You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Laguna
District of Bay
MASAYA INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Gov. F.T. San Luis Ave., Masaya, Bay, Laguna
Tel. Nos.: (049) 501-3050, (049) 576-0525 Telefax: (049) 501-3050

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT


KULTURANG FILIPINO
First Semester - S.Y. 2022-2023
Name: ________________________________________________ Date: ___________________
Grade & Section: _______________________________________________ Teacher: ________________

PANUTO: BASAHIN AT UNAWAIN MABUTI ANG MGA KATANUNGAN AT BILUNGAN ANG LETRA NG TAMANG
SAGOT.
1. Salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.
a. pang-uri b. pang-abay c. pangngalan d. pandiwa
2. salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita.
a. pang-uri b. pang-abay c. pangngalan d. pandiwa
3. katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
a. Pang- angkop b. pang-ukol c. pangatnig d. pandiwa
4. salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
a. Pang- angkop b. pang-ukol c. pangatnig d. pandiwa
5. salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay.
a. Pang- angkop b. pang-abay c. pandiwa d. pang-ukol
6. salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip
a. Pang- angkop b. pang-abay c. pangngalan d. pang-ukol
7. salitang nagsasaad

ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita


a. Pang- angkop b. pang-ukol c. pangatnig d. pandiwa
8. Ito ang tawag sa mga salitang pinaghahalilí sa pangngalan.
a. Pang- angkop b. panghalip c. pandiwa d. pang-ukol
9. Tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula
sa malaking titik.
a. Pambalana b. Pantangi c. Pangbansa d. Pangngalan
10. tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, pook, hayop, bagay, pangyayari, at iba pa. Karaniwang
nagsisimula sa maliit na titik. Halimbawa: bansa, korporasyon, pista.
a. Pambalana b. Pantangi c. Pangbansa d. Pangngalan
11. Ano ang naiiba sa mga sumusunod mga salita.
a. Aling Jenny Rose c. Paaralan
b. Masaya Integrated National High School d. Mamang Lawrence
12. Si Reiwell ay unti-unting nahuhulog sa kanyang kababata. Tukuyin kung ano ang pangngalang pantangi
na ginamit sa pangungusap.
a. Kababata b. Reiwell c. Nahuhulog d. Unti-unting
13. Si Reiwell ay unti-unting nahuhulog sa kanyang kababata. Tukuyin kung ano ang pang-abay na ginamit sa
pangungusap.
a. Kababata b. Reiwell c. Nahuhulog d. Unti-unting
14. Si Reiwell ay unti-unting nahuhulog sa kanyang kababata. Tukuyin kung ano ang pangngalang pambalana
na ginamit sa pangungusap.
a. Kababata b. Reiwell c. Nahuhulog d. Unti-unting
15. Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. Maaari itong gamitin bilang simuno at tagaganap.
a. Personal pronoun c. Interrogative pronoun
b. Demonstrative pronoun d. Relative pronoun
16. “Bakit ka pa pupunta sa iba? Dito ka nalang”. Anong uri ng panghalip ang ginamit sa pangungusap.
a. bakit c. dito
b. pupunta d. nalang
17. Ito ay uri ng pang-halip na ginagamit sa pagturo.
a. Personal pronoun c. Interrogative pronoun
b. Demonstrative pronoun d. Relative pronoun
18. Salitang ginagamit bilang panghalili o pamalit na sumasaklaw ng kaisahan, bilang, dami, o kalahatan ng
pangngalang tinutukoy.
a. Personal pronoun c. Interrogative pronoun
b. Demonstrative pronoun d. Relative pronoun
19. “Si Anton ay kasing asim ni Barbara”. Anong uri ng panghalip ang ginamit sa pangungusap.
a. Personal pronoun c. Interrogative pronoun
b. Demonstrative pronoun d. Relative pronoun
20. Nagsasaad ito na tapos nang gawin ang kilos.
a. Perpektibo c. Kontemplatibo
b. Imperpektibo d. Perpektibong katatapos
21. “Sila Odette at Bernadette ay sumayaw sa bayan noong nakaraang linggo”. Anong aspekto ng pandiwa
ang ginamit sa pangungusap.
a. Perpektibo c. Kontemplatibo
b. Imperpektibo d. Perpektibong katatapos
22. Nagsasaad ito na katatapos pa lamang ang kilos. Kadalasan ay nilalagyan ang panlaping ka at uulitin ang
unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.
a. Perpektibo c. Kontemplatibo
b. Imperpektibo d. Perpektibong katatapos
23. Nagsasaad ito na ang sinimulang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos o kasulukuyan
paring ginagawa.
a. Perpektibo c. Kontemplatibo
b. Imperpektibo d. Perpektibong katatapos
24. Ito ay binubuo ng mga salitang-ugat lamang.
a. Tambalan b. Inuulit c. Maylapi d. Payak
25. Ito ay mga pang-uri na binubuo ng salitang-ugat at panlapi.
a. Tambalan b. Inuulit c. Maylapi d. Payak
26. Ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita.
a. Tambalan b. Inuulit c. Maylapi d. Payak
27. Ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal.
