You are on page 1of 13

ACHIEVEMENT TEST REVIEWER IN FILIPINO

GRADE-12

____1. Ang mga tao sa buong mundo ay nagkakaindtindihan at nakakapagpahayag ng


saloobin sa kabila ng iba’t ibang kultura. Alin sa sumusunod ang ginagamit tao upang
makipagkomunikasyon sa iba?
a. Simbolo c. Wika
b. Salita d. Pangungusap
____2. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng wika?
a. sisitema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa komunikasyon
b. hadlang sa pakikipag- ugnayan sa kanyang kapwa tao
c. masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog
d. isang lakas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin,at hangarin
____3. Si Ana ay tubong Mindanao ngunit marunong siyang magsalita ng Ingles at
Cebuano. Masasabi ba nating si Ana ay Monolingguwal?
a. Oo c. lahat ay tama
b. Hindi d. walang tamang sagot

____4. Kompletohin ang katangian ng taong bilingguwal sa pamamagitan ng pagpili


sa mga sumusunod na katangian.
a. Ang taong bilingguwal ay may kakayahang gumamit ng dalawang wika nang may
kaalaman
b. Ang taong bilingguwal ay may kakaya hang gumamit ng dalawang wika
nang may kahusayan
c. Ang taong bilingguwal ay may kakayahang gumamit ng dalawang wika nang may
kasipagan
d. Ang taong bilingguwal ay may kakayahang gumamit ng dalawang wika nang may
kababawan

____5. Si Kuya Kim Atienza ay isa sa mga sikat na weather forcaster na kilala ng mga
tagapanood sa kanyang linyang, “Ang buhay ay weather- weather lang!”
a. Etnolek c. Sosyolek
b. Dayalek d. Idyolek

____6. Napadaan si Manoy sa isang tindahan ng marinig niya ang usapan ng mga
kabataan. Ang mga salitang, mobile legend, player, at gems ay ilan lamang sa mga salitang
narinig niya at dahil dito nalaman niya na sila pala ay online players. Ang mga salitang
nabanggit ay tumutukoy sa ________________.
a. Coño c. Sosyolek
b. Jejemon d. Register

____7. Si Dan at ang kanyang mga kaklase ay pumunta sa isang sikat na Museum. Habang
sila ay nasa loob, pinagsabihan muna sila ng kanilang guro kung ano ang dapat and hindi
dapat gawin sa loob ng museum. Ano ang gamit ng wika sa ibinigay na sitwasyon?
a. Instrumental c. Imahinatibo
b. Heuristik d. Regulatori
____8. Suriin sa sumusunod na sitwasyon kung alin ang nagpapakita ng paggamit ng
wikang interaksiyonal sa lipunan.
a. “Walang pasok bukas” c. “Oy, kamusta ka na?”
b. “Subrang sakit” d. “Walang kukuha ng litrato”
____9. Ano ang kinakatawan ng acronym na KWF na siyang pangunahing ahensiya ng
pamahalaan na binuo upang magsagawa ng mga pananaliksik, paglilinang,
pagpapalaganap, at pagpapaunlad ng Filipino at iba pang wika sa bansa. Piliin ang tamang
sagot.
a. Kawanihan ng Wikang Filipino c. Kaukulang Wikang Filipino
b. Komisyon ng Wikang Filipino d. Kongregasyong ng Wikang Filipino
____10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng modernisasyon ng
komunikasyon sa mga makabagong Pilipino?
a. Paggamit ng internet c. Paggamit ng Facebook
b. Paggamit ng cellphone d. Pagpapadala ng sulat
____11. Sa konseptong ito ng wika, iba-iba ang gamit, layunin at gumagamit.
a Heterogenous c. Barayti
b. Homogenous d. Register
____12. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng impluwensya ng teknolohiya sa
komunikasyon?
a. Pinadadali nito ang paghahatid ng berbal na mensahe sa pamamagitan ng
midya.
b. Nakakuha ng mga kuro kurong impormasyon
c. Nakahahanap ng kaibigan
d. Pampalipas oras
____13. Binibigyang pansin ng hakbang ito sa pananaliksik ang pagsasatama ng
isinulat ng nilalaman at gayundin ang baybay, bantas at wastong gamit ng
salita. Ano ang tawag dito?
a. Pagwawasto at pagrebisa c. Paglalahad ng layunin
b. Pinal na balangkas d. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik
____14. Anong bahagi ng sanaysay ang inilalahad ang mga kuro-kuro o opinion sa isang
mahalagang isyu o paksa sa lipunan?
a. Gitna c. Panimula
b. Wakas d. Ilalim
____15. Kung ikaw ay ipapasulat ng isang sanaysay tungkol sa kasalukuyang isyu sa
kalagayang Kultural at panlipunan ng Pilipinas, ano ang dapat mong isaalang -alang bago
mo isulat ang iyong paksa?
a.humingi ng tulong sa kaklase at siya ang ipasulat
b. magsaliksik sa internet at copy paste ito
c. gamitin ang wastong gabay sa pananliksik mula sa pagtukoy sa paksa
d. magpapotokapi sa sa sanaysay ng katabi
____16.Isang uri ng babasahing di-piksyon na naglalayong magbigay ng
impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa
iba’t ibang paksa.
a.Tekstong Impormatibo c. Tekstong di-impormatibo
b.Tekstong Kababalaghan d. Tekstong Kapanipaniwala
____17.Bilang mag-aaral, paano mo maipapahag ang mga impormasyong inilahad sa
tekstong binasa?
a. Ipakalat gamit ang social media c. Pag-uulat ng impormasyonb.
b. Paglalahad sa totoong pangyayari d. Lahat na nabanggit

