You are on page 1of 8

HOLY TRINITY SCHOOL OF PADRE GARCIA, BATS. INC.

MIDTERM EXAMINATION IN
FILIPINO SA PILING LARANG
A.Y. 2023-2024

PANGALAN: ___________________________ PETSA: _____________


SEKSIYON: _____________________________ ISKOR: _____________
I. Remembering
A. Basahing mabuti ang mga sumusunod. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang katangian ng sanaysay at talumpati ay hindi nagkakaiba. Katulad ng katangian ng bionote at
biography.
A. Unang Pahayag lamang ang tama C. Ikalawang pahayag lamang ang tama
B. Ang parehong pahayag ay mali D. Ang parehong pahayag ay tama
2. Si Mika ay naniniwalang dapat makilala ng tao ang kanyang kapatid na si Juyen. Nais niyang
ipabatid sa mga mambabasa ang detalyadong impormasyon ng kanyang kapatid, nang sa gayon
ay mas maintindihan at mas makilala siya ng mga ito. Ano ang naaayon na akademikong sulatin
na dapat niyang gamitin?
A. Biography C. Sanaysay
B. Boinote D. Talumpati
3. Ang abstrak at sintesis ay dalawang uri ng akademikong sulatin na nagbubuod ng mga
impormasyon. Ang sintesis ang itinuturing na paguugnay ng mga ideya upang makabuo ng
kabuuang ideya na magmumula sa lahat ng bahagi ng isang papel pananaliksik.
A. Unang Pahayag lamang ang tama C. Ikalawang pahayag lamang ang tama
B. Ang parehong pahayag ay mali D. Ang parehong pahayag ay tama
4. Ang abstrak, sintesis, bionote, talumpati at posisyon papel ay ilan sa mga halimbawa ng
akademikong sulatin na nangangailangan ng pananaliksik. Maituturing na ang posisyong papel
ang pinaka nangangailangan ng pananaliksik.
A. Unang Pahayag lamang ang tama C. Ikalawang pahayag lamang ang tama
B. Ang parehong pahayag ay mali D. Ang parehong pahayag ay tama

5. Si Ms. Arlyn ay nais magpahayag ng kanyang paninindigan pananaw, palagay at saloobin tungkol
sa isyu ng karapatang pantao na kinakaharap ng bansa. Ano ang pinakaangkop na akademikong
sulatin ang dapat niyang gamitin?
A. Posisyong papel C. Talumpati
B. Sanaysay D. Pananaliksik
6. Ang sumusunod ay itinuturing na dapat na nilalaman ng isang abstrak maliban sa:
A. Metodolohiya C. Rekomendasyon
B. Kaugnay na literature D. Suliranin
7. Paano inilalarawan ang pagkakasunod sunod ng nilalaman ng abstrak?
A. Suliranin - Metodolohiya - Resulta - Konklusyon
B. Metodolohiya – Suliranin – Resulta – Konklusyon
C. Metodolohiya – Resulta- Suliranin - Konklusyon
D. Resulta- Suliranin - Metodolohiya - Konklusyon
8. Ang pinakaunang hakbang sa pagsulat ng abstrak ay ang pagtukoy sa suliranin ng pananaliksik.
Samantalang ang pinakahuling hakbang naman na dapat gawin ay ipabasa ito sa kakilala.
A. Unang Pahayag lamang ang tama C. Ikalawang pahayag lamang ang tama
B. Ang parehong pahayag ay mali D. Ang parehong pahayag ay tama
9. Ito ang itinuturing na pinakamahalagang nilamaman ng talumpati.
A. Pangunahing paksa C. Layunin
B. Mahahalagang paksa D. Panauhang paglalahad na ginamit
10. Katulad ng abstrak, ang bionote ay madalas natatagpuan sa huling bahagi ng papel
panananaliksik. Nararapat nitong taglayin ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa taong
ipinakikilala.
A. Unang Pahayag lamang ang tama C. Ikalawang pahayag lamang ang tama
B. Ang parehong pahayag ay mali D. Ang parehong pahayag ay tama
11. Ang bionote ay maaaring gumamit ng kahit anong panauhang paglalahad batay sa kagustuhan ng
manunulat. Katulad nito, ang mahalagang dapat isaalang alang sa pagsulat ng sintesis ay ang
katotohanan ng impormasyon.
A. Unang Pahayag lamang ang tama C. Ikalawang pahayag lamang ang tama
B. Ang parehong pahayag ay mali D. Ang parehong pahayag ay tama
12. Maaaring gumamit ng pormal at di pormal na salitaan ang posisyong papel batay sa layunin nito.
Ito ay maaari rin makapagmulat ng mga mambabasa sa pamamagitan ng mga inihaing
argumento
hinggil sa isang napapanahong isyung may pangkalahatang saklaw
A. Unang Pahayag lamang ang tama C. Ikalawang pahayag lamang ang tama
B. Ang parehong pahayag ay mali D. Ang parehong pahayag ay tama
13. Katangian ng posisyong papel kung saan kailangang maglahad ng matatalinong pangangatwiran
sa pamamagitan ng pag-iisa-isa (hangga’t maaari) ng mga konseptong napapaloob sa isyu,
paglalakip ng mga patunay (ebidensiya) na susuporta sa pinaninindigang posisyon, at
masinsing pagpapaliwanag ng ugnayan ng mga ito sa isa’t isa para mapagtibay ang panig.
A. Tiyak ang isyu C. Mapangumbinsing argumento
B. Malinaw ang posisyon D. Angkop na tono
14. Katulad ng ibang akademikong sulatin, ang posisyong papel ay nangangailangan din ng
pangsuportang impormasyon. Ngunit, hindi na ito kailangang gawan ng balangkas bago isulat.
A. Unang Pahayag lamang ang tama C. Ikalawang pahayag lamang ang tama
B. Ang parehong pahayag ay mali D. Ang parehong pahayag ay tama
15. Ang sumusunod ay kabilang sa layunin ng abstrak maliban sa:
A. Indexing B. Publikasyon
C. Pagbubuod D. Pamimili
B. Para sa bilang 16 - 19, ilarawan ang pagkakaiba at pagkakapareho ng argumentative
at explanatory sintesis ayon sa kanilang layunin, katangian at paraan ng paglalahad
gamit ang venn diagram.

