga pamilyar o di-pamilyar
na mga salita.
9. Ang mga nilabhang damit ay mabango. Ano ang kasalungat ng mabango?
a. matalino b. masarap c. mabaho d. mahalimuyak
10. Sa pamahalaang demokratiko ang mga tao ay makapangyarihan sa pagpili ng uupong president ng
bansa. Ano ang kasalungat ng makapangyarihan
a. maykaya b. mahina c. malakas d. masipag
11. Ang taong tagapamahala ng negosyo ay dapat may kakayahang magnegosyo. Ano ang kahulugan ng
tagapamahala?
a. miyembro b. alila ng mga tao c. taong pinuno na maalamd. katulong ng pinuno
12. Ang tao ay intrepidong pinanood ang Train to Busan. Ano ang ibig sabihin ng intrepido?
a. matapang b. mahina c. mahina d duwag

13. Ang mga dahon ng punongkahoy ay isa sa mga bagay na nabibilang sa nabubulok. Sa asignaturang
Agham, ano ang tawag sa nabubulok?
a. Bio-degradable b. Bio-oil c. Bio-leaves d. Bioderm

14. Ang mga dahon ng punongkahoy ay isa sa mga bagay na nabibilang sa nabubulok. Sa asignaturang
Agham, ano ang tawag sa nabubulok?
a. Bio-degradable b. Bio-oil c. Bio-leaves d. Bioderm

Panuto: Basahin maigi ang pangungusap o teksto upang masagutan ang mga sumusunod na katanungan.
15. Namumulikat ang paa ng bata kaya siya ay muntik ng malunod. Ano ang tawag sa pahayag na may
salungguhit?
a. katotohanan b. sanhi c. bunga d. opinyon
16. Sumakit ang tiyan niya dahil kumain siya ng sirang macaroni salad noong Bagong Taon. Ano ang tawag
sa pahayag na may salungguhit?
a. bunga b. sanhi c. katotohanan d. opinyon
17. Nakatulog ako maghapon kaya nakalimutan kong tapusin ang aking mga gawain.
a. bunga b. sanhi c. katotohanan d. opinyon
18. Sa tingin ko, kaya namatay ang lalaking iyan ay may ginawang kasamaan sa kaniyang kapwa. Anong
uri ng pahayag ito?
a. opinyon b. katotohanan c. pandiwa d. pautos
19. Ang pangalan ng aming punungguro ay si Dr. Nelia M. Tabuyo. Anong uri ng pahayag ito?
a. katotohanan b. bunga c. sanhi d. opinion
20.Si Dr, Jose Rizal ay ating pambansang bayani. Anong uri ng pahayag ito?
a. katotohanan b. bunga c. sanhi d. opinion

Ang Tala ng Baler


Si Manuel L. Quezon ang unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipnas. Siya ay ipinanaganak noong
Agosto 19, 1878 sa Baler, Tayabas na ngayon ay lalawigan ng Aurora. Ang kaniyang ama ay si G. Lucio
Quezon at ang kaniyang ina ay si Gng. Maria Molina.
Matalino si Manuel. Lagi siyang nangunguna sa kaniyang klase. Nagsimula siyang mag-aral sa paaralan
ng mga pari sa Baler. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa mataas na paaralan at sa kolehiyo sa
Maynila. Nag-aral siya at nakapagtapos ng abogasya.

Nagsimulang maglingkod sa bayan si Manuel L. Quezon bilang isang piskal. Nahalal siyang gobernador at saka
kinatawan ng lalawigan ng Quezon. Nahalal siyang senador at siya ang kauna-unahang Pilipino na nagging
Pangulo ng Senado. Malaki ang kaniyang nagawa para mapagtibay ang Batas Tydings-McDuffie sa Kongreso
ng Amerika. Ang batas na ito ay nagtatakdang pagtatatag ng Komonwelth ng Pilipinas. Ito ay nagbigay ng
katiyakan ng kalayaan ng Pilipinas sa pamahalaan ng mga Amerikano. Nahalal na Pangulo ng Komonwelt si
Manuel L. Quezon.
21. Saan ipinanganak si Manuel L. Quezon?
a. Baler, Aurora b. Imus, Cavite c. Sta. Rosa City, Laguna d.
Rizal
22. Ano ang kabutihang naidulot ng Batas Tydings-McDuffie?
a. pagtatag ng pag-aklas b. pagtatag ng Komonwelt ng Pilipinas c. pagtatatag ng Republika ng
Pilipinas d. pagpapalaya sa Pilipinas

Panuto:Pag-aralan ang pormularyong nasa ibaba at maingat na isulat ang hinihinging impormasyon.(Aytem 23-
25)
MEMBERSHIP FORM
Pangalan: (1)_________________________________________
Baitang ;_(2)_________________________Kasarian _________
Kapanganakan (Petsa at lugar)(3)_________________________
Tirahan(4)_____________________________________________
Magulang(5)_____________________________________________
Aytem 1:
Gumuhit ng isang bilog na katamtaman ang laki. Sa loob nito, gumuhit ng isang bulaklak na may isang bulaklak
na may isang dahon sa bandang kaliwa ng stem o tangkay. Sa loob ng dahon, isulat ang salitang kaibigan sa
malalaking titik.
Aytem 2:
Gumuhit ng isang pirasong mansanas.Kulayan ito ng kulay pula. Hatiin ito sa dalawa nang patayo. Lagyan ng
bilang ang bawat nahating bahagi ng mansanas

You might also like