____18.Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba’t iba
rin ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Carol ang istorya sa likod ng
pinakahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas
- Ang Pag- aaklas ni Dagohoy sa Bohol. Anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang
binabasa ng tauhan sa sitwasyon?
a.Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan c. Pagpapaliwanag
b. Pag-uulat Pang-impormasyon d. Paguulat
____19. Kung sakaling ikaw o isa sa mga kapamilya o malapit na kaibigan mo ang magiging
biktima ng cyberbullying, ano-ano ang gagawin mo o ninyo upang mapigilan ang ganitong
uri ng pang-aabuso at mapanagot ang taong gumagawa nito?
a. Ilihim para hindi mapahiya.
b. E report sa pulisya at patawan ng kaukulang kaso ang nagpasimuno nito.
c. Sugurin at awayin ang nambibiktima.
d. Hayaan at baliwalain ang cyberbullying para iwas problema.

____20. Paano mo mahikayat ang mga mambabasa o tagapakinig tungkol sa isyung nasa
ibaba.“Kahalagahan ng Pag-aaral o Edukasyon Tungo sa Pag-unlad ng Bansa.”
a. Malaki ang impluwensya sa teknolohiya ngayon, kaya pweding gumamit ng social media
para hikayat ang kabataan na pahalagahan ang pag-aaral sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga videos at mga babasahin kung ano ang mangyayari sa hinaharap
kung sila ay nakapagtapos ng pag-aaral.
b. Pagalitan ang mga kabataan para madisiplina.
c. Hikayatin ang mga kabataan e enjoy lang buhay habang bata pa.
d. Isulong ang batas na maparusahan ang mga kabataang ayaw mag-aral.

____21. Talino ang puhunan ng tao para sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay na


kailangang mahasa para sa kanyang sariling kabutihan at kaunlaran.
a. Silohismo c. Lohikal
b. Pasaklaw d. Pabuod

Para sa bilang 22
Lumabas sa imbestigasyon ng Commision of Human Rights (CHR) ng Negros
Occidental na ang isang mag-aaral, na nasa Baitang-8 na si Eric Hain Demafeliz ng
Bago City, ay nagpatiwakal dahil sa Cyberbullying.
Sa pagbisita ng imbestigador ng CHR-Negros Occidental na si G.Vincent
Parra, napag-alaman nitong inakusahan si Demafeliz ng pagnanakaw ng Computer
Tablet ng kanyang kaklase. Ipinakita ng gurong-tagapayo ang larawang kinuha mula
sa isang social media site kung saan may mga mensahe ng pag-akusa kay
Demafeliz.