a. Tambalan b. Inuulit c. Maylapi d. Payak
28. Ito ay uri ng pang-uri na nagsasaad ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa at hugis ng mga
pangngalan o panghalip.
a. Pang-uri b. Panlarawan c. Pantangi d. Pamilang
29. Uri ng pang-uri na nag sasabi ng tiyak na pangngalan. Ito ay binubuo ng isang pangngalang pambalana at
isang pangngalang pantangi.
a. Pang-uri b. Panlarawan c. Pantangi d. Pamilang
30. Ito ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunodsunod ng pangngalan o panghalip.
a. Pang-uri b. Panlarawan c. Pantangi d. Pamilang
31. Ito ay nagsasaad ng aktuwal na bilang ng tao o bagay. Ito ay mga basal na bilang o numeral.
a. Patakaran b. Panunuran c. Pamahagi d. Palansak
32. Ito ay nagsasaad ng posisyon ng pangngalan sa pagkasunod-sunod ng mga tao o bagay. Isinasabi ng mga
ito kung pang-ilan ang tao o bagay.
a. Patakaran b. Panunuran c. Pamahagi d. Palansak
33. Ito ay nagsasaad ng bahagi ng kabuuan ng pangngalan. Ang unlaping tig- ay nagsasaad ng pantay na
pamamahagi (equal distribution). Ginagamit ito kapag ang bilang ng bagay na ibinigay o natanggap ay
parepareho.
a. Patakaran b. Panunuran c. Pamahagi d. Palansak
34. Ito ay nagsasaad ng halaga (katumbas na pera) ng bagay o anumang binili o bibilhin.
a. Panunuran b. Panunuran c. Pamahagi d. Pahalaga
35. Ito ay nagsasaad ng pagpapang-pangkat ng mga tao o bagay. Itinutukoy nito ang bilang na bumubuo ng
isang pangkat ng tao o bagay na pinagsama-sama.
a. Patakaran b. Panunuran c. Pamahagi d. Palansak
36. Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang ng pangngalan. Ang bilang na ito ay hindi na madadagdagan o
mababawasan pa.
a. Patakaran b. Panunuran c. Pamahagi d. Palansak
37. nagsasaad ng panahon ng pagganap at sumasagot sa tanong na kailan. Halimbawa: kahapon, kanina,
ngayon, bukas, araw-araw, gabi-gabi.
a. Panlunan b. Pamaraan c. Ingklitik d. Pananggi
38. Nagsasaad ng pook o na pinangyarihan ng kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na saan. Halimbawa: sa ilog,
kina tomas, sa bayan.
a. Pamanahon b. Panlunan c. Panang-ayon d. palansak
39. Nagsasaad kung paano ginanap ang kilos o pangyayaring isinasaad ng pandiwa. Halimbawa: mabilis,
dahan-dahan, matulin, malakas.
a. Pamaraan b. Pang-agam c. Panulad d. Pangaano
40. nagsasaad ng kondisyon para maganap ang pandiwa. Ginagamitan ng mga salitang kung, kapag, pag, o
pagka.
a. Kondisyunal b. Benepaktibo c. Panulad d. Kawsatibo
41. Nagsasaad ng paggalang at pagsasaalang-alang. Ginagamitan ng opo, po, oho, ho.
a. Benepaktibo b. Panturing c. Pamitagan d. Kawsatibo
42. Pang-angkop na ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito
isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring.
a. nang b. -ng c. na d. -g
43. Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa n. Ikinakabit ito sa unang salita.
a. nang b. -ng c. na d. -g
44. Ginagamit upang iukol ang mga pananalitang tinryeudggran ng isang may kapangyarihan o isang
sanggunian
a. Para sa b. Ayon sa c. Ni/nina d. Sa
45. Inuukol ang isang bagay ay nakakabit at nakasuporta sa isa pang bagay.
a. Sa b. Ni/nina c. Ayon sa d. Para sa
46. "sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa."
a. Pananaliksik b. Wika c. Teorya d. Paksa
47. Layunin ng pananaliksik na ito na alamin kung ang isang teorya ay makatotohanan at katanggap-tanggap
batay sa mga pangkalahatang prinsipyong kasalukuyang kinikilala ng mga dalubhasa.
a. Analitikong pananaliksik c. Aplikadong pananaliksik
b. Mapanuring pananaliksik d. Holistikong pananaliksik
48. Kinakailangan ang kritikal at mapanuring pag-iisip upang masiyasat ang mga impormasyong nakalap.
Matapos ito ay ipapaliwanag ng mananaliksik kung may natuklasang detalye na sumusuporta sa paksa.
a. Mapanuring pananaliksik c. Ebalwatibong pananaliksik
b. Holistikong pananaliksik d. Maunlad na pananaliksik
49. Layunin ng mananaliksik na gamitin ang impormasyong nakalap upang makapagbalangkas, makabuo, at
makapagsuri ng mga programa, proseso o produkto alinsunod sa mga kinikilalang angkop na batayan o
pamantayan. Ginagamit ito sa negosyo, edukasyon at sikolohiya.
a. Mapanuring pananaliksik c. Ebalwatibong pananaliksik
b. Holistikong pananaliksik d. Maunlad na pananaliksik
50. Layunin na alamin ang epekto ng isang pagsubok (test), eksperimento o programa ng pangkat na
sumailalim dito at ihambing ang resulta sa isa pang pangkat na maaaring binigyan din ng parehong
pagsubok. Tinitignan kung ito ba ay naging mabisa.
a. Eksperimental na pananaliksik c. Kwalitatibong pananaliksik
b. Holistikong pananaliksik d. Maunlad na pananaliksik

You might also like