You are on page 1of 3

Si Job sa Bayan ng Ur

(Isang Kuwentong Hango sa Bibliya)

Sa kasaganaan at kapahamakan kailangang purihin ang Diyos.


Kung may kinalulugdan ang Diyos noong unang panahon sa Matandang Tipan ay walang
iba kundi si Job. Ang lalaking ito ang kinilala ng Diyos na siyang pinakamatuwid sa lahat ng
kanyang mga lingkod mula sa lipi ni Abraham- isang salinlahi sa nunong si Adan at Eba.
Kaya, si Job ay pinagpala ng Diyos. Kinilala siyang pinakamayaman sa bayan ng Ur. Siya
ang may pinakamaluwang na lupaing inaanihan ng maraming trigo. May limandaan siyang asno,
limang daang baka, isang libong tupa na nanginginain sa maluluwang na kaparangan ng Ur.
Pinagkalooban din siya ng pitong anak na babae at tatlong anak na lalaki na lubhang
magaganda at makikisig at asawang lubhang mapagmahal at ubod ng ganda.
Ang lahat ng mga pagpapalang ito ay bunga ng kanyang katapatan sa Diyos. Masunurin
siya sa lahat ng ipinag- uutos. Lagi siyang nananalangin araw- gabi. May nakalaan siyang handog
sa dakilang Dambana tuwing anihan. Pinipili niya ang pinakamatatabang uhay, pinakamalulusog
at matatabang guya na inihahandog sa dakilang Lumikha na pinagkakautangan niya ng lahat ng
biyayang tinatamasa niya at ng kanyang mga anak at asawa.
Dahil dito, natitigan siya ni Satanas na lagi nang naghahanap ng mabubuting tao upang
itoy tuksuhin.
Isang araw ay hiniyawan ni Satanas ang Diyos at sinabing. Hayaan mong subukin ko si
Job upang mapatunayan kung talagang siya ay Iyo o sa akin!
Satanashindi mo makukuha sa akin si Job. Siyay isang matuwid na alipin at siyay
nasa- akin!sagot ng Diyos.
Kung gayon, alisin natin ang kanyang kayamanan at ikay iiwan niya! hamon ni
Satanas.
Gawin mo ang iyong ibig Satanas ngunit ingatan mo lamang ang kanyang buhay, sabi
ng Diyos. Sa oras ding iyon ay pinagalit ni Satanas ang mga tulisang Sabeo at nilusob ng mga ito
ang bakahan, ang kawan ng mga asno at tupahan at pinagpapatay na lahat, pati ang mga pastol
na nangangalaga sa mga ito, maliban sa isa na hindi pinatay upang utusang umuwi at sabihin
kay Job ang nangyari.
Umuwi ka ngayon din at sabihin mo sa iyong Amang Job ang nangyari, anang pinuno ng
Sabeo.