- Halaw mula sa https://www.sunstar.com.ph/article/404657

____22. Ano ang mabisang paraan ng pagpapahayag sa reaksyong papel tungkol sa isyung
nabasa sa taas?
a. Sa tingin ko, hindi sapat na dahilan na paratangan si Demafeliz ng mga
estudyanteng mga mensahing hindi kanais-nais na nagdulot ngkanyang
pagkitil sa buhay.
b. Sa pagbisita ng imbestigador ng CHR-Negros Occidental na si G.Vincent
Parra,napag-alaman nitong inakusahan si Demafeliz ng pagnanakaw ng
Computer Tablet ng kanyang kaklase.
c. Lumabas sa imbestigasyon ng Commision of Human Rights (CHR) ng Negros
Occidental na ang isang mag-aaral, na nasa Baitang-8 na si Eric Hain
Demafeliz ng Bago City, ay nagpatiwakal dahil sa Cyberbullying.
d. napag-alaman nitong inakusahan si Demafeliz ng pagnanakaw ng Computer
Tablet ng kanyang kaklase
____23. Aling pahayag ang naglalahad ng katangian ng tekstong naratibo?
a. Sumusuporta sa isang punto o nagpapahayag ng pangunahing ideya.
b. Nagtataglay ng mga tiyak na detalye ng mga obserbasyon sa tao, lugar o
pangyayari.
c.Sinaliksik at pinag-aralan ang mga impormasyong inilalahad.
d. Nagtataglay ng personal na karanasan ng mga sangkot na tauhan.
____24. Uri ng teksto naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang
gawain upang matamo ang mga inaasahan.
a. Exspiremental c. Deskriptibo
b. Prosidyural d. Argumentibo
____25.Uri ng tekstong prosidyural na nagbibigay ng panuto sa mga mambabasa kung paano
magluto.
a. Paraan ng pagluluto c. Kagamitan
b. Panuto d. Resulta
____26. Sa tauhang ito ng tekstong naratibo, umiikot ang pangyayari ng kwento.
a. Pangunahin Tauhan c. Kasamang Tauhan
b. Katunggaling Tauhan d. Ang May-akda
____27. Tukuyin kung anong propaganda device ang ginamit sa patalastas na ito.
a. Card Tracking c. Transfer
b. Band Wagon d.Use

Mga Tip upang Maiwasan ang Identity Pagnanakaw


 Manood ng mga shoulder-surfers. Kapag nagpapasok ng numero ng PIN o
numero ng credit card sa isang makina ng ATM, sa booth ng telepono, o kahit na sa
isang computer sa trabaho, alamin kung sino ang nasa malapit at tiyaking walang
sinumang nagpuputol sa iyong balikat upang gumawa ng tala ng mga key ikaw ay
pagpindot.
 Mangailangan ng verification ng larawan ID. Sa halip na mag-sign sa likod ng
iyong mga credit card, maaari mong isulat ang "Tingnan ang ID ng Larawan".
 Ihagis ang lahat. Huwag magtapon ng mga resibo ng credit card o anumang
mapagkukunan ng impormasyon sa iyong mga accounts.
 Nangangailangan ng 2- factor authentication sa mga pinansiyal at social
media account. Magdagdag ng dagdag na layer ng seguridad sa iyong mga
personal na online na account na regular mong nag-sign in gamit ang isang email
address / username at password.

____28. Batay sa prosidyural na nabasa sa taas, paano ito makakatulong sa iyo?


a. Maiwasan ang pag ka hack ng iyong mga accounts.
b. Masisira ang iyong imaheng pinapangalagaan.
c. Magagamit ng kahit sino ang iyong pagkatao.
d. Marami kang makikilalang personalidad.

____29. Sino ang dapat maka alam ng procedyural na ito?


a. Mga matatanda c. Party goers
b. Mga kabataan d. Lahat ng tao
____30. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang maidaragdag mo na tip sa tekstong
nabasa?
a. Ibahagi sa iyong mga kaibigan ang password ng iyong mga accounts.
b. Gawing pribado ang settings ng iyong mga accounts.
c. Huwag maki alam sa kapaligiran. Magfocus lamang sa ibang bagay.
d. I post sa social media ang lahat ng galaw para IN ka.
____31. Ang pagsulat na ito ay sumasaklaw sa mga sulating inihanda ng isang mag-aaral
kaugnay sa kanyang pag-aaral gaya ng report, reaksyong papel, konseptong papel, jornal at
pamanahong papel.
a. Akademik c. Teknikal
b. Jornalistik d. Referensyal

