You are on page 1of 5

Advance Montessori Education Center of Isabela, Inc.

Maligaya, Tumauini, Isabela


Email: amecimontessori@gmail.com

MTB-MLE 3
Unang Markahan
S.Y. 2021-2022

Pangalan: ____________________________________________ Iskor: ___________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang tamang sagot sa bawat
bilang. Bilugan ang inyong sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapakilala ng sarili?


a. Ang pangalan ko po ay Chianne M. Reynes.
b. Ako ay si Chianne.
c. Chianne ang aking pangalan.

2. Paano mo ibabahagi ang iyong sarili at sariling karanasan sa iyong mga kaklase?
a. Gumamit ng mga salitang malalalim para mamangha ang iyong mga kaklase.
b. Kailangang maging matapat at totoo ka sa iyong sarili.
c. Sabihin ang mga impormasyon tungkol sa iyong sarili kahit di ito ay totoo.
3. Anong katangian mayroon si Hana sa sitwasyong ito?

Si Hana ay gumagamit siya ng salitang po at opo sa pakikipag-usap sa nakatatanda.


Nagmamano rin siya sa kamay ng kaniyang mga magulang bago umalis at pagdating ng
bahay. Kaya kinagigiliwan siya ng kaniyang pamilya.

a. magalang
b. mabait
c. masayahin
4. Anong katangian mayroon si Iya sa sitwasyong ito?

Isang araw, namili ng tinapay si Iya sa tindahan. Pag-uwi sa bahay ay napansin niyang labis
ang kaniyang natanggap na sukli. Isinauli niya ang labis na sukli sa tindera.

a. masipag b. matapat c. sinungaling


5. Anong katangian mayroon si Job sa sitwasyong ito?

Araw-araw ay may natitira sa perang baon ni Job. Hindi kasi siya palabili ng kung ano-ano.
Inihuhulog niya ang labis niyang pera sa kaniyang alkansiya.
a. matipid b. matakaw c. magastos
6. Ano ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa tao, hayop, lugar, bagay, at pangyayari.
a. pandiwa b. pang-uri c. pangngalan
7. Anong uri ng kailanan ng pangngalan ang tumutukoy sa pangngalang higit sa dalawa ang bilang.
Ang mga panandang ginagamit ay mga, sina, nina, kina, o iba pang pamilang na higit sa dalawa.
Kadalasan din itong may magkabilang panlaping ka- at -an o -han.

a. isahan b. dalawahan c. maramihan


8. Anong uri ng kailanan ng pangngalan ang nasalungguhitan sa pangungusap na ito?
Ang magkapatid ay nagmamano parati sa kanilang lolo at lola.
a. isahan b. dalawahan c. maramihan
9. Alin sa mga salita sa loob ng kahon ang kabilang sa di-kongkretong pangngalan?

mesa galit telebisyon pagsubok payong

a. pagsubok b. payong c. mesa


10. Ano ang tawag sa salitang maaari nating madama o mahawakan?
a. pamilang na pangngalan b. kongkretong pangngalan c. di-kongkretong pangngalan
11. Anong salita sa pangungusap ang kongretong pangngalan?
Sinasamba niya ang kanyang kagandahan sa salamin.
a. kagandahan b. salamin c. sinasamba
12. Alin sa mga sumusunod ang pangngalan na di-mabilang?
a. kama b. buhok c. lapis
13. Ano ang kaibahan ng pangngalang pamilang at di-pamilang?
a. Magkaiba ang dami.
b. Iba ibang lagayan ng panukat.
c. Ang pamilang ay pwedeng bilangin at ang di-pamilang na pangngalan ay hindi mabibilang.
14. Bakit mahalagang pag-aralan ang pagbibilang?
a. Mahalagang pag-aralan ang pagbibilang para sumikat.
b. Mahalagang pag-aralan ang pagbibilang upang yumaman.
c. Mahalagang pag-aralan ang pagbibilang upang hindi madaya.
15. Ano ang gagawin mo kapag hindi ka pa marunong magbilang?
a. Makinig at matuto. b. Mangopya sa kaklase.
c. Hihintayin na lang ang panahon na matuto.
16. Ano ang salitang ugat ng salitang lumakad?
a. lu b. luma c. lakad
17. Ano ang salitang mabubuo kung pagsasamahin ang lakas+an?
a. lakas b. lakasan c. asan
18. Ano ang panlapi na maaaring idagdag sa salitang tulong upang makabuo ng bagong salita na
ang ibig sabihin ay taong makatutulong sa bahay?
a. ka+tulong b. tu+tulong c. tulung+an
19. Anong salita o ekspresyon ang iyong gagamitin kung ang kaisipang ipinapahayag ay hindi
maaaring mangyari sa ating buhay at ito’y hindi makatotohanan?
a. umaasa b. gusto c. umaayaw
20. Anong ekspresyon ang dapat gamitin sa pangungusap na ito?
Ang kambal na sina Tanya at Tonyo ay mahilig manahi ng mga damit. Pareho silang _______ na
maging sikat na modista at sastre sa kanilang paglaki.
a. umaasa b. gusto c. umaayaw
21-25. Basahin ang tula at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang Ating Pananalita


