You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

University of Cabuyao
(Pamantasan ng Cabuyao)
College of Education
Katapatan Mutual Homes, Brgy. Banay-banay, City of Cabuyao, Laguna, Phillippines 4025

MIDTERM EXAMINATION
PANIMULANG LINGGWISTIKA (SFM102)

NAME: ___________________________________ SCORE: _____________________


STUDENT NUMBER: _______________________ SECTION: ___________________
NAME OF FACULTY: Bb. Mary Antonette O. Tagadiad
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay ang pagtaas at pag baba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita.
A.Tono C.Haba
B.Diin D.Antala

2.Tumutukoy sa haba ng pagbigkas sa isang salita. Ito ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaring makapag-iba sa
kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
A. Tono C. Haba
B. Diin D. Antala

3.Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang mas maunawaan ang mensaheng nais ipabatid.
A. Tono C. Haba
B. Diin D. Antala

4.Ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig.


A. Tono C. Haba
B. Diin D. Antala

5.Kumakatawan o nagbibigay-diin sa bahagi ng pananalita at sulatin sa pamamagitan ng diin, tono at antala.


A.Ponema C.Ponemang Supernatural
B.Ponemang Segmental D.Ponemang Suprasegmental

6.Sistematikong pagsasama ng mga tunog at makalinggwistikang bigkasan ng mga salita.


A.Analohiya C.Sosyolohiya
B.Ponema D.Ponolohiya

7.Isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa isa pang salita ng partikular na wika.
A.Ponema C.Polema
B.Ponolohiya D.Ponolihiyo

8.Ginagamit upang makabuo ng salita. Ito ay kinakatawan ng titik o letra.


A. Ponemang Segmental C.Ponemang Supersegmental
B. Ponemang Suprasegmental D. Morpema

9.Ito ang pag-aaral ng tunog sa kahit anong aspekto o pinagmulan.


A. Ponolohiya C. Ponemang Segmental
B. Morpema D. Ponemang Suprasegmantal

10.Magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan subalit tugmang-tugma sa bigkas maliban sa isang ponema.
A. Pares Minimal C. Klaster
B. Diptonggo D. Ponemang Segmental

11.Tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig at tunog ng isang malapatinig sa iisang patinig.
A. Pares Minimal C. Klaster
B. Diptonggo D. Ponemang Segmental

12.Magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig.


A. Pares Minimal C. Klaster
B. Diptonggo D. Ponemang Segmental

13.Ang pala (shovel) at bala (bullet) ay halimbawa ng ano?


A. Pares Minimal C. Klaster
B. Diptonggo D. Ponemang Segmental

14.Ilan ang kabuuan ng ponemang segmental sa Filipino?


A. 16 C. 21
B. 20 D. 22
Republic of the Philippines
University of Cabuyao
(Pamantasan ng Cabuyao)
College of Education
Katapatan Mutual Homes, Brgy. Banay-banay, City of Cabuyao, Laguna, Phillippines 4025

15.Anong bantas ang ginagamit sa pagkuha ng diin ng isang salita?


A. kuwit (,) C. gitling (-)
B. tuldok kuwit (;) D. tutuldok (:)

16.Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng wika na may kahulugan.


A.Ponema C.Morpema
B.Morpolohiya D.Sintaks

17.Ito ay uri ng morpema na walang panlapi.


A.Morponemiko C.Morpemang Salitang ugat
B.Morpemang Ponema D.Morpemang Panlapi

18.Idinurugtong sa salitang ugat na maaring makapag-pabago ng kahulugan ng salitang hindi makapag-iisa.


A.Morpemang Panlapi C.Morpemang Salitang Ugat
B.Morpemang Ponema D.Morpemang Maylapi

19.Ang ibig sabihin ng "Morp" sa salitang Morpema ay _____.


A. Sukat o haba C. Anyo o yunit
B. Diin o tono D. Kahulugan o uri

20.Ito ay nangangahulugan na ang morpema ay nakakatayo mag-isa dahil ito ay may tiyak na kahulugan.
A. Morpemang Pangkayarian C. Asimilisasyong Di Ganap
B. Morpemang Leksikal D. Asimilisasyong Ganap

21.Ito ang pagbabagong nagaganap sa posisyong pinal ng isang morpema.