____32. Ang larangang ito ng pagsulat ay sumasaklaw sa paghahanda ng mga sulating


may kinalaman sa komersyo o empleyo.
a. Jornalistik c. Teknikal
b. Akademik d. Referensyal
____33. Ito ang mga katangian ng pagsulat ng Teknikal Bokasyunal na sulatin MALIBAN
sa:
a. Malinaw c. Maligoy
b. Maunawaan d. Kumpleto

____34. Ang mga sumusunod ay gamit ng Teknikal Bokasyunal na sulatin MALIBAN sa:
a. Upang magbigay ng kailangang impormasyon
b. Upang maging batayan sa desisyon ng namamahala
c. Upang magpaliwanag ng mga teknik o paraan sa paggawa
d. Upang magtamo ng mataas na marka sa akademiko

____35. Tumutukoy ito sa isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na isinusulat upang
manlibang, magpabatid o makipagtalo.
a. Akademik c. Bokasyunal
b. Lathalain d. Jornalistik

____36. Isa itong intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas
ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayon kay Carmelita Alejo et.al.
Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.
a. Malikhain c.Akademiko
b.Teknikal d.Reperensyal

____37. Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa


akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
Halimbawa sa guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa
doctor o nars – paggawa ng medical report, narrative report tungkol sa physical examination
sa pasyente at iba pa.
a. Malikhain c.Dyornalistik
b. Propesyonal d. Teknikal

____38. Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang


magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin. Kailangan na magkaroo ng sapat na
kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na
ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
a.Paksa c.Layunin
b. Wika d.Pamamaraan ng Pagsulat

____39.Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na
mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang
paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo
sa sulating ilalahad.
a.Paksa c.Layunin
b.Wika d.Kasanayang Pampag-iisip
____40. Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran
sa mga mambabasa.
a.Naratibo c.Impormatibo
b.Ekspresibo d.Argumentatibo

____41. Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng


mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at
nasaksihan.Ito’y maaaring obhitibo at subhetibo.
a.Argumentatibo c.Ekspresibo
b.Naratibo d.Deskriptibo

____42. Nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng
larangang pinagkakadulubhasaan . Kasanayan sa pagbasa,pakikinig, pagsasalita
,panonood ,at pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan.
Analisis, panunuring kritikal, pananaliksik, at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.
a.opisina c.librari
b.akademiya d.entablado

____43. Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang
mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.
a. Obhetibo c. Maliwanag at Organisado
b. Pormal d. May Paninindigan

____44. Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais


ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe ang wika.
a.Pakikinig c.Pagsasalita
b.Pagbabasa d.Pagsusulat

____45. Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo. May


ilang nasa sekondaryang antas ang maaaring nakaranas na ring makagawa ng ganitong
sulatin. Ginagawa ito para sa pangangailangang pang-akademiko.
a.Pamanahong papel c.Konseptong papel
b.Tesis d. Artikulo

