You are on page 1of 8

____1.

Ang mga tao sa buong mundo ay nagkakaindtindihan at nakakapagpahayag


ng saloobin sa kabila ng iba’t ibang kultura. Alin sa sumusunod ang ginagamit
ng tao upang makipagkomukasyon sa iba?
a. Simbolo c. Wika
b. b. Salita d. Pangungusap
____2. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng wika?
a. sisitema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa komunikasyon
b. hadlang sa pakikipag- ugnayan sa kanyang kapwa tao
c. masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog
d. isang lakas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin,at hangarin
____3. Si Ana ay tubong Mindanao ngunit marunong siyang magsalita ng Ingles at
Cebuano. Masasabi ba nating si Ana ay Monolingguwal?
a. Oo c. lahat ay tama
b. Hindi d. walang tamang sagot

____4. Kompletohin ang katangian ng taong bilingguwal sa pamamagitan ng pagpili


sa mga sumusunod na katangian.
a. Ang taong bilingguwal ay may kakayahang gumamit ng dalawang wika
nang
may kaalaman
b. Ang taong bilingguwal ay may kakaya hang gumamit ng dalawang wika
nang may kahusayan
c. Ang taong bilingguwal ay may kakayahang gumamit ng dalawang wika
nang
may kasipagan
d. Ang taong bilingguwal ay may kakayahang gumamit ng dalawang wika
nang
may kababawan

____5. Si Kuya Kim Atienza ay isa sa mga sikat na weather forcaster na kilala ng
mga
tagapanood sa kanyang linyang, “Ang buhay ay weather- weather lang!”
a. Etnolek c. Sosyolek
b. Dayalek d. Idyolek

____6. Napadaan si Manoy sa isang tindahan ng marinig niya ang usapan ng mga
kabataan. Ang mga salitang, mobile legend, player, at gems ay ilan lamang
sa
mga salitang narinig niya at dahil dito nalaman niya na sila pala ay online
players. Ang mga salitang nabanggit ay tumutukoy sa ________________.
a. Coño c. Sosyolek
b. Jejemon d. Register

____7. Si Dan at ang kanyang mga kaklase ay pumunta sa isang sikat na Museum.
Habang sila ay nasa loob, pinagsabihan muna sila ng kanilang guro kung
ano
ang dapat and hindi dapat gawin sa loob ng museum. Ano ang gamit ng wika
sa ibinigay na sitwasyon?
a. Instrumental c. Imahinatibo
b. Heuristik d. Regulatori

____8. Suriin sa sumusunod na sitwasyon kung alin ang nagpapakita ng paggamit


ng
wikang interaksiyonal sa lipunan.
a. “Walang pasok bukas” c. “Oy, kamusta ka na?”
b. “Subrang sakit” d. “Walang kukuha ng litrato”

____9. Ano ang kinakatawan ng acronym na KWF na siyang pangunahing ahensiya


ng pamahalaan na binuo upang magsagawa ng mga pananaliksik,
paglilinang,
pagpapalaganap, at pagpapaunlad ng Filipino at iba pang wika sa bansa.
Piliin
ang tamang sagot.
a. Kawanihan ng Wikang Filipino c. Kaukulang Wikang Filipino
b. Komisyon ng Wikang Filipino d. Kongregasyong ng Wikang Filipino

____10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng modernisasyon ng


komunikasyon sa mga makabagong Pilipino?
a. Paggamit ng internet c. Paggamit ng Facebook
b. Paggamit ng cellphone d. Pagpapadala ng sulat

____11. Sa konseptong ito ng wika, iba-iba ang gamit, layunin at gumagamit.


a Heterogenous c. Barayti
b. Homogenous d. Register

____12. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng impluwensya ng teknolohiya sa


komunikasyon?
a. Pinadadali nito ang paghahatid ng berbal na mensahe sa pamamagitan ng
midya. 
b. Nakakuha ng mga kuro kurong impormasyon
c. Nakahahanap ng kaibigan
d. Pampalipas oras

____13. Binibigyang pansin ng hakbang ito sa pananaliksik ang pagsasatama ng


isinulat ng nilalaman at gayundin ang baybay, bantas at wastong gamit ng
salita. Ano ang tawag dito?
a. Pagwawasto at pagrebisa c. Paglalahad ng layunin
b. Pinal na balangkas d. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