A. Morpemang Pangkayarian C. Asimilisasyong Di Ganap
B. Morpemang Leksikal D. Asimilisasyong Ganap

22.Ito ang morpemang walang kahulugan at kailangang makita sa isang kayarian.


A. Morpemang Pangkayarian C. Asimilisasyong Di Ganap
B. Morpemang Leksikal D. Asimilisasyong Ganap

23.Ito ay karaniwang nangyayari sa tunog na /n/ sa mga panlaping pang-, mang-, hing-, at sing- dahil sa kasunod nito, ito ay
tinatawag na _____?
A.Ganap C.Asimilisasyon
B.Di - tiyak D.Pangdugsong

24.Ito ay binubuo lamang ng ponemang /o/ at /a/ na may kahulugang taglay na nagpapakita ng kasarian.
A. Morpemang Leksikal C. Morpemang salitang Ugat
B. Morpemang Pangkayarian D. Morpemang Ponema

25.Sa panlaping mag, sa mag-aral ay tumutukoy sa anong uri ng panlapi?


A.Gitlapi C.Hulapi
B.Unlapi D.Kabilaan

26.Bukas na tayo pumunta sa silid-aklatan upang magbasa ng mga sulating dokumentaryo tungkol sa Corona Virus.
A.(BU:kas) B.(bu:KAS)

27.Ang wika ay buhay kaya’t nagbabago sa pagdaan ng panahon.


A.(BU:hay) B.(bu:HAY)

28.Bihira na sa mga kababaihan ngayon ang nagsusuot ng saya.


A.(SA:ya) B.(sa:YA)

29.Dumating na siya kagabi dala ang pala para sa aayusin niyang halamanan.
A.(PA:la) B.(pa:LA)

30.Ako dapat ang maging lamang sa kanila.


A.(LA:mang) B.(la:MANG)

31.Napakasakit ng paso ko sa daliri dahil sa aksidenteng pagdikit ko sa apoy ng kandila.


A.(PA:so) B.(pa:SO)

32.Tuwing hapon ay nagdidilig ako ng halaman sa tapat ng aming bahay.


A.(HA:pon) B.(ha:PON)
Republic of the Philippines
University of Cabuyao
(Pamantasan ng Cabuyao)
College of Education
Katapatan Mutual Homes, Brgy. Banay-banay, City of Cabuyao, Laguna, Phillippines 4025

33.Nabasag niya ang paboritong tasa ng kanyang nanay.

A.(ta:SA) B.(TA:sa)

34.Walang sikretong di nabubunyag, buko ka na.


A.(bu:KO) B.(BU:ko)

35.Susungkitin ko ang mga tala para sayo, makamit ko lang ang matamis mong Oo.
A.(ta:LA) B.(TA:la)

36.Panatilihing bukas ang pinto upang lumabas ang alinsangan ng kwarto.


A.(BU:kas) B.(bu:KAS)

37.Ang kaniyang mga anak ay nagsikap nang mabuti sa pag-aaral kaya sila ngayon ay may magandang buhay.
A.(BU:hay) B.(bu:HAY)

38.Kakaiba ang sayang madarama kapag natanggap mo na ang iyong inaasam na diploma sa pagtatapos mo ng kolehiyo.
A.(SA:ya) B.(sa:YA)

39.Kaya pala napuyat ka dahil maingay ang inyong katabing bahay.


A.(PA:la) B.(pa:LA)

40.Si Minda ay bumili ng mamahaling paso para sa kanyang alagang halaman.


A.(PA:so) B.(pa:SO

41.Kahit wala na siya ay nananatili siyang buhay sa puso ko.


A.(BU:hay) B.(bu:HAY)

42.Isa sa mga bansang sumakop sa atin ay ang bansang Hapon.


A.(HA:pon) B.(ha:PON)

43.Walang tasa ang kaniyang lapis kaya hindi siya nakapagsulat.


A.(ta:SA) B.(TA:sa)

44.Mabisang pamatid uhaw ngayong tag-init ang sariwang katas ng Buko.


A.(bu:KO) B. (BU:ko)

45.Narito ang tala ng mga magsisipagtapos ngayong taon.


A. (ta:LA) B.(TA:la)

Panuto: Piliin sa kahon sa ibaba ang titik ng tamang sagot.