Malayo pay humihiyaw na ang pastol nang makarating sa bakuran ng malaking bahay
ni Job. Amang Job! Dinggin mo ang tinig ng iyong Pastol!
Nagmamadaling lumabas si Job. Bakit, anong nangayari, magsalita ka Pastol!
Sinalakay kami ng mga Sabeo, Amang Job, at pinatay na lahat ang ating mga hayop
sampu n gating mga pastol. Ako lang po ang natira!
Tumingala sa langit si Job.Purihin ang Diyos sa kanyang kalooban.
Muling tumingala si Satanas sa langit. Diyos! Hinahamon kitang muli sa unang
pagsubok ay nanatiling matuwid sa Iyo si Job. Ngunit sa susunod ay tiyak na iiwan Ka na niya.
Sumagot ang Diyos, Satanas, gawin mo ang iyong nais ingatan mo lang ang kanyang
buhay.
Mula sa kapangyarihan ng impiyernong pinananahanan ni Satanas ay nagpagulong ito ng
mga bolang apoy at tinupok na lahat ang mga tahanan ng mga anak ni Job na sa mga sandaling
iyon ay nagpipista. Kasamang natupok ang lahat ng kanyang mga anak, maliban sa isang batang
mabilis na nakatakas at humahangos na nagsumbong kay Job.
Amang Job natupok po ang mga bahay ng inyong mga anak at pati na sila. Ako
lamang po ang nakaligtas upang magbalita ng mga pangyayari!
Muling tumingala si Job sa langit. Diyos na dakila, anito at ginahak ang kasuotang lino,
purihin ang Iyong dakilang kalooban!
Si Job sa kabila ng lahat ay nanatiling mabuti at matuwid na lingkod ng Diyos.
Sa ngayon, muling humiyaw sa langit si Satanas. Diyos, pinahahanga ako ng Iyong anak
na si Job. Dakila siya at matuwid. Tapat siyang lingkod Mo Subalit sa huli kong pagsubok ay
tiyak na iiwan Ka niya.
Muling sumagot ang Diyos, Satanas si Job ay isang subok na Anak. Siya ay
mananatiling matuwid sa harap Ko!
Sumambulak ang halakhak ni Satanas. Halos magiba ang langit sa kanyang
halakhak,Nagkakamali ka! Kung muli mong ipapasubok sa akin si Job tiyak na iiwan Ka niya!
Sumagot ang Diyos kay Satanas, gawin mo ang iyong ibig ingatan mo lamang ang
kanyang buhay.
Noon din, si Job ay tinubuan sa buong katawan, maging sa mukha at sa ulo, ng
maraming sugat na nagnananak. Makirot at mabaho.

Nagulat si Job sa nangyari. Hindi niya maubus- maisip kung paano nagkaganoon ang
kanyang buong katawan. Tumingala siya sa langit, Diyos ko, may luha ang kanyang
tinig,Anong parusa itong ipinagkaloob Mo sa akin? Ako ba ay nagkulang sa Iyo? Ako bay may
nagawang kasalanan? Diyos, kung itoy isang pagsubok, maging buhay ko ay kaya kong
ipagkaloob sa Iyo yayamang ito ay sa iyo nagmula Purihin ang Iyong dakilang kapangyarihan!
Nang makita siya ng kanyangasawa ay naghilakbot ito at sinabunutan ang buhok, nilapak
ang baro, tumingala sa langit at malakas na humiyaw, Diyos, anong katampalasan ang ginawa
Mo sa amin? Kinuha Mong lahat ang aming pag- aari, pinatay mo ang aming mga anak at
ngayoy pinuspos mo ng sugat ang pinakamatuwid mong lingkod na si Job! at nagpalahaw ng
panangis. At pagkuway hinarap si Job, Ikaw! Ano ang kasalanan Mo sa Diyos? Hindi ba ikaw ay
naghandog ng mga handog na susunugin? Hindi ba ikaw ay dumadalangin at sumasamba sa
Kanya araw- gabi? Ikaw na pinakamatuwid na anak Niya sa bayan ng Ur ay makmak ng sugat
ngayon nakapandidiri nakasusuklam! Lubayan mo na ang kadadalangin sa Diyos mo!
Papatayin ka ng Diyos mo!
Mula sa di- makagulapay na pagkalupasay ni Job sa sahig ay nagpilit tumayo at ang sabi,
Hoy, hangal na babae na puno ng mga kapusungan ang bibig at pinuspos ng kasamaan ang
budhi making kang mabuti Ang Diyos ang dakila sa lahat. Siya ang bukal ng lahat ng bagay.
Siya ang nagbigay at siya ang bumabawi Diyata ba namat natuto kang tumanggap ng mabuti
ay hindi matutong tumanggap ng masama?
Sa kabila ng lahat ay nanatiling matuwid si Job sa paningin ng Diyos at sa lahat ng ito ay
hindi siya nagkasala.
Napahiya si Satanas. Kasabay ng alimbukay ng usok na buhay sa impiyerno ay pinahayo
siya ng Diyos upang layuan si Job.
At bunga ng gayong kabanalan at pagiging matapat sa Diyos, ang lahat ng ari- arian ni
Job ay muling nagbalik sa kanya nang higit pa sa nauna. At ang kanyang asawa ay muling
nagsilang ng mga anak na higit na magaganda at makikisig kaysa nauna.

You might also like