____46. Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat.


Ginagawa ito ng isang indibidwal bilang pangangailangan sa kursong pinag-aaralan o
propesiyonal na kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na bahagi ng kursong Batsilyer at
Masterado.
a.Posisyong Papel c.Konseptong papel
b.Tesis d. Artikulo
____47.Maaaring lamanin ng personal na sanaysay ang mga kalakasan at kahinaan ng
manunulat.Alin sa mga salita sa pangungusap ang nagpapahayag ng MALI?
a.Personal na sanaysay c. Kahinaan ng manunulat
b.Kalakasan ng manunulat d.Maaaring lamaning personal na
sanaysay
____48. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA na may kaugnayan sa
sanaysay?
a.Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang replektibong sanaysay
at lakbay sanaysay?
b.Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga
nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan ng manunulat.
c. Ang lakbay-sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol
sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o
naoobserbahan.
d.Seryoso at personal ang paksa ng pormal na sanaysay
____49. Tukuyin kung anong bahagi ng replektibong sanaysay ang mga sumusunod na
pangungusap o talata.
Hindi ba’t problema rin ang kawalan ng problema? Sapagkat nakakapag-isip
ang isang tao ng mapagkakaabalahan niya nang hindi nakakapagnilay ng
mga kalalabasan ng piniling aksyon. Napansin kong pinipili at nangyayari ito
sa mga taong maraming biyayang natatanggap at hindi nagamit nang wasto.
a. panimula c. konklusyon
b. katawan d. lagom
____ 50. Inilalahad ang mga paliwanag sa mga natamong aral at mga pagbabago.
a. wakas c. konklusyon
b. katawan d. bionote
____51.Sistematikong balangkas na mga binibigkas na tunog.
a. Dayalek c. dila
b. salita d. wika
____52. Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita
a. Pantulong na wika c. Ikalawang wika
b. Katutubong wika d. Unang wika
____53. Wikang pambigkis sa maraming komunidad, at wikang bumubuo sa sambayanang
Pilipino
a. Filipino c. Cebuano
b. Tagalog d. Ingles
____54. Nauukol sa paggamit ng higit sa dalawang wika bilang wikang panturo sa Sistema
ng Edukasyon
a. Multilingguwalismo c. Bilingguwalismo
b. Multikulturalismo d. Naturalismo
____55. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon.
a. Wikang Panturo c. Wikang Opisyal
b. Wikang Ingles d. Bilingguwal
____56. Ipinagagamit sa pagtuturo mula kinder hanggang Baitang 3.
a. Pantulong na wika c. Mother Tongue
b. Katutubong wika d. Wikang Ingles
____57. Wikang naisabatas o naitadhana ng batas na maging wikang opisyal ng
komunikasyon, transaksyon, o pakikipag-ugnayan ng sambayanan sa pamahalaan sa
pasalita at lalo na sa pasulat na paraan.
a. Wikang Pambansa c. Wikang Opisyal
b. Wikang Panturo d. Mother Tongue
____58. Ito ay kailangang nasa estado ng pagiging lingua franca at nararapat na sumailalim
sa pagkilala ng batas.
a. Pantulong na Wika c. Wikang Opisyal
b. Wikang Pambansa d. Wikang Panturo
____59.Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay:
a. Nagpapaunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng interaksyon ng guro at mag-aaral
b. Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng mga kaisipan at impormasyon
c. Nagbibigay- daan upang magkaroon ng interaksyon ang mga ito
d. Lahat ng ito
____60. Wikang pinagtibay ng pamahalaan na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-
ugnayan sa mamamayang kaniyang nasasakop.
a. Wikang Pambansa c. Wikang Opisyal
b. Wikang Panturo d. Wika
____61. Anong konseptong pangwika ang pinakamalapit na maasahang makikita sa
programang PEP Talk?
a. barayti ng wika c. wikang panturo
b. bilingguwalismo d. multilingguwalismo
____62. Anong komunikasyon ang kalimitang ginamit sa paghahatid ng mensahe sa mga
palabas sa telebisyon?
a. computer mediated c. komunikasyong pangmasa
b. komunikasyong pampubliko d. komunikasyong interpersonal

____63. Ano ang sitwasyong pamamaraan upang mailahad ang mensahe at matukoy ang
konseptong pangwika?
a. debate c. drama
b. panayam d. musical

____64. Ang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano ay isinasahimpapawid sa ABS CBN. Kung
iuugnay ito sa konseptong pangwika, ilang konsepto ang posibleng makita sa dramang
pantelebisyon?
a. tatlo c. pito
b. lima d. lahat

____65. Anong daluyan ng sitwasyong pangkomunikasyon ang maiuugnay sa palabas?


a. telebisyon c. internet
b. radyo d. sinema
____66. Ang chaka naman ng damit mo! Waley inggit ka lang.
a. Idyolek c. Rehistro
b. Sosyolek d. Dayalek nolingguwal

____67. Nagkita sa isang tindahan ang dalawang magkaibigan sa kanilang barangay.


Nasambit ng isa ang ganit, “Wow Pare, ang tindi ng tama ko… heaven.”
a. Sosyolek c. Idyolek
b. Dayalek d. Etnolek

____68. Sa iyong sariling palagay, bakit napapabilang ang barayti ng wikang Jargon ang
mga termino tulad ng account, balance, diagnosis at test paper?
a. Sapagkat ito ay may kaugnayan sa iba’t ibang hanapbuhay o larangan
b. Sapagkat ito ay mula sa etnolingguwistikong grupo
c. Sapagkat ito ay mula sa isang partikular na grupo
d. Sapagkat ito ay wikang hindi pag-aari ninuman

