You are on page 1of 33

FILIPINO REVIEWER

Prepared by:
Herald M. Baclaan
ALS-Teacher
Bugwak, Dangcagan,
Bukidnon
I. Piliin
ang salitang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa
mga sumusunod na pangungusap.

1. Matapos ang maghapong gawain siya ay lugami na.

A. Lubog C. Nalungkot
B. Yumama D. Lupaypay
n
D – Ang lugami ay may kaugnay na diwa sa maghapong gawain
na panglupaypay o pagod.

2. Hindi ko sukat akalain na siya pala ay isang balakyot.

A. Marumi C. Mapanlinlang
B. Makasalanan D. Mabaho

C- Ang angkop na diwa sa salitang balakyot ay mapanlinlang na


may konseptong diwa na hindi nagpapakita ng totoong pagkatao o
ugali.
3. Ang damuho ay may asawa pala.

A. Salbahe C. Tanga
B. Kabiyak D. Di- mapagkakatiwalaan

A – Ang salitang salbahe ay mas angkop na gamitin sa damuho


dahil ito ay magkatulad ng diwa.

4. Ang magkaibigan ay mag karatig pook lamang.

A. Kamasa C. Kasing laki


B. Kabihasnan D. Kalapit

D – Ang salitang karatig ay kasing diwa ng kalapit na


nangangahulugan din ng katabing pook.
5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay.

A. Pamaypay C. Balabal
B. Tela D. Banig

C – Ang salitang abrigo ay kahulugan ng balabal na may makukulay


na disenyo noong panahon ng Kastila.

II. Piliin ang tamang salita na kasalungat ng salitang nakasalungguhit


sa pahayag.

6. Masalimuot ang mga pangyayari sa pagkamatay ni Ramgen.

A. Magulo C. Maalalahanin
B. Makulay D. Mapayapa

D – Kabaligtaran ng masalimuot o magulo ang mapayapa sa diwa


ng pangyayaring naganap sa pagkamatay ni Ramgen.
7. Katunggali niya sa paligsahan ang
kanyang matalik na kaibigan.
A. Kasamahan C. Kakampi
B. Katalik D. Kasulatan

C – Kabaligtaran ng katunggali ang kakampi sa konsepto


ng pakikipaglaban sa matalik na kaibigan.

8. Ang pamilya Yulo ay may mababang-loob sa mga taong


nangangailangan.

A. Maawain C. Matabil
B. Mapagpala D. Mayabang

D – Kabaligtaran ng mababang-loob ang mayabang na may diwa


ng
pagmamalaki sa mga taong nangangailangan.
9. Maalyaw na buhay ang ibibigay ko sa aking mga anak.

A. Masarap C. Masagana
B. Mahirap D. Mahigpit

B – Kabaligtaran ng maalyaw ang mahirap sa buhay na may diwa


ng kakulangan o kakapusan sa buhay.

10. Malabay na punungkahoy ang makikita sa bakuran ni Mang


Baste.

A. Mataba C. Payat
B. Malusog D. Putol

C – Kabaligtaran ng malabay ay payat na may kaugnay na diwang


kanipisan ng sanga ng punungkahoy.
III. Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong.

11. Nagbasa maayos ang mag-aaral.

A. siya C. ng
B. nang D. sila

B – Ginagamit ang nang kapag sinusundan ng pang-abay.

12. iinumin ka bang gamot?

A. Mayroon C. May
B. Meron D. Nang

C – Ang may ay ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa.

13. Ang mga regalong natira ay Ayeng, Miguel at Joffrey.

A. para sa atin C. para sa iyo


B. para sa kanila D. para kina
D – Ang kay at kina kapag sinasamahan ng para ay nagiging panandang
kaalaman sa tao.
14. Anong uri ng tayutay ito?

Dumadagundong ang tunog ng loud speaker sa


mahinang dibdib ng matanda.

A. Onomatopeya o paghihimig C. Alliteration o pag-uulit


B. Apostrophe o pagtawag D. Antithesis o pagtatambis

A – Ang dumadagundong ay paghihimig na nailalahad sa tulong


ng tunog o himig ng salita.

15. Ang mukha niya’y animo’y maamong tupa na sunudsunuran.

A. Metaphor o pagwawangis C. Metonomi o pagpapalit-tawag


B. Simile o pagtutulad D. Epigram o pagsalungat

B – Ito ay payak na pagpapahayag na ginagamitan ng pagtutulad


na gaya ng animo’y.
16. Ang paalala ay gamot sa taong nakalilimot.

