You are on page 1of 2

NAGTAGUMPAY SA PAGSUBOK

Tagpuan:        Sa isang bayang malapit sa Palestina.


                         Maraming taon bago isinilang si Jesus.

Mga Tauhan: -       Job – Pinakamayaman sa lupain ng Us,di kalayuan sa Palestina

1. Diyos
2. Satanas
3. Asawa ni Job
4. Kaibigan 1
5. Kaibigan 2

Unang Tagpo

Tagapagsalaysay: Si Job ang pinakamayaman sa lupain ng Us,di kalayuan sa  Palestina. Saan man siya
bumaling ay natatanaw ang marami niyang hayupan,bukirin at mga katulong.Isang araw ay may kaunting salu-
salo sa tahanan ni Job.

Job : Mga anak,nadagdagan na naman ang kawan natin ng isang libong tupa. Purihin at pasalamatan natin ang
Diyos sa kanyang mga biyaya. Purihin at pasalamatan din natin Siya sa pagkakaloob ng mabubuting anak na
mapagmahal sa magulang at tapat na kaibigan.

Kaibigan 1: Ito pala ang lihim ng tagumpay ni Job.

Kaibigan 2: May mabuting loob siya kaya naman pinagpapala ng Diyos ang
kanyang kabaitan.

Tagapagsalaysay : Nasisiyahan ang Diyos kay Job at ikinaiinis ito ni Satanas.

TINIG NI SATANAS: Mabait lang si Job,pagkat pinagpapala mo siya. Pabayaan


mong ligaligin ko siya. Tignan lang natin kung hindi ka niya makalimutan.

TINIG NG DIYOS : Malaki ang tiwala ko kay Job. Sige, bigyan mo siya ng pagsubok. Huwag mo lamang kukunin
ang kanyang buhay. Ano kayang pagsubok pagsubok ang ibibigay ni Satanas kay Job?

TAGAPAGSALAYSAY: Sinalakay ng mga tulisan ang mga pastulan ni Job.Marami silang tinangay na tupa at
marami ring katulong ang napatay. Sumunod ay kidlat na pumuksa sa nalalabi niyang hayop at tauhan.At
pagkatapos ay isang buhawi ang nagwasak sa kanyang tahanan na kinaruruonan ng kanyang mga anak.
Namatay lahat ang mga anak ni Job.

JOB : Labis na ang kaapihang ito! Hindi na baling mawala ang kayamanan ko ngunit ang aking mga anak !. Oh,
Panginoon ko ! Ngunit luwalhati ang pangalan mo . Kayo po ang nagkaloob sa akin ng mga anak. Kayo rin po
ang bumawi. Sino ako upang magtanong ng inyong kalooban?

TINIG NG DIYOS:  Nakita mo na? Tapat sa akin si Job. Hindi niya ako itatakwil.

TINIG NI SATANAS: Bayaan mong bigyan ko siya ng karamdaman,lalaitin ka niya.

TINIG NG DIYOS : Ikaw ang bahala. Huwag mo lamang kukunin ang kanyang buhay.

TAGAPAGSALAYSAY : Tinubuan ng mga singaw ang buong katawan ni Job. Pinandirihan siya ng mga tao at
nawalan ng pag-asa ang kanyang asawa.

ASAWA:  Nasaan ngayon ang pananalig mo sa Diyos? Bakit hindi mo siya sumpain? Tignan mo ang iyong
kalagayan ngayon! Dihamak na mabuti pa ang ikaw ay mamatay!

JOB : Bayaan mo na ako. Biyaya ito ng Maykapal. Diyos ang bahala sa akin.

ASAWA : Nakalimutan ka na ng iyong Diyos! Tignan mo ang ayos mo. Namimilipit ka sa sakit at kirot na
nadarama. Malupit pala ang Diyos mo!

TAGAPAGSALAYSAY : Minsay dinalaw siya ng mga kaibigan.

KAIBIGAN 1: Hindi ba’t makatarungan ka, Job? Bakit ka kaya nagkaganito?


JOB : Ewan ko ba! Sanay hindiu na lang ako isinilang!

KAIBIGAN 1: Huwag mong sabihin iyan.Lahat ay nagkakasala at pinagdurusa.

JOB: Hindi ko alam kung kailan at paano ako nagkasala. Kung anumang naging pagkakasala ko, malabis
naman yata ang singil na ito.

KAIBIGAN 1:   Ang Panginoo’y may katarungan Job. Ikaw ang may pagkukulang.May lihim na kasalanang di mo
inaamin sa kanya.

JOB: Wala akong nagagawang lihim na pagkakasala. Ang Diyos ay nagbigay ng buhay. Siya rin ang kukuha ng
ibinigay Niya. Hindi ako pababayaan ng Diyos.

KAIBIGAN 2: Ang pagdurusa ay hindi laging kaparusahan. Kadalasan,ito’y paraan ng Diyos upang lalong
tumibay ang isang tao.

TINIG NG DIYOS : Bakit kayo nangungusap ng mga bagay na di mo  nauunawaan? Nasaan ka ng likhain ko ang
lupa,ang mga araw at gabi? Kaya ba nyong magpakidlat? Ang agila ba’y mauutusan ninyong lumipad? Kinikilala
ni Job ang karunungan ko sa mga bagay na ‘to. Kaya kilalanin iyon sa lahat ng bagay upang ako’ypanaligan
ninyo!

JOB :  Patawad,Panginoon! Sarili ko lamang ang aking isinaalang-alang.Kinikilala ko po ang Inyong


kapangyarihan.

TAGAPAGSALAYSAY: Nagtagumpay si Job sa pagsubok. Kinalugdan siya ng Diyos. Nawala ang kanyang


karamdaman at di-kalaunan’y nagkaanak siya muli at nag-ibayo pa ang kanyang kayamanan.

You might also like