You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
303875 - San Isidro National High School
San Isidro, Tungawan Zamboanga Sibugay
Ikatlong Markahang Pagsusulit
G11- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Pangalan: ____________________________________________Taon/Seksyon: ____________Iskor : ____

Test I. PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin at unawaing maigi ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Anong uri ng teksto ang pagsulat ng editorial?


A. impormatib B. argumentatib C. naratib D. Persweysib
2. Anong uri ng teksto ang kasaysayan at balita?
A. impormatib B. argumentatib C. naratib D. persuweysib
3. Anong uri ng teksto ang mga nakasulat na propaganda sa eleksiyon at mga patalastas?
A. impormatib B. argumentatib C. naratib D. persweysib
4. Anong uri ng teksto ang mga akdang pampanitikan?
A. impormatib B. argumentatib C. naratib D. persweysib
5. Anong uri ng teksto na naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng ipinapahayag at ipinatatanggap sa bumabasa?
A. impormatib B. argumentatib C. naratib D. persweysib
6. Anong uri ng teksto na naglalayong makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at importansiya sa mga tao upang matagumpay na
maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente, at angkop na paraan?.
A. naratib B. persweysib C. deskriptib D. prosidyural
7. Anong uri ito ng teksto na nagsasalaysay o nagkukuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi?
A. naratib B. persweysib C. deskriptib D. prosidyural
8. Anong uri ito ng teksto na may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar,karanasan sitwasyon at iba pa?
A. naratib B. persweysib C. deskriptib D. prosidyural
9. Anong uri ng teksto na naglalayong kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu?
A. naratib B. persweysib C. deskriptib D. prosidyural
10. Anong uri ito ng teksto na hinggil sa pagsunod ng mga hakbang o panuto sa pagsasakatuparan ng gawain?
A. naratib B. prosidyural C.impormatib D. Persweysib
11. Alin sa pagpipilian ang gagamitin bilang panghalili sa pangngalang nagamit na sa parehong pangungusap?
A. pangatnig B. pandiwa C. pangngalan D. panghalip
12. Alin dito ang isa sa mga halimbawa ng panghalip?
A. ito B. ang C. sa D. tungkol
13. Alin dito ang panandang kohesyong gramatikal?
A. elipsis B. pandiwa C. pangngalan D. pangatnig
14. Ito ay ginagamit upang makaiwas sa pag-uulit ng pangngalan o salitang ginagamit sa pagpapahayag.
A. pagpapatungkol B. pang-ugnay C. kohesyong gramatikal D. pagpapalit
15. Ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pamalit sa pangngalang nasa unahan.
A. anapora B. ellipsis C. katapora D. pagpapalit
16. Ano ang dapat gawin kapag mayroong maraming pangalan na pinagkuhanan ng sanggunian?
A. at iba pa B. et. al C. marami pang iba D. etc.
17. Isang nakaangat na numerong Arabiko. Inilalagay ito pagkatapos ng salita, grupo ng salita, pangungusap o talatang naglalaman ng
hinalaw na ideya o nais bigyang-diin.
A. Talababa o footnote B. Parentetikal C. Superscript D. Indention
18. Ito ay maingat na pagkilala sa mga hiram na ideya sa pamamagitan ng talababa o mga tala, talang parentetikal, bibliograpiya at
listahan ng mga sanggunian.
A. Talababa o footnote B. Parentetikal C. Superscript D. Dokumentasyon
19. Ang sistemang pinakapayak na paraan sa pagbanggit ng mga sanggunian na kung saan ang pangalan ng may-akda at ang taon
ng pagkalimbag ay nakapaloob sa mga panaklong upang mabigyan ng kaukulang pagkilala ang pinaghanguan ng tala.
A. Talababa o footnote B. Parentetikal C. Superscript D. Dokumentasyon
20. Limang espasyo sa kaliwa, sunod ng superscript, sunod ang espasyo at kasunod ang mga impormasyong bibliograpikal.
A. Talababa o footnote B. Parentetikal C. Superscript D. Indention
21. Ihagis mo man kahit saan, sadyang babalik at babalik sa pinanggalingan.
A. Personal na Sulatin C.Transaksiyonal na Sulatin
C. Malikhaing Pagsulat D. Kohesyong Gramatikal
22. Tinitingnan ko na lang ang buhay sa positibong paraan at pinag-aralan kong maging matapang upang malabanan ko ang mga
negatibong bagay na ipinupukol sa aking pagkatao.
A. Personal na Sulatin C.Transaksiyonal na Sulatin
C. Malikhaing Pagsulat D. Kohesyong Gramatikal
23. Ipakilala ang mga pangunahing tauhan sa kuwento sa pamamagitan ng kasunod na character map. Ihambing sila sa ilang kakilala
na may pagkakatulad ang ugali.
A. Personal na Sulatin C.Transaksiyonal na Sulatin
C. Malikhaing Pagsulat D. Kohesyong Gramatikal
24. Guro man ako pero hindi ko maikakailang patuloy akong magiging mag-aaral ng buhay. Patuloy na matututo sa mga
mahahalagang aral na bahagi ng aking paglalakbay.
A. Personal na Sulatin C.Transaksiyonal na Sulatin
C. Malikhaing Pagsulat D. Kohesyong Gramatikal
25. “Kung aakyat ka nga at mahuhulon naman, mabuting sa lupa ay mamulot na lamang.”
A. Personal na Sulatin C.Transaksiyonal na Sulatin
C. Malikhaing Pagsulat D. Kohesyong Gramatikal

