You are on page 1of 3

FILIPINO

1. Isang bahagi ng pananalita na naglalarawan sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.


a. Pang-uri b. Pandiwa c. Pang-abay

2. Alin sa mga sumusunod na pang-abay ang nagsasaad kung kalian ginanap ang kilos?
a. Pamanahon b. Panlunan c. Pamamaraan

3. Aling uri ng pang-abay ang tumutukoy sa pook/lugar kung saan ginanap ang kilos?
a. Pamanahon b. Panlunan c. Pamamaraan

4. Ito ay ang pang-abay na naglalarawan kung paano ginanap ang kilos.


a. Pamanahon b. Panlunan c. Pamamaraan

5. Aling pangungusap ang may pang-abay?


a. Malakas na nagsalita ang guro sa klase.
b. Bumili si Ate ng malakas na speaker.
c. Malakas ang katawan ng isang boksingero.

6. Alin sa ibaba ang tawag sa lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa?
a. parirala b. pangungusap

7. Ito ay ang tawag sa lipon ng mga salitang hindi nagsasaad ng buong diwa?
a. parirala b. pangungusap

8. Bahagi ng pangungusap na nagsasabi ng tungkol sa simuno.


a. paksa/simuno b. panaguri

9. Ito ang bahaging pinag-uusapan sa pangungusap.


a. paksa/simuno b. panaguri

10. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap?


a. Noong ika-12 ng Hunyo 1898 nakamit natin ang kalayaan.
b. Nagbigay ng bagong pag-asa sa mga tao.
c. Masayang kumanta sa harap ng maraming tao.

11. Ano ang tawag sa ayos ng pangungusap kapag nauuna ang panaguri kaysa sa simuno?
a. Karaniwang Ayos b. Di-karaniwang Ayos

12. Ano ang tawag sa ayos ng pangungusap kapag nauuna ang simuno kaysa sa panaguri?
a. Karaniwang Ayos b. Di-karaniwang Ayos

13. Aling pangungusap ang nasa karaniwang ayos?


a. Ang ina at anak ay sabay umalis.
b. Si Daniel Ramos ay isang matapat na mag-aaral.
c. Malugod niyang tinanggap ang trabaho.

14. Aling pangungusap ang may naiibang ayos?


a. Ang kabaitan ng bata ay nagdudulot ng saya sa mga magulang.
b. Dapat panatilihin ang kalinisan sa paligid.
c. Nakatira sa malaking bahay si Amor.
15. Alin ang kabaliktarang ayos ng pangungusap sa ibaba?
Lubos na nasiyahan sa pagdiriwang ang panauhin.
a. Ang panauhin ay lubos na nasiyahan sa pagdiriwang.
b. Ang lubos na nasiyahan sa pagdiriwang ay ang panauhin.
c. Ang pagdiriwang ang lubos na nasiyahan para sa panauhin.

16. Aling pangungusap ang nagsasalaysay at nagtatapos sa bantas na tuldok?


a. Padamdam b. Pautos c. Pakiusap d. Pasalaysay
17. Aling pangungusap ang naghahanap ng kasagutan? Nagtatapos ito sa tandang panahon.
a. Padamdam b. Pautos c. Pakiusap d. Patanong

18. Aling pangungusap ang nagsasaad ng matinding damdamin gaya ng galit, tuwa, lungkot, inis, o gigil.
Nagtatapos ito sa tandang padamdam.
a. Padamdam b. Pautos c. Pakiusap d. Patanong

19. Ang pangungusap na nagsasabing gawin ang isang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok.
a. Padamdam b. Pautos c. Pakiusap d. Patanong

20. Ito ay pangungusap na nakikiusap o nakikisuyo. Maari din itong magtapos sa tuldok o tandang
pananong.
a. Padamdam b. Pautos c. Pakiusap d. Patanong

21. – 25. Tukuyin ang uri ng pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
____________ 21. Ang kapayapaan ay dapat na maghari sa bansa.
____________ 22. Ilang taon pa ba ang aking hihintayin upang maranasan ang ganap
na kapayapaan?
____________ 23. Gumawa ka ng paraan upang magkabati ang dalawang panig.
____________ 24. Pakitulungan mo akong makipag-ayos sa kanila.
____________ 25. Yehey! Bati na kaming dalawa!

Pang-ukol. Piliin ang wastong pang-ukol upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap.

26. __________ Mamerto, pwede na siya uling utusan ng ate kahit na siya ay naglalaro.
a. Ayon sa b. Ayon kay

27. Ang iuutos sa kanya ay __________ pamilya nila.


a. para sa b. para kay

28. Hindi na siya gagawa ng mga bagay na __________ payo ng nanay niya.
a. labag sa b. labag kay

29. Sinabi ni Nanay ang pagbabago niya ay __________ sarili niya ring kabutihan.
a. para sa b. para kay

30. Maraming natutuhan si Mamerto __________ karapatan at tungkulin.


a. tungkol sa b. tungkol kay

31. Ang karapatan ng bawat tao ay __________ Saligang Batas.


a. alinsunod sa b. alinsunod kay

32. Ang pang araw-araw nating mga karanasan ay nagtuturo ng aral __________ wastong pag-uugali.
a. ukol sa b. ukol kay

33. Ang kwentong binasa nating ay __________ buhay ni Mamerto.


a. tungkol sa b. tungkol kay

TAYUTAY
34. Ang tayutay na ito ay paglalapat sa pangalan, tawag o katangian o gawain ng isang bagay na
inihahambing na hindi ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, gaya ng, at iba pa.
a. simili b. metapora c. personipikasyon

35. Ang tayutay na ito ay pagpapakilos sa mga bagay na parang tao.


a. simili b. metapora c. personipikasyon

36. Ang tayutay na ito ay paghahambing sa dalawang bagay na magkaiba ang uri at ginagamitan ng mga
salitang parang, tulad, at iba pa.
a. simili b. metapora c. personipikasyon

____________ 37. Ang aking ina ay ilaw n gaming tahanan.

____________ 38. Nagtago ang araw sa likod ng ulap.

____________ 39. Ang agila ay parang eroplanong lumilipad.

____________ 40. Masayang umihip ang hangin.

IDIYOMA
Ibigay ang kahulugan ng bawat idiyoma. Isulat ang titik ng tamang sagot.
____________ 41. kusang palo a. walang sweldo, pagkain lamang

____________ 42. butas ang bulsa b. madaling umiyak

____________ 43. balat sibuyas c. sariling sipag

____________ 44. buto’t balat d. walang pera

____________ 45. ulilang kanin d. payat na payat

You might also like