ni: Maricel D. Cabasaan

Salubungin at mahalin natin


Pananalitang bigay sa atin
Gamitin at ating pagyamanin
Upang hindi makalilimutan
ang biyayang ating nakakamtan

21. Ano ang pinag-usapan sa tula?


a. Ito ay tungkol sa ating pananalita.
b. Ito ay tungkol sa pagkakaisa.
c. Ito ay tungkol sa ating pagkamakabayan.
22. Ilang taludtod ang ginawang tula?
a. 4 b. 5 c. 6
23. Ano ang ginamit na sukat ng tula?
a. 12 b. 11 c. 10
24. Ano-anong salita ang magkatugma sa huli?
a. natin-atin b. bigay-pagyamanin c. biyaya-gamitin
25. Bakit kailangang pagyamanin at gamitin ang ating mga pananalita?
a. Upang maging mayaman ang ating bansa.
b. Upang hindi makalimutan ang biyayang ating nakakamtan.
c. Upang mas maraming pumuntang turista sa ating bansa.
26-30. Piliin ang pangunahing ideya na nakapaloob sa mga sumusunod na teksto o talata. Bilugan
ang letra ng inyong sagot.

Ang bakuran ni Aling Nena ay natataniman ng iba’t ibang halaman. Maraming kapitbahay
26. niya ang natutuwa kapag nakikita ang mga halamang nakatanim dito. Kapag ito ay puwede
na niyang anihin, dinadala niya ito sa palengke upang ipagbili. Ang matitirang gulay ay
kanyang ipinamimibigay sa kanyang mga kapitbahay.

a. Ang bakuran ni Aling Nena ay natataniman ng iba’t ibang halaman.

b. Maraming kapitbahay niya ang natutuwa kapag nakikita ang mga halamang nakatanim
dito.

c. Idinadala ni Aling Nena ang kanyang pananim sa palengke upang ipagbili.

27. Tayong mga Pilipino ay mahilig sa musika. Kahit saan ka pumunta ay makaririnig ka ng mga
tugtugin na sinasabayan ng ating kapwa Pilipino.

a. Tayo ay mahilig kumanta.

b. Tayong mga Pilipino ay mahilig sa musika.

c. Sinasabayan ng Pilipino ang mga musika.

Nakikinig sa pangaral ng magulang si Karol. Siya ay palaging tumutulong sa paglilinis sa


28. kanilang silid– aralan. Kapag nakasalubong niya ang kanyang guro na maraming dala kanya
itong tinutulungan. Si Karol ay isang mabait na bata.

a. Kapag nakasalubong niya na maraming dala ang guro kanya itong tinutulungan.

b. Siya ay palaging tumutulong sa paglilinis sa kanilang silid–aralan.

c. Si Karol ay isang mabait na bata.

Ito ay hayop na tumutulong sa pag–aararo sa bukid at pag– aani ng mga gulay sa mga
29. sakahan. Ginagamit din ito bilang transportasyon sa mga lugar na walang maayos na daan.
Ang kalabaw ay ang ating pambansang hayop.

a. Ang kalabaw ay ang ating pambansang hayop.

b. Ang kalabaw ay tumutulong sa pag-aararo sa bukid.

c. Ginagamit ang kalabaw bilang transportasyon.

Ang ngipin ay dapat pangalagaan. Mula pagkabata ugaliin na ang pagsesepilyo ng ngipin
30. pagkatapos kumain. Iwasan ang pagkain ng kendi upang hindi masira ang mga ito.

a. Ang ngipin ay dapat pangalagaan.

b. Iwasan ang pagkain ng kendi upang hindi masira ang ngipin.


c. Mula pagkabata ugaliin na ang pagsesepilyo ng ngipin pagkatapos kumain.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

JESIECA C. BULAUAN CHICLETTE D. GANGAN


Guro Sabjek Koordineytor

Inirekomenda ni: Inaprubahan ni:

RIC JAY T. TULIAO JERIC T. VALDEZ


Head, Elem Dept. Punong Guro

Binigyang pansin ni:


NELIA Z-ANGULUAN, PhD
Direktor

You might also like