A. Simile o pagtutulad C. Hyperbole o


pagmamalabis
B. Personification o Pagtatao D. Metaphor o
pagwawangis

D – Naghahambing ito subalit gumamit din ng tuwirang pagtutulad


sa salitang gamot.

17. Sumisipol ang hanging amihan.

A. Hyperbole o pagmamalabis
B. Irony o pag-uyam
C. Metonymy o pagpapalit-tawag
D. Personification o pagsasatao

D – Nagbibigay katauhan ang salitang pagsipol sa hanging


amihan.
18. Alin ang kasingkahulugan ng pariralang nagbibilang ng poste?

A. mahusay magbilang
B. mahusay magtrabaho
C. walang poste
D. walang trabaho

D – Matalinhagang salita ito na may kahulugang walang trabaho


kung ikaw ay nagbibilang ng poste.

19. Alin ang kasingkahulugan ng pariralang buwaya sa katihan?

A. mapang-api C. mapanukso
B. mapang-imbot D. mapagmalabis

B – Ang buwaya ay talinghagang naglalarawan sa taong mapag-


imbot o sakim.
20. Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap na ito?

IPANSULAT MO ANG LAPIS NA MAY TASA.

A. tagaganap C. sanhi
B. tagatanggap D. gamit

D – Ang ipansulat ay nasa pokus ng gamit na lapis.

21. Ang alpabeto ng ating mga ninuno noong panahong pre-


kolonyal ay tinatawag na

A. alibata C. talibaba
B. alibaba D. abakada

A – Tinatawag na alibata ang sinaunang alpabeto ng ating mga


ninuno
22. Ayon sa Bagong Saligang Batas (1987), ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas ay tatawaging

A. Pilifino C. Pilipino
B. Filipino D. Filifino

B – Ang salitang Filipino ay opisyal na wikang pambansa ayon sa


1987 Konstitusyon ng Pilipinas.

23. Kapag tayo ay nabigo, bumangon tayo agad. Sakaling


dumating ang daluyong, sandal siyang iiwas.

A. Payak C. Hugnayan
B. Tambala D. Langkapan
n
C – Ito ay may 2 sugnay na di makapag-iisa at isang sugnay na
makapag-iisa.
24. Ang mga mag-aaral ng Nolasco High School ay nagsayawan at
nag-aawitan.

A. Payak C. Hugnayan
B. Tambala d. Langkapan
n
A – Ang pangungusap ay may isang sugnay na makapag-iisa.

25.Ang kasiphayuan-kaligayahanay isang halimbawa


ng .

A. pagkakatulad
B. pagsasalungatan
C. pagbibigay ng katangian
D. pagbubuo

B – Magkabaligtad ito ng kahulugan.


26. Ano ang nagaganap na pagbabagong morpoponemiko sa
salitang may salungguhit?

Nasa mesa ang mga kagamitan sa panlinis.

A. pagkaltas C. metatesis
B. asimilasyon D. reduplikasyon

B – Ang salitang panlinis ay may panlaping pan na sinusundan ng


katinig na l na nag-aasimila sa tunog na N.

27. Marumi ang kamay niya nang kumain.

A. pagpapalit ng ponema C. paglilipat diin


B. metatesis D. reduplikasyon

A – Ang ponemang r sa salitang marumi ay malayang


nagpapalitan sa letrang d na hindi nagbabago ang kahulugan.
(Madumi-marumi)
28. Asnan mo ang binili kong isda.

A. pagkakaltas ng ponema C. asimilasyon


B. paglilipat diin D. metatesis

A – Ang salitang asnan ay mula sa salitang asinan na kinaltasan ng


ponemang /i/ na hindi nagpabago sa kahulugan nito.

29. Aptan mo ang nasirang bubong.

A. metatesis C. pagkakaltas ng ponema


B. paglilipat diin D. pagpapalit ponema

A – Ang salitang aptan ay mula sa salitang atipan na nagkaltas ng


ponema at ang nagpalitan ng posisyon.
30. Ano ang ibig sabihin nito “ wika ang kaluluwa ng isang lahi”

A.Ang wika ay kaluluwa ng isang lahi dahil naitatala nito ang


kasaysayan
B. Ang wika ay may damdamin
C. Ang wika ay nakapagpapahayag ng niloloob ng tao
D. Ang tao at wika ay kapwa may kaluluwa.

C – Napapahayag ng isang lahi sa pamamagitan ng wika ang


kanyang niloloob.

