You are on page 1of 12

10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Talumpati at Iba Pang Uri ng Sanaysay

0
Aralin Sining ng Pakikipagtalastasan-
1 Pagtatalumpati

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang
buong papel.

1.Ito ay isang sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista


(pananaw) ng may katha.
A. alamat C. nobela
B. balita D. talumpati

2.Bahagi ng sanaysay na naglalaman ng mahahalagang puntos o ideya ukol


sa paksang pinili at isinulat ng may-akda.
A. gitna o katawan C. simula
B. pamagat D. wakas

3. Alin ang di- kabilang sa mga isaalang-alang sa pagtatalumpati?


A. hilig C. pook
B. pagdiriwang D. tagapakinig

4. Alin sa mga sumusunod ang di- kabilang na maaaring pagbatayan sa


isusulat na talumpati?
A. paghihinuha C. pakikipanayam
B. pagmamasid D. Pananaliksik at pagbabasa

5.Saan mababasa ang editoryal at lathalain?


A. aklat C. pahayagan
B. diksyunaryo D. pampleto

6.Layunin ng sanaysay na ito ay manlibang kahit maaari ring magpabatid at


makipagtalo.
A. editoryal C. nobela
B. lathalain D. talumpati
7. Ano ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati?
A. layunin C. sanggunian
B. paksa D. tagapakinig

8.Ito ang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.


A. diwa C. paksa
B. ingklitik D. panaguri
1
9. Kanino nakasalalay ang ikatatagumpay ng isang talumpati?
A. layunin at mananalumpati C. paksa at mananalumpati
B. mananalumpati at tagapakinig D. paksa at tagapakinig

10. Ang tawag sa taong sumusulat at bumibigkas ng talumpati.


A. manalaysay C. mananalumpati
B. mananahi D. Mananayaw

Tuklasin

Sa pagkakataong ito, kailangan mo munang malaman ang bahagi ng


sanaysay bago tuluyang talakayin ang talumpati bilang isang uri ng sanaysay.

Ano nga ba ang sanaysay?


Ang sanaysay ay isang uri ng akdang pampanitikan na maaaring pormal o di
pormal, na may tatlong bahagi: ang simula, nilalaman/gitna at ang wakas. Isang
halimbawa ng sanaysay ay ang talumpati.
Ang panimula o simula ay ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay
sapagkat ito ang unang titingnan ng mga mambabasa. Dapat na nakapupukaw ng
atensyon. Sa katawan o gitna makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos
ukol sa nilalaman ng sanaysay. Samantalang sa wakas naman ang pagsasara ng
talakayang naganap sa katawan ng sanaysay.

Suriin

Ang talumpati ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang


mananalumpati sa harap ng publiko. Ang kaisipang ito ay maaaring magmula sa
pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid at mga karanasan. May
paksang pinagtutuunan ng pansin at isinaalang-alang din ang tagapakinig o
bumabasa, pook, pagdiriwang at iba pa. Maaaring isaulo ng bumibigkas nito ang
nilalalaman ng talumpati at maaari rin na biglaan na kung tawagin sa Ingles ay
extemporaneous.
Sa pagsulat ng mabisang talumpati ang unang dapat isaalang-alang ay ang pagpili
ng paksa. Nakasalalay sa paksa at sa mananalumpati ang ikatatagumpay ng
isang pagtatalumpati.

2
Narito ang ilang katangian na nararapat taglayin ng paksa ng isang talumpati.
1. Tumutugon sa layunin- naisasagawa ang pagtatalumpati dahil sa sumusunod
na layunin:
a. Magturo c. Manghikayat e. pumuri
b. Magpabatid d. Pumuna f. bumatikos
2. Napapanahon- ang paksa ng talumpati ay napapanahon kung may kaugnayan
sa okasyong ipinagdiriwang.

Paano nga ba naiiba ang talumpati sa iba pang uri ng sanaysay?


