You are on page 1of 3

FILIPINO 8 (3RD QUARTER)

1. Ito ay ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at
pagkabulgar,bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.

a. Lalawiganin b. Kolokyal c. Balbal d. Banyaga

2. Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito.

a. Banyaga b. Balbal c. Kolokyal d. Lalawiganin

3.Ito ay ang mga salitang mula sa ibang wika.

a. Balbal b. Lalawiganin c. Banyaga d. Kolokyal

4. Ang mga salitang ito ay tinatawag na “slang” sa Ingles.

a. Banyaga b. Balbal c. Lalawiganin d. Kolokyal

5. Ito ang diwa, kaisipan, at pinakpuso ng pelikula.

a. tema b. pamagat c. mga tauhan d. diyalogo

6. Siya ang director ng pelikulang Anak

a. Joel Lamangan b. Rory B. Quintos c. Cathy Garcia-Molina d. Charo Santos-Concio

7. Mayroong maganda at hindi magandang epekto ang social media sa buhay ng mga kabataan ngayon. Ano ang
kahulugan ng salitang may diin?

a. Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao at pagpapalitan ng impormasyon sa isang virtual na network.

b. Taong nagsusulat o gumagawa ng mga sulatin, larawan, musika at iba pa gamit ang isang tiyak na website.

c. Salita o pariralang inumpisahan gamit ang simbolong # na kadalasang makikita sa twitter o post sa
facebook.

d. Tamang kaasalan o pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng Internet o social media

8. Mahalaga ang netiquette sa paggamit ng social media. Ang kahulugan ng salitang may diin ay ________.

a.Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao at pagpapalitan ng impormasyon sa isang virtual na network.

b.Taong nagsusulat o gumagawa ng mga sulatin, larawan, musika at iba pa gamit ang isang tiyak na website.

c.Salita o pariralang inumpisahan gamit ang simbolong # na kadalasang makikita sa twitter o post sa fb.

d.Tamang kaasalan o pag-uugaling ddapat ipamalas sa paggamit ng Internet o social media

9. Mapapansin na ang mga hindi magandang video o tsismis ay kadalasang mag trending sa mga post o status.

a.Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao at pagpapalitan ng impormasyon sa isang virtual na network.

b.Taong nagsusulat o gumagawa ng mga sulatin, larawan, musika at iba pa gamit ang isang tiyak na website.

c.Malawakang nababanggit o napag-uusapan sa internet particularsa mga social media.

d.Tamang kaasalan o pag-uugaling ddapat ipamalas sa paggamit ng Internet o social media


10. Maraming bloggers ang tumutulong sa mga social media user. Ang salitang may diin sa ay nangangahulugan ng
________.

a.Malawakangnababanggit o napag-uusapan sa internet particular sa mga social media.

b.Tamang kaasalan o pag-uugaling ddapat ipamalas sa paggamit ng Internet o social media.

c. Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao at pagpapalitan ng impormasyon sa isang virtual na network

d.Taong nagsusulat o gumagawa ng mga sulatin, larawan, musika at iba pa gamit ang isang tiyak na website

10. Sa panahon ng information and communication technology, nararapat na maging malinaw sa isipan ang mga guro
na siya ay hindi lamangsimpleng tagapagpahatid ng impormasyon kundi isang facilitator na gumagabay at nagsisilbing
consultant ng kaalaman sa klasrum.

a.Nagpapabatid b. Nagpapaalala c. nagbibigay ng papuri d. nalalarawan

11. Huwag kaligtaang maging responsible at ethical sa paggamit ng social media. Laging isaisip ang mga netiquette na
dapat gawin ng bawat netizen. Ano ang tiyak na layon ng teksto ng pahayag?

a.Nagtatampo b. nagbibigay payo c. nang-uuyam d. nagtatanong

12. Kasalukuyan, hindi na bago sa atin ang mga terminong gaya ng information age, e-class, multimedia at e-mail,
online/distance learning education, cybernetics, web page, hypermedia, at marami pang iba.

a.Nagsasalaysay b. nalalarawan c. nangangatwiran d. nagpapaalala

13. Sadyang mahuhusay ang mga programang ipinatutupad ng pamahalaan upang ganap na maiayos ang mga
problemang kinakaharap ng bansa patungkol sa cyber-bullying. Karapat-dapat lamang na bigyang-pugay ang taong
nagsulong nito.Alin sa mga sumusunod ang tiyak na layon ng tekstong nabasa?

a.Nabibigay ng pagkilala b. nagbibigay ng payo c. nang-uuyam d. nagtatanong

14. Sa ginawang pagsusuri ng pelikulang Anak ay kapansin-pansin ang ilang mga isyungbinigyang-pansin ng nagsagawa
ng pagsusuri. Bilangpagpapatibay o pagsang-ayon sa ilahad ang iyong sariling pagkiling tungkol sa interes at pananaw
ng nagsasalita. Binigyang-pansin sa pelikula ang makabagong responsibilidad ng babae atlalaki sa kasalukuyan kung
saan tanggap na ang babae ang nagtatrabaho at ang tatay ang naiiwan sa bahay. Ipinahiwatig sa napanoodna pelikula
na ang mga lalaki ay ________.

A. iresponsable b. maalalahanin c. masipag d. responsable

B. Tukuyin kung LALAWIGANIN, KOLOKYAL, BALBAL o BANYAGA ang mga salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

____________________ 1. Ang sarap ng nasi ninyo, mabango at masarap kainin

____________________ 2. Ang ganda ng chidwai ng isang Ivatang nakilala ko sa paaralan.

____________________ 3. In-na-in talaga ang pagkuha ng kursong may kinalaman sa teknolohiya sa ngayon.
____________________ 4. Hanep ang say apala talagang mag-aral gamit ang kompyuter.

____________________ 5. Ewan ko ba Sa mga taong ayaw tumanggap ng pagbabago.

____________________ 6. High-tech na ang pagdiriwang ng pista sa amin.


____________________ 7. Kilig to the bones ang saya ko nang ibili ako ng bagong iPod ni Tatay
____________________ 8. Dalawang order ng spaghetti ang binili ko para sa atin.

____________________ 9. Kumain ako habang nanunuod ng videotape.

____________________ 10. Sa bahay na tayo manunuod para hindi na mapagalitan ni ermat.

You might also like