31.Sina Nora Aunor at Vilma Santos ay kapwa mahuhusay na artista. Taglay nila
ang kahusayan sa pag-arte, halos lahat ng kanilang pelikula ay nagbigay sa
kanila ng acting awards. Si Nora ay tinaguriang “Superstar” at si Vilam naman ay
tinaguriang “Star for all seasons”. Bagamat pareho silang sikat na artista, si Nora
ay mahusay rin na mang-aawit at si Vilma ngayon ay mahusay na pulitiko.

A. Problema at solusyon
B. Depinisyon
C. Order o pagkakasunud-sunod
D. Paghahambing at Pagkokontrast

D – Sa una pinaghambing na mahusay na artista sina Nora at Vilma at sa huli


32.Ang gitara ay isang uri ng instrumentong pangmusika na nahahanay o
nauuri sa string. Upang tumunog ang instrumentong ito ay kailangan mo
itong kalabitin ng kanang kamay at titipahin naman ng kaliwang kamay.

A. Paghahambing at Pagkokontrast
B. Sanhi at Bunga
C. Depinisyon
D. Enumerasyon

C – Binigyan ng depinisyon kung ano at paano ginagamit ang gitara.

33.Ang isang set ng kompyuter ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi:


CPU, monitor, mouse, key board at avr. Ang opsyunal na bahagi nito ay
printer at scanner. Ibig sabihin, maaaring wala ang mga kagamitang ito.

A. Enumerasyon C. Sanhi at Bunga


B. Depinisyon D. Order

A – Inisa-isa ang pangalan ng mga bahagi ng kompyuter.


Basahin ang teksto sa ibaba at sagutan ang mga kasunod na aytem.

Mag-isip ka, Binata

Ikaw ay baguntao…. Malakas, makisig, matatag, maginoo, ikaw,


tulad ng iyong ama ay magiging haligi ng tahanan.

Huwaran mo ang iyong ama. Siya ang utak na namamatnugot


sa inyong tahanan samantalang ang iyong ina ang siyang katuwang sa
pagpapaligaya nito. Ikaw ay galamay ng iyong mga magulang. Ikaw ang
pag-asa nila sa kanilang pagtanda. Ikaw ang dahilan ng kanilang
pagpapakasakit. Dapat mong gantihan ng kabutihan ang kanilang
paghihirap.

Ngayong nag-aaral ka pa’y maaari kang tumulong sa anumang


paraan. Ngunit ang higit nilang inaasahan sa iyo ay ang pagtatapos mo
ng pag-aaral. Para kanino ang iyong pag-aaral? Ito’y para sa iyong
kinabukasan, ipang ikaw ay maging matatag at nakahandang
tumanggap ng pananagutan. Kaya dapat mong ibigin at igalang ang
iyong mga magulang. Tungkulin mong paglingkuran sila nang buong
lugod at kasiyahan. Huwag mo silang biguin sa pangarap nila sa iyo!
34. Ang pananaw na ginamit sa teksto ay

A. Unang panauhan
B. Ikalawang panauhan
C. Ikatlong panauhan
D. Walang ginamit

B – Ang ikaw ay nasa ikalawang panahunan.

35. Ang tono ng teksto ay .


A. Mapangutya C. Mapanghikayat
B. Mapagbiro D. Mapanumbat

C – Ang tono ay nanghihikayat sa binata na pagbutihin ang pag-


aaral.
36. Sa pamagat ng teksto ay mahihinuhang .

A. Ang teksto ay nangangaral sa mga binata


B. Ang teksto ay nagbababala sa mga binata
C. Ang teksto ay isang pagsusulit para sa mga binata
D. Ang teksto ay isang pagtawag sa atensyon para sa mga
binata

B – Nagbababala ang tono ng pamagat sa pamamgitan ng pag-


iisip.

37.Ang ikalawang talata ng teksto ay gumamit ng


hulwarang .

A. Depinisyon
B. Paghahambing at Pagkokontrast
C. Problema at solusyon
D. Enumerasyon

C – Ibinigay sa teksto ang problema ng binata at binigyan din ito


ng solusyon sa katapusan.
38. Anong uri ng tayutay ang napapaloob sa pahayag na ito?

NALIGO NA SA HAMOG NG GABI ANG MGA BULAKLAK.

A. pagmamalabis C. pagpapalit-tawag
B. Pag-uuyam D. pagsasatao

D – Ang salitang naligo ay isang pagsasatao.

39. Ano ang tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng


tao?

