You are on page 1of 2

ST.

TERESA’S SCHOOL OF VALLADOLID


6019 Garrieta Heights, Valladolid, Carcar City, Cebu
Telefax No. (032) 3242791 Email Add. St.teresa_school@ymail.com
Member •Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP)
*CEAP-CEPA *CEAP-CESSPA

NAME: ______________ ______DATE:


GRADE & SECTION: ___________________ __ _______ SCORE: ____________________

Panghuling Pagsusulit sa
FILIPINO 8
I.Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba. Isulat sa hiwalay na papel ang letra ng
tamang sagot.

1.Ano ang paksa ng pamatnubay na ito? Ibabalik na ang klase sa face to face ngayong darating na
pasukan.
a.ang ibabalik na klase c.ang klase na face to face
b.ang face to face ngayon d.ang darating na pasukan
2.Paano isinaayos ang pamagat na: Huling-halinghing at Hiling ni Huling?
a.mahaba b.malaki c.maikli d. napakaikli
3.Ano ang ibig sabihin ng salitang nakaitim sa: Daming ebas ni kuys.
a.base b.ebs c.baso d. sabi
4.Ano ang kahulugan ng piybertdey na ginagamit ng kabataan sa multimedia?
a.baby day b. pay day c.happy birthday d.puppy day
5.Bakit naging “baby” ang salitang “bb”?
a.dahil katunog ang bigkas c.dahil umaayon sa nasa uso
b.dahil sosyal ang sumulat d.dahil may kamukhang mga letra
6.Ano ang unang dapat gawin sa pangangalap ng datos sa pananaliksik?
a.Mangolekta ng mga datos sa iba’t ibang lugar.
b.Alamin ang paksang gagawan ng pananaliksik.
c.Bumuo ng balangkas sa pagkakasunod-sunod.
d.Iayos ang nakolekta nang ayon sa binuong balangkas.
7.Alin sa mga sumusunod ang mapagkukunan ng datos kaugnay sa iba’t ibang larawang kinahihiligan ng
kabataan?
a.Instagram b. Viber c.Twitter d. Youtube
8.Anong uri ng ulat ang ibinigay bilang assignment sa isang tagapagbalita?
a.‘di sinadya b.pahabol c.itinalaga d.panubaybay
9.Anong uri ng komunikasyon ang kabuuan ng pangungusap: Mga lodicakes, efas na ba sa haus?
a.impormal b.pambansa c.malapormal d. pormal
10.Anong mga impormal na salita ang ginagamit kung nais sabihin ng kabataan ang “malungkot na
lalaki/babae”?
a.bessywap b.lodicakes c.cry baby d.sadboi/gurl
II. Panuto: Tukuyin kung katotohanan, hinuha, opinyon o personal na interpretasyon ang mga sumusunod
na pahayag. Bilugan ang letra ng iyong sagot.

1. Ayon sa sikat na manghuhulang si Rudy Baldwin, asahan na natin ang mga sunod-sunod na lindol
sa mga susunod na araw.
a. hinuha b.. opinyon c.katotohanan d. personal na
interpretasyon
2. Malabo nang maibalik ang face to face classes ngayong Taong Panuruang 2020-2021.
a. hinuha b.opinyon c.katotohanan d.personal na interpretasyon
3. Posibleng ibalik sa lockdown ang Pilipinas sa sandaling makapasok sa bansa ang bagong strain
ng COVID-19.
a. hinuha b. opinyon c.katotohanan d. personal na interpretasyon
4. Para sa akin, marami pa ring dapat ipagpasalamat sa kabila ng mga suliraning naganap sa
nagdaang taong 2020.
a. hinuha b.opinyon c.katotohanan d.personal na interpretasyon
5. Sa tingin ko, bumaba ang bilang ng krimen ngayong 2020 dahil sa matagal na namalagi ang mga
tao sa kanilang tahanan.
a. hinuha b. opinyon c.katotohanan d. personal na interpretasyon
6. Masuwerte raw ang mga ipinanganak ng Year of the Rooster ngayong taong 2021.

a. hinuha b. opinyon c.katotohanan d. personal na interpretasyon


7. Maagang nagbabala ang World Health Organization (WHO) na ang COVID-19 pandemic ay hindi
magiging kahuli-hulihan dahil sa inaasahang may mga susunod pang katulad nito sa hinaharap.
a. hinuha b. opinion c.katotohanan d. personal na interpretasyon
8. Sinabi ni Pangulong Duterte na karamihan sa mga nabakunahan kontra COVID-19 ay halos lahat
ng mga miyembro ng militar at mula sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).
a. hinuha b. opinyon c.katotohanan d. personal na interpretasyon
9. Umasa ang may 50% ng mga Pilipino ng masayang Pasko kahit may COVID-19 pandemic, batay
sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations noong nakaraang Kapaskuhan.
a. hinuha b. opinyon c.katotohanan d. personal na interpretasyon
10. Ayon kay DA Secretary William Dar, mahigit 213,500 baboy mula sa Visayas at Mindanao ang
naipasok sa Metro Manila at kalapit-lalawigan para punan ang malaking demand dito noong
holiday season.
a. hinuha b. opinyon c.katotohanan d. personal na interpretasyon

III. Panuto: Salungguhitan ang pandiwa sa sumusunod na pangungusap.Isulat sa patlang kung anong
aspeto ito.
______________________1.May isang babaeng naglalakad mag-isa sa palayan.
______________________2.Nag-araro sa kanyang sakahan ang ama ng aking kaklase.
______________________3. Mahimbing natutulog ang aking kapatid.
______________________4.Mabahang panahon ang ginugol ni Pet para sa ambisyon sa buhay.
______________________5. Maaga siyang umuwi para matulungan pa niya ang nanay sa gawaing
bahay.
______________________6. Papasyalan nina Maria ang Boracay.
______________________7.Pagsasabihan niya ang anak sa mali niyang gawain.
______________________8.Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas kaya sikat siya sa aming baryo.
______________________9.Masama ang magmamaktol sa mga nakatatanda sa iyo.
______________________10.Pinakiusapan na kita ngunit ayaw mo.

You might also like