You are on page 1of 4

Pagdiriwang ng Salita ng Diyos ukol sa Yumao

I. Pambungad na Awit (Pananagutan)

NAMUMUNO: Sa ngalang ng Ama, Anak, at Espiritu Santo.


LAHAT: AMEN

NAMUMUNO: Mga kapatid, tayo ay natitipon ngayon sa harap ng labi ng ating Kapatid na si
___________. Siya ay yumao na at sa kanyang pamamahinga taglay ang pag-asang siyang
muling mabubuhay . Tunghayan sana natin ang Krus ng Panginoong Hesus at mula sa
kaibuturan ng ating puso, ihayag natin ang paniniwalang sapagkat ang Diyos ay Diyos ng mga
buhay. Kaya nga’t kasama ni Hesus manalangin tayo sa Ama ukol sa taing yumaong kapatid na
si _____________.

PANANALANGIN:
NAMUMUNO: O Amang Lumikha, lahat ng iyong kinapal na namamatay, dahil sa Iyo ay
mananatiling buhay. Dahil din sa iyo, an gaming mga katawan ay hindi naglalaho sa aming
pagkamatay kundi dumaranas lamang ng maluwalhating pagbabago. Tinatanggap naming ng
maluwag sa kalooban ang pagyao nitong kapatid na si ______, yayamang siya ay tinawag mo sa
iyong piling. Kung anuman ang kanyang pagkukulang ay patawarin Mo na sana. Isaalang-alang
mo ang mga dinanas n’yang kahirapan at kanayang katapatan sa Iyo at sa kanyang mga mahal sa
buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong Anak Mo, na nabubuhay kasama Mo at
ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

LAHAT: Amen
AWIT: Isang Pananampalataya

II. SALITA NG DIYOS

NAMUMUNO: Pakinggan po natin ang unang pagbasa

PAGBASA MULA SA AKLAT NI JOB ( Job 1:1; 13-21 )

Sa lupain ng Us ay may isang taong nagngangalang Job. Siya ay napakabait at walang


maipipintas sa kanyang pagkatao. Nagpipitagan siya sa Diyos at umiiwas sa anumang kasamaan.
Isang araw ang kanyang mga anak na babae at lalaki ay masayang nagkakainan at nagiinuman
sa bahay ng kuya nila. May dumating na isang tagapagbalita na nagsabi kay Job, “Ang iyong
mga baka ay nasa bukid, at ang iyong mga kabayo ay nanginginain, nang may dumating na mga
tulisan at kinuha ang mga hayop. Pinatay nila ang mga tagapagalaga at ako lamang ang
nakaligtas upang ibalita ito sa iyo.” Samantalang nagsasalita pa ang unang tagapagbalita ay may
dumating na naming isang tao na nagsabi: “Kumidlat at tinamaan ang iyong mga tupa at mga
pastol, at ako lamng ang nakaligtas upang ibalita ito sa iyo.”

May dumating pang isang tao na ang sabi: “May mga msasamang loob na nagnakaw ng
iyong mga kamelyo at pinagpapatay nila ang mga tagapag-alaga nito at ako lamang ang
nakaligtas upang ibalita ito sa iyo.”
May isa pang dumating na tao na nagbalita: “Ang mga anak mo ay nagkakainan at nag-iinuman
sa bahay ng kuya nila nang may dumating na ipu-ipong malakas at tinangay ang bahay.
Bumagsak ang gusali sa mga tao roon at silang lahat ay namatay, at ako lamang ang nakaligtas
upang ibalita sa iyo.”

Sa malaking kalungkutan ay sinira ni Job ang kanyang damit, pinutol niya ang kanyang
buhok, nagpatirapa siya sa lupa at kanyang sinabi: “Wala akong damit ng isilang ako sa daigdig
at babalik ako sa alabok ng walang damit. Ang Poong Maykapal ang nagbigay, ang bumabawi
rin ay ang Poong Maykapal. Purihin Siya at ipagdangal ngayon at magpakailanman.”

Ang Salita ng Diyos.

LAHAT: Salamat sa Diyos.


AWIT: ANG PANGINOON AY ANG AKING PASTOL

NAMUMUNO: Pakinggan po natin ang Ikalawang pagbasa.

PAGBASA MULA SA UNANG SULAT NI APOSTOL SAN PABLO SA MGA TAGA-


CORINTO (1CORINTO 15: 35-40, 42, 53-55-58)

May magsasabi: “Paano mabubuhay ang mga patay? Ano ang magiging katawan nila?”
Tayong walang nalalaman, hindi ba’t ang binhi ay hindi uusbong kung hindi muna ito ipupunla
at mamatay? Kunag kayo ay magpupunla, ang iyong inihahasik ay binhi at hindi ang tumubo
nang uhay ng patay. Ang Diyos ay nagbibigay ng katawan ayon sa kanayang kalooban at bawat
binhi ay may kauukulang katawan. Hindi magkakatulad ang mga katwan. May katawang ukol sa
mga tao, may katawang ukol sa mga hayop, may katawang ukol sa mga ibon, may katawang
ukol sa mga isda, kaya ganun din ang pagkabuhay ng mga patay.