____14. Anong bahagi ng sanaysay ang inilalahad ang mga kuro-kuro o opinion sa
isang mahalagang isyu o paksa sa lipunan?
a. Gitna c. Panimula
b. Wakas d. Ilalim

____15. Kung ikaw ay ipapasulat ng isang sanaysay tungkol sa kasalukuyang isyu


sa
kalagayang Kultural at panlipunan ng Pilipinas, ano ang dapat mong isaalang
alang bago mo isulat ang iyong paksa?
a.humingi ng tulong sa kaklase at siya ang ipasulat
b. magsaliksik sa internet at copy paste ito
c. gamitin ang wastong gabay sa pananliksik mula sa pagtukoy sa paksa
d. magpapotokapi sa sa sanaysay ng katabi

____16.Isang uri ng babasahing di-piksyon na naglalayong magbigay ng


impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa
iba’t ibang paksa.
a.Tekstong Impormatibo c. Tekstong di-impormatibo
b.Tekstong Kababalaghan d. Tekstong Kapanipaniwala

____17.Bilang mag-aaral, paano mo maipapahag ang mga impormasyong inilahad


sa tekstong binasa?
a. Ipakalat gamit ang social media c. Pag-uulat ng impormasyonb.
b. Paglalahad sa totoong pangyayari d. Lahat na nabanggit
____18.Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop.
Iba’t
iba rin ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Carol ang
istorya sa likod ng pinakahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas -
Ang
Pag- aaklas ni Dagohoy sa Bohol. Anong uri ng tekstong impormatibo
nabibilang ang binabasa ng tauhan sa sitwasyon?
a.Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan
b. Pag-uulat Pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag
d. Paguulat
____19. Kung sakaling ikaw o isa sa mga kapamilya o malapit na kaibigan mo ang
magiging biktima ng cyberbullying, ano-ano ang gagawin mo o ninyo upang
mapigilan ang ganitong uri ng pang-aabuso at mapanagot ang taong
gumagawa nito?
a. Ilihim para hindi mapahiya.
b. E report sa pulisya at patawan ng kaukulang kaso ang nagpasimuno nito.
c. Sugurin at awayin ang nambibiktima.
d. Hayaan at baliwalain ang cyberbullying para iwas problema.
____20. Paano mo mahikayat ang mga mambabasa o tagapakinig tungkol sa isyung nasa
ibaba.“Kahalagahan ng Pag-aaral o Edukasyon Tungo sa Pag-unlad ng Bansa.”
a. Malaki ang impluwensya sa teknolohiya ngayon, kaya pweding gumamit ng social
media para hikayat ang kabataan na pahalagahan ang pag-aaral sa pamamagitan
ng pagpapakita ng mga videos at mga babasahin kung ano ang mangyayari sa
hinaharap kung sila ay nakapagtapos ng pag-aaral.
b. Pagalitan ang mga kabataan para madisiplina.
c. Hikayatin ang mga kabataan e enjoy lang buhay habang bata pa.
d. Isulong ang batas na maparusahan ang mga kabataang ayaw mag-aral.
____21. Talino ang puhunan ng tao para sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay na
kailangang mahasa para sa kanyang sariling kabutihan at kaunlaran. 
a. Silohismo c. Lohikal
b. Pasaklaw d. Pabuod

Para sa bilang 22
Lumabas sa imbestigasyon ng Commision of Human Rights (CHR) ng Negros
Occidental na ang isang mag-aaral, na nasa Baitang-8 na si Eric Hain Demafeliz ng
Bago City, ay nagpatiwakal dahil sa Cyberbullying.
Sa pagbisita ng imbestigador ng CHR-Negros Occidental na si G.Vincent
Parra, napag-alaman nitong inakusahan si Demafeliz ng pagnanakaw ng Computer
Tablet ng kanyang kaklase. Ipinakita ng gurong-tagapayo ang larawang kinuha mula
sa isang social media site kung saan may mga mensahe ng pag-akusa kay
Demafeliz.

