You are on page 1of 4

Department of Education

REGION VI – WESTERN VISAYAS


DIVISION OF BACOLOD CITY
ABKASA National High School
Bacolod City
WEEKLY HOME LEARNING PLAN

FILIPINO
Grade 9
(December 4-10,2020)

I. Pagsusulit: Basahin ng mabuti at sagutin ang bawat katanungan

II. Alamin at tiyakin kung anong uri ng sago tang isinasaad sa Panuto.

III. Test I. (1-10 Bilugan lamang ang letra ng tamang sagot.)

Test II. 10 pts. 1-5 Bilugan lamang ang letra ng tamang sagot
6-10 Isulat kung ito’y makatotohanan o di-makatotohanan

Test III. (Kilalanin kung ang pahayag ay Opinyon o makatotohanan

Paalala:
A. Pagkatapos sagutin ang mga katanungan, ipagwawasto ang inyong mga pagsusulit. Ang gabay
sa pagwawasto ay makikita sa inyong “Weekly Home Learning Plan”. Isulat ang score sa itaas na
bahagi ng sagutang papel.
B. Ang inyong questionnaire pwede niyo magamit na sagutang papel. Lagyan niyo ng pangalan,
taon at seksyon.

Pagwawasto:
Test I: 1.B /2.A /3.A / 4.B / 5.B / 6.A / 7.D / 8.A / 9.A / 10.A
Test II: 1.C / 2.A / 3.D / 4.C / 5.B 6. di- makatotohanan 7. di- makatotohanan
8. di- makatotohanan 9. makatotohanan 10. makatotohanan
Test III: Depende sa inyong sariling paghuhusga ang pagwawasto ng mga kasagutan.

Prepared by:

SHIRLEY G. TAMAYO Noted by:


Filipino Teacher
GENEROSE P. ENTRINA
PRINCIPAL
9 9

Filipino
Unang Markahang Pagsusulit
Pangalan: _______________________________________ Petsa: ______________ ISKOR

Taon at Seksyon: ________________


UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 9
(Dec. 7-11, 2020)

TEST I. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang sumusunod na mga pahayag. Sagutin ang bawat
tanong sa pamamagitan ng pagpili nang tamang letra. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.

1. Nagsimulang maglampaso ng baldosa si Bill. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. lababo c. bintana
b. sahig d. balkonahe
2. Tuwing pista ng kanilang bayan, ang lahat ng magsasaka ay pumaparoon sa malaking bahay ng may-ari ng
lupa at tumulong sa karaniwang malaking handaan. Anong gawain ang sumasalamin sa ginawa ng mga
magsasaka?
a. kaugalian c. gawain na ipinagmamalaki ng isang magsasaka
b. isang gawain na hindi maiiwasan d. gawain na nakapagpasaya ng taga nayon
3. Walang katarungan sa mundong ito. Hindi binibigyan ng pagkakataong manatiling tapat ang mga taong
maging tapat. Anong damdamin ang nangibabaw sa pahayag?
a. galit c. nalulungkot
b. nagsisi d. nasisiyahan
4. “Kahit huwad ang mga korporasyong itatayo natin, meron pa ring pagkakagastusan, tulad ng buwis,
mga sertipiko, at marami pang iba.”
a. kabutihan c. katotohanan
b. kagandahan d. opinion
5. Sa tingin ko nakababahala na ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa virus na COVID-19 sa Metro Cebu.
Ano ang ipinahihiwatig ng salitang sinalungguhitan?
a. katotohanan c. pahayag lamang
b. opinion d. pag-aalala
6. “Sa kalkulasyon ng ating Partido, kailangan ang mahigit kumulang sa tatlong milyon para Manalo sa darating
na eleksiyon.”
a. katotohanan c. kagandahan
b. kabutihan d. kawalang-bahala
7. Bakit kaya marami pa sa mga kababayan natin ang hindi tumitigil sa paninigarilyo kahit puspusang
ipinapaalam ng WHO na ito ay nakamamatay?
a. walang pakialam at matigas ang ulo
b. masarap kasi
c. naging buhay na rin namin ang paninigarilyo, magkasakit kami kapag ihihinto
namin ang paninigarilyo.
d. Walang eksaktong “information campaign” laban sa masamang dulot ng
paninigarilyo.
8. Dumating na humangos si Bill. Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
a. humihingal c. nagmamadali
b. tumatakbo d. kumaripas
9. Hindi mataho ni Alice ang tunay na pagkatao ni Andy. Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
a. maunawaan c. magustuhan
b. mahulaan d. mabasa
10.Mula sa nobelang “Takipsilim sa Dyakarta”, alin sa mga pangyayarito rito ang mauri bilang tao laban sa
sarili?
a. Gusto mo bang maging masama ako gaya ng iba? Sigaw ni Sugeng. Pabalik-balik sa kaniyang pandinig ang
sigaw niyang iyon.
b. “Baka walang pera”, naisaloob ni Dahlia.
c. Nadama ni Hasnah ang katapatan sa kaniyang pagsasalita
d. Nagtama ang kanilang mga tingin at kapwa sila napangiti.
TEST II. Basahin at unawain ang mga tanong at piliin ang tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sagot sa
sagutang papel.

1. Ang nobelang “Isang Libo’t, Isang Gabi” ay mula sa bansang _______________.


A. Turkey B. Indonesia C. Saudi Arabia D. India

2. Ang unang taong pinuntahan ng babae para hingian ng tulong para mapalaya ang kaniyang minamahal.
A. Pulis B. Cadi C. Vizier D. Hari

3. Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga na pinaghahabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani
sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila.
A. damdamin B. tauhan C. tagpuan D. pangyayari

4. Ang lalaking nakulong ay kaano-ano ng pangunahing tauhan?


A. Kapatid B. Kaibigan C. Iniibig D. Tiyuhin

5. Saan kinulong ng babae ang mga lalaking may masamang balak sa


kanya?
A. Baul B.Kabinet C. Silid D. Bodega

Basahing mabuti ang mga seleksyon. Tukuyin kung itoý makatotohanan o di-makatotohanan.

1. Ang babae ay hindi nagsisinungaling na kapatid niya ang nakulong.

2. Tapat ang mga kalalakihan sa pag-alok ng tulong sa babae.

3. Ang karpintero ay naningil ng pera sa ginawang kabinet.

4. Ang hari ay dumating sa napagkasunduang oras.

5. Nakulong sa kabinet ang limang kalalakihan.

TEST III. Basahin at kilalanin ang mga sumusunod na pahayag kung OPINYON o KATOTOHANAN.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Humihingi ng bayad ang ibang bumbero bago patayin ang sunog.

2. May mga taong ang gagawin ay magsilbi ng kapwa.

3. Walang basurerong yumayaman.

4. Ang mga magsasaka ang gumagawa ng ating kinakaing mga bigas.

5. Sa initan nagtatanim ang mga magsasaka.

6. May nanghihila sa ilog na iyon kung kaya’t marami ang namamatay at nalulunod sa tuwing maliligo.

7. Ang babae lang ang dapat na gumawa ng gawaing bahay.

8. Matigas ang bato.

9. Sang-ayon kay nanay, bagay sa akin ang maging guro paglaki ko.

10. Mas gusto ko ang kapatid na babae kaysa sa lalaki.

You might also like