You are on page 1of 2

QUIZ

PAGBASA AT PAGSUSURI ng IBA’t IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PANUTO: Tukuyin kung ano anng ipinapahayag ng bawat bilang. Piliin lamang ang tamang sagot sa mga pagpipilian.
Tiyaking tama ang iyong pinili upang sa huli ay hindi mo ito pagsisihan, dahil baka masaktan ka lang.

1. Ito ay tumutukoy sa anumang uri ng sulating mababasa ninuman.


a. Teksto b. wika c. panimula d. diskurso
2. Ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangiang taglay ng isang tao, bagay, lugar, at
pangyayari.
a. persweysiv b. deskriptibo c. naratibo d. argumentatibo
3. Layunin ng tekstong ito na himukin ang mambabasa na kumilos at gumawa ng isang bagay na naayon sa kagustuhan
ng manunulat.
a. deskriptibo b. argumentatibo c. persweysiv d. naratibo
4. Ito ang tekstong naglalahad o nagsasalaysay ng mga pangyayari o kaganapan.
a. persweysiv b. deskriptibo c. argumentatibo d. naratibo
5. Uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit
ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensyang kasaysayan
at resulta ng empirikal na pananaliksik.
a. deskriptibo b. prosidyural c. persweysiv d. argumentatibo
6. Ayon kay Abad ito ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan at ito ang isang bagay na
pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng dalawang panig.
a. argumentatibo b. deskriptibo c. proposisyon d. persweysiv
7. Ito ay ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig.
a. prosidyural b. argumento c. persweysiv d. argumentatibo
8. Uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak
na bagay.
a. prosidyural b. persweysiv c. argumentatibo d. deskriptibo
9. Ang paglilipat ng mga kahulugan mula sa isang wika patungo sa iba pang wika.
a. pagsasalin b. dynamic equivalence c. formal equivalence d. textualization
10. Ito ay tinuturing na kaluluwa ng isang bansa.
a. Teksto b. wika c. panimula d. diskurso
11. Direktang pagtutumbas ng mga sangkot na wika o mga aspektong lingguwistiko.
a. dynamic equivalence b. textualization c. formal equivalence d. diskurso
12. Ito ang proseso ng pagsasalin na isinusunod ayon sa kabuluhan/kahulugan/mensahe o diwa ng isinasalin.
a. textualization b. formal equivalence c. scribization d. dynamic equivalence
13. Dito nagaganap ang abstraksiyon ng teksto.
a. formal equivalence b. auralization c. scribization d. textualization
14. Pagsasatitik ng mga konseptong isinasalin.
a. auralization b. textualization c. scribization d. formal equivalence
15. Pagtitimbang s tainga ng mga salitang idinikta ng isip at isinulat ng kamay.
a. textualization b. auralization c. formal equivalence d. scribization
16. Ito ang nagsisilbing hudyat ng pagpapakilala sa paksang mayroon and isang tekstong impormatibo.
a. panimula b. Aesthetic value c. argumento d. diskurso
17. Dito nabubuo ang komprehensibong pagtalakay sa paksa ng tekstong impormatibo.
a. aktuwal na pagtalakay sa paksa b. scribization c. pagsasalin d. textualization
18. Sa bahaging ito isinusulat o inililista ang lahat ng pinagsanggunian nang kompleto at buo ayon sa pagkakagamit nito
sa loob ng teksto.
a. Aesthetic value b. pagsulat ng sanggunian c. aktuwal na pagtalakay sa paksa d. diskurso
Dalawang termino na dapat isaalang alang sa proseso ng pagsasalin.
a. Teksto b. wika c. panimula d. diskurso

I. Pagsasalin
A. Panuto: Piliin ang higit na tiyak na kahulugan ng pangungusap na Ingles sa salin sa Filipino. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

19. Carry on the shoulder.


a. Dalahin sa balikat b. Pasanin. c. buhatin sa balikat d. Lahat ng nabanggit
20. Tell the children to return to their seats.
a. Sabihin sa mga bata na magbalik na sila sa kani-kanilang upuan.
b. Pabalikin ang mga bata sa kanilang upuan.
c. Paupuin ang mga bata
d. Wala sa nabanggit
21. The war between Iran and Iraq.
a. Ang digmaan sa pagitan ng Iran at Iraq.
b. ang Iraq at Iran ay nagdigmaan
c. Ang digmaan ng Iran at Iraq.
d. Wala sa nabanggit
22. The guest arrived when the program was already over.
a. Ang panauhin ay dumating kung kailan tapos na ang programa.
b. Uwian na nang dumating ang bisita
c. Tapos na ang programa nang dumating ang panauhin.
d. Wala sa nabanggit
23. I went to the Auditorium where the contest will be held.
a. Ako ay nagpunta sa Awditoryum na kung saan idaraos ang paligsahan.
b. Nagpunta ako sa Awditoryum na pagdarausan ng paligsahan.
c. Galing ako sa Awditoryum ng paligsahan
d. Wala sa nabanggit

You might also like