May mga uri ng sanaysay na karaniwang nababasa natin na nakasulat sa
pahayagan. Halimbawa nito ay ang editoryal at lathalain.
Ano nga ba ang editoryal?
Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang
napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o
makalibang sa mambabasa.
Ang lathalain naman ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na
nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresyon ng sumulat. Hindi ito
kathang-isip lamang. Bilang isang karaniwang sanaysay, nagtataglay ito ng
madamdamin, personal o mapagpatawang ideya o mga pananaw. Pangunahing
layunin nito na manlibang kahit maaari ring magpabatid o makipagtalo.
Ang tatlong uri na nabanggit: talumpati, editoryal at lathalain ay naglalayon na
magbigay-kaalaman sa mga mambabasa. Ang tanging pagkakaiba ay nasa
prayoridad na rin ng bawat uri. Tandaan lamang na ang talumpati ay isinulat upang
bigkasin na mananalumpati sa harap ng publiko sa paraang masining, madaling
masundan at maunawaan ng mga tagapakinig.

Pagyamanin 1

Bago ka magpatuloy, mangyaring sagutin mo muna ang nasa ibaba


upang malaman kung gaano kadami ang iyong natutunan mula sa iyong
binasa.

A. Suriin ang tatlong halimbawa ng sanaysay at punan ang talahanayan


ayon sa layunin, isyung pinag-uusapan, katangiang tinataglay.

3
Mga
Isyung Katangiang Ikinaiba sa mga
halimbawa ng Layunin
tinatalakay tinataglay kauri nito
sanaysay

Talumpati

Editoryal

Lathalain

B. Basahing maigi ang sumusunod at kilalanin. Piliin ang tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Ito ay sanaysay na mapanuring nagpapakahulugan sa kahalagahan ng isang


napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman.
A. editoryal C. pahayagan
B. lathalain D. talumpati

2. Isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga


pagpapaliwanag, sanligan at impresyon ng sumulat.
A. editoryal C. pahayagan
B. lathalain D. talumpati
3. Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa
harap ng publiko.
A. editoryal C. pahayagan
B. lathalain D. talumpati

4. Ang pinakaunang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati.


A. katawan C. panimula
B. paksa D. wakas

5. Aling bahagi ng talumpati ang naglalaman sa kaisipang nais ibahagi ng


tagapagsalita para sa kanyang mga tagapakinig?
A. katawan/gitna C. panimula
B. pamagat D. wakas

6. Ang ikinaiba ng talumpati mula sa iba pang uri ng sanaysay.


A. binibigkas C. pinapanood
B. kinakanta D. sinusulat

4
Isagawa

Sa bahaging ito, masusubukan


ang iyong kakayahan sa pagsulat ng
maikling talata tungkol sa COVID 19.

Gawain: Mangyaring sumulat ng isang maikling talata na may layuning humihikayat na


mag-ingat hinggil sa nakamamatay ng COVID-19. Gawin sa isang buong papel ang
sagot.

Karagdagang
Gawain 1

Panuto: Basahin at unawaing maigi ang bahaging ito ng talumpati. Sa iyong palagay,
nasa aling bahagi ito ng talumpati nabibilang? Ano ang layunin ng talumpating ito?
Patunayan. Isulat sa iyong papel ang iyong sagot.

Ngunit bakit pa natin hihintayin ang kagipitan? Tayo ba ay sadyang walang


pananagutan upang ating ipabahala sa kapalaran ang mangyayari? Hangad kong ang
kababayan natin ay mag-angkin ng tigas ng mulawin; matibay, patuloy sa pagtaas sa
mga burol, hindi nasisindak sa sigwa, sa lintik at nanghahawak sa sariling lakas. Kung
hangad nating magtagumpay, hindi natin mapapayagang magkaroon pa ng sagabal ang
ating pagbabagong-buhay. Simulan natin ngayon ang paghubog sa mga tunay na
Pilipino.

5
Aralin Kaisahan at Kasanayan sa
2 Pagpapalawak ng Pangungusap

Subukin
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang buong
papel.

1. Ito ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.


A. paksa C. pandiwa
B. panaguri D. pangngalan

2. Ito’y naglalarawan o nagsasabi ukol sa pinag-uusapan sa pangungusap.


A. paksa C. panghalip
B. panaguri D. pangngalan

3. Ito ang tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang


pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay.
A. ingklitik C. modipikasyon
B. komplementong kaganapan D. pokus

4. Maayos na maayos ang talumpati ng aking kapatid. Ang ginamit sa


sinalungguhitang parirala ay
A. modipikasyon
B. komplementong kaganapan
C. pariralang lokatibo o panlunan
D. pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari

5. Inayos ang plasa sa Brazil. Ang sinalungguhitang parirala ang siyang ng


pangungusap.
A. direksyon C. paksa
B. kaganapan D. panaguri
6. Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga ang
lahat. Ang mga sinalungguhitang salita ay halimbawa ng _ _.
A. pang-abay C. pang-ugnay
B. pang-angkop D. Pang-uri