____69. “Bibigyan kita ng reseta para gumaling ang iyong sakit.”


a. Idyolek c. Sosyolek
b. Dayalek d. Rehistro
____70. Ang banas naman dito sa lugar ninyo Mare, samantalang sa amin ay
napakaaliwalas.
a. Dayalek c. Rehistro
b. Idyolek d. Sosyolek
____71. Sa paanong paraan makabubuti ang madalas na pagpo-post ng produkto sa social
media?
a. Ito ay nakatutulong upang tangkilikin ang isang produkto.
b. Ito ay nakatutulong upang magkaroon ng kamalayan ang mambabasa tungkol sa
magandang naidudulot sa tao ng produkto.
c. Ito ay nakaiimpluwensiya sa mambabasa.
d. Ito ay nakatutulong sa kumpanya ng produkto.
____72. Ang sumusunod ay makatutulong sa paglaganap ng wikang Filipino sa pagpopost
sa social media MALIBAN sa __________________.
a. Sa pamamagitan nito ay mas lalo pang mapatatatag ang wikang Filipino.
b. Mas mapapalawig pa ang sariling wika.
c. Mas maisusulong pa ang intelektuwalisasyon ng ating wika.
d. Mas pinatutunayan nito na walang pag-unlad ang ating wika.
____73. Ano ang pangunahing tuon ng social media lalo’t higit sa mga taong gumagamit
nito?
a. Malaman ang mga nagyayari sa lipunang ginagalawan
b. Makiuso dahil laganap ang mga wika sa iba’t ibang aspekto
c. Malinang ang kaalaman sa mga sitwasyon ng mundo
d. Makita ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino

____74. Paano umiinog ang wika batay sa social media na pananaw?


a. Sa paraan ng wastong paggamit nito c. Sa paraan ng pagpapahalaga nito
b. Sa paraan ng pagmamalaki d. Sa paraan ng paglinang nito

____75. Paano nakaaapekto ang social media sa paggamit ng wikang Filipino?


a. Sa paggamit ng mga hiram na wika c. Sa paglinang ng mga nakasanayang wika
b. Sa pagtalikod sa wikang Filipino d. Sa pagpapahalaga sa wikang Filipino

____76. May ibinigay na takdang-aralin ang iyong guro. Para masagot ito, kailangan mong
magsaliksik sa pamamagitan ng pagkonsulta sa iba’t ibang sanggunian tulad ng mga aklat
at internet.
a. Heuristiko c. Instrumental
b. Impormatibo d. Regulatori

____77. Nagtanong ka sa iyong kaibigan kung saan ang mabilis at madaling daan para
makarating sa inyong pagkakampingan sa Laguna. Itinuro niya sa iyo ang tama, mabilis, at
ligtas na daan papunta roon.
a. Heuristiko c. Instrumental
b. Impormatibo d. Regulatori

____78. Gumagawa ka ng proyekto sa Filipino. Ito ay isang spoken word poetry. Nais mong
ihandog sa iyong ina ang tulang ito sa kaniyang kaarawan.
a. Imahinatibo c. Personal
b. Interaksiyunal d. Representatibo

____79. Namamasyal ka sa isang parke. Maganda ang tanawin at maraming


naggagandahang bulaklak. Gusto mo sanang pumitas para amuyin ang mabango nitong
amoy, pero may nakita kang nakasulat sa isang paskil. Bawal pumitas ng mga bulaklak.
a. Imahinatibo c. Instrumental
b. Interaksiyunal d. Regulatori
____80. Kalat mo, linis mo!
a. Instrumental c. Personal
b. Interaksiyunal d. Regulatori

____ 81. Pakikuha mo nga ako ng isang basong tubig.


a. Instrumental c. Personal
b. Interaksiyunal d. Regulatori

____82. Maaari ko bang malaman kung gaano katagal matapos ang proyekto ng
Sangguniang Kabataan?
a. Instrumental c. Personal
b. Interaksiyunal d. Regulatori

____83. Pangangalap ng impormasyon gamit ang sarbey.


a. interkasyonal c. heuristiko
b. regulatoryo d. personal
____84. Pagbibigay ng opinyon sa napanood na balita.
a. interaksyonal c. personal
b. heuristiko d. regulatoryo