A. register C. sosyolek
B. idyolek D. mode

. B – Ang bawat tao ay may kanya-kanyang katangianng pagsasalita


na tinatawag na idyolek.
40. Ang mga sumusunod na bokabularyo gaya ng court, pleading at
exhibit
ay tinatawag na .
A. Sosyolek C. Jargon
B. Dayalek D. Idyolek

. C – Ang mga ito ay tanging bokabularyo ng mga lawyer na tinatawag


na jargon

41. Sa pagbasa, ang kakayahan sa pagsasama-sama at pag-


uugnay- ugnay ng mga nakaraan at ng mga bagong karanasan ay
tinatawag na .

A. persepsyon o pagkilala C. paghawan ng balakid


B. pag-unawa D. asimilasyon

D – Asimilasyon ay pag-uugnay-ugnay ng mga bagong kaalaman


sa dating mga kaalaman.
42. Upang matamo ang mahahalagang layunin sa maunlad na pagbasa,
kailangan ang .

A. kritikal na pag-iisip at pagpapahalaga sa mga binasa


B. imahinasyon
C. pagkilala sa kahinaan
D. interes at hilig ng bumabasa

A – Layunin ng pagbasa na malinang ang kritikal na pag-iisip


at pagpapahalaga sa binasa upang mapaunlad ito.

43.Upang matiyak kung paano magkaroon ng interaksyon ang nauunang


kaalaman at karanasang pangkapaligiran na kaugnay sa binasa ang
layunin ng teoryang .

A. panimulang pagbasa C. schema


B.pinatnubayang pagbasa D. semantic
webbing

C – Ang schema ay nag-uugnay sa karanasan at kaalaman na


kaugnay
44. Sa pagtuturo ng pagbasa sa pangalawang wika,dapat isaalang-
alang _.

A. ang simulain ng pagkakasunud-sunod ng mga yunit ng paksang aralin


B. ang pagtatala ng mahahalagang bahagi ng araling sasaklawin
C. ang bawat bahagi ng balarila
D. ang pagsasanay na transisyon

A – Ang mga simulain at ang pagkakasunud-sunod nito ang unang isinasaalang-


alang sa pagtuturo ng pagbasa gamit ang pangalawang wika.

At sa mga pulong dito’y nakasabog, nagkalat, nagpunla, nagsipanahan,


nangagsipamuhay, nagbato’t nagkuta.

45. Sa saknong na ito, ang mga tunog na may salungguhit ay isang halimbawa
ng
.
A. aliterasyon C. asonasyon
B. tugma D. onomatopeya

. A – Aliterasyon ay paggamit ng magkatulad na titik o pantig sa simula ng


pangungusap.
“Kung tatanawin mo sa malayong pook Ako’y tila isang nakadipang krus.”
(Halaw sa “ISANG PUNUNGKAHOY’ ni Jose Corazon De Jesus)

46. Ang taludtod sa itaas ay .

A. patulad (simile) C. patalinghaga (allegory)


B. pahalintulad (analogy) D. padiwangtao (personification)

A – Payak na pagpapahayag na ginagamitan ng mga karaniwang parirala na


tulad ng, gaya ng, tila at iba pa.

47. Ang proseso ng paggamit sa Filipino sa iba’t ibang disiplina lalo na sa


mga
disiplinang siyentipiko at teknikal ay tinatawag na .
A. Istandardisasyon C. Bilinggualismo
B. Intelektwalisasyon D. Lingua-Franca

B – Ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang disiplina ay proseso ng


intelektwalisasyon.
48. Ang wikang ginagamit sa isang partikular na lugar ay tinatawag
na .

A. Wikang Pambansa C. Lingua-Franca


B. Wiklang Ofisyal D. Unang Wika

C – Ang lingua-franca ay isang wika na sinasalita sa isang


partikular na lugar gaya ng Maynila.

49. Ang pinakatanyag sa dulang isinulat ni Julian Cruz Balmaseda


ay ang .

A. Sa Bunganga ng Pating C. Isang Kualtang Abaka


B. Ang Piso ni Anita D. Dahil sa Anak

A – Ito ang popular na kuwento Julian Crux Balmaseda.


50. Ang kalipunan ng mga tula mula kina Huseng Sisiw at Balagtas
hanggang sa makabagong makata ay ipinalimbag ni Alejandro G.
Abadilla ay ang .

A. Buhay at Iba pang Tula C. Ako ang


Daigdig
B. Tanagabadilla D. Parnasong
Tagalog

D – Ito ay kalipunan ng tula na nalimbag ni Abadilla na mula kina


Huseng Sisiw at Balagtas.