C. Para sa bilang 20 – 24. Ilarawan ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel sa
pamamagitan ng concept map.

II. Understanding
Basahin ang mga tanong sa ibaba. Sagutin ang mga katanungan sa loob nang hindi
bababa sa 5 pangungusap.
25 – 26. Bakit hindi maaaring isantabi ang kaalaman at kakayahan sa pagsulat ng abstrak?
27 – 28. Bakit ang abstrak ay karaniwang inilalagay sa harap ng papel pananaliksik?
29 – 30. Bakit mahalagang buo na ang pangkalahatang pananaw ng isusulat na sintesis bago pa ito
simulang gawin
31 – 32. Paano naiiba ang sintesis sa abstrak gayong pareho itong naglalagom ng impormasyon?
33 – 34. Paano nagkakaiba at nagkakapareho ang bionote at biography
35 – 36. Paano lubos na magamit ang kasanayan sa pagsulat ng bionote sa labas ng akademya?
37 – 38. Bakit kailangang natutukoy sa loob ng posisyong papel ang kasalungat o mga kasalungat na
pananaw ng iyong posisyong pinaninindigan?
39 – 40. Paano maaaring baguhin ng isang posisyong papel ang pananaw ng isang mambabasa?
III. Analyzing
A. Para sa sa bilang 41 – 45. Suriin ang character profile sa ibaba at lumikha ng isang
bionote.

B. Para sa bilang 46 – 50. Suriin ang mga napapanahong isyu na kinakaharap ng bansa.
Pumili ng isa at batay dito, sumulat ng isang introduksiyon ng talumpati.
 Karapatang pantao  Kakulangan sa Edukasyon
 Gender inequality  Kahirapan
C. Para sa bilang na 51-56, unawain ang dalawang artikulo sa ibaba at sagutan ang mga
katanungang kaakibat nito.
Artikulo 1
Ang kasanayan sa pagsulat ng talumpati ay nakatutulong upang higit na maipaliwanag ang
ideyang nais iparating ng may akda ng may kaayusan.
Ang talumpati ay isang akdang nagtataglay ng buod na hango sa sariling pagkakaunawa ng
isang indibidwal. Ito ay itinatanghal sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng madla na
naglalayong makahikayat o makaakit ng mga tagapakinig.
Sa pamamagitan ng pagsulat at pagtatanghal, napapayabong nito hindi lamang ang
kakayahan ng mga mag-aaral sumulat kundi pati na rin ang kanilang kakahayang maghatid ng
impormasyon sa mabisang paraan. Ang patuloy na paghubog sa kanilang kasanayan ay maaaring
maging daan upang mas mapaunlad ang kanilang mga kakayahan na maaari nilang magamit sa
hinaharap.

https://www.panitikan.com.ph/paano-nakatutulong-ang-kasanayan-sa-pagpapalawak-ng-
pangungusap-sa-pagsulat-ng-talumpati