- Halaw mula sa https://www.sunstar.com.ph/article/404657


____22. Ano ang mabisang paraan ng pagpapahayag sa reaksyong papel tungkol
sa
isyung nabasa sa taas?
a. Sa tingin ko, hindi sapat na dahilan na paratangan si Demafeliz ng mga
estudyanteng mga mensahing hindi kanais-nais na nagdulot ngkanyang
pagkitil sa buhay.
b. Sa pagbisita ng imbestigador ng CHR-Negros Occidental na si G.Vincent
Parra,napag-alaman nitong inakusahan si Demafeliz ng pagnanakaw ng
Computer Tablet ng kanyang kaklase.
c. Lumabas sa imbestigasyon ng Commision of Human Rights (CHR) ng Negros
Occidental na ang isang mag-aaral, na nasa Baitang-8 na si Eric Hain
Demafeliz ng Bago City, ay nagpatiwakal dahil sa Cyberbullying.
d. napag-alaman nitong inakusahan si Demafeliz ng pagnanakaw ng Computer
Tablet ng kanyang kaklase

____23. Aling pahayag ang naglalahad ng katangian ng tekstong naratibo?


a. Sumusuporta sa isang punto o nagpapahayag ng pangunahing ideya.
b. Nagtataglay ng mga tiyak na detalye ng mga obserbasyon sa tao, lugar o
pangyayari.
c.Sinaliksik at pinag-aralan ang mga impormasyong inilalahad.
d. Nagtataglay ng personal na karanasan ng mga sangkot na tauhan.

____24. Uri ng teksto naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang


gawain upang matamo ang mga inaasahan.
a. Exspiremental c. Deskriptibo
b. Prosidyural d. Argumentibo

____25.Uri ng tekstong prosidyural na nagbibigay ng panuto sa mga mambabasa


kung paano magluto.
a. Paraan ng pagluluto c. Kagamitan
b. Panuto d. Resulta

____26. Sa tauhang ito ng tekstong naratibo, umiikot ang pangyayari ng kwento.


a. Pangunahin Tauhan c. Kasamang Tauhan
b. Katunggaling Tauhan d. Ang May-akda
____27. Tukuyin kung anong propaganda device ang ginamit sa patalastas na ito.
a. Card Tracking c. Transfer
b. Band Wagon d.Use

Mga Tip upang Maiwasan ang Identity Pagnanakaw


 Manood ng mga shoulder-surfers. Kapag nagpapasok ng numero ng PIN o
numero ng credit card sa isang makina ng ATM, sa booth ng telepono, o kahit
na sa isang computer sa trabaho, alamin kung sino ang nasa malapit at
tiyaking walang sinumang nagpuputol sa iyong balikat upang gumawa ng tala
ng mga key ikaw ay pagpindot.
 Mangailangan ng verification ng larawan ID. Sa halip na mag-sign sa likod
ng iyong mga credit card, maaari mong isulat ang "Tingnan ang ID ng
Larawan".
 Ihagis ang lahat. Huwag magtapon ng mga resibo ng credit card o
anumang mapagkukunan ng impormasyon sa iyong mga accounts.
 Nangangailangan ng 2- factor authentication sa mga pinansiyal at
social media account. Magdagdag ng dagdag na layer ng seguridad sa
iyong mga personal na online na account na regular mong nag-sign in gamit
ang isang email address / username at password.
____28. Batay sa prosidyural na nabasa sa taas, paano ito makakatulong sa iyo?
a. Maiwasan ang pag ka hack ng iyong mga accounts.
b. Masisira ang iyong imaheng pinapangalagaan.
c. Magagamit ng kahit sino ang iyong pagkatao.
d. Marami kang makikilalang personalidad.

____29. Sino ang dapat maka alam ng procedyural na ito?


a. Mga matatanda c. Party goers
b. Mga kabataan d. Lahat ng tao

____30. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang maidaragdag mo na tip sa tekstong
nabasa?
a. Ibahagi sa iyong mga kaibigan ang password ng iyong mga accounts.
b. Gawing pribado ang settings ng iyong mga accounts.
c. Huwag maki alam sa kapaligiran. Magfocus lamang sa ibang bagay.
d. E post sa social media ang lahat ng galaw para IN ka.