51. Si Jose Corazon De Jesus, ang pangunahing makatang liriko ng


panulaang Tagalog ay lalong kilala sa tawag na
.
A. Huseng Sisiw C. Huseng Batute
B. Batukaling D. Taga-Ilog

A – Ito ang bansag kay Jose Corazon de


Jesus.
Hala gaod tayo, pagod ay tiisin
Ang lahat ng hirap, pag-aralang bathin,
Palayu-layo man, kung ating ibigin
Daig ang malapit na ayaw lakbayin

52. Ang awit na ito ay tinatawag .

A. Oyay C. Soliranin
B. Tikam D. Kundiman

C- Ito ay awit sa pamamangka.

Palay siyang matino


Nang Humangi’y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
(Halaw sa “PALAY” ni
Ildefonso Santos)

53. Anong uri ito ng tula?


A. Elehiya C. Oda
B. Soneto D. Tanaga

D – Ito ay uri ng tula na may 4 na taludtod at 7 pantig sa bawat taludtod.


Sa mata’y dilim
At hindi pa liwanag
Ang tumatabing.

54. Anong uri ng tula ito?

A. Pantun C. Tanaga
B. Haiku D. May sukat at tugma

B – Ito ay tulang may 17 pantig na nahahati sa 3 taludtod.

At buhat noon, tinawag na Banahaw ang malaking bundok na yaon


sa gitna ng Luzon.
Gayon din ang bayan ng Lukban at Tayabas na nagmula sa
pangalang
Bayabas at Lukban, na ang mga magulang ni
Limbas

55. Ang talata sa itaas ay wakas ng isang .


A. Alamat C. Kuwentong Bayan
B. Pabula D. Mitolohiya
56. Alin sa mga ito ang karaniwang nasasaksihan sa paglalamay sa
patay at paligsahan sa pangngatwiran sa paraang patula?

A. Duplo C. Juego de Prenda


B. Karagatan D. Balagtasan

A – Ito ay katulad ng isang debate sa paraang patula na ginagawa


sa lamayan ng patay.

57. Alin sa mga maikling kuwentong ito ang unang nagwagi ng


Carlos Palanca Memorial Awards

A. Mabangis na Lungsod C. Kuwento ni Mabuti


B. Sampaguitang Walang Bango D. Lihim ng isang Pulo

C – Ito ay sinulat ni Genoveva Edrosa Matute na nagkamit ng


unang Palanca Award.
58. Ang dulang ito ay itinuturing na drama simboliko noong 1903.

A. Nena at Neneng C. Kahapon,


Ngayon at Bukas
B. Sampaguitang Walang Bango D. Lihim ng isang
Pulo

C – Ito ay simbolo ng pananakop ng Kastila, Amerikano, at Hapon sa


Pilipinas.

A. Sa ito
59. Sa tulang Aking mga
pinahalagahan C. Filipino
ni Jose Rizal Dentro
ang mga de CienPilipino.
kabataang anos
Kabata D. Ala Juventud Filipino
B. Mi Ultimo Adios
D – Sa tulang ito sinabi ni Rizal na ang kabataan ay pag-asa ng
bayan.

60. Ano ang anyo ng salitang may salungguhit sa, “ Ang magtanim
ng hangin, bagyo ang aanihin.”
A. Pandiwa C. Pangngalan
B. Pawatas D. Pang-abay
A – Ito ay salitang nagbibigay kilos.
61. Ano ang pokus ng pandiwang nagluluto?

A. Layon C. Tagatanggap
B. Tagaganap D. Sanhi

B – Ito ay pokus ng tagaganap dahil sa panlaping nag.

62. Sa ng gabi gaganapin ang pulong sa mga


manunulat.
A. Ika-walo C. Ika 8
B. Ika-8 D. Ikawalo

B – Ginagamit ang gitling kung numero ang kasunod


nito.

63. Kunin mo ang walis at at maglilinis ako.


A. Pangdakot C. Pamdakot
B. Pandakot D. Pang-dakot

B – Ang PAN ay sinusundan ng mga titik d,l,r,s,t sa pagbabagong


morpoponemiko.
64. Ang isang maliit na pangkat ng formal o makabuluhang
katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-
sitwasyonal

A. idyolek C. mode
B. varayti D. rehistro

B – Ang varayti ay anyo ng wika na mauuri sa dalawa, permanente


at pansamantala na may kanya-kanyang katangian.

65. Ang mga mata ng may matataas na tungkulin ay maagap sa


pagbibigay ng ulat. Ano ang kumakatawan sa salitang
nasalungguhitan?

A. gamit sa paningin C. espiya


B. maganda d. matitikas

C – Ang mga mata ay talinghaga na kumakatawan sa espiya.

You might also like