You are on page 1of 2

MASTERY TEST SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11

PANGKABUUANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at sagutin ito ng iyong tamang sagot.

I. BILOG (TAMA) O BITUIN (MALI. PANUTO: Gumuhit ng BILOG kung ang pangungusap o parirala ay nagsasaad ng TAMA at
BITUIN naman ang iguhit kung ito ay nagsasaad ng maling sagot. Iguhit ang tamang sagot sa lugar bago ang numero/bilang.

1. Unang panauhan ay uri ng punto vista na gumagamit ng panghalip na ako at nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang
naranasan o naalala
2. Tauhang bilog ito ay tauhang may multidimensional o maraming saklaw ang personalidad.
3. Sa mga uri ng panghihikayat ang Logos ba ay ang paggamit ng lohika o impormasyon
4. Obhetibo ay ang paglalarawan na walang pinagbatayang katotohanan.
5. Ang pangalawang panauhan ay gumagamit ng panghalip na siya at sina.

II. MULTIPLE CHOICE: Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at isulat ang malaking titik (capital letter) ng iyong
tamang sagot sa lugar bago ang numero/bilang.
6. Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayri sa tekstong naratibo.
a. Tagpuan at panahon c. Paksa
b. Banghay d. Simula
7. Ito ang tawag sa maayos na pagkasunod sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang linaw ang
temang taglay ng akda.
a. Tagpuan at panahon c. Paksa
b. Banghay d. Simula
8. Anong paraan ng panghihikayat ayon kay Aristotle na kung saan ito ay gumagamit ng kredibilidad o imahe para
makapanghikayat?
a. Ethos c. Bastos
b. Pathos d. Logos
9. Anong propaganda devices ang gumagamit ng mga sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan?
a. Glittering Generalities c. Transfer
b. Name calling d. Testimonial
10. Anong propaganda devices ang hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay
sumasali na?
a. Card Stacking c. Bandwagon
b. Name calling d. Plain Folks
11. Ito ay uri ng teksto na ang layunin ay mangumbinsi o manghikayat batay sa mga obhetibong ideya at hind isa mga kuro-kuro.
Anong teksto ito?
a. Tekstong Argumentatibo c. Tekstong Prosidyural
b. Persweysib d. Tekstong Naratibo
12. Ito ay uri ng teksto na ang layunin ay magbigay ng mga hakbang at gabay para makagawa ng gawain. Anong teksto ito?
a. Tekstong Naratibo c. Tekstong Prosidyural
b. Tekstong Persweysib d. Tekstong Impormatibo
13. Ito ay uri ng teksto na ang layunin ay magsalaysay o magkwento sa isang tao o tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa
isang tagpuan nang may maayos na pagkasunod-sunod. Anong teksto ito?
a. Tekstong Naratibo c. Tekstong Prosidyural
b. Tekstong Persweysib d. Tekstong Impormatibo
14. Ito ay uri ng teksto na ang layunin ay mangumbinsi o manghikayat. Anong teksto ito?
a. Tekstong Naratibo c. Tekstong Prosidyural
b. Tekstong Persweysib d. Tekstong Impormatibo
15. Ito ay uri ng teksto na ang layunin ay magbigay ng kaalaman at impormasyon batay sa makatotohanan. Anong teksto ito?
a. Tekstong Naratibo c. Tekstong Prosidyural
b. Tekstong Persweysib d. Tekstong Impormatibo
16. Ito ay paglalarawan na may pinagbabatayang katotohanan.
a. Obhetibo c. Subhetibo
b. Empirikal d. Kritikal
17. Ito ay paglalarawan batay sa kanyang mayamanga imahinasyon at di nakabatay sa katotohanan.
a. Obhetibo c. Subhetibo
b. Empirikal d. Kritikal
18. . Anong cohesive devices na gumagamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita sa pangungusap?
a. Kohesyong Leksikal c. Ellipsis
b. Reperensya d. Substitusyon
19. Paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging basehan ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Pwedeng
Anapora o Katapora?
a. Kohesyong Leksikal c. Ellipsis
b. Reperensya d. Substitusyon
20. Ano ang mga salitang ginagamit upang magkaroon ito ng kohesyon.
a. Kohesyong Leksikal c. Ellipsis
b. Reperensya d. Substitusyon

III. IDENTIPIKASYON: PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa
iyong palagay. Isulat ang iyong sagot sa lugar bago ang numero/bilang.

anapora pangunahing tauhan kakalasan kasukdulan tauhang bilog katapora

katunggaling tauhan card stacking tauhang lapad plain folks kasamang tauhan name calling
21. Tauhan may multidimensional o maraming saklaw ang personalidad.
22. Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangian madaling matukoy o predictable.
23. Kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto.
24. Kung nauna ang pangngalan kaysa sa panghalip at kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy.
25. Sa tauhan, sila ang kumakatawan sa kontrabida ng kwento na siyang sumasalungat sa bida.
26. Sa kanila umiikot ang mga pangyayari sa kwento mula simula hanggang sa katapusan o wakas.
27. Dito mangyayari ang mga pangyayari na hindi mo mabitaw-bitawan at gusto mo nang tapusin ang iyong binabasa, ito rin ang
exciting na parte ng isang sulat.
28. Ito ang pababang pangyayari na humahantong sa isang resolusyon.
29. Sa pitong propaganda devices, ipinakita ang lahat ng magagandang katangianng produkto ngunit iniiwasang tukuyin ang hindi
magandang katangian
30. Sa pitong propaganda devices, pagbibigay ng hindi magandang tagurí sa isang produkto o katunggaling politiko upang hindi
tangkilikin. karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika.

IV. ENUMERASYON: PANUTO: Ibigay ang mga hinihinging sagot na sa palagay niyo ay tama. Isulat ang iyong sagot sa lugar bago
ang numero/bilang.

31-34. Ibigay ang apat na batiking peryodista na nagsusulat ng editorial.


35-37. Ibigay ang tatlong paraan ng panghihikayat ayon kay Aristotle.
38-40. Ibigay ang tatlong uri ng pananaw ng ikatlong panauhan.

Address: Casay, Dalaguete, Cebu


Telefax No.: (032) 425 1109
Email: 302977@deped.gov.ph

You might also like