Artikulo 2
Katulad rin ng pagsusulat, pagkanta, at pag pinta, ang isang talumpati ay matatawag rin na
isang uri ng sining. Dito ipinapakita ang kahusayan ng mga tagapagsalita na maghikayat ng mga
tao.
Sa isang talumpati, ang mga tagapagsalita ay naglalayong ihikayat ang mga manonood na
paniwalaan ang kanilang pangatwiran sa isyu o paksa na tinatalakay. Bukod rito, nakikita rin ang
preperasyong ginawa ng mga tagapagsalita para sa kanilang bakbakan ng talino.
Ang talumpati ay mahalaga sa ating buhay dahil ito ay isang instrumento na kung saan
nailalahad ng isang tao ang kanyang paniniwala sa isang isyu. Ito rin ay isang madaling paraan
upang ang mga ideya at paniniwala ay naibabahagi sa iba.
Dahil dito, mapapalawak ang kaalaman ng mga manonood tungkol sa paksang tinatalakay. Ito
rin ay nagbibigay ng karagdagang suporta para maibahagi ang kaalaman o ang dapat gawin para
sa pagbabagong kailangan natin lahat.
Kailangan nating tandaan na maraming pang aspeto ang isang paksa na baka hindi natin
lubos na naiintindihan. Sa pamamagitan ng talumpati, tayo ay mabibigyan ng oportunidad na
makakuha ng dagdag na impormasyon na makakatulong sa pagbuo ng ating sariling mga ideya at
opinion.

https://philnews.ph/2020/10/08/kahalagahan-ng-talumpati-halimbawa-at-paliwanag/
Tanong: Batay sa dalawang artikulo na iyong nabasa, paano nakatutulong ang talumpati sa
pagpapaunlad ng kasanayan ng bawat indibidwal?

Claim (Panukala)
51-52.

Magbigay ng patunay/ebidensya mula sa bawat artikulong na susuporta sa iyong


panukala.
Evidence 1/ Ebidensya 1
53.

Evidence 2/ Ebidensya 2
54.

Ipaliwanag kung paano nasuportahan ng iyong mga ebidensya ang iyong panukalang
sagot.
Reasoning
55-56.
GRASPS
Ikaw ay isang miyembro ng sangguniang kabataan sa inyong barangay. Ikaw ay naatasan na
maghatid ng impormasyon tungkol sa kahalagahan ng teknolohiya sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay upang maipabatid sa bawat indibidwal ang kapikanabangan nito. Inaasahang ikaw ay
matagumpay na makapaglalahad ng impormasyon sa loon ng tatlo hanggang limang minuto.
PERFORMANCE TASK

PERFORMANCE STANDARD: Ang mga mag-aaral ay: Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang
anyo ng sulatin

SITUATION:
Ikaw ay isang miyembro ng sangguniang kabataan sa inyong barangay. Ikaw ay naatasan na maghatid ng impormasyon
tungkol sa kahalagahan ng teknolohiya sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay upang maipabatid sa bawat indibidwal ang
kapikanabangan nito.

GOAL: Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay masusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t
ibang anyo ng sulatin
ROLE: Miyembro ng Sangguniang Kabataan
AUDIENCE: Mga mamamayan ng barangay
PRODUCT: Talumpati
STANDARD:

Pamantayan/ 4 3 2 1
Iskor Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan ng
Pagsisikap
Kalidad ng Napakahusay ng Mahusay ang May ilang bahagi ng Hindi maayos ang
Proyekto pagkakagawa ng pagkakagawa ng proyekto ang kailangan pa pagkakagawa ng
proyekto batay sa proyekto batay sa ng kaunting pansin gayun proyekto gayun din
nilalaman nilalaman din ang ilan sa mga ang nilalaman ng
nilalaman
Orihinalidad Pinag-isipan ng Pinag-isipan ang Bahagyang pinag-isipan Hindi orihinal ang
buong husay ang proyekto at natatangi ang proyekto at may ilang ginawang proyekto at
proyekto at ang nilalaman nito natatanging nilalaman ito ang nilalaman nito
natatangi ang
nilalaman nito
Pagkamalikha Katangi-tangi ang Malikhain ang proyekto Hindi gaanong malikhain Walang ipinamalas na
in pagkamalikhain ng na naisagawa ang proyektong na pagkamalikhain ang
proyekto na naisagawa proyekto.
naisagawa
Tamang Kawili-wili at tama Maayos at tama ang Hindi gaanong maayos at Hindi maayos at
Impormasyon ang pagbibigay ng pagbibigay ng tama ang pagbibigay ng walang ibinigay ng
impormasyon impormasyon tungkol impormasyon tungkol sa impormasyon tungkol
tungkol sa sa nilalaman ng nilalaman ng Talupmati sa nilalaman ng
nilalaman ng Talupmati Talupmati
Talupmati
Organisasyon Kaakit-akit ang Maayos ang nilalaman Hindi gaanong maayos ang Hindi maayos ang
pagkakaayos ng ng Talupmati mula sa nilalaman Talupmati. May nilalaman ng
nilalaman ng pinakasimple ilang nilalaman na hindi Talupmati o. Ang
Talupmati mula sa hanggang sa akma sa kinaroroonan nito karamihan ng
pinakasimple pinakakomplikado nilalaman ay hindi
hanggang sa akma sa
pinakakomplikado kinaroroonan nito
Kabuuang Napakahusay ng Mahusay ang Hindi gaanong mahusay Hindi mahusay ang
Presentasyon kabuuang kabuuang ang kabuuang presentasyon ng
presentasyon ng presentasyon ng presentasyon ng Talupmati
Talupmati Talupmati Talupmati

You might also like