Para sa bilang 26-35.

Sa patuloy na pag-usbong ng modernisasyon at teknolohiya, nalikha din ng tao ang maaaring papalit sa kanyang
di matatawarang kakayahan ang artificial intelligence o AI.
Ano nga ba ang negatibong epekto ng artificial intelligence sa hanapbuhay ng tao?
Ayon sa www.techopedia.com, ang AI ay isang larangan ng computer science na nagbibigay-diin sa paglikha ng
mga makinang may kakayahang mag-isip, magtrabaho at tumugon katulad ng tao.
Sa ganang ito, manganganib ang trabaho ng mga empleyado lalong-lalo na sa industriya ng business process
outsourcing (BPO) o mga call center agents.
Ayon kay dating Sen. Bam Aquino, kailangang mabantayan ang trabaho ng mga mamamayan na maaaring
mapalitan ng naturang AI tulad ng Chatbots.
Magagawa lang daw ito sa pamamagitan ng pagtutok sa pagpapaangat sa kakayahan ng tao sa iba’t ibang
larangan dahil kung hindi 49% ng trabaho sa bansa o 1.2 milyong Pilipinong manggagawa ang manganib mawalan ng
trabaho.

26. Ano ang pangunahing tono ng tekstong iyong binasa?


A. Nagbibigay ng makatotohanang mga datos, kaalaman at lohikal na konsepto.
B. Naglalahad ng matibay na mga pangangatwiran upang bigyang linaw ang isang panig ng isyu.
C. Nagsasalaysay ng isang makatotohanan at mahalagang pangyayari ang may akda ng teksto.
D. Nangangatwiran upang gamit ang mga lohikal na kaalaman upang manghikayat sa mga mambabasa.
27. Ano ang pangunahing kalikasan ng tekstong iyong binasa?
A. Naglalahad ng isang matibay na pangangatwiran.
B. Naglalarawan tungkol sa isang mahalagang bagay.
C. Nagbibigay ng karagdagang kaalaman at tiyak na paksa.
D. wala sa nabanggit.
28. Batay sa pahayag na binanggit ng tekstong iyong binasa. Ano ang pangunahing katangian ang ilahad ng pahayag?
A. Ang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon gamit ang ebidensya.
B. Naglalahad ng makatotohanang datos at nagbibigay ng kaalaman.
C. Naglalahad ng impormasyong upang patotohanan ang argumento.
D. Naglatag ng ebidensya upang maging makatwiran ang isang panig.
29. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na pamagat ng tekstong iyong binasa?
A. Artificial Intelligence, Banta sa Trabaho ng Tao
B. Epekto ng Artificial Intelligence sa Trabaho ng Tao
C. Ang Mabuting dulot ng Artificial Intelligence sa Tao
D. Panganib ng Artificial Intelligence sa Trabaho ng Tao
30. Ano ang pinaka pangunahing katangian ng tekstong iyong binasa?
A. Nagbibigay impormasyon upang bigyang katwiran ang isang paksa.
B. Naglatag ng mga ebidensiya upang pangatwiranan ang isang panig.
C. Nagbibigay ng matibay na ebidensiya upang makahikayat.
D. Naglalahad ng kapani-paniwalang impormasyon.