Ang Salita ng Diyos

LAHAT: Salamat sa Diyos

AWIT: UMASA KA SA DIYOS


AWIT: ALLELUYA

NAMUMUNO: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN JUAN

L: Papuri sa Iyo Panginoon

(JUAN 11:1-45)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon,

L: Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo

AWIT: AWIT NG PAGHAHANGAD


III. PANGWAKAS

NAMUMUNO: Mga kapatid, sa Diyos Amang makapangyarihan , na bumuhay kay Hesus mula
kamatayan at nagbigay sa mga yumao ng maluwalhating katawan, at manalangin tayong lahat at
ating sam bitin: **AMA NAMING MINAMAHAL, ANG IYONG MGA ANAK AY BIGYAN
MO NG BUHAY. (ulitin po natin)

N: Upang ang mga inilibing sa kamatayan ni Hesus sa pamamagitan ng binyag, ay lagging


mabuhay dahil kay Hesus at sa pagyao sa daigdig na ito ay lagging magtaglay ng bago at walang
katapusang buhay ni Hesus, Tayo’y manalangin.
L: AMA NAMING MINAMAHAL, ANG IYONG MGA ANAK AY BIGYAN MO NG
BUHAY

N: Upang ang mga binigyan ng Banal na Tinapay; na katawan ni Hesus ay lagging magtaglay ng
kanyang bagong buhay ngayon at magpasa walang hanggan, ating isamo.
L: AMA NAMING MINAMAHAL, ANG IYONG MGA ANAK AY BIGYAN MO NG
BUHAY

N: Upang tayong mga iniwan ng ating yumaong kapatid na si ___________ ay maaliw ng


pangako ni Hesus na tayong naniniwala sa kanya ay hindi mamamatay at kanyang makakasama
sa Buhay na Walang Hanggan, Tayo’y Manalangin
L; AMA NAMING MINAMAHAL, ANG IYONG MGA ANAK AY BIGYAN MO NG
BUHAY

N: Upang an gating kapatid na yumao na si __________ ay magkamit ng patawad sa Maykapal


at sa kapwa tao ukol sa mga nagawa niyang pag kukulang, Hilingin natin sa Amang minamahal
L: AMA NAMING MINAMAHAL, ANG IYONG MGA ANAK AY BIGYAN MO NG
BUHAY

N: Upang sa paglisan ng ating kapatid na Yumao na si __________, upang tayong mga naiwan
nya ay mabuklod sa diwa ng pagdadamayan at magpatuloy sa mga kabutihan na kanyang
pinasimulan, Hilingin natin sa Amang Minamahal.
L: AMA NAMING MINAMAHAL, ANG IYONG MGA ANAK AY BIGYAN MO NG
BUHAY

NAMUMUNO: Mga kapatid, manalangin tayo kay Hesus na naghirap at namatay ukol sa
kapakanan nating lahat, yayamang nakikiisa na ngayon sa Kanya an gating yumaong kapatid na
si ____________, hilingin natin sa Panginoong Hesus na ipadama niya ang kanyang awa sa ating
yumaong kapatid na si ___________ at sa ating lahat na kanyang naiwan, Ating sambitin:
TANGGAPIN MO SA IYONG LIGAYA SI ___________ NA YUMAO NA. (ulitin po natin)

N: O Hesus, alang-alang sa tampal na tinanggap ng iyong kagalang-galang na Mukha


Lahat: TANGGAPIN MO SA IYONG LIGAYA SI ___________ NA YUMAO NA.

N: O Hesus, alang-alang sa masasakit na hampas na iyong tiniis.


Lahat: TANGGAPIN MO SA IYONG LIGAYA SI ___________ NA YUMAO NA.

N: O Hesus, alang-alang sa tampal na tinanggap ng iyong kagalang galang na Mukha at sa


masasakit na tampal na iyong tiniis.
Lahat: TANGGAPIN MO SA IYONG LIGAYA SI ___________ NA YUMAO NA.
N: O Hesus, alang-alang sa koronang tinik na ipinutong sa kabanal-banalan mong ulo.
Lahat: TANGGAPIN MO SA IYONG LIGAYA SI ___________ NA YUMAO NA.

N: O Hesus, alang-alang sa kabanal-banalan mong mukha na nadidilig sa dugo dahil sa mga


sugat
Lahat: TANGGAPIN MO SA IYONG LIGAYA SI ___________ NA YUMAO NA.

N: O Hesus, alang-alang sa damit mong tigmak ng dugo na biglang hinubad sa iyong katawan ng
mga tampalasan.
Lahat: TANGGAPIN MO SA IYONG LIGAYA SI ___________ NA YUMAO NA.

N: O Hesus, alang-alang sa iyong pagkapako at pag kamatay sa Krus


Lahat: TANGGAPIN MO SA IYONG LIGAYA SI ___________ NA YUMAO NA.

N: O Hesus, alang-alang sa iyong pagkakalibing


Lahat: TANGGAPIN MO SA IYONG LIGAYA SI ___________ NA YUMAO NA.

NAMUMUNO: Ang ating mga panalangin ay ating pagsama samahin at ating ialay sa Diyos
Amang nagmamahal sa atin, at ngayon ay ating awitin ang Panalanging itinuro sa atin

AWIT: AMA NAMIN.

PAGWIWISIK NG BANAL NA TUBIG

NAMUMUNO: Diligin nawa ng aming mabubuting hangarin at panalangin ang lahat ng


kabutihang iniwan mo kapatin na __________ sa amin at maialay mo sana sa dakilang lumikha
ang ani ng binhing sa iyo’y ipinunla

AWIT: HUWAG LIMUTIN

HULING PANALANGIN:

O Diyos, na sa ami’y lumikha, inihahabilin naming sa iyong mga kamay an gaming kapatid na si
__________ na nawa’y sa kanyang paglisan ay makasama mi siya sa iyong piling.

Kapatid na __________ sa piling ng Maykapal na sa iyo ay lumikha, ikaw sana ay maging


mapayapa. Ang ka

Ang kapatid nating umalis gayun din tayong mga naiwan ay sama-sama nawang magtamasa ng
pagpapala ng may kapal, Ngayon at magpasa walang hanggan, AMEN.

AWIT

You might also like