You are on page 1of 2

I. Ibigay ang kahulugan ng mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.

Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang


1. Mayroong apat na mahalagang bahagi ang pananaliksik, isa rito ay ang nagsisilbing introduksiyon, nagpapakilala ng halaga ng akda batay sa
konteksto o kaligiran nito, at nagbibigay na rin ng mga layunin ng pananaliksik. Ito ay nasa antas ng prosesong tinatawag na______.
A. Kongklusyon at Rekomendasyon
B. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa
C. Resulta at Diskusyon
D. Metodolohiya
2. Ipinaliliwanag ang disenyo at pamamaraan ng pananaliksik at ang instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos. Itinuturing na
pinakamahabang proseso ng pananaliksik na tinatawag na______.
A. Kongklusyon at Rekomendasyon
B. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa
C. Resulta at Diskusyon
D. Metodolohiya
3. Naglalaman ng mga tampok na bahagi ng presentasyon at pagsusuri ng datos.Kabilang ang paggamit ng mga paraang istatistikal at
interpretasyon ng datos sa kwantitatibong pananaliksik.Ito ay nasa antas ng prosesong tinatawag na_______.
A. Kongklusyon at Rekomendasyon
B. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa
C. Resulta at Diskusyon
D. Metodolohiya
4. Maikli ngunit malaman ang pagbuo ng lagom. Nagbibigay ng makabuluhang suhestiyon batay sa kinalabasan ng pananaliksik. Ang bahaging
ito ng pananaliksik ay tinatawag na______.
A. Kongklusyon at Rekomendasyon
B. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa
C. Resulta at Diskusyon
D. Metodolohiya
5. Ayon kay Susan B. Neuman, ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa
kaniyang lipunan o kapaligiran. Mayroon itong sentral na layunin na_______.
A. Maraming kapakinabangan ang mananaliksik mula sa proseso ng pagtuklas
B. Upang sukatin ang katalinuhan ng tao sa pamamagitan ng pagsusulat
C. Mapatatag ang wikang Ingles bilang lehitimong wika ng edukasyon
D. Tumuklas ng mga bagong kaalaman na magagamit ng tao
6. Ang plagiarism ay ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa
pinagmulan nito. Ang iba pang anyo ng plagiarism ay ang mga sumusunod MALIBAN sa____.
A. Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na
pagkilala
B. Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag
C. Pagiging matuwid, makatarungan at matapat sa gawa ng iba
D. Pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba
7. Ang pag-alam sa proseso ng pananaliksik ay makapagbibigay sa mananaliksik ng sapat na pundasyon at kakayahan sa pagtuklas ng
impormasyong bubuo sa pananaliksik. Itinuturing na ang unang hakbang at proseso bilang paghahanda ay______.
A. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa
B. Pagdidisenyo ng pananaliksik
C. Pangangalap ng Datos
D. Pagsusuri ng Datos
8. Ang disenyo sa pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at
proseso ng pananaliksik. Kung mailalatag nang maayos ng isang mananaliksik ang sistema at disenyo ng pananaliksik, tiyak na makakamit
nito ang____:
A. Madaling makabubuo ng rebyu at sintesis ng mga naunang pag-aaral na may kinalaman sa paksa at suliranin ng ginagawang
pananaliksik
B. Matutukoy nang malinaw ang suliranin ng pananaliksik at mapangangatwiranan ang pagkakapili nito
C. Malinaw at tiyak na matutukoy ang mga haypotesis na pinakasentral sa pag-aaral
D. Madaling gumawa ng buod
9. Tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal,
estadistikal at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng kompyutasyon. Ito ay tinatawag na pamamaraang_____.
A. Deskriptibo
B. Etnograpiko
C. Kuwalitatibo
D. Kuwantitatibo
10. Kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na
gumabagay rito. Ito ay tinatawag na pamamaraang_______.
A. Deskriptibo
B. Etnograpiko
C. Kuwalitatibo
D. Kuwantitatibo
11. Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasulukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa
mga tanong na sino, ano, kailan at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral. Ang pamamaraang ito ay_______.
A. Deskriptibo
B. Etnograpiko
C. Kuwalitatibo
D. Kuwantitatibo
12. Sa bahagi ng metodolohiya,nakasaad ang mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok. Kabilang sa mga ito ay kung sino, tagasaan, o
kaya ay kung anong institusyon o organisasyon may kaugnayan ang kalahok. Ito ay bahagi ng tinatawag na_____.
A. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
B. Paraan sa Pagsusuri ng Datos
C. Pagsisinop ng mga Tala
D. Presentasyon ng Datos
13. Ito ay isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng
pananaliksik. Kadalasang ginagamitan ng payak na questionnaire na hinahayaang sagutan ng mga kalahok.Ang pamamaraang ito ay______.
A. Dokumentaryong Pagsusuri
B. Pakikipanayam o Interbyu
C. Structured Interview
D. Sarbey
14. Sa pamamaraan ng pakikipanayam o Interbyu, may iba’t ibang uri ng panayam, isa na rito ang tinatawag na structured interview o
mabalangkas na pakikipanayam na nangangahulugang____.
A. Halos eksakto o tiyak ang pagtatanong gaya ng mga nasa talatanungan na ginagamit sa sarbey
B. Mas nagbibigay ng kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy panayam
C. Upang galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol sa paksa ng panayam
D. Batay sa husay ng pagpili ng representatib ng buong populasyon o sampling
15. Ang semi-structured interview o pakikipanayam na bahagyang nakabalangkas ay ginagamitan ng mga gabay na tanong upang maging
maayos at sistematiko ang daloy ng panayam at_________.
A. Halos eksakto o tiyak ang pagtatanong gaya ng mga nasa talatanungan na ginagamit sa sarbey