31. Anong uri ng teksto ang iyong binasa, kung pagbabatayan ang paraan ng pagpapahayag ng may akda?
A. Naratibo C. Deskriptibo
B. Impormatibo D. Persweysiv
32. Batay sa paraan ng paglalahad ng teksto, ano ang pangunahing tono ng may akda?
A. Nagbibigay ng payo C. Nagbibigay impormasyon at babala
B. Naglalahad datos at ng pangyayari D. Naglalahad ng ebidensiya at nangangatwiran
33. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang maituturing na pangunahing makatotohanang datos ng tekstong iyong binasa?
A. Ayon kay dating Sen. Bam Aquino, kailangang mabantayan ang trabaho ng mga mamamayan na maaaring mapalitan ng naturang
AI tulad ng Chatbots.
B. Sa patuloy na pag-usbong ng modernisasyon at teknolohiya nalikha din ng tao ang maaaring papalit sa kanyang di matatawarang
kakayahan ang artificial intelligence o AI.
C. Sa ganang ito, manganganib ang trabaho ng mga empleyado lalong- lalo na sa industriya ng business process outsourcing (BPO) o
mga call center agents.
D. Ayon sa www.techopedia.com, ang AI ay isang larangan ng computer science na nagbibigay-diin sa paglikha ng mga makinang
may kakayahang mag-isip, magtrabaho at tumugon katulad ng tao.
34. Ano ang pangunahing katangian ng tesktong iyong binasa?
A. Manghikayat C. Maglahad ng opinyon
B. Magbigay ng babala D. Magbigay ng pangangatwiran
35. Sa anong uri ng sulatin napabilang ang tekstong iyong binasa?
A. Malikhaing Pagsulat C. Personal na Sulatin
B. Transaksiyonal na Sulatin D. Akademikong Sulatin

Test II. Tukuyin kung ang mga sulatin na nasa baba ay nasa anyong Personal na Sulatin, Transaksiyonal na Sulatin at Malikhaing
Sulatin.
_________________________36. Talaarawan
_________________________37. Memorandum
_________________________38. Tula
_________________________39. Dyornal
_________________________40. Liham Pangangalakal
_________________________41. Lathalain
_________________________42. Talambuhay
_________________________43. Papel Pananaliksik
_________________________44. Bugtong
_________________________45. Adbertisment

TEST III. SANAYSAY. 5 puntos.

A. Para sa iyo, ano ang KAHALAGAHAN ng pag-aaral ng PANANALIKSIK NG TEKSTO sa isang mag-aaral? Magbigay ng 3
dahilan kung bakit ito mahalaga at ipaliwanag ang mga dahilang ito.

----------------------------------------------------------------------------------- WAKAS ------------------------------------------------------------------------------------

Inihanda ni:
JEFFERSON L. MARQUEZ, MAED
Teacher III
ANSWER KEY
1. B
2. A
3. D
4. B
5. B
6. D
7. A
8. C
9. B
10. B
11. D
12. A
13. A
14. C
15. C
16. B
17. C
18. D
19. B
20. D
21. C
22. A
23. C
24. A
25. C
26. A
27. C
28. B
29. A
30. D
31. B
32. C
33. D
34. B
35. A
36. PERSONAL NA SULATIN
37. TRANSAKSYONAL NA SULATIN
38. MALIKHAING SULATIN
39. PERSONAL NA SULATIN
40. TRANSAKSYONAL NA SULATIN
41. MALIKHAING SULATIN
42. PERSONAL NA SULATIN
43. TRANSAKSYONAL NA SULATIN
44. MALIKHAING SULATIN
45. TRANSAKSYONAL NA SULATIN
46-50. NASA GURO ANG PAGWAWASTO

You might also like