7. Talagang palabasa ang kanyang anak na dalaga. Ang may salungguhit ay


isang ___________ na ginamit upang mapalawak ang pangungusap.
A. ingklitik C. pang-abay
B. komplemento D. pang-uri

6
8. Siya pala ang nagbigay ng aginaldo sa buong pamilya. Ang
sinalungguhitang salita ay .
A. ingklitik C. panaguri
B. komplemento D. pang-abay

9. Umulan nang malakas kaninang umaga kaya nahuli siya sa klase. Ang
sinalungguhitang salita ay _ _ _.
A. pandiwa C. pang-abay
B. pangngalan D. pang-uri

10. Tawag sa pariralang pangngalan na nasa panaguri na may kaugnayan sa


ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng pandiwa.
A. atribusyon C. komplemento
B. ingklitik D. pangngalan

Tuklasin

Sa bahaging ito, malalaman mo na ang


pangungusap ay maaari mong palawakin at
paunlarin sa tulong ng mga pamamaraang
ituturo sa iyo. Hindi magiging limitado ang iyong
sasabihiin o ipahayag kung matutunan mo ang
mga ito.

Gawain 1: Basahin at unawaing mabuti ang mga batayang pangungusap.


Subukang palawakin ang mga ito gamit ang tamang salita/parirala na
nasa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong sagutang-papel

pala kaninang umaga ang palengke


ng aking kapatid Dahil sa pandemya ang pinakamahusay
muna tunay nga
sa pamamagitan ng pondo

Batayang pangungusap:
1. Maganda ang nabili niyang bulaklak.
Pagpapalawak ng pangungusap:

Batayang Pangungusap:
2. Ang isinuot kong damit ay bigay sa akin.
Pagpapalawak ng pangungusap:

7
Batayang Pangungusap:
3. Marami ang nahihirapan sa panahon natin ngayon.
Pagpapalawak ng pangungusap:

Batayang Pangungusap:
4. Malaki ang pakinabang na natanggap ng pamilya sa panahon ng
pandemya.
Pagpapalawak ng Pangungusap:

Batayang Pangungusap:
5. Ikaw ang maiiwan sa bahay at kami’y aalis.
Pagpapalawak ng Pangungusap:

Batayang Pangungusap:
6. Umalis siya ng bahay patungong bayan.
Pagpapalawak ng Pangungusap:

