You are on page 1of 4

Advance Montessori Education Center of Isabela, Inc.

Maligaya, Tumauini, Isabela


Email: amecimontessori@gmail.com

MTB-MLE 3
PRACTICE TEST
S.Y. 2021-2022

Pangalan: ____________________________________________ Iskor: ___________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang tamang sagot sa bawat
bilang. Bilugan ang inyong sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapakilala ng sarili?


a. Ako ay si Chianne. Ako ay limang taon.
b. Chianne ang aking pangalan. Limang taong gulang.
c. Ang pangalan ko po ay Chianne M. Reynes. Ako po ay limang taong gulang.

2. Paano mo ibabahagi ang iyong sarili at sariling karanasan sa iyong mga kaklase?
a. Kailangang maging matapat at totoo ka sa iyong sarili.
b. Gumamit ng mga salitang malalalim para mamangha ang iyong mga kaklase.
c. Sabihin ang mga impormasyon tungkol sa iyong sarili kahit di ito ay totoo.
3. Anong katangian mayroon ang bata sa sitwasyong ito?

Inuutusan ka ng nanay mo na maghugas ng pinagkainan ninyo. Ngunit nagdabog ka


papasok sa inyong kuwarto.

a. sinungaling b. tamad c. mataray


4. Anong katangian mayroon si Ella sa sitwasyong ito?

May ibinigay na takdang aralin ang guro kay Ella. Kinagabihan, nagbrown-out. Ganon pa
man, tinapos niya ang kanyang takda gamit ang kandila.

a. antukin b. masayahin c. masigasig


5. Anong katangian mayroon si Job sa sitwasyong ito?

Araw-araw ay may natitira sa perang baon ni Job. Hindi kasi siya palabili ng kung ano-ano.
Inihuhulog niya ang labis niyang pera sa kaniyang alkansiya.

a. matipid b. matakaw c. magastos


6. Ano ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa tao, hayop, lugar, bagay, at pangyayari?
a. pandiwa b. pang-uri c. pangngalan
7. Anong uri ng kailanan ng pangngalan ang tumutukoy sa pangngalang higit sa dalawa ang bilang.
Ang mga panandang ginagamit ay mga, sina, nina, kina, o iba pang pamilang na higit sa dalawa.
Kadalasan din itong may magkabilang panlaping ka- at -an o -han?

a. isahan b. dalawahan c. maramihan


8. Alin sa mga salita sa loob ng kahon ang kabilang sa di-konkretong pangngalan?

mesa galit telebisyon pagsubok payong

a. pagsubok b. payong c. mesa


9. Ano ang tawag sa salitang maaari nating madama o mahawakan?
a. pamilang na pangngalan b. konkretong pangngalan c. di-konkretong pangngalan
10. Alin sa mga sumusunod ang pangngalan na di-mabilang?
a. kama b. buhok c. lapis
11. Ano ang kaibahan ng pangngalang pamilang at di-pamilang?
a. Magkaiba ang dami.
b. Ang pamilang ay pwedeng bilangin at ang di-pamilang na pangngalan ay hindi mabibilang.
c. Iba ibang lagayan ng panukat.
12. Bakit mahalagang pag-aralan ang pagbibilang?
a. Mahalagang pag-aralan ang pagbibilang upang yumaman.
b. Mahalagang pag-aralan ang pagbibilang para sumikat.
c. Mahalagang pag-aralan ang pagbibilang upang hindi madaya.
13. Ano ang salitang ugat ng salitang natulog?
a. natu b. tulog c. na
14. Ano ang panlapi na maaaring idagdag sa salitang tulong upang makabuo ng bagong salita na
ang ibig sabihin ay taong makatutulong sa bahay?
a. ka+tulong b. tu+tulong c. tulung+an
15. Anong ekspresyon ang dapat gamitin sa pangungusap na ito?
Ang kambal na sina Tanya at Tonyo ay mahilig manahi ng mga damit. Pareho silang _______ na
maging sikat na modista at sastre sa kanilang paglaki.
a. umaasa b. gusto c. umaayaw
Basahin ang tula at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang Ating Pananalita


ni: Maricel D. Cabasaan

Salubungin at mahalin natin


Pananalitang bigay sa atin
Gamitin at ating pagyamanin
Upang hindi makalilimutan
ang biyayang ating nakakamtan

16. Ilang taludtod ang ginawang tula?


a. 4 b. 5 c. 6
17. Ano ang ginamit na sukat ng tula?
a. 12 b. 11 c. 10
Piliin ang pangunahing ideya na nakapaloob sa mga sumusunod na teksto o talata. Bilugan ang
letra ng inyong sagot.

18. Tayong mga Pilipino ay mahilig sa musika. Kahit saan ka pumunta ay makaririnig ka ng mga
tugtugin na sinasabayan ng ating kapwa Pilipino.

a. Tayo ay mahilig kumanta.

b. Tayong mga Pilipino ay mahilig sa musika.

c. Sinasabayan ng Pilipino ang mga musika.

Masaya ang kaarawan ni Tina. Ipinaghanda siya ng kaniyang ina. Dumating din ang
19. kaniyang mga kaibigan upang siya ay batiin at bigyan ng munting regalo. Ang lahat ay
masayang nagsalo-salo sa handa ni Tina.

a. Masaya ang kaarawan ni Tina.

b. Maraming natanggap na regalo si Tina.

c. Masasarap ang pagkain na inihanda sa kaarawan ni Tina.

Nagsesepilyo ng ngipin si Obeng tuwing matapos kumain. Naliligo rin siya at nagbibihis nang
20. malinis na damit. Hindi rin niya hinahayaang matuyuan siya ng pawis. Malinis at maingat sa
katawan si Obet.

a. Nagsesepilyo ng ngipin si Obet.


b. Malinis at maingat sa katawan si Obet.
c. Araw-araw naliligo si Obet.
Inihanda ni: Iniwasto ni:

JESIECA C. BULAUAN CHICLETTE D. GANGAN


Guro Sabjek Koordineytor

Inirekomenda ni: Inaprubahan ni:

RIC JAY T. TULIAO JERIC T. VALDEZ


Head, Elem Dept. Punong Guro

Binigyang pansin ni:


NELIA Z-ANGULUAN, PhD
Direktor

You might also like