____85. Pagkuha ng bilang ng populasyon sa isang barangay.


a. regulatoryo c. heuristiko
b. personal d. representatibo

____86. Sumusunod sa patakaran ng paaralan.


a. personal c. interaksyonal
b. heuristiko d. regulatoryo

____87.Pagsulat ng talambuhay.
a. instrumental c. interaksyonal
b. representatibo d. heuristiko
____88.Bunga ng pagpapatupad ng Edukasyong Bilingguwal ay dalawang wikang umiiral sa
bansa ang gagamiting panturo sa paaralan.
a. sanhi
b. bunga

____89. Dapat magtatag ang kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo
ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at disiplina upang mas mapalaganap at mapaunlad
ang wikang Filipino.
a. sanhi
b. bunga

____90. Ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, ang Wikang Pambansa ay tatawaging


Pilipino dahil sa masyadong mahabang katawagan ang “Wikang Pambansang Pilipino”.
a. sanhi
b. bunga

____91. May sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga
Kastila kaya’t masasabing mayaman ang ating kultura.
a. sanhi
b. bunga

____92. Nagkaroon ng iba’t ibang rebisyon sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang


Filipino upang mas mapalawak at mapaunlad pa nito ang wika.
a. sanhi
b. bunga

____93. Kailangang ganyakin at itaguyod ang wikang Filipino sa pamamagitan ng


pagbibigay ng insentibo nang makabuo ng orihinal na obra at mga materyales na
reperensiya sa iba’t ibang disiplina.
a. sanhi
b. bunga
____94. Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa pananaliksik na ito, Kalipunan ng
mga Salita na Ginagamit sa Social Media?
a. paggamit ng salita sa isang lugar
b. paggamit ng kalipunan ng mga salita
c. paggamit ng salita mula sa social media
d. pag-iipon ng mga salita mula sa social media
____95. Ano-anong wastong pagsusuri ang maaaring lumabas sa bahaging ito?
Paglalahad ng Suliranin
Ang mga suliranin na nais bigyang kasagutan ng pag-aaral na ito ay ang
mga sumusunod:
1. Ano-ano ang mga salitang ginagamit sa social media?
2. Ano-ano ang kahulugan ng mga salitang ginagamit sa social media?
3. Batay sa naging resulta ng pag-aaral, anong interbensiyon ang maaaring
mabuo at magamit?

I. Magkakaugnay-ugnay ang mga tanong sa Paglalahad ng Suliranin.


II. Tiyak at wasto ang pagkakalahad ng suliranin.
III. Walang batayan ang paglalahad ng suliranin at mahirap sukatin.
IV. Mahirap tukuyin ang metodong gagamitin sa pananaliksik.
a. I c. I at II
b. II d. III at IV

____96. Aling pahayag ang tugma sa iyong pagsusuri sa bahaging ito ng pananaliksik?

Disenyo at Pamamaraan sa Pananaliksik


Ang pag-aaral na ito ay isang aksiyon riserts. Matapos malikom ang mga
salitang umuusbong sa social media ay bibigyang pakahulugan. Ang
mabubuong kalipunan ay magsisilbing awtput ng pag-aaral.

I. Tugma ang aksyon riserts sa disenyo nito.


II. Hindi tugma ang aksyon riserts bilang disenyo ng pananaliksik.
III. Ang mabubuong kalipunan ng mga salita ay bahagi ng aksyon riserts.
IV. Walang itinakda at inaasahang awtput sa pananaliksik na aksyon riserts.
a. I at III c. I, III at III
b. II at IV d. I, III, at IV

____97. Mula sa pamagat ng pananaliksik na Swak Ba o Ligwak ang Paggamit ng Wikang


Taglish sa Pinoy New Testament, masasalamin ba ang kulturang Pilipino?
a. Oo, sapagkat ang paggamit ng wikang Taglish ay hindi bahagi ng ating kultura.
b. Hindi, sapagkat ang Pinoy New Testament na gumagamit ng Taglish ay
hindi tanggap.
c. Oo, sapagkat ang paggamit ng Pinoy New Testament ay nagpapakita ng
pananampalataya.
d. Hindi, sapagkat ang wikang Taglish at Pinoy New Testament ay walang
kaugnayan sa isa’t isa.