Suriin

Sa pagsulat ng sanaysay, lathalain o sa pagbubuo ng sariling talumpati, maaari


kang mahirapan kung hindi mo alam kung papaano mapapalawak ang iyong mga
pangungusap. Alalahanin mo na ang pangungusap ay binubuo ng panaguri at paksa.
Ngayon, kailangan mong malaman kung paano mapapalawak ang panaguri
gayundin ang iyong paksa. Pansinin mula sa ibaba kung paano natin mapapalawak ang
pagpapahayag.
Ang panaguri at paksa ay panlahat na bahagi ng ng pangungusap. Ang panaguri
at paksa ay maaaring buuin pa ng maliliit na bahagi. Napapalawak ang pangungusap sa
mga maliliit na bahaging ito. Nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng panaguri at
paksa, at pagsasama o pag-uugnay ng dalawa o higit pang pangungusap.
Sa pagsusuri ng pangungusap ay tinitingnan kung paano ito pinalawak. Upang
masuri ang pagpapalawak ng pangungusap kailangang malaman ang mga paraan kung
paano ito ginagawa. Nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng panaguri at paksa
gayundin ang pagsasama-sama o pag-uugnay ng dalawa o higit pang pangungusap.
Hindi dapat na pinalawak lamang ang pangungusap, kailangang suriin ang kasanayan
at kaisahan ng pagpapalawak nito.
Pagpapalawak ng Pangungusap at Pagsusuri
Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpapalawak sa
panaguri sa tulong ng ingklitik, komplemento, pang-abay at iba pa. Napalalawak naman
ang paksa ng pangungusap sa tulong ng paksa at sa tulong ng atribusyon o
8
modipikasyon, pariralang lokatibo o panlunan, at pariralang naghahayag ng pagmamay-
ari.
Narito ang mga paraan:
Panaguri- Nagpapahayag tungkol sa paksa
1. Ingklitik – tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang
pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay.
Halimbawa:
Batayang Pangusap: Si Dilma Rousseff ang Pangulo ng Brazil.
 Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil.
 Si Dilma Rousseff ba ang pangulo ng Brazil?
2. Komplemento/Kaganapan – Tawag sa pariralang pangngalan na nasa panaguri na
may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng pandiwa. Sangkap ito sa
pagpapalawak ng pangungusap.
* Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng mamamayan.
(Tagaganap)
* Ang talumpating binigkas ni Dilma Rousseff ay para sa mga mamamayan
ng Brazil. (Tagatanggap)
 Ipagpatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng bayan. (Layon)
 Nagtalumpati ang pangulo sa plasa. (Ganapan)
 Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng
pagmamanipula sa mga panukat. (Kagamitan)
 Dahil sa pagbabagong ito, marami sa mga mamamayan ang natutuwa.
(Sanhi)
 Nagtungo ang mga tao sa harap ng palasyo upang makinig sa talumpati
ng pangulo. (Direksyunal)
3. Pang-abay – Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. Batayang
Pangungusap: Nagtalumpati ang pangulo. Pagpapalawak: Mahusay na
nagtalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga ang lahat.
Halimbawa:
 Marami rin ang nasa Luneta upang making ng talumpati.
Paksa – Ang pinag-uusapan sa pangungusap.
1. Atribusyon o Modipikasyon – May paglalarawan sa paksa ng
pangungusap
Halimbawa:
 Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay kong pangulo.
2. Pariralang Lokatibo/Panlunan – ang paksa ng pangungusap ay
nagpapahayag ng lugar.
3. Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari – Gamit ng panghalip na
nagpapahayag ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
 Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral
.
Pagsusuri sa Kasanayan at Kaisahan sa Pagsusuri ng Pangungusap

Mahalaga ang pagsusuri sa kasanayan at kaisahan sa pagsusuri sa


pangungusap. Sa kasanayan at kaisahan, nagiging gabay ang mga ito upang
malaman kung paano gagamitin ang bahagi ng pananalita sa pagpapalawak ng
pangungusap. Nasusuri na mula sa batayang pangungusap, nasasanay at
nagkakaroon ng kaisahan kung paano lumalawak ang pangungusap sa tulong ng
pagdaragdag ng salita at parirala na angkop sa ginawang pagpapalawak.

9
Pagyamanin 2

Gawain 2: Bumuo ng simple at pinalawak na pangungusap gamit ang


sumusunod. Gawin ito sa iyong papel.

Pagpapalawak ng Panaguri:

Ingklitik
1. (muna)

Pang-abay
2.(mabilis)

Komplemento/Kaganapan
3.(sa pamamagitan ng)

Pagpapalawak ng Paksa:
Atribusyon/Modipikasyon
4. (ang pinakamagaling)

Pariralng Lokatibo/Panlunan
5.(ang nasa plasa)

Pariralang Nagpapahayg ng Pagmamay-ari


6. (ang aking kapitbahay)

10
Isaisip

Gawain 3: Basahin at unawain ang maikling talata. Piliin mula sa pagpipilian ang
angkop na salitang ipupuno sa patlang. Gawin ito sa iyong papel.

Ang 1. _(ating, kanyang) bansa ay nakararanas ngayon ng


matinding suliranin, lalong- lalo na sa pagpasok 2. ____ (rito , dito) ng
pandemya ,ang COVID-19. Hindi lamang iisang tao ang nahihirapan kundi ang
buong bayan. Abalang-abala ang gobyerno sa pangangalap ng pondo 3. _
_(upang , maging) matustusan ang pangangailangan ng mamamayan.4.
_(Matiyagang , Magaling) pinag-uusapan ang mga paraang
nararapat gawin para sa ikabubuti ng lahat. Sa ngayon, maraming pagbabago ang
ipinatutupad. At 5. (ngunit , dahil) sa mga pagbabagong ito, marami sa
mamamayan ang nahihirapan kung paano maibigay ang pangangailangan ng
pamilya.

Karagdagang
Gawain 2

Gawain: Sumipi ng isang magandang talumpati mula sa internet, magasin o


sa iba pang aklat. Ibahagi kung anong uri ng talumpati at sabihin kung
ano ang layunin ng may- akda sa pagbabahagi nito. Ito ay maaaring
iprint o kopyahin.

11

You might also like