B. Mas nagbibigay ng kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy panayam
C. Upang galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol sa paksa ng panayam
D. Batay sa husay ng pagpili ng representatib ng buong populasyon o sampling
16. Ang panayam na unstructured o walang estruktura ay kadalasang impormal ang paraan ng pagtatanong at may layuning_______.
A. Halos eksakto o tiyak ang pagtatanong gaya ng mga nasa talatanungan na ginagamit sa sarbey
B. Mas nagbibigay ng kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy panayam
C. Upang galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol sa paksa ng panayam
D. Batay sa husay ng pagpili ng representatib ng buong populasyon o sampling
17. Isang pamamaraan ng pananaliksik na ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng
pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa.
A. Nakabalangkas na obserbasyon
B. Dokumentaryong Pagsusuri
C. Structured Interview
D. Panayam o Interbyu
II. Isa-isahin ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik.
18. Ginagamit ang pamamaraan ng pananaliksik na ito, kapag nangangailangan ng field study gaya ng etnograpiya. Ito ay pagmamasid ng
mananaliksik sa mga kalahok na pokus ng pag-aaral habang sistematikong itinatala ang kanilang pagkilos, at iba pa.
A. Nakabalangkas na obserbasyon
B. Dokumentaryong Pagsusuri
C. Structured Interview
D. Panayam o Interbyu
19. Sa bahaging ito ng metodolohiya, ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan nng
pananaliksik. Ito ay tinatawag na_____.
A. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
B. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
C. Paraan sa Paglikom ng Datos
D. Paraan sa Pagsusuri ng Datos
20. Nilalaman naman ng bahaging ito ang hakbang-hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos. Maaring gumawa ang mananaliksik ng
dayagram upang maipakita ang mga hakbang sa pangangalap ng datos. Ito ay proseso ng tinatawag na______.
A. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
B. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
C. Paraan sa Pagsusuri ng Datos
D. Paraan sa Paglikom ng Datos
21. Ilalagay sa bahaging ito kung paano ang gagawing sistematiko ang presentasyon ng datos para sa mas madaling interpretasyon at pagsusuri,
itinuturing na pinakahuling bahagi ng metodolohiya na______.
A. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
B. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
C. Paraan sa Pagsusuri ng Datos
D. Paraan sa Paglikom ng Datos
22. Sa presentasyon ng Datos, mahalagang gawin muna ang proseso ng tabulasyon o pagsasaayos ng impormasyong nakalap. May mga
pangunahing hakbang sa pagsasaayos nito MALIBAN sa____.
A. Paglikom at pagbilang ng mga bumalik na datos mula sa ipinamahaging talatanungan
B. Pag-sasaayos ng mga tala mula sa obserbasyon
C. Transkripsyon ng naganap na pakikipanayam
D. Bibliyograpiya
23. Itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik. Nagpapakita ng kontribusyon ng mananaliksik sa pag-unlad ng kaalaman. Ito ay
kilala sa tawag na_______.
A. Metodolohiya C. Bibliyograpiya
B. Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik D. Pangangalap ng Datos
24. Sa presentasyon ng datos, ginagamit sa biswal na presentasyon ng mga numero o bahagdan na maaaring magpakita ng kabuuang padron,
ugnayan o kalakaran batay sa uri nito, ito ay ang______.
A. Graph at chart
B. Line Graph
C. Bar Graph
D. Tallying
25. Bahagi sa presentasyon ng datos, kadalasang nagpapakita ng mga datos na nasa iba’t ibang kategorya o kaya ay paghahambing, tinatawag
itong______.
A. Working Tables
B. Graph at chart
C. Pie Graph
D. Bar Graph
26. Nagpapakita ng bahagdan o pagkakahati ng bawat bahagi. Ang paraan na ito ng presentasyon ng datos ay kilala sa tawag na_____.
A. Graph at Chart
B. Line Graph
C. Pie Graph
D. Bar Graph
27. Sa pagsisinop ng tala at Bibliyograpiya, kadalasang ginagamit ang estilong APA. Ano ang ibig sabihin nito?
A. American Psychological Association
B. American Psychologist Association
C. America Psychological Association
D. America Psychology Association
28. Kapag gumagamit ng pormat na APA, sinusunod ang pagkilala na nasa loob ng mismong texto o in-text citation kung saan tinutukoy ang
awtor at taon ng pagkalathala na nangangahulugang______-.
A. Paggamit ng panaklong kung saan kadalasang nakapaloob ang pangalan ng awtor at ang pahina ng aklat kung saan sinipi o nakuha ang
impormasyon
B. Ang apelyido ng awtor at taon ng publikasyon ay nasa loob mismo ng teksto
C. Direktang sipi at paraphrase na nagbibigay ng impormasyon
D. Hindi Direktang sipi at paraphrase ng impormasyon
29. Sa estilong MLA, ang pagbanggit at pagpakilala sa akda ng iba ay isinasagawa sa sariling pananaliksik sa pamamagitan ng parenthetical
citation o nangangahulugang______.
A. Paggamit ng panaklong kung saan kadalasang nakapaloob ang pangalan ng awtor at ang pahina ng aklat kung saan sinipi o nakuha ang
impormasyon
B. Ang apelyido ng awtor at taon ng publikasyon ay nasa loob mismo ng teksto
C. Direktang sipi at paraphrase na nagbibigay ng impormasyon
D. Hindi Direktang Sipi
30. Ang KABANATA I. Ang Suliranin at Sanligan Nito, may mayroong bahagi ng papel-pananaliksik na natutukoy mula sa bawat antas ng proseso
tulad ng sumusunod:
A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik, Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
B. Paraan sa Paglikom ng Datos at Paraan sa Pagsusuri ng Datos
C. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
D. Lagom, Resulta at Diskusyon

You might also like