____98.Alin sa sumusunod na pananaliksik ang tumatalakay sa wika at kulturang Pilipino?


a. Saloobin ng mg Mag-aaral Hinggil sa New Normal
b. COVID-19: Sanhi ng Kamatayan sa Buong Sanlibutan
c. Teleseryeng “Ang Probinsyano” Salamin ng Kulturang Pilipino: Noon at
Ngayon
d. Pinakanangungunang Pamantasan sa Mundo: Pinagmumulan ng
Matatagumpay na Tao
____99. Aktuwal na isinasagawa ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng
dokumento depende sa itinakdang pamamaraan ng pananaliksik.
I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
III. Pangangalap ng Datos
IV. Pagsusuri ng Datos
V. Pamamahagi ng Pananaliksik

a. I c. III
b. II d. IV

____100. Tukuyin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsasagawa ng


pananaliksik.
I. Dito nagaganap ang pagsusuri sa mga datos na nailahad mula sa pagkakategorya
o mula sa istatistikal na pag- aanalisa.
II. Sa bahaging ito titiyakin ng mananaliksik ang kongklusyon ng pananaliksik.
III. Dito tinitiyak na payak ang paksa. Pinapaunlad ito sa pamamagitan ng
pagbabasa at paghahanap ng mga kaugnay na literatura at pagaaral.
IV. Bubuuin sa bahaging ito ang konseptuwal na balangkas na maglalatag ng
kabuuang lawak ng pananaliksik at paraan ng magiging pagsusuri.
V. Nagaganap sa bahaging ito ang aktuwal na pakikipanayam, sarbey,
obserbasyon o pagsusuri ng dokumento depende sa itinakda ng
pamamaraan ng pag-aaral.

a. II, V, III, I, IV c. I, II, V, IV, III


b. III, IV, V, I ,II d. V, IV, III, I, II

____101.Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang mga susunod na pahayag? Ang pag-
aaral na ito ay isinagawa upang mabigyan ng tiyak na kasagutan ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa wikang Taglish ng
Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11?
2. Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral ng
baitang11?
I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
II. Paglalahad ng Suliranin
III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas
VI. Saklaw at Limitasyon

a. I c. III at IV
b. II d. V at VI
____102.Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga guro at iba pang mga empleyado sa
paaralan. Ang naunang pangungusap ay nilalaman ng bahaging _________________.
I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
II. Paglalahad ng Suliranin
III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas
VI. Saklaw at Limitasyon
a. I c. VI
b. II d. IV at V

____103.Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang pahayag na nasa kahon?

Dahil dito, iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang Pinoy


NT na may Taglish na pagsasalin upang malinang at tumibay pa ang
pananampalataya ng mga kabataang Pilipino, sapagkat ang matibay na
pananalig sa Diyos ay bahagi na ng ating kultura.

a. Resulta at Diskusyon c. Kongklusyon


b. Lagom d. Rekomendasyon

____104.Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang pahayag sa kahon na nasa ibaba?


Ang pag-aaral ay nasa disenyong kwantitatibo sapagkat susukatin ang
magiging resulta sa pamamagitan ng matematikal at estatistikal na
pamamaraan.

a. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik c. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos


b. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik d. Paraan sa Paglikom ng Datos

____105. Ito ang kalagayan ng wikang Filipino sa social media, MALIBAN sa;
a. Gumagamit ng iba’t ibang simbolo ng wika
b. Gumagamit ng iba’t ibang barayti ng wika
c. Laganap ang pagpapaikli ng mga salita
d. Laganap ang code switching
____106. Paano ka makatutulong sa pagpalalaganap at pag-unlad ng wikang Filipino sa
Internet?
a. Paggawa ng blogs na nasusulat sa ating wika
b. Paglalagay ng akdang pampanitikan sa internet
c. Paglalagay ng diksyunaryong Filipino
d. Lahat ng nabanggit
____107. Bakit kinagigiliwan sa social media ang code switching at pagpapalit ng salita sa
ating wika?
a. madaling basahin c. madaling maunawaan
b. madaling maisulat d. madaling maisulat at maunawaan
____108. Ang mga nauusong salita na tinangkilik ng mga Pilipino sa social media tulad ng
lol, sml, skl ay tinatawag na:
a. code switching ng mga salita c. Pagpapaliit ng mga salita
b. Pagpapaikli ng mga salita d. Pagmamali ng mga salita

You might also like