You are on page 1of 3

Asian Development Foundation College

Tacloban City

Panggitnang Pagtataya sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik
Unang Bahagi: May Pagpipiliang Sagot na Pagsusulit
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong sa bawat bilang. Pag-isipan ng mabuti ang pipiliing
sagot nang hindi magsisi sa bandang huli. Pumili lamang ng isang sagot matuto kang makuntento
sa isa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay isang proseso ng pagbibigay kahulugan sa isang teksto.
A. Pag-unawa C. Pakikinig
B. Pagbasa D. Pagsulat
2. Isang uri ng teksto ang layunin ay maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan,
sitwasyon at iba pa.
A. Tekstong Deskriptibo C. Tekstong Naratibo
B. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Persuweysib
3. Si Kaloy ang masayahing tao na aking nakilala. Ang salitang may salungguhit ay isang
halimbawa ng __________ na salita.
A. Nagkukuwento C. Naglalarawan
B. Nanghihikayat D. Nagsasalaysay
4. “Tara doon tayo mamasyal at kumain dahil napakaganda ng mga tanawin doon.” Ang pahayag
na ito ay isang halimbawa ng ___________.
A. Nagkukuwento C. Naglalarawan
B. Nanghihikayat D. Nagsasalaysay
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Radyo C. Telebisyon
B. Pahayagan D. Diksyunaryo
6. Ito ay pagkukuwento ng mga serye ng mga pangyayari na maaaring peksiyon o di-peksiyon na
mga teksto.
A. Tekstong Deskriptibo C. Tekstong Naratibo
B. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Persuweysib
7. Ang balita, pahayagan, artikulo ay mga halimbawa ng ___________ na pagsusulat.
A. Tiyak C. Di-tiyak
B. Piksiyon D. Di-piksiyon
8. Uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon ng isang tiyak na
paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya.
A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Persuweysib
B. Tekstong Naratibo D. Tekstong Prosidyural
9. Saan nabibilang ang editoryal ng isang pahayagan?
A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Persuweysib
B. Tekstong Naratibo D. Tekstong Prosidyural
10. Ang mga sumusunod ay nilalaman ng isang tekstong argumentatibo maliban sa isa.
A. Panimula C. Wakas
B. Katawan D. Konklusyon
11. Tumutukoy ito sa pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan sa isang teksto.
A. Argumento C. Paksa o Pamagat
B. Proposisyon D. Ebidensiya
12. Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang panig.
A. Argumento C. Paksa o Pamagat
B. Proposisyon D. Ebidensiya
13. Uri ng tekstong kadalasan nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paanong
isasagawa ang isang tiyak na bagay.
A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Persuweysib
B. Tekstong Naratibo D. Tekstong Prosidyural
14. Sa tekstong ito, layunin nito ang makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at
impormasyon sa mga tao upang tagumpay na maisagawa ang mga gawain.
A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Persuweysib
B. Tekstong Naratibo D. Tekstong Prosidyural
15. Ang tekstong prosidyural ay may apat na nilalaman. Alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang?
A. Layunin o target na awtput C. Kagamitan
B. Metodo D. Pagsusulit
16. Sa bahaging ito makikita ang mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng
prosidyur na isinasagawa.
A. Ebalwasyon C. Direksiyon
B. Pagtataya D. Instruksiyon
17. Dito makikita ang mga serye ng hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.
A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Persuweysib
B. Tekstong Naratibo D. Tekstong Prosidyural
18. Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng
prosidyur.
A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Persuweysib
B. Tekstong Naratibo D. Tekstong Prosidyural
19. Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang makompleto ang
isasagawang proyekto.
A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Persuweysib
B. Tekstong Naratibo D. Tekstong Prosidyural
20. Ito ay isang proseso ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga tiyak na katanungan ng tao
tungkol sa kanyang lipunan o kapaligiran.
A. Pagbasa C. Pakikipanayam
B. Pagsasarbey D. Pananaliksik

Ikalawang Bahagi: Tama o Mali


Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pahayag ng bawat bilang. Isulat ang titik T kung ito ay
nagpapahayag ng tama at kung mali ay palitan ang salitang may salungguhit upang ito ay maging
tama. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang pananaliksik ay isang paraan ng pangangalap ng datos o impormasyon sa isang tiyak na


paksa o bagay.
2. Matatawag na Maka-Pilipinong Pananaliksik ang isang pag-aaral kung ito ay gumagamit ng
wikang Filipino at pumapaksa ng mga paksaing maka-Pilipino.
3. Sa isang Maka-Pilipinong Pananaliksik hindi na kinakailangan ng mga paksang malapit sa
puso ng mga Pilipino.
4. Isinasaalang-alang sa Maka-Pilipinong Pananaliksik ang pakinabang ng gagagawing pag-aaral
sa sambayang Pilipino.
5. Maaaring pumili ng kahit anong paksa ang Maka-Pilipinong Pananaliksik kahit ito ay hindi
naaayon sa interes ng mga Pilipino.
6. Ang Maka-Ingles na pananaliksik sa iba’t ibang larang o disiplina ay hamon sa Maka-
Pilipinong Pananaliksik.
7. Patakarang pangwika sa pamahalaan ang nagiging hamon sa Maka-Pilipinong Pananaliksik.
8. Sa pagpili ng paksa sa pananaliksik kinakailangang tukuyin muna kung may sapat bang pondo
na pagbabatayan sa napiling paksa.
9. Sa pananaliksik bago bumuo ng paksa ay kinakailangan alamain muna kung paanong
lilimatahan o papaliitin ang isang paksa na malawak ang saklaw.
10. Alamin muna kung gagamit ba ng sistematiko at maka-agham na paraan upang masagot ang
tanong.

Ikatlong Bahagi:
A. Panuto: Ibigay ang tamang prosidyur kung paaano magsaing ng kanin. Gamitin ang mga
sumusunod na mga salita upang sa pagsasalaysay ng mga hakbang (una, pangalawa, pangatlo,
pang-apat, panghuli).
Tamang Prosidyur sa Pagsasaing ng Kanin.
Una: (5 puntos)
________________________________________________________________________
____________________________________________________.
Pangalawa: (5 puntos)
________________________________________________________________________
____________________________________________________.
Pangatlo: (5 puntos)
________________________________________________________________________
____________________________________________________.
Pang-apat: (5 puntos)
________________________________________________________________________
____________________________________________________.
Panghuli: (5 puntos)
________________________________________________________________________
____________________________________________________.
B. Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang mga uri ng teksto. Isulat ang kahulugan nito at magbigay
ng dalawang halimbawa ng bawat uri ng teksto.

1.(5pts.) 2. (5pts.)

Uri ng Teksto 3. (5pts.)


6. (5pts.)

5. (5pts.) 4. (5pts.)

“Ang taong mayabang ay walang paroroonan ngunit ang taong mapagkumbaba malayo ang
mararating.”

LIONEL A . MARGALLO
Intstructor

You might also like