1.Ito ay ngalan ng tao, pook, ideya, o bagay. Anumang bagay na tumutukoy sa isang “bagay” ay isang pangngalan.

2.Ito ay salitang ginagamit na panghalili sa pangalan ng tao, bagay, lunan o pangyayari na hindi na ibig pang ulitin.

3.Ito ay bahagi ng pananalita nagsasaad ng ginagawa ng paksa ng pangungusap. Ito ay maaaring maglarawan (pisikal o
mental) ng mga kilos, pangyayari, at estado ng pagkatao.

4.Ito ay isang bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga bagay, tao, lokasyon, kaganapan, at marami
pang ibang bagay.

5.Ito ay mga salitang naglalarawan ng isa pang pang-abay, pang-uri, o pandiwa. Kabilang din ito sa bahagi ng pananalita.

6.Ito ay bahagi ng pananalita na ginagamit bilang pang-ugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap upang
makabuo ng kaisipan ng isang pahayag.

7.Ito ay ang mga kataga, na bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.

8.Ito ay bahagi ng pananalita na nag uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.

9.Ito ay ang katagang nangunguna sa pangngalan o panghalip na ginagamit na simuno o kagaganapang pansimuno o panag-uri
o alinman sa dalawa. Ang bahagi ng pananalita na ito ay ginagamit upang ipakilala ang tao, lunan, bagay o pangyayari.
Republic of the Philippines
University of Cabuyao
(Pamantasan ng Cabuyao)
College of Education
Katapatan Mutual Homes, Brgy. Banay-banay, City of Cabuyao, Laguna, Phillippines 4025

10.Ito ay bahagi ng pananalita na nagpapakilala sa ayos o pagkakasunod ng pangungusap. Ito ay salitang nagkakawing ng
paksa (o simuno) at panaguri sa pangungusap.

11.Ito ay pinakamaliit na yunit ng wika na may kahulugan.

12.Kinakailangan pa itong ilapi sa ibang morpema upang maging malinaw at tiyak ang kahulugan.

13.Ito ang salitang-ugat o tinatawag ding payak ang anyo o kayarian dahil may taglay itong kahulugan.

14.Ito ay anyo ng morpema na na may salitang payak, walang kasamang panlapi.

15.Ito ay anyo ng morpema na nangangahulugang kasariang pambabae na isinasaad ng salitang-ugat.

16.Ito ay anyo ng morpema na dinurugtong sa salitang-ugat na maaaring makapagbago ng kahulugan ng salita.

17.Ito ay uri ng morpema na nakakapagpalinaw ng kahulugan ng buong pangungusap.

18.Ito ay mga salitang may tiyak na kahulugan at nagsisilbing mahalagang salita sa loob ng pangungusap.

A.Pang-abay J.Pang-angkop
B.Pangngalan K.Morpemang Sallitang-ugat
C.Pangawing/ Pangawil L.Morpema
D.Pandiwa M.Morpemang Pangnilalaman
E.Pang-ukol N.Di-malayang Morpema
F.Pangatnig O.Morpemang Pangkayarian
G.Panghalip P.Malayang Morpema
H.Pantukoy Q.Morpemang Ponema
I.Pang-uri R.Morpemang Panlapi

TAMA O MALI: Isulat ang TAMA kung tama ang isinasaad na kaisipan ng pangungusap, isulat naman ang MALI at imodipika
ang mga salitang naka-salungguhit kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng maling kaisipan.
19.Ang ponolohiya ay pinakamaliit na yunit ng tunog.

20.Tinatawag na Ponemang Segmental ang mga makahulugang tunog na bumubuo sa mga salita dahil bawat tunog ay isang
segment o bahagi ng salita.

21.Binibigkas ng ating dila na binubuo ng harap, gitna, at likod na bahagi ay tinatawag na ponemang patinig.

22.Labing anim ang Ponemang Patinig.

23.Ponetiko ang tawag sa galaw at bahagi ng katawan ng tao saklaw sa pag-aaral kung saan isinasagawa ang tunog sa
pagsasalita.

24.Kabilang sa Morpemang Pangkayarian ang Pang-angkop, Pangatnig, Pananda at Panghalip.

25.Ang Pang-uri ay kasama sa morpemang leksikal.

Approved by: Dr. Emirose B. Gonzales

You might also like