____31. Ang pagsulat na ito ay sumasaklaw sa mga sulating inihanda ng isang mag-
aaral kaugnay sa kanyang pag-aaral gaya ng report, reaksyong papel,
konseptong papel, jornal at pamanahong papel.
a. Akademik c. Teknikal
b. Jornalistik d. Referensyal

____32. Ang larangang ito ng pagsulat ay sumasaklaw sa paghahanda ng mga


sulating may kinalaman sa komersyo o empleyo .
a. Jornalistik c. Teknikal
b. Akademik d. Referensyal
____33. Ito ang mga katangian ng pagsulat ng Teknikal Bokasyunal na sulatin
MALIBAN sa:
a. Malinaw c. Maligoy
b. Maunawaan d. Kumpleto

____34. Ang mga sumusunod ay gamit ng Teknikal Bokasyunal na sulatin


MALIBAN sa:
a. Upang magbigay ng kailangang impormasyon
b. Upang maging batayan sa desisyon ng namamahala
c. Upang magpaliwanag ng mga teknik o paraan sa paggawa
d. Upang magtamo ng mataas na marka sa akademiko

____35. Tumutukoy ito sa isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na isinusulat


upang manlibang, magpabatid o makipagtalo.
a. Akademik c. Bokasyunal
b. Lathalain d. Jornalistik

____36. Isa itong intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakakatulong sa


pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayon
kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o
ng isang ginawang pananaliksik.
a. Malikhain c.Akademiko
b.Teknikal d.Reperensyal

____37. Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa


akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling pr opesyon o
bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro , pagsulat ng lesson plan ,
paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng
medical report, narrative report tungkol sa physical examination sa
pasyente
at iba pa.
a. Malikhain c.Dyornalistik
b. Propesyonal d. Teknikal

____38. Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang


magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin. Kailangan na
magkaroo ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging
makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong
susulatin.
a.Paksa c.Layunin
b. Wika d.Pamamaraan ng Pagsulat
____39.Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga
datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat.
Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at
mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.
a.Paksa c.Layunin
b.Wika d.Kasanayang Pampag-iisip

____40. Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o


kabatiran sa mga mambabasa.
a.Naratibo c.Impormatibo
b.Ekspresibo d.Argumentatibo

____41. Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo,


hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig,
natunghayan, naranasan at nasaksihan.Ito’y maaaring obhitibo at subhetibo.
a.Argumentatibo c.Ekspresibo
b.Naratibo d.Deskriptibo

____42. Nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang
kaugnay ng larangang pinagkakadulubhasaan . Kasanayan sa
pagbasa,pakikinig, pagsasalita ,panonood ,at pagsulat ang napauunlad sa
pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis, panunuring kritikal,
pananaliksik, at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.
a.opisina c.librari
b.akademiya d.entablado

____43. Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan


ang mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o
opinyon.
a. Obhetibo c. Maliwanag at Organisado
b. Pormal d. May Paninindigan

____44. Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais


ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng
mensahe ang wika.
a.Pakikinig c.Pagsasalita
b.Pagbabasa d.Pagsusulat

____45. Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo.


May ilang nasa sekondaryang antas ang maaaring nakaranas na ring
makagawa ng ganitong sulatin. Ginagawa ito para sa pangangailangang
pang-akademiko.
a.Pamanahong papel c.Konseptong papel
b.Tesis d. Artikulo

____46. Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang


manunulat. Ginagawa ito ng isang indibidwal bilang pangangailangan sa
kursong pinag-aaralan o propesiyonal na kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na
bahagi ng kursong Batsilyer at Masterado.
a.Posisyong Papel c.Konseptong papel
b.Tesis d. Artikulo

____47.Maaaring lamanin ng personal na sanaysay ang mga kalakasan at


kahinaan ng manunulat.Alin sa mga salita sa pangungusap ang
nagpapahayag ng MALI?
a.Personal na sanaysay c. Kahinaan ng manunulat
b.Kalakasan ng manunulat d.Maaaring lamaning personal na
sanaysay

____48. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA na may kaugnayan


sa sanaysay?
a.Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang replektibong sanaysay
at lakbay sanaysay?
b.Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga
nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan ng manunulat.
c. Ang lakbay-sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol
sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o
naoobserbahan.
d.Seryoso at personal ang paksa ng pormal na sanaysay

____49. Tukuyin kung anong bahagi ng replektibong sanaysay ang mga sumusunod
na pangungusap o talata.
Hindi ba’t problema rin ang kawalan ng problema? Sapagkat nakakapag-isip
ang isang tao ng mapagkakaabalahan niya nang hindi nakakapagnilay ng
mga kalalabasan ng piniling aksyon. Napansin kong pinipili at nangyayari ito
sa mga taong maraming biyayang natatanggap at hindi nagamit nang wasto.
a. panimula c. konklusyon
b. katawan d. lagom

____ 50. Inilalahad ang mga paliwanag sa mga natamong aral at mga pagbabago.
a. wakas c. konklusyon
b. katawan d. bionote

You might also like